author-banner
Urkhai
Urkhai
Author

Romans de Urkhai

Betrayed In Life, Reborn As The Villainess

Betrayed In Life, Reborn As The Villainess

"Ikaw ang nagsimula ng larong ito, Reign. Ngayong nakuha mo na ang buong atensyon ko, sa tingin mo ba hahayaan kitang umalis nang ganoon na lang?" Ibinigay ng sikat na surgeon na si Ruby ang lahat para sa pag-ibig, ngunit pagtataksil, pagkakakulong, at kamatayan ang naging sukli sa kanya. Sa pagmulat ng kanyang mga mata, natagpuan niya ang sarili sa katawan ni Reign—ang kinamumuhiang kontrabida sa isang nobela na nakatakdang mabulok din sa bilangguan dahil sa kahibangan nito sa malamig at walang-awang bilyonaryong si Arthur. Tapos na ang pagiging martir. Sa pangalawang pagkakataong ito, gagamitin ni Ruby ang kanyang talino sa medisina at tapang para baguhin ang kanyang kapalaran at pagbayarin ang lahat ng mapagkunwari sa kanyang paligid. Ngunit nang talikuran niya ang pag-ibig, ang dating lalaking handang sumira sa kanya ang siya namang pilit na nagtatali sa kanya sa isang kasal. Sa larong siya mismo ang bumago ng patakaran, sino ang unang mahuhulog—ang kontrabidang pagod nang magmahal, o ang lalaking sa kanya‘y handang sumugal.
Lire
Chapter: The true Villain
Chapter 5(Reign's POV)Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking pinto."Pasok," utos ni Arthur.Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope."Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder. "Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”Napatigil ako sa may pintuan. Agad
Dernière mise à jour: 2026-11-25
Chapter: Marriage Contract
Chapter 4(Reign's POV)Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?!Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto.Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan.Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya.Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi n
Dernière mise à jour: 2026-11-25
Chapter: Different Reign
Chapter 3(Reign's POV)Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag. "Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat. "A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!""Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan. "Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na
Dernière mise à jour: 2026-11-25
Chapter: Transmigrated as Villainess
Chapter 2(Reign's POV)Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan.“Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer."Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan.Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang sc
Dernière mise à jour: 2026-11-25
Chapter: Second Chance
Chapter 1 (Ruby’s POV)“Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.”Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito."Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!"Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos an
Dernière mise à jour: 2026-11-25
Vous vous intéresseriez aussi à
POWER OF DESIRE (FILIPINO)
POWER OF DESIRE (FILIPINO)
Romance · Jessica Adams
153.9K Vues
Hiding The CEO'S Baby
Hiding The CEO'S Baby
Romance · Zenshine
153.7K Vues
The Billionaire's Lawyer (R18+)
The Billionaire's Lawyer (R18+)
Romance · Mhai Villa Nueva
152.9K Vues
My Step-Brother Wants Me
My Step-Brother Wants Me
Romance · SANTIAGO
152.5K Vues
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status