เข้าสู่ระบบMASAKIT ang ulo ni Celestine nang magising siya. Nahihilo pa siya at pakiramdam niya para siyang masusuka.
“Heto, lemon juice na may honey. Mabisang pantanggal ng hang over.” Ibinaba ni Liza ang baso sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa silya at hinarap ang kaibigan.
“Anong oras na ba?”
“Ten thirty na, best. Nandito ka nga pala sa apartment ko dahil ayaw mong umuwi kagabi kahit ilang beses ka naming pilitin ni Mister Bleed na umuwi sa bahay ninyo dahil maghintay sa iyo si Lander.”
“At bakit naman niya ako hihintayin?” Ininom niya ang juice na ginawa ni Liza. Muli niyang tinignan ang reaksiyon ng kanyang kaibigan na pinanlalakihan ng mga mata.
“Wala ka bang naalalang ginawa mo sa kanya?”
Natatandaan niya ang ginawa niya. Inihagis niya ang heels niya rito dahil sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Harap-harapan talaga siyang tinatalikuran ni Lander at hindi siya nito itinuturing na asawa.
Inubos niya ang laman ng baso at saka tumayo. “Salamat, Liza. Uuwi na ako para kumustahin kung nakaiwas ba si Lander o hindi.”
“Ano ba kasing nangyayari sa iyo? Gusto mo ba siyang p@tayin?”
Natawa si Celestine sa reaksiyon ng kanyang kaibigan. “Mukha ba akong mamat@y tao? Sige na, aalis na ako at huwag mo na akong ihatid.” Kinuha niya ang kanyang jacket at handbag sa may couch bago siya lumabas.
Pupunta rin siya ngayon sa office dahil may usapan sila ni Attorney Salas. Naayos na kasi nito ang mga ipinapagawa niya. Matagal niya itong pinag-isipan at nakahanda na siya sa mga kundisyon niya upang tuluyang tuldukan ang kanilang pagsasama ni Lander.
PAGDATING ni Celestine sa kanilang bahay ay nakita niya sa may receiving area si Lander. Seryoso ito habang nakaupo ng diretso sa couch at naka-cross legs.
Nagtama ang kanilang mga mata at sa titig nito sa kanya alam na niya na may nagawa siyang hindi maganda.
May band aid ang kaliwa nitong pisngi na kaagad niyang napansin.
“Mabuti naman at nakauwi ka na? Tapos ka na bang gawin ang mga gusto mo, Celestine? Hindi ka pa ba nagsasawa na paulit-ulit mong pinapataas ang dugø ko, ha?” malakas na tanong nito sa kanya.
Linapitan niya ito habang hawak ang isang piraso ng kanyang high heels. “Masama bang mag-enjoy ako kasama ng kaibigan ko? Hindi naman kita pinapakialaman sa mga gusto mong gawin, ‘di ba? Hindi nga kita tinatanong nitong mga nakaraang buwan kung saan ka pupunta at kung sino ang mga kasama mo. Bakit ngayon bigla mo na lang sasabihin sa akin iyan? Concern, ka na ba sa akin, ha?” mapang-asar na tanong niya rito.
“Celestine Marie Agoncillo!”
Kinagat niya ang ibabang labi niya. Seryoso na ito ngayon dahil binanggit nito ang buong pangalan niya.
“Hindi ka ganito dati. Kung paraan mo ito para lang takutin na naman ako sa p'wede mong gawin sa sarili mo, please lang tumigil ka na. Hindi na ako natatakot sa mga pagbabanta mo sa sarili mo para lang manatili tayong dalawa sa marriage nating ito,” malamig na sabi nito sa kanya. Walang emosyon at hindi ito guilty.
“Nagbabago ang tao, Mister Lander Ruston Monter. At hindi na ako ang dating si Celestine Marie Agoncillo na takot na takot na iwan mo. Hindi na ako iiyak kung sakaling sumama ka sa first love mo at iwan mo ako. Hindi na ako natatakot na baka ibaling mo sa iba ang pagmamahal mo dahil tanggap ko na ang katotohanan na hindi mo ako kailanman minahal. Lander, tapusin na natin ito. Mag-divorce na tayo.”
Napatayo si Lander sa kinauupuan nito. Gulat na gulat ang reaksiyon nito hanggang sa bigla na lang itong tumawa at napahawak pa sa noo.
“Are you crazy?”
“Hindi ako nagbibiro,” seryosong sagot niya rito.
“Pagkatapos mong magmakaawa sa Lolo ko na pakasalan kita? Ngayon naman gusto mong makipag-divorce sa akin. Celestine, naka-dr#gs ka ba?”
Nagsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. Hindi siya nagbibiro ngunit hindi naman ito naniniwala.
“Alam mo siguro lasing ka pa kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Ang mabuti pa maligo ka at magpahinga. Kulang ka lang sa tulog kaya matulog ka pa. Ibibili kita ng bagong pares ng red high heels.” Inayos ni Lander ang nagusot na gray suit nito at saka ngumiti sa kanya. “Huwag kang gumawa ng bagay na p'wede mong pagsisihan.” Hinawakan pa nito ang kanyang balikat bago ito umalis.
“Hindi ako nagbibiro!” malakas na sigaw niya rito.
Hindi siya nito liningon at tuluyang umalis na ng kanilang bahay.
Naiinis na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa couch. Hindi siya nito pinaniniwalaan dahil marami siyang ginawa noong kabaliwan. Maniniwala lang siguro ito kapag hawak na niya ng divorce agreement nila.
Gusto niyang sumigaw nang malakas na malakas. Naiinis siya rito at nagagalit.
NAKIPAGKITA siya kay Attorney Salas sa isang coffee shop. Ipinaliwanag nito sa kanya kung gaano katagal ang proseso. One year to three years ang proseso ngunit mapapabilis kung ngayon pa lang pipirmahan na ni Lander ang divorce papers nila.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Attorney Salas ay nakita naman siya ni Ivory. Napataas pa ang sulok ng kanyang mga labi dahil kulay itim na ang kahapon lamang ay red na buhok nito. Bukod doon hindi na rin ito seksing manamit. Bumalik si Ivory sa dating style ng pananamit nito katulad sa kanya na palaging long sleeves at trousers ang suot.
“Naligaw ka ba?” maanghang na tanong niya rito.
“Ikaw talaga ang sadya ko rito. Pinatapos ko lang ang pag-uusap ninyo ng matandang lalaki na kasama mo kanina. Iba na ba ngayon ang type mo, Celestine? Old man?” bumungisngis pa ito sa kanyang harapan. Kitang-kita tuloy niya ang mapuputi nitong veneers.
“So? Ano naman ang pakialam mo doon?”
“Celestine, hindi ka ba magso-sorry sa akin?” mahina nitong tanong sa kanya.
“At bakit ako magso-sorry sa iyo? Wala akong natatandaan na kasalanan ko. Kung may kailangan akong hingan ng sorry, si Lander lang iyon. Alam mo noon na may gusto ako kay Lander kaso nga lang imbes na isipin mo ang mararamdaman ko, sinagot mo pa siya. Naging two timer ka at iyon ang totoo kaya bakit ako magso-sorry sa iyo?”
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Ivory. “Nag-iimbento ka na naman, Celestine. Diyan ka magaling, e. Magaling ka talagang gumawa ng kuwento para mapalabas mo na ikaw ang inosente sa ating dalawa.”
“Dahil iyon talaga ang totoo at hindi ako natatakot sa iyo.” Tinawag niya ang waiter na kaagad namang lumapit sa kanya. “Isama mo na sa bill ko ang coffee na order niya. Lumapit kasi siya sa akin dahil wala raw siyang pambayad.” Itinaas niya ang kanyang black card at ibinigay sa waiter.
Nanggagalaiti sa galit si Ivory nang bumalik ang waiter kanilang harapan.
“Ikaw na ang bahala sa frenemy ko, ha. Bigyan mo ng kape iyong kasing tapang niya para hindi naman siya ma-offend.” Nginitian pa ni Celestine ang waiter bago talikuran nang may ngiti sa kanyang mga labi si Ivory.
Akala siguro nga babaeng iyon mati
tiklop siya nito. P'wes hindi siya nito kilala. Kayang-kaya niya itong itupi sa walo!
MASAKIT ang ulo ni Celestine nang magising siya. Nahihilo pa siya at pakiramdam niya para siyang masusuka.“Heto, lemon juice na may honey. Mabisang pantanggal ng hang over.” Ibinaba ni Liza ang baso sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa silya at hinarap ang kaibigan.“Anong oras na ba?”“Ten thirty na, best. Nandito ka nga pala sa apartment ko dahil ayaw mong umuwi kagabi kahit ilang beses ka naming pilitin ni Mister Bleed na umuwi sa bahay ninyo dahil maghintay sa iyo si Lander.”“At bakit naman niya ako hihintayin?” Ininom niya ang juice na ginawa ni Liza. Muli niyang tinignan ang reaksiyon ng kanyang kaibigan na pinanlalakihan ng mga mata.“Wala ka bang naalalang ginawa mo sa kanya?”Natatandaan niya ang ginawa niya. Inihagis niya ang heels niya rito dahil sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Harap-harapan talaga siyang tinatalikuran ni Lander at hindi siya nito itinuturing na asawa.Inubos niya ang laman ng baso at saka tumayo. “Salamat, Liza. Uuwi na ako para kumustahin kung n
HINIHILOT ni Lander ang kanyang noo pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Mister Bleed sa kanya.“Ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon?” nalilito niyang tanong dito.“Boss, sa tingin ko nagbago na si Ma'am Celestine.”Nakakunot ang kanyang noo nang tingalain niya si Mister Bleed. “Sa tingin mo nagiging matino na siya? She's twenty three pero iyong isip niya hindi pa mature.”“At thirty na po kayo, boss. Kailangan siguro ninyong mag-adjust.”Pinalo ni Lander ang kanyang lamesa. Nagulat si Mister Bleed sa kanyang ginawa. “Sinasagot mo na ako ngayon?”“Hi-Hindi naman, boss. Pasensiya na po kayo.” Hinging paumanhin pa nito at muling tumayo sa may kaliwa niya. “Dito po ba didiretso si Miss Ivory?”“Iyon ba ang sinabi ng manager niya? May sinabi na ba sila sa iyo tungkol sa pagdating niya rito?” sunod-sunod niyang tanong dito kahit na naririnig naman niyang pinag-uusapan na iyon ng mga empleyado niya kanina.“Boss, iyon din ang sinabi ni Ma'am Celestine.”“Again?” singhal niya rito.Bu
UMAGOS ang luha sa mga mata ni Celestine habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng kanyang walk in closet. Hindi na pinapansin ni Lander ang mga tantrums niya. Mukhang sanay na ito na ganoon siya kaya naman alam na nito ang mga dapat gawin.Nagsasawa na siya na ganito siya itrato ni Lander. Ginagawa naman niya ang lahat para sa kanyang asawa. Prinoprotektahan niya ang pangalan ng kanilang pamilya. Hindi siya gumagawa ng eskandalo kahit na gustong-gusto niyang manabunot ng mga haliparot na babae.Ano ba ang mali sa kanya? Mali ba na mahalin niya si Lander at ibuhos niya ang kanyang oras dito? Mali ba na nabaliw siya sa asawa niya kaya siya nasasaktan ngayon? Mali ba na nagmakaawa siya noon sa Lolo Vincent nito na ipakasal siya nito kay Lander kahit alam niyang may ibang mahal ito? Kinakarma na ba siya dahil naging selfish siya o dahil hindi lang talaga sila ni Lander ang itinadhana para sa isa't isa?Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. Ang sabi niya hindi na siya iiyak. A
“BAKIT tayo uuwi?” tila naiinis pa na tanong ni Celestine sa kanya.Gusto lang naman niyang mapag-isa at huminga sandali. Pagod na siya sa trabaho at pagod na rin siya pag-iintindi sa kanyang pamilya. Walang nang ibang bukambibig ang kanyang Ina kun'di ang pagkakaroon ng apo.Sa loob ng tatlong taon hindi niya maalala kung may nangyari ba sa kanila ni Celestine. Palagi niya itong iniiwasan at hindi rin siya madalas na umuwi sa kanilang mansion.“Gusto mo bang manatili sa lugar na iyon kasama ang mga lalaking halos wala ng suot?” seryosong tanong niya rito. Nasa loob sila ng kanilang sasakyan at minamaneho iyon ni Mister Bleed.Mula sa rear view mirror ay kitang-kita niya ang pagngiti ni Mister Bleed.“Nagselos ba ako noong halos sipsipin ka na na mga higad na nasa tabi mo? Nagagalit ka ngayon sa akin pero ikaw itong nag-enjoy kanina.”Matalim niya itong tinignan. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at pinuntahan mo pa ako?”“Wedding anniversary natin ngayon, nakalimutan mo na na? Ah, oo
"MA’AM CELESTINE…” ikaanim na beses nang sinasabi sa kanya iyon ni Mister Bleed, ang assistant ng kanyang asawa na si Lander.Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Bakas ang butil-butil na pawis sa noo nito na ilang beses na rin nitong pinahid.“Wala ba sa building na ito ang asawa ko? Pagkatapos niyang maisara ang one hundred million na investment naging busy na ba siya?” naiinis na tanong niya rito.“Ma'am…”“Shut up! Ayokong umabot ng sampung tanong, Mister Bleed. Sabihin mo na ngayon kung nasaan si Lander.”Itinuro nito ang pinto ng isang VIP Room. Nag-angat siya ng isang kilay at saka nagtungo sa tapat no’n.“Ma'am Celestine, ang ma-mabuti pa po si-siguro a-ako na lang ang pa-papasok. Ma-May mga kasama po kasi si boss,” nauutal pang sabi nito sa kanya.Masama niya itong tinignan kaya naman nagyuko na lamang ito ng ulo sa kanyang tabi. Mula sa loob ay maririnig niya ang tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan.Ilang beses na ba iyong ginawa sa kanya ni Lander? Tuwing birt







