เข้าสู่ระบบChapter 2
(Reign's POV) Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan. “Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer. "Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon. Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan. Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang scene na ‘yon. "Bilisan mo na para matapos na ‘to. Don’t make a scene again, Reign.” Napakamot ako ng aking ulo. Sobrang lamig nga ng lalaking ito bakit naman kasi na fall si Reign sa kanya. Umayos ako ng tayo para sa pagkuha ng litrato nang bigla kong naalala ang mga susunod na mangyayari sa librong ito. Natatandaan ko na pinagbibintangan dito si Reign na sinira ang gown ng female lead. Parehong pareho sa pag set-up sa ‘kin nina Justine ganoon din ang dinanas ni Reign. Siguro ito na ang pangalawang pagkakataon na ipinagkaloob sakin. Sa buhay na ito isa akong desperadang babae na gustong-gusto si Arthur. Pero iba ang mahal nito at dahil sa akin hindi sila nagkaroon ng masayang buhay. Dahilan para sirain ako ni Arthur. Kung alam ko rin naman ang susunod na scene, bakit hindi ko na lang kaya baguhin ang kapalaran ni Reign. Napangiti ako ng maisip ko ‘yon. Lumapit ako sa isang kabinet mabuti na lang at may nakita akong gunting. Walang pag-aalinlangan kong ginupit ang gown na aking suot. “Baliw ka ba?" Ngumiti ako kay Arthur at hinarap ang mga taong ngayon ay nakatingin sa ‘min. "Hmm, siguro nga baliw ako dahil pinagpipilitan ko ang sarili ko sa ‘yo. Pero gising na ako ngayon at gusto ko ng tapusin ang engagement natin,” nakangiti ko pa itong sinabi dahilan para mapasinghap ang lahat. Marahas na hinawakan ni Arthur ang aking kamay. “Pwede ba kung ginagawa mo lang ‘to para sa atensyon ko, you should stop. You're wasting our time with some pathetic drama, Reign.” Ay, ang sakit naman mag salita nito. Hindi ko na nga itutuloy ang kasal ang dami pang sinasabi. “No, Arthur. Seryuso ako, ititigil na natin ang kasal isa pa kaya mo lang naman ako pinipigilan dahil ayaw mong ilabas ko ang sekreto ng kapatid m–” “Subukan mong ituloy ‘yang sasabihin mo at pagsisisihan mo ito mamaya.” Napairap ako dahil sa pagiging suplado nito pero hinding hindi ako papatalo sa kanya. “I said what I said. I'm pulling this wedding off. Mas mabuti pang magpakasal ako sa isang estranghero kesa naman sa lalaking iba ang babaeng minamahal.” Malamig kong sagot. Ngumisi ito at bigla akong hinawakan sa bewang at pinihit papalapit sa kanya. “Tsk, have you met that stranger already?” Sa sobrang lapit niya sa akin ay hindi agad ako nakasagot. Mabilis ang pagtibok ng aking puso. Ano ka ba, self. Tandaan mo hindi mo ito katawan at bawal kang magkagusto sa lalaking ito dahil sisirain niya ang buhay ni Reign. Isa akong magaling na surgeon pero bakit naman sa isang desperadang babae ako napunta. Ay kainis! Mabilis kong itinulak nang marahan ang dibdib ni Arthur para makawala sa pagkakahawak niya sa aking bewang. Hindi ko gusto ang kakaibang init na dumadaloy sa katawan ko dahil lang sa sobrang lapit niya. Focus, Ruby. Hindi na ikaw ang dating mahina at madaling madala sa matatamis na kilos ng lalaki, paalala ko sa sarili ko. "Huwag mo akong hawakan nang ganyan, Arthur. Tapos na tayo," malamig kong sabi habang inaayos ang laylayan ng ginupit kong gown. Tiningnan niya ako nang mataman, tila sinusuri kung anong laro na naman ang ginagawa ko. Sa orihinal na nobela, kilala si Reign bilang isang babaeng gagawin ang lahat—magsisinungaling, magwawala, at mananakot—makuha lang ang atensyon ng lalaking ito. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lang ang pagdududa sa kanyang mga mata. "Kung akala mo ay madadala mo ako sa pa-reverse psychology mo, nagkakamali ka," malamig niyang tugon sabay pamulsa. "Hindi magugustuhan ng pamilya mo ang kahihiyang ginagawa mo ngayon." "Problema ko na 'yon," kibit-balikat kong sagot. Akmang tatalikod na ako para umalis sa studio nang biglang bumukas ang malaking p***o. Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng simpleng puting bestida, maamo ang mukha, at tila may dalang liwanag sa bawat hakbang. Kasunod niya ang dalawang assistant na maingat na may bitbit na isang malaking garment bag. Irish. Ang original female lead ng nobelang ito. Napatigil ang lahat sa studio. Maging ang mga photographer at makeup artist ay napatingin sa kanya. Nakita ko kung paano bahagyang lumambot ang kanina’y napakalamig na ekspresyon ni Arthur nang makita ang babae. Tsk. Sabi na nga ba. Ang bilis magbago ng timpla kapag nandiyan na ang tunay na minamahal. "Arthur? Nandito ka pa pala," mahinhing bati ni Irish, ngunit agad napako ang tingin niya sa akin—at sa gutay-gutay kong engagement gown. Nanlaki ang mga mata niya. "Reign? Anong nangyari sa damit mo?" "Wala. Mainit lang," kaswal kong sagot. Ngunit hindi roon natuon ang atensyon ko. Habang papalapit ang dalawang assistant ni Irish bitbit ang garment bag na naglalaman ng kanyang wedding dress—ang mismong damit na gagamitin daw para sa isang bridal campaign ng hotel group ni Arthur—isang pamilyar na amoy ang humalo sa air-conditioned na hangin ng studio. Kumunot ang noo ko. Bilang isang dating surgeon at bihasa sa iba't ibang kemikal sa laboratoryo, hindi maaaring magkamali ang pang-amoy ko. May bahagyang matapang at maasim na amoy na nagmumula sa loob ng nakabukas na zipper ng garment bag. Lumapit ako nang bahagya. Mula sa siwang ng plastik na takip, nakita ko ang laylayan ng mamahaling sutla at lace. May mantsa itong mamula-mula na unti-unting kumakalat at tila natutunaw ang hibla ng tela. Ito na 'yon. Sa orihinal na kuwento, sa eksenang ito lalapit si Reign, kunwaring madadapa, at matatapunan ng red wine o kemikal ang damit ni Irish. Pagkatapos ay makukulong si Reign dahil mapagbibintangang sinadya niyang sirain ang heirloom dress at muntik nang mapahamak si Irish dahil sa matapang na kemikal. "Wait," pigil ko nang akmang bubuksan na nang tuluyan ni Irish ang zipper ng garment bag para ipakita kay Arthur ang damit. "Huwag mong hahawakan 'yan." Natigilan si Irish at napatingin sa akin nang may pagtataka. "Bakit, Reign? May problema ba?" "Sira na ang damit na 'yan bago pa kayo pumasok dito," diretsa kong sabi. Napasinghap ang mga tao sa loob ng studio. Agad namang kumunot ang noo ni Arthur at lumapit sa amin. "Anong ibig mong sabihin?"Chapter 5(Reign's POV)Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking pinto."Pasok," utos ni Arthur.Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope."Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder. "Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”Napatigil ako sa may pintuan. Agad
Chapter 4(Reign's POV)Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?!Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto.Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan.Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya.Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi n
Chapter 3(Reign's POV)Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag. "Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat. "A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!""Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan. "Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na
Chapter 2(Reign's POV)Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan.“Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer."Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan.Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang sc
Chapter 1 (Ruby’s POV)“Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.”Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito."Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!"Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos an







