เข้าสู่ระบบUMAGOS ang luha sa mga mata ni Celestine habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng kanyang walk in closet. Hindi na pinapansin ni Lander ang mga tantrums niya. Mukhang sanay na ito na ganoon siya kaya naman alam na nito ang mga dapat gawin.
Nagsasawa na siya na ganito siya itrato ni Lander. Ginagawa naman niya ang lahat para sa kanyang asawa. Prinoprotektahan niya ang pangalan ng kanilang pamilya. Hindi siya gumagawa ng eskandalo kahit na gustong-gusto niyang manabunot ng mga haliparot na babae.
Ano ba ang mali sa kanya? Mali ba na mahalin niya si Lander at ibuhos niya ang kanyang oras dito? Mali ba na nabaliw siya sa asawa niya kaya siya nasasaktan ngayon? Mali ba na nagmakaawa siya noon sa Lolo Vincent nito na ipakasal siya nito kay Lander kahit alam niyang may ibang mahal ito? Kinakarma na ba siya dahil naging selfish siya o dahil hindi lang talaga sila ni Lander ang itinadhana para sa isa't isa?
Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. Ang sabi niya hindi na siya iiyak. Ang sabi niya dapat sanay na siyang masaktan ngunit bakit ngayon patuloy an nadudurog ang puso niya.
Tumunog ang kanyang cellphone at sinagot ang kanina pa niya hinihintay na tawag sa kanya ni Liza, ang matalik niyang kaibigan.
“Confirmed na, best. Dumating na nga si Ivory and… confirm na rin na may appointment siya ngayon sa company ng asawa mo. So, what's the plan, girl?”
Bumuga siya ng hangin at napailing. “Samahan mo ako ngayon, best. Dalawin natin si Lolo Vincent.” Iyon ang sinabi niya sa halip na patulan ang kaibigan na dati niyang ginagawa.
“O-Okay…”
Tinapos na niya ang pakikipag-usap sa kaibigan at napahawak sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya hindi siya makahinga.
Dumating na ang first love ni Lander. Nakakasiguro siya na muling magiging masaya ang kanyang asawa. At tuluyan na itong mawawalan ng oras sa kanya.
BUMABA ng hagdan si Celestine at nakita niya si Mister Bleed. Alam na niya kung bakit naroon ito. Kabisado na niya ang dahilan.
“Bumalik ka na sa office, Mister Bleed. Gagamitin ko na ang kotse ko dahil magkikita kami ni Liza. Pakisabi na lang kay Lander na hindi ko na kailangan ng chaperon.” Nilampasan na lamang niya ang matanda.
“Pero, Ma'am Celestine…”
Binalingan niya ito na may seryosong tingin. “Sundin mo na lang ang sinabi ko, Mister Bleed. Mas kailangan ka sa office at wala naman akong ibang gagawin kun'di pumunta sa memorial park para dalawin si Lolo Vincent. Isa pa, darating ngayon si Ivory, kailangan naroon ka sa office para salubungin siya. Mapapagod kasi ang boss mo kung gagawin niya iyong mag-isa.”
Hindi nakaimik si Mister Bleed sa sinabi niya. Sanay na siya sa ganoon kapag totoo ang sinasabi niya hindi na ito kumikibo.
Pinapataatag niya ang kanyang loob at pinipilit na huwag umiyak. Ngunit hindi na niya magawang kontrolin ang kanyang emosyon. Nasasaktan siya… at sobrang sakit nang ginagawa ni Lander ngayon sa kanya.
Three months ago, naayos na niya ang lahat. Sa Amerika sila ikinasal ni Lander, at ten years silang tumira doon na magkasama. Kasama nila noon si Ivory, at mag-bestfriend sila nito. Naging malapit sina Ivory at Lander dahil sa kanya. At ang akala niya noon nakababatang kapatid lang ang tingin ni Lander sa kanya kaya siya mismo ang naging kupido ng dalawa. Hanggang sa pareho silang nag-graduate ni Ivory sa college.
Nagpakalasing siya dahil sa sama ng loob at upang masabi niya noon kay Lander ang tunay niyang nararamdaman. Iyon nga lang iba ang nangyari dahil nakita sila ng Lolo Vincent nito at alam nito na matagal na niyang gusto si Lander. Doon nagsimula ang lahat sa pakikiusap niya sa Lolo Vincent nito. Akala niya pinakasalan siya ni Lander dahil mahal din siya nito pero hindi pala. Pinakasalan lang siya nito dahil sa pakiusap ni Lolo Vincent. Isa siyang ulila at lumaki sa orphanage. Wala siyang ibang pamilya kun'di si Lolo Vincent at sa poder na siya nito tumira hanggang sa magdalaga siya.
Ginawa naman niya ang lahat upang maging karapat-dapat sa pagmamahal ni Lander. Sinubukan niyang maging wife material na kayang ipagmalaki ng kanilang mga asawa. Hanggang sa tuluyan na siyang mapagod at isa lang ang gusto niya ngayon ang makalaya sa relasyon nila ni Lander at ang umalis sa anino ng kanyang asawa.
“Ma'am Celestine, baka magalit si boss kapag hindi ko siya sinunod.” Habol pa nito sa kanya sa may garahe.
Isinuot niya ang kanyang itim na sunglasses. “Matutuwa siya kapag bumalik ka sa office niya. Don't worry, Mister Bleed. Wala akong dalang maleta. Wala rin akong balak na magtago para lang magpapansin sa kanya at utusan kang hanapin ako. Hindi ko na uulitin iyong mga ginawa ko noon. Ayoko na kasing makaabala pa.” Binuksan niya ang p*nto ng kanyang kotse. Pumasok siya roon at isinara ang pintuan. Hindi na niya hinintay na magsalita si Mister Bleed.
Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at nakita niya sa labas ng gate nila si Liza. Sumakay ito sa loob ng kanyang kotse at nag-seat belt pa.
“Kinakabahan ako sa ikinilos mo ngayon, Celestine. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap.”
Binalingan niya ang kanyang kaibigan na nasa kanyang tabi. Itinaas niya ang kanyang suot na sunglasses at napangiti.
“Okay lang ako, Liza. Pagkatapos nating dalawin si Lolo Vincent pupunta tayo sa bar.” Kinindatan pa niya ang kanyang kaibigan na gulong-gulo ang isip dahil sa kanyang mga ikinikilos.
“Nakainom ka ba ng gamot mo?” pagbibiro pa nito sa kanya.
“Huwag kang nerbiyosa, best. Immune na sa sakit ang puso ko,” pagsisinungaling niya na pinilit na tumawa nan
g malakas kahit na deep inside umiiyak ang puso niya.
MASAKIT ang ulo ni Celestine nang magising siya. Nahihilo pa siya at pakiramdam niya para siyang masusuka.“Heto, lemon juice na may honey. Mabisang pantanggal ng hang over.” Ibinaba ni Liza ang baso sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa silya at hinarap ang kaibigan.“Anong oras na ba?”“Ten thirty na, best. Nandito ka nga pala sa apartment ko dahil ayaw mong umuwi kagabi kahit ilang beses ka naming pilitin ni Mister Bleed na umuwi sa bahay ninyo dahil maghintay sa iyo si Lander.”“At bakit naman niya ako hihintayin?” Ininom niya ang juice na ginawa ni Liza. Muli niyang tinignan ang reaksiyon ng kanyang kaibigan na pinanlalakihan ng mga mata.“Wala ka bang naalalang ginawa mo sa kanya?”Natatandaan niya ang ginawa niya. Inihagis niya ang heels niya rito dahil sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Harap-harapan talaga siyang tinatalikuran ni Lander at hindi siya nito itinuturing na asawa.Inubos niya ang laman ng baso at saka tumayo. “Salamat, Liza. Uuwi na ako para kumustahin kung n
HINIHILOT ni Lander ang kanyang noo pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Mister Bleed sa kanya.“Ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon?” nalilito niyang tanong dito.“Boss, sa tingin ko nagbago na si Ma'am Celestine.”Nakakunot ang kanyang noo nang tingalain niya si Mister Bleed. “Sa tingin mo nagiging matino na siya? She's twenty three pero iyong isip niya hindi pa mature.”“At thirty na po kayo, boss. Kailangan siguro ninyong mag-adjust.”Pinalo ni Lander ang kanyang lamesa. Nagulat si Mister Bleed sa kanyang ginawa. “Sinasagot mo na ako ngayon?”“Hi-Hindi naman, boss. Pasensiya na po kayo.” Hinging paumanhin pa nito at muling tumayo sa may kaliwa niya. “Dito po ba didiretso si Miss Ivory?”“Iyon ba ang sinabi ng manager niya? May sinabi na ba sila sa iyo tungkol sa pagdating niya rito?” sunod-sunod niyang tanong dito kahit na naririnig naman niyang pinag-uusapan na iyon ng mga empleyado niya kanina.“Boss, iyon din ang sinabi ni Ma'am Celestine.”“Again?” singhal niya rito.Bu
UMAGOS ang luha sa mga mata ni Celestine habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng kanyang walk in closet. Hindi na pinapansin ni Lander ang mga tantrums niya. Mukhang sanay na ito na ganoon siya kaya naman alam na nito ang mga dapat gawin.Nagsasawa na siya na ganito siya itrato ni Lander. Ginagawa naman niya ang lahat para sa kanyang asawa. Prinoprotektahan niya ang pangalan ng kanilang pamilya. Hindi siya gumagawa ng eskandalo kahit na gustong-gusto niyang manabunot ng mga haliparot na babae.Ano ba ang mali sa kanya? Mali ba na mahalin niya si Lander at ibuhos niya ang kanyang oras dito? Mali ba na nabaliw siya sa asawa niya kaya siya nasasaktan ngayon? Mali ba na nagmakaawa siya noon sa Lolo Vincent nito na ipakasal siya nito kay Lander kahit alam niyang may ibang mahal ito? Kinakarma na ba siya dahil naging selfish siya o dahil hindi lang talaga sila ni Lander ang itinadhana para sa isa't isa?Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. Ang sabi niya hindi na siya iiyak. A
“BAKIT tayo uuwi?” tila naiinis pa na tanong ni Celestine sa kanya.Gusto lang naman niyang mapag-isa at huminga sandali. Pagod na siya sa trabaho at pagod na rin siya pag-iintindi sa kanyang pamilya. Walang nang ibang bukambibig ang kanyang Ina kun'di ang pagkakaroon ng apo.Sa loob ng tatlong taon hindi niya maalala kung may nangyari ba sa kanila ni Celestine. Palagi niya itong iniiwasan at hindi rin siya madalas na umuwi sa kanilang mansion.“Gusto mo bang manatili sa lugar na iyon kasama ang mga lalaking halos wala ng suot?” seryosong tanong niya rito. Nasa loob sila ng kanilang sasakyan at minamaneho iyon ni Mister Bleed.Mula sa rear view mirror ay kitang-kita niya ang pagngiti ni Mister Bleed.“Nagselos ba ako noong halos sipsipin ka na na mga higad na nasa tabi mo? Nagagalit ka ngayon sa akin pero ikaw itong nag-enjoy kanina.”Matalim niya itong tinignan. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at pinuntahan mo pa ako?”“Wedding anniversary natin ngayon, nakalimutan mo na na? Ah, oo
"MA’AM CELESTINE…” ikaanim na beses nang sinasabi sa kanya iyon ni Mister Bleed, ang assistant ng kanyang asawa na si Lander.Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Bakas ang butil-butil na pawis sa noo nito na ilang beses na rin nitong pinahid.“Wala ba sa building na ito ang asawa ko? Pagkatapos niyang maisara ang one hundred million na investment naging busy na ba siya?” naiinis na tanong niya rito.“Ma'am…”“Shut up! Ayokong umabot ng sampung tanong, Mister Bleed. Sabihin mo na ngayon kung nasaan si Lander.”Itinuro nito ang pinto ng isang VIP Room. Nag-angat siya ng isang kilay at saka nagtungo sa tapat no’n.“Ma'am Celestine, ang ma-mabuti pa po si-siguro a-ako na lang ang pa-papasok. Ma-May mga kasama po kasi si boss,” nauutal pang sabi nito sa kanya.Masama niya itong tinignan kaya naman nagyuko na lamang ito ng ulo sa kanyang tabi. Mula sa loob ay maririnig niya ang tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan.Ilang beses na ba iyong ginawa sa kanya ni Lander? Tuwing birt







