The Billionaire Contract Marriage
Upang makalikom ng pambayad sa operasyon ng kaniyang maysakit na ina, pumayag si Arianne na maging asawa sa kontrata ng mayaman, dominante, at malamig na negosyanteng si Lucas Valdez. Ang kasunduan: magpapanggap silang mag-asawa sa loob ng dalawang taon, at pagkatapos ay maghihiwalay nang walang kalakip na damdamin.
Sa simula, puro utos at paggalang lang ang naipapalitan nila. Malayo ang trato ni Lucas istrikto, mapagmataas, at laging pinapaalala na negosyo lamang ang lahat. Pero habang tumatagal, unti-unting nakikita ni Arianne ang ibang bahagi niya ang taong pagod, nag-iisa, at takot magmahal.
Dumating ang mga pagsubok: inggit, maling akala, at ang takot na baka huli na ang lahat nang marealize nilang mahal na nila ang isa't isa. Sa huli, kailangan nilang harapin ang tanong mananatili ba silang magkasama dahil sa kontrata, o mananatili dahil sa pagmamahal na hindi nila inaasahang mabubuo?
อ่าน
Chapter: Chapter 5ARIANNE'S POVMaaga pa lang ay gising na ako.Hindi dahil sa alarm. Hindi rin dahil sa sanay na akong gumising nang maaga. Gising ako dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit kong iniisip ang araw na ito. Ang unang beses na ipapakilala ako ni Lucas sa mundo niya. Ang unang beses na kailangan kong magpanggap na ako ang asawa niya sa harap ng maraming tao.Tumayo ako at tumingin sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Halata ang puyat at kaba.Inihanda ko ang sarili ko nang dahan-dahan, na parang bawat galaw ay kailangan kong pag-isipan. Naligo ako nang matagal, hinayaan ang mainit na tubig na dumaloy sa balikat ko, umaasang mawawala kahit kaunti ang bigat sa dibdib ko. Pero hindi. Nandoon pa rin.Sinuot ko ang damit na iniwan niya sa kama ko kagabi. Itim. Elegante. Simple pero halatang mamahalin. Hindi ito yung tipong damit na isusuot ko sa normal na araw. Ang tela ay malambot, dumidikit sa katawan ko sa tamang paraan, at nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, halo
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: Chapter 4ARIANNE'S POVAlas-sais kalahati pa lang ay nakabihis na ako. Pinili ko ang isang simpleng damit na kulay krem hindi masyadong magarbo pero maayos tingnan, at malayo sa ipinagbawal niyang kulay puti. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit pakiramdam ko parang pupunta ako sa isang eksamen na hindi ko alam ang mga sagot? Alas-siyete na nang bumaba ako. Tahimik ang buong bahay, tanging ang tunog ng mga hakbang ko sa hagdanan ang naririnig ko. Pagdating ko sa hapag-kainan, nandoon na siya.Nakaupo siya sa dulo ng mahabang mesa, nakabasa ng dyaryo habang may kape sa kaniyang kaliwang kamay. Tumingin siya sa relo sa kaniyang pulso nang marinig niya ang paglapit ko."Limang minuto bago mag-alas-siyete," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. "Hindi masama ang pagiging maaga. Pero huwag mong sanayin ang sarili mo na parating maaga ka lang dahil takot ka. Gawin mo dahil alam mong tama 'yan."Umupo ako sa upuang itinuro niya sa kabilang dulo ng mesa, malayo sa kaniya. Parang dalawang es
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: Chapter 3ARIANNE'S POVPagpasok ko sa loob ng mansyon, bumungad sa akin ang katahimikan. Malawak ang sala, makintab ang sahig, at magaganda ang mga gamit — pero walang init. Parang museo na pinaglalagyan lang ng mga mamahaling bagay na hindi dapat hawakan o galawin. Tahimik ang paligid, tanging ang sarili kong paghinga lang ang naririnig ko habang nakatayo ako sa gitna ng malawak na espasyong ito na ngayon ay tahanan ko na rin — kahit alam kong pansamantala lang ang lahat ng ito.Nasa hagdanan si Lucas nang dumating ako. Nakapamulsa siya at nakatingin sa akin mula sa itaas, ang kaniyang tindig ay tuwid at matikas, ang ekspresyon ng mukha ay walang bakas ng kahit anong emosyon. Para bang nakatingin lang siya sa isang estranghero na napasok sa kaniyang teritoryo."Umakyat ka dito," utos niya nang walang pagbabago ang tono — malamig, direkta, at hindi pwedeng tanggihan.Sumunod ako. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang inaakyat ko ang hagdanang makintab at malinis. Dinala niya ako sa pinakadul
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: Chapter 2ARIANNE'S POV"At basahin mo nang maigi ang bawat talata. Ayokong may hindi ka naiintindihan."Inilapag ni Lucas ang makapal na dokumento sa ibabaw ng mesa. Ang boses niya ay matigas at walang emosyon, tila nakikipag-usap lang siya sa isang empleyado at hindi sa babaeng kakasalan niya. Umupo ako at dahan-dahang binuksan ang kontrata. May labing-dalawang pahina ito, at sa bawat pahina ay nakasulat ang mga tuntunin na dapat kong sundin.‘Sa loob ng dalawang taong kasal, ang Asawang Babae ay dapat sumunod sa lahat ng utos ng Asawang Lalaki. Hindi siya makikipagtalo, hindi siya magsasagot, at hindi siya gagawa ng anumang bagay na makasisira sa reputasyon ng pamilya Valdez.’Napahinga ako nang malalim. Mabigat ang bawat salita. Tumingin ako sa kaniya."Lucas, pwede bang magtanong?"Tinaas niya ang isang kilay habang nakakrus ang kaniyang mga braso sa harap ng dibdib. "Sige. Pero huwag mong pahabain ang usapan. Marami pa akong ginagawa.""Bakit kailangang ganito kahigpit ang mga patakaran?
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26
Chapter: Chapter 1ARIANNE'S POVIsang malaking kwarto ang bumungad sa aki malinis, mayos, at puno ng mga aklat at dokumento. Nasa likod siya ng kaniyang mesa, nakatingin sa akin nang diretso, parang sinusuri kung karapat-dapat ba ako sa hinihingi niya. Si Lucas Valdez ang lalaking kilala ng lahat bilang isa sa pinakamayaman at pinakamahigpit na negosyante sa buong siyudad. At ngayon... hinihingi niya na maging asawa ko. Sa papel lamang."Inuulit ko," sabi niya, malamig at malinaw ang boses. "Dalawang taon. Sa loob ng panahong iyon, ikaw ang magiging asawa ko sa harap ng lahat. Sasama ka sa mga okasyon, magsusuot ka ng apelyido ko, at ibibigay ko sa pamilya mo ang tulong na kailangan nila para sa operasyon ng nanay mo. Pagkatapos ng dalawang taon... maghihiwalay tayo. Bibigyan kita ng sapat na halaga para hindi na kayo mag-alala pa sa buhay ninyo. At walang tanungan. Walang habol. Malinaw ba?"Huminga ako nang malalim. Ang bawat salita niya ay parang patama sa puso ko. Alam kong hindi ito pag-ibig. Alam
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-26