แชร์

The true Villain

ผู้เขียน: Urkhai
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 23:17:33

Chapter 5

(Reign's POV)

Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?

"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."

Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking p***o.

"Pasok," utos ni Arthur.

Bumukas ang p***o at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope.

"Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder.

"Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”

Napatigil ako sa may pintuan. Agad akong lumingon at bumalik nang ilang hakbang palapit sa kanila. Maging si Arthur ay agad na kinuha ang envelope, pinunit ang selyo nito, at mabilis na inilabas ang ilang pirasong papel.

Habang binabasa ni Arthur ang resulta, nakita ko kung paano unti-unting kumunot ang kanyang noo at dumilim ang kanyang mga mata. Ang kaninang kalmado niyang ekspresyon ay napalitan ng matinding lamig.

"Anong nakalagay?" hindi ko napigilang magtanong, at lumapit na nang tuluyan sa harap ng mesa niya.

Hindi agad nagsalita si Arthur. Tumingin siya sa akin nang matagal, tila sinusuri ulit ang reaksyon ko, bago niya iniabot sa akin ang dokumento.

Kinuha ko ito at mabilis na binasa ang chemical analysis. Bilang isang taong sanay magbasa ng mga laboratory results, agad kong naintindihan ang bawat nakasulat doon. Tama ang hinala ko kanina—isang matapang na industrial solvent ang ginamit para tunawin ang hibla ng fabric.

Ngunit nang bumaba ang tingin ko sa pinakahuling bahagi ng report, biglang nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong mapanganga.

Ayon sa trace element analysis, bukod sa kemikal na tumunaw sa tela, may nakita ring bakas ng isang napakamahal at pambihirang botanical oil at preservative.

Sa ibaba nito, nakalagay ang tala mula sa laboratory chemist: ang kombinasyon ng mga sangkap na iyon ay matatagpuan lamang sa isang eksklusibo at custom-made na luxury hand cream—isang produktong ginagawa lamang para sa iisang kliyente sa buong bansa.

At ang kliyenteng iyon ay walang iba kundi si Irish.

Napaangat ako ng tingin kay Arthur. Tahimik lang si Secretary Leo sa gilid, nakayuko at halatang naghihintay ng utos.

Napangisi ako nang bahagya at ibinalik ang papel sa mesa ni Arthur.

"Well, well, well," mahina kong sambit, puno ng sarkasmo ang boses. "Mukhang hindi pala galing sa boutique ang sumira ng damit. At lalong hindi ako." dugtong ko at nag flip hair.

Hindi sumagot si Arthur, ngunit nakita ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa gilid ng kanyang mesa. Ang babaeng ipinagtanggol niya kanina—ang babaeng inakala niyang inosente, mahina, at biktima ng kasamaan ko—ay siya palang nagplano ng lahat para sirain ang sarili niyang damit at ibintang sa akin.

Mukhang hindi lang basta inosenteng bida ang babaeng mahal mo, Arthur, isip-isip ko habang nakatingin sa kanya. Marunong din palang maglaro ng marumi.

Tahimik pa rin ang buong opisina matapos kong ibalik ang forensic report sa mesa ni Arthur.

Si Secretary Leo ay nakatayo lang sa isang sulok, halatang naghihintay kung sasabog na ba sa galit ang boss niya. Sa totoo lang, kahit ako ay nag-aabang kung ano ang gagawin ng isang bilyonaryo kapag nalaman niyang niloko lang siya ng babaeng matagal na niyang pinoprotektahan.

Ngunit sa halip na magwala, kinuha lang ni Arthur ang papel, pinagmasdan ito nang ilang segundo, at saka malamig na nagsalita.

“Leo, ipatawag mo ang legal team. Gusto kong ipatawag si Irish ngayon din at—"

"Huwag," putol ko sa kanya.

Sabay na napatingin sa akin sina Arthur at Leo. Kumunot ang noo ni Arthur at sumandal sa kanyang swivel chair, pinagkrus ang kanyang mahahabang binti.

“At bakit hindi? Siya ang sumira sa sarili niyang damit at binaliktad ka sa harap ng mga tauhan ko."

Lumapit ako sa mesa niya at bahagyang yumuko, itinukod ang dalawa kong kamay sa gilid nito para magpantay ang tingin namin.

"Think like a strategist, Arthur. Ano ang nakalagay sa report na 'yan? Bakas lang ng isang botanical oil na ginagamit sa luxury hand cream niya. Wala tayong CCTV footage na nagpapakitang siya mismo ang nagbuhos ng kemikal sa damit."

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Arthur habang nakatingin sa malapit kong mukha.

"Kung ilalabas mo 'yan ngayon," patuloy ko, hindi pinapansin ang biglang pagbabago ng tingin niya, "madali lang para kay Irish ang umiyak sa harap ng media at sabihing baka nahawakan lang niya ang garment bag o may naglagay ng hand cream niya roon para i-frame up siya.

Dahil maamo ang mukha niya at kilala siyang mabait, kanino maniniwala ang mga tao? Sa kanya—o sa akin na kilalang kontrabida at baliw sa 'yo?"

Hindi sumagot si Arthur. Sa halip, dahan-dahan niyang inabante ang mukha palapit sa akin hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan namin. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko, pero pinilit kong hindi umatras para hindi niya makita na apektado ako.

"So you admit it," bulong niya sa mababang boses, may mapang-asar na ngisi sa labi.

"Baliw ka nga sa akin dati, Reign."

Napakurap ako at agad na napaayos ng tayo, sabay irap sa kanya. Bwisit. Nahuli pa ako sa sarili kong salita! Tarantado rin pala ‘to, pagbibigyan kita gwapo eh.

"Past is past, Arthur. Pinatay ko na ang babaeng 'yon kanina kasama ng ginupit kong gown," mataray kong sagot habang inaayos ang buhok ko. "Ang punto ko lang, itago mo muna ang report na 'yan. Hayaan mong isipin ni Irish na napaniwala niya tayo. Kapag naging kampante siya, siguradong gagawa ulit siya ng mas malaking pagkakamali—at doon natin siya huhulihin nang walang kawala."

Tinitigan niya ako nang matagal. Sa pagkakataong ito, wala na ang lamig at pagdududa sa mga mata niya. Napalitan iyon ng kakaibang paghanga at interes—parang ngayon lang siya nakakita ng isang babaeng hindi lang maganda, kundi kaya ring sumabay sa talino niya.

"Leo," tawag ni Arthur nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "I-archive mo ang report na 'yan. Walang lalabas na kahit anong balita tungkol sa nangyari sa studio."

"Masusunod po, Sir," sagot ni Leo bago tuluyang lumabas ng opisina.

Nang maiwan kaming dalawa, tumayo si Arthur at lumapit sa akin. Imbes na umatras, nanatili ako sa kinatatayuan ko. Huminto siya sa harap ko at inabot ang isang hibla ng buhok na tumatabing sa aking pisngi, maingat niya itong isinuksok sa likod ng tainga ko.

"You really are full of surprises, Reign," bulong niya, ang mainit niyang hininga ay dumampi sa noo ko. "Sa loob lang ng isang araw, parang ibang tao na ang kaharap ko. Mas matapang, mas matalino... at mas delikado."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   The true Villain

    Chapter 5(Reign's POV)Napairap ako nang hindi sinasadya. Anong tingin niya kay Irish, Gold?"Huwag kang mag-alala. Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, wala akong balak pag-aksayahan siya ng oras."Akmang tatalikod na ako para lumabas ng kanyang opisina nang biglang may tatlong magkakasunod na katok sa malaking pinto."Pasok," utos ni Arthur.Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kanang-kamay na si Secretary Leo. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagmamadali, at mahigpit nitong hawak ang isang selyadong brown envelope."Sir, pasensya na sa abala," magalang na sabi ni Leo sabay lapit sa mesa. "Narito na po ang paunang forensic report mula sa private laboratory tungkol sa wedding dress ni Miss Irish," magalang na sabi ni Leo sabay abot ng folder. "Tungkol naman po sa CCTV footage mula sa boutique hanggang sa loading bay, walang nakitang kahina-hinala. Nakasara na po ang garment bag paglabas nila ng VIP fitting room—kung saan walang nakakabit na camera.”Napatigil ako sa may pintuan. Agad

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Marriage Contract

    Chapter 4(Reign's POV)Parang nabingi ako sa sinabi niya. Marriage contract? Bukas na bukas din?!Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa napakaseryosong mukha ni Arthur. Sa sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko ang pinaghalong mamahaling pabango at matapang na aura ng isang lalaking sanay na laging nasusunod ang gusto.Ngunit sa halip na manghina ang tuhod ko gaya ng gagawin ng dating Reign, isang mapaklang tawa ang kumawala sa aking lalamunan.Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito, pero hindi ako ipinanganak kahapon. Lalong hindi ako ang dating Reign na magpapauto sa isang ngiti o lapit niya.Alam kong gusto mo lang ituloy ang kasalang ito para sirain ako, bulong ko sa sarili ko habang matapang na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Sa nobela, hinintay mo lang na makasal tayo bago mo unti-unting sirain ang pagkatao ko at itinapon ako sa kulungan. Pwes, Arthur, nagkakamali ka kung akala mong susunod pa rin ako sa plano mo. Hindi n

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Different Reign

    Chapter 3(Reign's POV)Hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip, itinuro ko ang ibabang bahagi ng garment bag. "Tingnan ninyo ang laylayan. May pulang mantsa na unti-unting sumisira sa tela. Hindi 'yan simpleng mantsa ng wine o pintura. Amoy pa lang, halatang may halong sulfuric compound o matapang na industrial solvent na dahan-dahang tumutunaw sa fibers ng silk. Kapag dumikit 'yan sa balat mo, Irish, magkakaroon ka ng malalang chemical burn."Napaatras si Irish at tinakpan ang kanyang bibig, tila gulat na gulat. "A-ano? Paano nangyari 'yon? Maayos pa ito noong kinuha namin sa boutique kanina!""Imposibleng kanina lang 'yan," kalmado kong paliwanag habang sinusuri ang pagkalat ng mantsa nang hindi ito hinahawakan. "Base sa lawak ng pagkatunaw ng tela at sa tindi ng singaw ng kemikal, mahigit tatlumpung minuto nang nakababad ang laylayan niyan. Ibig sabihin, bago pa kayo dumating sa hotel na ito, may naglagay na niyan sa loob."Tahimik ang buong studio. Lahat ay nakatingin sa akin na

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Transmigrated as Villainess

    Chapter 2(Reign's POV)Sa aking pagmulat mabilis akong tumingin sa paligid. Kumunot ang aking noo ng makita ang mga taong abala at may inaasikaso na tila isang paghahanda sa kasalan.“Okay, miss Reign another take tayo ha. Sabihin mo lang po kung tama na.” “A-ako?" napaturo ako sa aking sarili nang tawagin ako ng isang photographer."Ay yes po, ikaw lang naman po yung hindi matanggap ang ika 100 takes na picture niyo ni Sir, Arthur.” “Pinagsasabi mo ba?" bulalas ko at tiningnan ang aking katabi. Bumungad sa akin ang isang gwapo ngunit tila yelong lalaki dahil sa lamig ng kanyang ekspresyon.Doon ko napagtanto na wala ako sa prisento. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat hanggang sa narealize ko na wala ako sa totoong buhay kung hindi ay na sa isang nobela na pinakasikat. Base sa pagkakatanda ko habang binabasa ito isa akong kontrabida sa buhay nila Arthur at Irish ako ang sumisira ng kanilang pagmamahalan.Napasnap ako ng aking daliri. Tama na sa engagement photoshoot ako, ito ang sc

  • Betrayed In Life, Reborn As The Villainess   Second Chance

    Chapter 1 (Ruby’s POV)“Hindi ko alam na pagmamahal pala ang sisira sa buhay na matagal kong binuo. Pagtataksil pala ang tatapos sa pangarap ko.”Bulong ko habang hinihintay ang mga taong nag set-up sa ‘kin upang maisakatuparan ang kasamaan nila. Maya-maya pa ay dumating na ang mga ito."Anong ginawa ko sa 'yo para suklian mo ang pitong taong na pagsasakripisyo ko nang ganito?! Tinalikuran ko ang lahat para itayo 'tong ospital na pangarap mo, tapos ako pa ang ipapakulong mo sa kasalanang ikaw ang gumawa?!"Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit ang hawak sa rehas ng kulungan. Sa harap ko ay ang aking asawa na si Justine kasama ang babae nito na nakangisi na nakatingin sa gawi ko. “Oh c’mon Ruby, kitang-kita ng lahat ang mga dokumentong pinirmahan mo at nagpapatunay na ikaw ang umapubra ng eksperementong iyon. Kahit sarili mong sekretarya ay tumestigo laban sa ‘yo.” Tila ibang taong sagot ng aking asawa. Humawak naman sa balikat nito ang kanyang babae habang hinahaplos an

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status