แชร์

Different Reign

ผู้เขียน: Urkhai
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 23:03:06

Chapter 3

(Reign's POV)

Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag.

"Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."

Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat.

"A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!"

"Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan.

"Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."

Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na parang ngayon lang nila nakita ang isang Reign na nagsasalita na parang isang eksperto sa siyensya. Sa totoo lang, kahit ako ay muntik nang makalimutan na hindi pala dapat alam ng isang spoiled heiress ang ganoong detalye.

Biglang namula ang mga mata ni Irish. Tumingin siya sa akin nang may halong takot at hinanakit, pagkatapos ay bumaling kay Arthur.

"Reign... alam kong galit ka sa akin dahil malapit kami ni Arthur," nanginginig ang boses na sabi ni Irish, halos paiyak na. "Pero hindi ko akalain na pati ang bridal dress na ipinagkatiwala sa akin ng kumpanya ay sisirain mo para lang mapahiya ako! May tao ka bang inutusan sa boutique para gawin ito?!"

Aba't magaling palang umarte ang babaeng ito. Sa libro, inosente at mabait si Irish. Pero ngayong kaharap ko na siya, nakikita ko kung gaano kabilis niyang binaliktad ang sitwasyon kahit na iniligtas ko na nga siya sa pagkapaso.

"Kung ako ang nagpasira niyan, Irish, sa tingin mo ba sasabihin ko pa sa 'yong huwag hawakan?" malamig kong sagot, hindi nagpatinag sa paawa niyang tingin. "Hinayaan na sana kitang isuot 'yan para maglapnos ang balat mo at mas lalo kang mapahiya sa harap ng media."

"Tama na," putol ni Arthur.

Mabigat ang bawat salita niya. Tiningnan niya ang garment bag, pagkatapos ay sinulyapan ang mga assistant ni Irish na ngayon ay namumutla na sa takot. Hindi tanga si Arthur. Isa siyang bilyonaryong negosyante na sanay bumasa ng kilos ng mga tao.

Nakita niyang nakatayo lang ako sa gitna ng studio mula pa kanina at ginupit ko pa ang sarili kong damit—wala akong pagkakataon para lapitan ang damit ni Irish.

"Ipadala ang damit na 'yan sa private laboratory ng hotel ngayon din. Alamin kung anong kemikal ang ginamit at suriin ang lahat ng CCTV footage mula sa boutique hanggang sa pagpasok nila sa building," utos ni Arthur sa kanyang tauhan na agad namang sumunod.

Bumaling si Arthur kay Irish. "Umuwi ka na muna, Irish. Magpahinga ka. Ako na ang bahalang mag-asikaso nito."

"Pero, Arthur—"

"Sabi ko, umuwi ka na," ulit ni Arthur, mas malamig na ngayon ang tono. Wala nang nagawa si Irish kundi ang sumunod, ngunit bago siya tuluyang lumabas ng p***o, nahuli ko ang mabilis ngunit matalim niyang sulyap sa akin.

Interesting. Mukhang hindi talaga siya kasing-inosente ng nasa nobela.

Nang makaalis si Irish, sumenyas si Arthur sa lahat ng staff at photographer na lumabas muna ng studio. Sa loob lang ng ilang segundo, kaming dalawa na lang ang natira sa malawak na silid.

Naglakad siya palapit sa akin, hawak pa rin ang malamig at mapanganib niyang aura.

Hinawakan niya ako sa braso—hindi marahas, ngunit sapat para hindi ako makatakbo—at iginiya palabas ng secret exit ng studio patungo sa kanyang pribadong opisina sa pinakamataas na palapag ng hotel.

Pagpasok namin sa opisina, agad niyang isinara ang p***o at sumandal doon habang nakatingin sa akin.

"Sino ka?" diretsa niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. "Huh? ulyanin ka pala ako si Reign."

"Ang Reign na kilala ko ay hindi alam ang pagkakaiba ng you're at your kaya lalong lalo na ang sulfuric compound at simpleng bleach," aniya habang dahan-dahang lumalapit. Napaangat ang aking kilay ng marinig ‘yon.

Gan’on ba ka bobo si Reign?

"Ang Reign na kilala ko ay iiyak, magwawala, at sisirain ang gamit ng iba para makuha ako—hindi ang sarili niyang engagement gown."

Huminga ako nang malalim. Hindi ako pwedeng magkamali ng sagot.

"Siguro ay nagigising na lang talaga ang isang tao kapag napuno na," sagot ko nang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

"Pagod na akong ipaglaban ang isang lalaking iba naman ang laman ng puso, Arthur. Kaya kung gusto mong ituloy ang pagpapabagsak sa akin dahil sa pagbabanta ko noon tungkol sa kapatid mo, huwag ka nang mag-abala. Ako na mismo ang tatapos sa engagement na 'to. Malaya ka na."

Akala ko ay matutuwa siya. Akala ko ay papayag siya agad at palalayasin ako sa opisina niya.

Ngunit sa halip na ngumiti, dumilim ang ekspresyon ni Arthur. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa bulsa ng kanyang amerikana at nag-dial ng isang numero.

"Attorney," malamig niyang sabi nang sagutin ang tawag. "Ihanda mo ang marriage contract namin ni Reign. Gusto kong pirmahan namin 'yon bukas na bukas din."

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa narinig. "A-ano?! Nababaliw ka na ba?! Kakasabi ko lang na ayoko nang magpakasal sa 'yo!"

Ibinaba ni Arthur ang telepono at humakbang palapit hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. Ang dating malamig at walang pakialam niyang mga mata ay tila nagliliyab ngayon sa kakaibang interes.

"Ikaw ang nagsimula ng larong ito, Reign," bulong niya sa mababang boses na nagpatindig ng balahibo ko.

"At ngayong nakuha mo na ang buong atensyon ko... sa tingin mo ba hahayaan kitang umalis nang ganoon na lang?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   The true Villain

    Chapter 5(Reign's POV)Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking pinto."Pasok," utos ni Arthur.Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope."Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder. "Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”Napatigil ako sa may pintuan. Agad

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Marriage Contract

    Chapter 4(Reign's POV)Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?!Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto.Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan.Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya.Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi n

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Different Reign

    Chapter 3(Reign's POV)Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag. "Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat. "A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!""Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan. "Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Transmigrated as Villainess

    Chapter 2(Reign's POV)Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan.“Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer."Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan.Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang sc

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Second Chance

    Chapter 1 (Ruby’s POV)“Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.”Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito."Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!"Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos an

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status