
Contractually Yours, Mr. De Santis
Isang kasunduang para sa paghihiganti. Isang pagsasamang bawal ang umibig.
Si Hanaya Madrigal, isang fourth year college student at namasukang maid sa mansiyon ng pamilya De Santis, ay hindi inakalang ang paggising sa kama ng kaniyang amo ang magiging simula ng isang kasunduan.
Si Sylus De Santis, ang mayamang tagapagmana at panganay na anak ng pamilya De Santis, na niloko ng sariling fiancée, ay nag-alok sa kaniya ng isang pekeng kasal kapalit ng malaking halaga—isang paghihiganting magpapabagsak sa babaeng minsang dumurog sa puso niya.
Tumanggi si Hanaya dahil may boyfriend siya, hanggang sa matuklasan niyang nagtataksil din pala ang lalaking minahal niya nang dalawang taon.
Wasak at nangangailangang ng pera, tinanggap niya ang alok ni Sylus.
Anim na buwan. Isang kontrata. Walang pag-ibig.
Ngunit paano kung ang mga halik na para lamang sa pagpapanggap ay maging totoo? Paano kung ang lalaking pinakasalan niya para sa pera ang siya palang magtuturo sa kaniya kung paano muling magmahal?
Read
Chapter: CHAPTER 5Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Sylus nang makita muli si Amara. Matagal na niyang iniiwasan ang babae dahil sa sakit na dinulot nito. At ngayong nakita niya itong muli ay muling sumibol ang galit sa dibdib niya. "What are you doing here?" Sa halip na si Sylus ang tingnan ni Amara ay nailipat kay Naya ang paningin niya. "Who's this girl, Sylus?" Tanong niya habang lumalapit. "Mukhang ito yung ex-fiancée na tinutukoy niya." Sa isip ni Naya habang pinagmamasdan ang babaeng kulot at mahaba ang buhok. Matangkad din ito at sexy. Elegante tingnan at halatang mayaman din. Tumayo na si Sylus kaya tumayo na rin si Naya mula sa kinauupuan. "I said what are you doing here in my house?" "Sy... I missed you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko sa'yo." "If you're not stupid, you will know the answer, Amara." "Oo na.. ilang beses na nga akong humingi ng tawad 'di ba? Pagkakamali ko 'yon. Kasalanan ko. Pero, Sy... nadala lang ako ng...tukso. Hindi na
Last Updated: 2026-10-22
Chapter: CHAPTER 4Nang sabihin ni Naya na pumapayag na siya ay agad siyang pinuntahan ni Sylus kahit na nasa ospital pa siya. At ngayon nasa labas sila, sa bandang garden ng ospital kung saan walang masyadong tao. Nakaupo sila sa upuan na may mga mesa na gawa sa bato. "So, gusto mong magpakasal tayo, umattend sa mga parties kasama ka, ngumiti sa publiko kasama ka, at magpanggap na mahal natin ang isa't isa, tama ba?" "Yes." "At gagawin natin 'yon para makapaghiganti ka sa ex mo na niloko ka. Para magselos at masaktan mo rin siya." "Correct," Napatitig si Naya kay Sylus. "Ibang klase rin talaga ang trip niyong mayayaman, ano? Kahit sino babayaran niyo makuha niyo lang ang satisfaction niyo," Pinagkrus ni Sylus ang mga braso niya at tiningnan din sa mata si Naya. "And you? Bakit ka pumayag? Anong nakapagpabago sa isip mo?""Nakikita mo naman na na-ospital ang lola ko. Kailangan ko agad ng pera para sa mga gamot niya. Tapos nandito ka at nag-aalok ng malaking pera kaya bakit hindi ko pa tatanggapi
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER 3Napaatras si Hanaya sa narinig. Anong marry me, be my wife? Baliw ba 'to?"Hindi po nakakatawa ang biro niyo, sir." Seryosong tumayo si Sylus mula sa pagkakakaupo sa kama. "Sino ba may sabing nagbibiro ako?" "Mr. De Santis, sabihin niyo na lang po kung tatanggalin niyo na ako. Hindi yung ganitong..." Hindi matuloy ni Hanaya ang sasabihin. "I told you, hindi kita tatanggalin. In fact, I'm gonna promote you." "Promote? Maid to wife?" "Exactly," Napaawang ang mga labi ni Hanaya. Seryoso talaga siya?"Pero bakit, sir?" Tumalikod si Sylus at dumiretso sa walk in closet nito. Kumuha siya ng black polo at black pants at sinuot ito. Pinanood ni Hanaya ang pagbibihis ni Sylus saka siya nag-iwas ng tingin."Because I want revenge. Niloko ako ng ex-fiancée ko. Niloko nila ako ng bestfriend ko na akala niya panalo na siya dahil pinatulan siya ng babaeng mahal ko. I want to hurt both of them too." Napalunok si Hanaya. "Pero sir, sinabi ko na sa inyo na may boyfriend ako at wala akong ba
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER 2"Fuck!" Sigaw ni Sylus sabay hagis ng cellphone niya nang makitang tumatawag na naman si Amara, ang ex-fiancée niya. Alam niyang mahal niya pa ito ngayon pero mas lamang ang galit na nararamdaman niya dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Amara.Last month lang nahinto ang engagement nila dahil nahuli niya si Amara na nakikipagtalik ito sa kaibigan niyang si Tyler. Kinuyom niya ang kamao habang nakaupo sa dulo ng kama niya. Nilibot niya ang paningin at mas naalala lang niya ang mga memories nilang dalawa ni Amara dito sa penthouse niya. Sa inis ni Sylus ay tumayo siya at kinuha ang mga gamit. Nagpasya siyang hindi na muna sa penthouse manatili dahil mas naaalala lang niya si Amara dito. Noong gabing 'yon ay agad siyang umuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya dahil hindi niya inaasahan na nakabukas ito. Wala namang naglalakas loob na pumasok sa kwarto niya noon pa man kaya hindi na niya iniiwan itong naka-lock. Pero sino itong babaeng nat
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER 1Pagkabukas pa lang ng mata ni Hanaya ay agad na niyang naramadaman ang kirot ng ulo niya dahil sa dami ng ininom niyang alak kagabi. Hanggang sa natigilan siya nang mapansin na may kakaiba: Una, nakahiga siya sa isang malaking kama na tiyak niyang hindi sa kanya. Black sheets. King size bed.Pangalawa, naamoy niya na parang may iba pang tao bukod sa kanya doon sa kwarto dahil sa pangmayaman na amoy ng paligid. At pangatlo.."Bakit wala akong damit?!" Bulalas niya habang tinitingnan sa ilalim ng kumot ang katawan niya. Tanging underwear na lang ang suot niya at nakakalat pa ang damit niya sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa kamang iyon."Bayad po," Natatandaan niyang inabot niya ang pamasahe sa taxi driver nang makarating na siya sa tapat ng isang mansyon na may malawak na hardin sa harapan. Mataas at malaki din ang gate nito na sumisigaw ng yaman ng may-ari. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong ng isang guard nang lu
Last Updated: 2026-10-21