เข้าสู่ระบบ
Chapter 1
(Ruby’s POV) “Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.” Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito. "Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!" Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos ang kanyang malaking tiyan. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo habang pinagmamasdan silang malayang ginagawa ang pagtataksil sa aking harapan. "Kung ako sayo, tanggapin mo na lang na ‘yan ang nangyari. Kesa sa itanggi ang katotohanan, mas mabuti pang ilaan mo ang labindalawang taon na pagsisihan ang mga ginawa mo." “Kahit kailan Yesha, hindi ako pumayag sa eksiperimentong ‘yon o sa kahit ano mang trials, at lalong lalo na hindi ko ibubuwis ang buhay ng mga tao alang-alang sa pera. Hindi ako kagaya mo,” Galit na sagot ko sa babae ng aking asawa. “Tama na Ruby, kung ano man ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Karma mo ‘yan. Umalis na tayo Yesha huwag mo na siyang pansinin at baka ikasama yan ng baby natin.” Halos masira ko ang bakal na nakaharang sa pagitan namin. Malakas akong nagsisigaw sa loob ngunit wala lang iyon sa aking asawa. Umalis na ang mga ito na may ngiti sa kanilang mga labi. Napa-upo ako sa sahig. Bumalik sa aking alaala ang kanilang mga mukha habang isa-isang pinakita sa akin ang mga pekeng dokumentong dahilan kung bakit sirang-sira ako ngayon. Ang tanga-tanga ko. Ibinuwis ko ang lahat-lahat, nag-trabaho ako para lang maibigay ang pangarap ni Justine para sana makabawi man lang dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Hindi ko sukat akalain na ito ang igaganti niya sa ‘kin. Ngayon ay wala ng natira para sa sarili ko, paano makakabangon ang kagaya kong nadungisan na ang pangalan ng mismong mga taong pinagkatiwalaan ko. “Hoy! ba't ba ang ingay-ingay mo? Hindi ka ba marunong rumespeto sa ‘min?” Agad-agad akong napatayo ng marinig ang boses ng kasamahan ko sa loob ng selda. Mga babae sila pero kung umasta ay daig pa ang mga lalaking na sa isang gang. “Boss, hayaan mo na mukang mayaman baka hindi lang siguro dito sanay." Gatong ng isa pa nitong kasama. "Mayaman? baka naman, peke at hindi sa kanya. Siguro galing sa masama ang perang naipon nito. Nahuli lang.” Nagsitawanan naman ang lahat ng nasa loob. Gustuhin ko mang sumagot ngunit natatakot ako sa pwedeng mangyari. Lumapit sa akin ang tinatawag nilang boss at napaatras naman ako. “Kung gusto mong tumagal rito. Marunong kang itikom ang bibig mo.” Napalunok ako. Para akong kakapusin ng hininga sa takot. Saka lang nakahinga ng maluwag ng tuluyan siyang umalis. Ngunit hindi ko inaasahan na umpisa pala iyon ng kalbaryo sa aking buhay. Ilang buwan ang lumipas at napuno ng takot ang aking mga gabi at pakikipagsapalaran naman sa umaga para makaligtas sa kapahamakan. Anim na buwan ang itinagal ng routine na iyon. Hindi ko alam ang mga posibleng mangyayari sa ‘n sa loob ngunit sana bigyan ako ng tadhana ng isa pang pagkakataon para magkaroon ng panibagong buhay. “Ruby!! Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na linisan mo ang palikuran natin ba’t ang dumi-dumi pa rin?” Ang sakit sa tainga ng sigaw na iyon. Agad akong tumayo kahit hindi pa ako tapos kumain. “Bakit ba sigaw ka ng sigaw? Eh, kung linisin mo kaya tutal hindi ka naman namin amo rito!” Sabat ko dahil namumuro na rin ito. “Aba boss, sumasagot na ‘yung aso natin. Parang lalaban na ata.” gatong ng kasama nito. “Tapang mo ah? May ibubuga ka ba?" Mabilis akong hinawakan ng dalawa pang preso sa magkabilang braso. Nagpumiglas ako ngunit ang lalakas nila, para bang sanay ito sa mga rambulan kahit na babae. "Sinabi ko naman sa ‘yo na itikom mo ang bibig mo hindi ba?” Galit na galit ito at ini-angat ang kamay para sana sampalin ako ngunit na hinto lang dahil pinigilan ng ibang preso. Nang dahil sa sinabi ko, tila nagising naman ang iba sa kanilang sarili at natutong ipaglaban ang kanilang karapatan. Nag-umpisa na ang mga ito na kwestyunin ang pagiging bossy ng isang preso lamang. Nagkasagutan ang lahat at nauwi sa isang riot. Sinubukan kong makaalis, makaiwas at makaligtas sa gulo. Ngunit ito na siguro ang panahon ko. Isang matalim na bagay ang bumaon sa aking likod habang sinusubukan kong tumakas sa kaguluhan. Hindi ko na magawang tignan ang salarin, agad akong natumba ng dumilim ang aking paningin. Ramdam ko ang pagkalat ng aking dugo. Isang saksak pala ang tatapos sa aking masalimuot na buhay.Chapter 5(Reign's POV)Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking pinto."Pasok," utos ni Arthur.Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope."Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder. "Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”Napatigil ako sa may pintuan. Agad
Chapter 4(Reign's POV)Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?!Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto.Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan.Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya.Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi n
Chapter 3(Reign's POV)Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag. "Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat. "A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!""Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan. "Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na
Chapter 2(Reign's POV)Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan.“Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer."Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan.Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang sc
Chapter 1 (Ruby’s POV)“Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.”Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito."Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!"Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos an







