Chapter: C5: Mag-divorce na TayoMASAKIT ang ulo ni Celestine nang magising siya. Nahihilo pa siya at pakiramdam niya para siyang masusuka.“Heto, lemon juice na may honey. Mabisang pantanggal ng hang over.” Ibinaba ni Liza ang baso sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa silya at hinarap ang kaibigan.“Anong oras na ba?”“Ten thirty na, best. Nandito ka nga pala sa apartment ko dahil ayaw mong umuwi kagabi kahit ilang beses ka naming pilitin ni Mister Bleed na umuwi sa bahay ninyo dahil maghintay sa iyo si Lander.”“At bakit naman niya ako hihintayin?” Ininom niya ang juice na ginawa ni Liza. Muli niyang tinignan ang reaksiyon ng kanyang kaibigan na pinanlalakihan ng mga mata.“Wala ka bang naalalang ginawa mo sa kanya?”Natatandaan niya ang ginawa niya. Inihagis niya ang heels niya rito dahil sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Harap-harapan talaga siyang tinatalikuran ni Lander at hindi siya nito itinuturing na asawa.Inubos niya ang laman ng baso at saka tumayo. “Salamat, Liza. Uuwi na ako para kumustahin kung n
Dernière mise à jour: 2026-11-23
Chapter: C4: Pagdating ni First LoveHINIHILOT ni Lander ang kanyang noo pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Mister Bleed sa kanya.“Ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon?” nalilito niyang tanong dito.“Boss, sa tingin ko nagbago na si Ma'am Celestine.”Nakakunot ang kanyang noo nang tingalain niya si Mister Bleed. “Sa tingin mo nagiging matino na siya? She's twenty three pero iyong isip niya hindi pa mature.”“At thirty na po kayo, boss. Kailangan siguro ninyong mag-adjust.”Pinalo ni Lander ang kanyang lamesa. Nagulat si Mister Bleed sa kanyang ginawa. “Sinasagot mo na ako ngayon?”“Hi-Hindi naman, boss. Pasensiya na po kayo.” Hinging paumanhin pa nito at muling tumayo sa may kaliwa niya. “Dito po ba didiretso si Miss Ivory?”“Iyon ba ang sinabi ng manager niya? May sinabi na ba sila sa iyo tungkol sa pagdating niya rito?” sunod-sunod niyang tanong dito kahit na naririnig naman niyang pinag-uusapan na iyon ng mga empleyado niya kanina.“Boss, iyon din ang sinabi ni Ma'am Celestine.”“Again?” singhal niya rito.Bu
Dernière mise à jour: 2026-11-23
Chapter: C3: Hindi PinapahalagahanUMAGOS ang luha sa mga mata ni Celestine habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng kanyang walk in closet. Hindi na pinapansin ni Lander ang mga tantrums niya. Mukhang sanay na ito na ganoon siya kaya naman alam na nito ang mga dapat gawin.Nagsasawa na siya na ganito siya itrato ni Lander. Ginagawa naman niya ang lahat para sa kanyang asawa. Prinoprotektahan niya ang pangalan ng kanilang pamilya. Hindi siya gumagawa ng eskandalo kahit na gustong-gusto niyang manabunot ng mga haliparot na babae.Ano ba ang mali sa kanya? Mali ba na mahalin niya si Lander at ibuhos niya ang kanyang oras dito? Mali ba na nabaliw siya sa asawa niya kaya siya nasasaktan ngayon? Mali ba na nagmakaawa siya noon sa Lolo Vincent nito na ipakasal siya nito kay Lander kahit alam niyang may ibang mahal ito? Kinakarma na ba siya dahil naging selfish siya o dahil hindi lang talaga sila ni Lander ang itinadhana para sa isa't isa?Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. Ang sabi niya hindi na siya iiyak. A
Dernière mise à jour: 2026-11-23
Chapter: C2: Kasunduan“BAKIT tayo uuwi?” tila naiinis pa na tanong ni Celestine sa kanya.Gusto lang naman niyang mapag-isa at huminga sandali. Pagod na siya sa trabaho at pagod na rin siya pag-iintindi sa kanyang pamilya. Walang nang ibang bukambibig ang kanyang Ina kun'di ang pagkakaroon ng apo.Sa loob ng tatlong taon hindi niya maalala kung may nangyari ba sa kanila ni Celestine. Palagi niya itong iniiwasan at hindi rin siya madalas na umuwi sa kanilang mansion.“Gusto mo bang manatili sa lugar na iyon kasama ang mga lalaking halos wala ng suot?” seryosong tanong niya rito. Nasa loob sila ng kanilang sasakyan at minamaneho iyon ni Mister Bleed.Mula sa rear view mirror ay kitang-kita niya ang pagngiti ni Mister Bleed.“Nagselos ba ako noong halos sipsipin ka na na mga higad na nasa tabi mo? Nagagalit ka ngayon sa akin pero ikaw itong nag-enjoy kanina.”Matalim niya itong tinignan. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at pinuntahan mo pa ako?”“Wedding anniversary natin ngayon, nakalimutan mo na na? Ah, oo
Dernière mise à jour: 2026-11-23
Chapter: C1: Ang Babaeng Palaban"MA’AM CELESTINE…” ikaanim na beses nang sinasabi sa kanya iyon ni Mister Bleed, ang assistant ng kanyang asawa na si Lander.Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Bakas ang butil-butil na pawis sa noo nito na ilang beses na rin nitong pinahid.“Wala ba sa building na ito ang asawa ko? Pagkatapos niyang maisara ang one hundred million na investment naging busy na ba siya?” naiinis na tanong niya rito.“Ma'am…”“Shut up! Ayokong umabot ng sampung tanong, Mister Bleed. Sabihin mo na ngayon kung nasaan si Lander.”Itinuro nito ang pinto ng isang VIP Room. Nag-angat siya ng isang kilay at saka nagtungo sa tapat no’n.“Ma'am Celestine, ang ma-mabuti pa po si-siguro a-ako na lang ang pa-papasok. Ma-May mga kasama po kasi si boss,” nauutal pang sabi nito sa kanya.Masama niya itong tinignan kaya naman nagyuko na lamang ito ng ulo sa kanyang tabi. Mula sa loob ay maririnig niya ang tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan.Ilang beses na ba iyong ginawa sa kanya ni Lander? Tuwing birt
Dernière mise à jour: 2026-11-23