เข้าสู่ระบบChapter 4
(Reign's POV) Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?! Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto. Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya. Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi na ako magpapagamit kahit kanino. Itinulak ko nang marahan ang kanyang dibdib at humakbang paatras para bigyan ng espasyo ang pagitan naming dalawa. Itinaas ko ang aking baba, tiningnan siya nang diretso sa mata, at nagsalita nang may matigas na paninindigan. "Ang lakas rin ng trip mo eh noh," mariin kong sabi. "Bakit mo ipipilit ang kasal na 'to? Pareho nating alam na napilitan ka lang pumayag sa engagement natin para protektahan ang sikreto ng kapatid mo! Pinagbantaan ka lang ng dating ako, kaya wala kang pagpipilian kundi ang sumunod. Ngayong ako na mismo ang umaatras at nagbibigay sa 'yo ng kalayaan, dapat nga ay nagpapasalamat ka pa." Tinitigan niya ako nang matagal. Walang kahit anong bakas ng pagkagulat sa gwapo niyang mukha, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya na tila sinusukat ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. "Sa tingin mo ba ganoon kadali 'yon?" malamig niyang sagot, sabay talikod at lakad patungo sa kanyang malaking lamesang gawa sa mahogany. "Ginupit mo ang engagement gown mo sa harap ng buong production team sa loob mismo ng hotel ko. Sa loob lang ng ilang oras, kakalat ang balitang nagkagulo tayo—at siguradong nakarating na rin 'yon sa mga reporter na nag-aabang sa labas." Napakagat ako sa aking ibabang labi. Sa sobrang pagmamadali kong baguhin ang tadhana kanina, nakalimutan kong malaking kaganapan nga pala para sa kanila at media ang engagement photoshoot na iyon. "Kapag kinansela natin ang kasal ngayon," patuloy ni Arthur habang nakasandal sa gilid ng kanyang mesa at nakapamulsa, "magmumukhang may matinding hidwaan sa pagitan ng mga pamilya natin. Alam mo kung ano ang kasunod niyan, Reign. Gagamitin 'yan ng mga kalaban ko sa negosyo para halungkatin kung bakit tayo nagkasundo sa umpisa pa lang. At sa oras na magsimula silang mag-imbestiga, malalagay sa panganib ang kapatid ko." Napahinto ako at napaisip. May punto siya. Kapag nangalkal ang mga kalaban ni Arthur sa negosyo, siguradong lalabas ang iskandalo ng nakababata niyang kapatid—at dahil alam ni Arthur na ako ang may hawak ng impormasyong iyon noon, ako ang unang-una niyang pagbibintangan at gagantihan kung sakaling sumabog ang balita. "At isa pa," dagdag niya, bahagyang ibinaba ang tono ng kanyang boses ngunit nananatiling matalim ang tingin sa akin, "hindi ko kailangang magpakasal sa 'yo para lang sirain ka, Reign. Kung iyon ang iniisip mo, nagkakamali ka. Kung gusto kitang pabagsakin, kaya ko nang gawin 'yon ngayon din nang hindi itinatali ang sarili ko sa 'yo." Napataas ang kilay ko. Nabasa ba niya ang iniisip ko? Masyado bang halata sa mukha ko ang pagdududa? baka naman may powers ang lalaking ‘to. Huminga ako nang malalim at humalukipkip. Kung hindi pala paghihiganti ang habol niya sa pagpapatuloy ng kasal, ano ang gusto ng bilyonaryong ‘to? "Kung ganoon, ano ang gusto mo?" matapang kong tanong, hindi nagpapakita ng kahit katiting na takot. "Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking walang pagmamahal sa akin para lang maging dekorasyon sa mansyon ninyo. At lalong hindi ako papayag na maging alipin ng pamilya mo." "Isang taon," sabi niya nang walang pag-aalinlangan. "Isang taong contract marriage." Kumunot ang noo ko. "Contract marriage?" "Oo," kumpirma niya. "Sa harap ng publiko, ng media, at ng mga pamilya natin, ikaw ang legal na asawa ko. Gaganap tayo bilang maayos na mag-asawa para maprotektahan ang reputasyon ng hotel group at maisara ko nang maayos ang nalalapit naming merger. Pero sa loob ng pamamahay ko, may sarili kang kwarto, sariling oras, at sariling buhay. Walang pakialamanan, maliban na lang kung kailangan nating magsama sa mahahalagang business events." Naningkit ang mga mata ko habang pinag-aaralan ang alok niya. "At pagkatapos ng isang taon?" "Tahimik tayong maghihiwalay kapag humupa na ang isyu at ligtas na ang kapatid ko mula sa mga mata ng kalaban," patuloy ni Arthur. "Bilang kabayaran sa isang taong abala at kooperasyon mo, ibibigay ko sa 'yo ang tatlong daang milyong piso—nakapangalan mismo sa isang pribadong offshore account na walang sinuman ang makakagalaw, kahit ang sarili mong ama." Natigilan ako. Tatlong daang milyon. Biglang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nabasa ko sa nobela tungkol sa pamilya ng tunay na Reign. Sa kuwento, hindi naman talaga mahal ng ama at madrasta ni Reign ang dalaga. Ginagamit lang nila ito bilang pambayad-utang at tulay para makakuha ng pondo at pabor mula sa makapangyarihang pamilya ni Arthur at hindi iyon alam ng tunay na Reign dahil bulag ito sa pagmamahal niya sa lalaki. Tanging ang engagement lang na ito ang dahilan bakit naging pabor ang ama niya sa kanya. Sa katunayan, kapag nalaman ng ama ni Reign na sinira nito ang engagement ngayon, siguradong itatakwil siya nito, kukunin ang lahat ng kanyang credit cards, at ipapakasal siya sa ibang matandang negosyante para lang sa pera. Kung tatanggihan ko ang alok ni Arthur ngayon, lalabas ako sa hotel na ito nang walang pera, walang kakampi, at walang laban sa sarili kong pamilya. Kahit na isa akong magaling na surgeon sa dati kong buhay, dito sa mundong ito ay wala pa akong lisensya at pangalan. Kailangan ko ng puhunan, proteksyon, at oras para makatayo sa sarili kong mga paa. Pero kung tatanggapin ko ang kontratang ito, magkakaroon ako ng kalayaan mula sa mapang-abusong pamilya ni Reign. Magkakaroon ako ng sariling pera na hindi nila kayang nakawin, at magagawa kong kumuha ulit ng medical licensing exam nang walang nakikialam sa akin. Ito na siguro ang tamang panahon para makabangon. Tiningnan ko ulit si Arthur. Nakatayo pa rin siya roon, naghihintay ng sagot ko. "Hindi ako basta-basta pipirma nang nakapikit," matatag kong sagot, sinisigurong maririnig niya ang awtoridad sa boses ko. "Ipadala mo sa akin ang draft ng kontrata ngayong gabi. Babasahin ko ang bawat salita at kondisyon bago ako magdesisyon. At sinasabi ko sa 'yo, Arthur—kapag nakakita ako ng kahit isang butas na ikapapahamak ko o magbibigay sa 'yo ng karapatang kontrolin ang buhay ko, kalimutan mo nang nag-usap tayo." Bahagyang gumuhit ang isang maliit at nakakainis na ngisi sa gilid ng labi ni Arthur. Sa halip na mainis sa pagiging matapang ko, tila mas lalo pa siyang nasiyahan. "Fair enough," aniya sa mababang boses. "Ipapadala ko sa 'yo ang kontrata bago mag-alas otso ng gabi. Pero may isa akong kondisyon habang pinag-iisipan mo 'yan." "Ano?" "Simula ngayon, titigilan mo na ang panggugulo kay Irish."Chapter 5(Reign's POV)Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking pinto."Pasok," utos ni Arthur.Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope."Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder. "Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”Napatigil ako sa may pintuan. Agad
Chapter 4(Reign's POV)Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?!Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto.Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan.Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya.Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi n
Chapter 3(Reign's POV)Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag. "Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat. "A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!""Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan. "Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na
Chapter 2(Reign's POV)Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan.“Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer."Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan.Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang sc
Chapter 1 (Ruby’s POV)“Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.”Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito."Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!"Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos an







