Share

CHAPTER 9

“Salamat para sa ngayong araw, Neil,” sabi ko pagkasakay namin sa sasakyan. Kumain din kami sa tapsilogan kanina for the lunch dahil mas masarap pa ito kaysa sa mamahalin.

“No problem.” Ipinahinga ko ang sarili ko sa upuan ng kotse.

Tinulungan ko si Neil pagkauwi namin na mag-ayos ng mga gamit niya sa cabinet niya. Inilagay ko rin ang mga gamit ko sa tabi ng mga gamit niya dahil wala ng ibang espasyo. Okay lang daw sa kanya kahit na itabi ko ang mga gamit ko.

“Neil, may naging girlfriend ka na, ‘di ba?” tanong ko. Nakakabingi kasi ang katahimikan at saka gusto ko ring malaman ang tungkol kay Neil para naman kapag nag-act na ako as fake girlfriend niya ay alam kong isasagot ko kapag nagtanong sila about sa kanya.

“Yeah?”

“Nakamove on ka na sa kanya?” Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ko. Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga damit niya. Mukhang wrong yata ‘yung natanong ko. Madaldal ka, Sab!

“We were together for five years. It will take me a long time to move on within six months.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status