เข้าสู่ระบบHINIHILOT ni Lander ang kanyang noo pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Mister Bleed sa kanya.
“Ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon?” nalilito niyang tanong dito.
“Boss, sa tingin ko nagbago na si Ma'am Celestine.”
Nakakunot ang kanyang noo nang tingalain niya si Mister Bleed. “Sa tingin mo nagiging matino na siya? She's twenty three pero iyong isip niya hindi pa mature.”
“At thirty na po kayo, boss. Kailangan siguro ninyong mag-adjust.”
Pinalo ni Lander ang kanyang lamesa. Nagulat si Mister Bleed sa kanyang ginawa. “Sinasagot mo na ako ngayon?”
“Hi-Hindi naman, boss. Pasensiya na po kayo.” Hinging paumanhin pa nito at muling tumayo sa may kaliwa niya. “Dito po ba didiretso si Miss Ivory?”
“Iyon ba ang sinabi ng manager niya? May sinabi na ba sila sa iyo tungkol sa pagdating niya rito?” sunod-sunod niyang tanong dito kahit na naririnig naman niyang pinag-uusapan na iyon ng mga empleyado niya kanina.
“Boss, iyon din ang sinabi ni Ma'am Celestine.”
“Again?” singhal niya rito.
Bumuga siya ng hangin at itinuon ang kanyang atensiyon sa mga files na kailangan niyang pirmahan. Clothing Line Company ang negosyo ng kanyang pamilya at si Ivory, isang sikat na runway model ngayon sa Australia at U.S.A.
Bumukas ang p*nto ng kanyang opisina at sabay silang napatingin ni Mister Bleed doon. Pumasok si Ivory, kasunod ng baklang handler nito at isa pang babae na siya sigurong assistant ni Ivory.
“Hi, Lander. It's nice to be back. How are you, darling?” tanong nito sa kanya na may ngiti sa mga labi.
Ibang-iba na si Ivory. Mapupula ang mga labi nito, makinang ang mga mata sa suot na contact lense, mahaba ang mga pilik-mata at may class manamit.
Tumayo si Lander at inilahad ang kanyang kamay sa harapan nito. “I'm fine. Take a seat.”
Tinanggap nito ang kanyang pakikipag-kamay ngunit sandali lang. “Ang formal mo naman, Lander. Para namang wala tayong pinagsamahan. Dumaan na nga pala ako sa advertising team ninyo at nakausap ko na rin sila. I'm not expecting you to contact me dahil sobrang busy ng mga schedules ko lately.”
Umupo si Lander sa kanyang leather chair. “Mister Bleed, kailangan ko ng files ngayon at contract agreements para sa working loads ni Miss Ivory.”
“Lander, gusto mo na ba akong paalisin kaagad. Mama May and Franz, p'wede na ninyo akong iwan dito. Gusto kong makausap ang matalik kong kaibigan na si Lander. Marami kaming pagkukuwentuhan, right?” nakangiting tanong pa nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng pagkailang dito. Hindi na katulad ng dati kung magsalita si Ivory, mahinhin lang ito dati ngunit ngayon prangka na ito at mukhang sanay na sanay na sa pakikipag-usap.
“Ang mabuti pa siguro sa labas na lang tayo mag-usap?” suggestion niya rito para makaiwas na rin sa mga tsismosa niyang empleyado na naging kaibigan ng kanyang asawa.
“Sure… why not. Basta hindi ako susugurin ni Celestine, ha? Balita ko kaso masiyado siyang selosa na para bang anytime p'wede kang mawala sa kanya. Hindi na siya nasanay sa trabaho mo. It's pure business naman.”
“Mabuti ka pa naiintindihan mo ako, Ivory.”
Hinawakan nito ang kanyang braso ngunit kaagad ding binitawan. “I'm sorry. Nakalimutan ko na off limits ka nga pala. Yup, I understand you, Lander. All these years iyan pa rin ang ginagawa ko… ang unawain ka.”
“Ivory…”
Mabilis itong umiling. “I'm just kidding. Let's go.”
Sabay silang lumabas ni Ivory sa kanyang office. Ngunit nakasunod sa kanya si Mister Bleed. Ito na rin ang magmaneho ng kanilang sasakyan patungo sa isang Michelin Restaurant. Inaasahan ng kanyang mga empleyado na darating si Ivory kaya nagpa-reserve sila ng table para dapat sa manager ni Ivory at sa kanya.
“Boss, dito na lang ako sa parking lot maghihintay.”
“Mister Bleed, magiging awkward naman kung dalawa lang kami ni Lander. Please, sumama ka na sa amin.”
Hindi naman nakatanggi si Mister Bleed sa pakiusap ni Ivory kahit na napipilitan lamang ito.
Habang kumakain sila ay maraming ikinukuwento si Ivory tungkol sa career nito sa pagiging isang model. Hindi niya napansin ang pagdaan ng oras kaya naman alas singko na ng hapon sila nakaalis sa restaurant dahil sa tagal ng kanilang pagkukuwentuhan.
“P'wede mo ba akong ihatid na lang sa isang bar na malapit dito?” mahinang tanong ni Ivory sa kanya.
“Sure.” Matipid na sagot niya rito.
Inihatid niya sa bar si Ivory ngunit napakunot ang kanyang noo nang makita sa may parking area si Celestine. Inalalayan ni Liza at mukhang lasing na lasing pa.
“Is that, Celestine?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ivory habang nakatingin sa dalawang magkaibigan.
Nilapitan niya si Celestine ngunit sinundan siya ni Ivory.
Nagulat si Liza nang makita sila nito na magkasama. Napakunot naman ang noo ni Celestine nang makita sila ni Ivory.
Pumalpak pa ito at saka isinandal ang likod sa may gilid ng kotse nito. “Nice. Magkasama pala kayo ng one great true love mo, Lander. Nakakatuwa. I'm happy.” Naiiyak na sabi nito sa kanila.
“Ang mabuti pa iuuwi na kita, Celestine. Lasing na lasing ka na. At ikaw naman Liza, sana hindi mo hinayaan na magpakalasing ang kaibigan mo.”
“Huwag mo ngang sermunan ang kaibigan ko, Lander. Huwag mo nga akong pinapakialaman sa mga ginagawa ko ngayon. Masaya ako kaya ako uminom! At wala ka ng pakialam doon, okay? Three years mo na rin akong pinapahirapan at three years mo na rin akong sinasaktan. Siguro nga naging selfish ako. Siguro nga masiyado akong baliw sa iyo pero minahal kita… minahal kita ng sobra at higit pa.” Tumulo ang luha sa mga mata ni Celestine na mabilis din niyang pinahid. “Huwag mo akong subukang pauwiin. Uuwi ako mag-isa sa bahay natin na mas malamig pa sa freezer.”
“Ivory, halika na. Lasing si Celestine.” Hinawakan niya ang braso nito at tumalikod silang dalawa.
“Celestine… hindi mo ba ako matawag na asawa kahit minsan lang, Lander?” puno ng hinanakit na tanong nito sa kanya.
Hindi niya kinibo ang kanyang asawa. Imbes na iiwan niya si Ivory sa bar ay ipinagbukas niya ito ng p*nto ng kanyang sasakyan.
Nang makapasok si Ivory ay sumigaw si Celestine. Malakas nitong sinabi na napakasama niya. Sabay hagis nito ng heels nitong pula patungo sa kanya. Hindi siya nakaiwas kaya tumama iyon sa kaliwa niyang pisngi.
“Magsama kayo! Maging masaya sana kayo!” muling sigaw pa nito.
Hanggang sa bigla na lang matumba ang kanyang asawa sa tabi ni Liza dahil sa sobrang kalasingan nito.
Sinulyapan lamang niya ang dalawa. Nilapitan niya si Mister Bleed at sinabihan itong maiwan upang may umalalay sa kanyang asawa.
“Dumudugo ang kaliwa mong pisngi, Lander,” nag-aalalang sabi ni Ivory sa kanya.
“I'm fine. Ihahatid na lang kita sa hotel,”
seryosong sabi niya rito na hindi man lang sinusulyapan ang dalagang nag-aalala sa kanya.
MASAKIT ang ulo ni Celestine nang magising siya. Nahihilo pa siya at pakiramdam niya para siyang masusuka.“Heto, lemon juice na may honey. Mabisang pantanggal ng hang over.” Ibinaba ni Liza ang baso sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya sa silya at hinarap ang kaibigan.“Anong oras na ba?”“Ten thirty na, best. Nandito ka nga pala sa apartment ko dahil ayaw mong umuwi kagabi kahit ilang beses ka naming pilitin ni Mister Bleed na umuwi sa bahay ninyo dahil maghintay sa iyo si Lander.”“At bakit naman niya ako hihintayin?” Ininom niya ang juice na ginawa ni Liza. Muli niyang tinignan ang reaksiyon ng kanyang kaibigan na pinanlalakihan ng mga mata.“Wala ka bang naalalang ginawa mo sa kanya?”Natatandaan niya ang ginawa niya. Inihagis niya ang heels niya rito dahil sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Harap-harapan talaga siyang tinatalikuran ni Lander at hindi siya nito itinuturing na asawa.Inubos niya ang laman ng baso at saka tumayo. “Salamat, Liza. Uuwi na ako para kumustahin kung n
HINIHILOT ni Lander ang kanyang noo pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Mister Bleed sa kanya.“Ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon?” nalilito niyang tanong dito.“Boss, sa tingin ko nagbago na si Ma'am Celestine.”Nakakunot ang kanyang noo nang tingalain niya si Mister Bleed. “Sa tingin mo nagiging matino na siya? She's twenty three pero iyong isip niya hindi pa mature.”“At thirty na po kayo, boss. Kailangan siguro ninyong mag-adjust.”Pinalo ni Lander ang kanyang lamesa. Nagulat si Mister Bleed sa kanyang ginawa. “Sinasagot mo na ako ngayon?”“Hi-Hindi naman, boss. Pasensiya na po kayo.” Hinging paumanhin pa nito at muling tumayo sa may kaliwa niya. “Dito po ba didiretso si Miss Ivory?”“Iyon ba ang sinabi ng manager niya? May sinabi na ba sila sa iyo tungkol sa pagdating niya rito?” sunod-sunod niyang tanong dito kahit na naririnig naman niyang pinag-uusapan na iyon ng mga empleyado niya kanina.“Boss, iyon din ang sinabi ni Ma'am Celestine.”“Again?” singhal niya rito.Bu
UMAGOS ang luha sa mga mata ni Celestine habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng kanyang walk in closet. Hindi na pinapansin ni Lander ang mga tantrums niya. Mukhang sanay na ito na ganoon siya kaya naman alam na nito ang mga dapat gawin.Nagsasawa na siya na ganito siya itrato ni Lander. Ginagawa naman niya ang lahat para sa kanyang asawa. Prinoprotektahan niya ang pangalan ng kanilang pamilya. Hindi siya gumagawa ng eskandalo kahit na gustong-gusto niyang manabunot ng mga haliparot na babae.Ano ba ang mali sa kanya? Mali ba na mahalin niya si Lander at ibuhos niya ang kanyang oras dito? Mali ba na nabaliw siya sa asawa niya kaya siya nasasaktan ngayon? Mali ba na nagmakaawa siya noon sa Lolo Vincent nito na ipakasal siya nito kay Lander kahit alam niyang may ibang mahal ito? Kinakarma na ba siya dahil naging selfish siya o dahil hindi lang talaga sila ni Lander ang itinadhana para sa isa't isa?Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. Ang sabi niya hindi na siya iiyak. A
“BAKIT tayo uuwi?” tila naiinis pa na tanong ni Celestine sa kanya.Gusto lang naman niyang mapag-isa at huminga sandali. Pagod na siya sa trabaho at pagod na rin siya pag-iintindi sa kanyang pamilya. Walang nang ibang bukambibig ang kanyang Ina kun'di ang pagkakaroon ng apo.Sa loob ng tatlong taon hindi niya maalala kung may nangyari ba sa kanila ni Celestine. Palagi niya itong iniiwasan at hindi rin siya madalas na umuwi sa kanilang mansion.“Gusto mo bang manatili sa lugar na iyon kasama ang mga lalaking halos wala ng suot?” seryosong tanong niya rito. Nasa loob sila ng kanilang sasakyan at minamaneho iyon ni Mister Bleed.Mula sa rear view mirror ay kitang-kita niya ang pagngiti ni Mister Bleed.“Nagselos ba ako noong halos sipsipin ka na na mga higad na nasa tabi mo? Nagagalit ka ngayon sa akin pero ikaw itong nag-enjoy kanina.”Matalim niya itong tinignan. “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at pinuntahan mo pa ako?”“Wedding anniversary natin ngayon, nakalimutan mo na na? Ah, oo
"MA’AM CELESTINE…” ikaanim na beses nang sinasabi sa kanya iyon ni Mister Bleed, ang assistant ng kanyang asawa na si Lander.Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Bakas ang butil-butil na pawis sa noo nito na ilang beses na rin nitong pinahid.“Wala ba sa building na ito ang asawa ko? Pagkatapos niyang maisara ang one hundred million na investment naging busy na ba siya?” naiinis na tanong niya rito.“Ma'am…”“Shut up! Ayokong umabot ng sampung tanong, Mister Bleed. Sabihin mo na ngayon kung nasaan si Lander.”Itinuro nito ang pinto ng isang VIP Room. Nag-angat siya ng isang kilay at saka nagtungo sa tapat no’n.“Ma'am Celestine, ang ma-mabuti pa po si-siguro a-ako na lang ang pa-papasok. Ma-May mga kasama po kasi si boss,” nauutal pang sabi nito sa kanya.Masama niya itong tinignan kaya naman nagyuko na lamang ito ng ulo sa kanyang tabi. Mula sa loob ay maririnig niya ang tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan.Ilang beses na ba iyong ginawa sa kanya ni Lander? Tuwing birt







