Bored lang siyang nilingon ni Matteo, ang head ng third branch of Decoys. Dahil malaki ang Decoys ay may apat itong branch na pinamumunuan ng mga itinilagang tao. Si Cayer naman ang second in command ni Shianna, sa madaling salita, si Cayer ang mas mataas sa apat na branch leaders. May kapangyarihan ang lalaki na pasunurin sila.At ang Decoys... hindi sila mabilang. At bilang lamang ang mga taong may nakakaalam na may ganitong kalaking pinamumunuan si Shianna.Shianna was hiding behind the shadows all along.Tahimik lamang si Matteo at Jessica hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Pagkabukas na pagkabukas ng lift ay sumalubong sa kanila ang grupo-grupo ng mga decoy. At tulad ng dati, nakasuot pa rin sila ng purong itim habang ang kanilang mukha ay natatakpan. Tanging ang kanilang malamig na mga mata lamang ang nakalabas. Sapat na ito upang magbigay takot sa kung sinuman ang makakakita sa kanila."Ha..." Hindi napigilan ni Jessica na hawakan ang magkabilang braso dahil sa kan'yang
"Tama ka," tugon ni Jessica at tipid na tumango. Nagpasiya siyang itikom na lamang ang bibig sa buong biyahe. Kahit pilit niyang alisin ang kaba sa kan'ya ay hindi niya magawa. Bagama't kakampi niya si Cayer ay hindi pa rin siya basta-basta dapat na lumalapit dito.Jessica sighed. Matapos nang mahigit trenta minuto ay natanaw na niya ang madilim na kagubatan na paniguradong lugar ng camp ngayon.Who would have thought, magtatapos ang camp na ito sa isang hindi inaasahang dahilan.After a while, the helicopter finally landed. Pero noong kanina—habang pababa ito ay may nakita si Jessica na isang pamilyar na mukha. Kumunot ang kan'yang noo at nilingon si Cayer na napansin din ang babaeng hindi dapat naririto."Midel is here," ani ni Jessica at nakita niya lamang na umigting ang panga ng lalaki. Sabay silang lumabas mula sa sasakyan at walang pag-aaksayang nilapitan ang may edad na babaeng may matinding pag-aalala sa mukha."A-Ang mga bata" —nanginginig na pinagdaop nito ang nanlalamig na
"M-Mommy, a-ano po i-iyon?" Natatakot na lumapit sa akin si Ashy at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Pati ang mga bata ay natatakot na dumikit sa akin habang nakatingin sa direksyon kung saan nangyari ang pagsabog. "Calm down, kids." Tumingala ako sa kalangitan na unti-unti nang nababalutan ng usok dulot ng pagsabog. "Kuhain na ninyo ang mga importante n'yong mga gamit. Aalis na tayo ngayon." "O-Okay po, Mommy." Kahit natatakot ay nagsikilusan na ang mga bata upang kuhain ang kanilang mga gamit. Samantala, ako naman ay hinawakan ang aking suot na jacket at mas hinapit ito sa aking katawan. Alerto kong pinakiramdaman ang paligid habang sinisigurong maayos ang mga bata. At kahit wala sila sa harapan ko ay nakikita ko pa rin sila gamit ang dulo ng aking paningin. Mabagal akong huminga nang malalim at hinarap ang direksyon ng pagsabog. Kinuyom ko ang aking mga kamao at bahagyang naningkit ang aking mga mata. Inaatake ba kami ng mga sindikato? Nalaman ba nila ang camping na 'to?
Mapait akong ngumiti at sinulyapan ang mga bata. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago nagsalita."Stay back and close your eyes, kids.""Y-Yes po, Mommy." Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Ashy ngunit pinili ko na lamang siyang hindi sulyapan. Tiniis ko ang aking kumikirot na puso at piniling humakbang papalapit sa mga lalaki. Alerto rin silang lumapit sa akin at pinalibutan ako."Kung may natitira pa kayong kaluluwa" —nagbaba ako ng tingin— "huwag n'yong sasaktan ang mga bata.""Huwag kang mag-alala, Ms. Shianna," wika ng lalaki na hinanda ang sarili. "Nirerespeto ka pa rin namin bilang isang miyembro ng Viacera."Tipid lamang akong tumango at tumahimik."Ha..." Mayamaya ay bumuntong-hininga ako. "Bakit ba lagi akong napapaligiran ng gulo?""Kaya mas mabuti na lamang po kung sasama ka sa amin—shit!" Mabilis na umilag ang lalaki nang mapagtantong nasa harapan na niya ako. Ngunit huli na ang lahat dahil malakas ko na siyang nasipa sa mukha. May mga sunod na umatake sa akin ng
"H-Hindi nga talaga ako nanaginip," sambit ko at humingang malalim. "Kayo ba ang nagpasabog kanina?""Kami nga," tugon ng babaeng mahinang napasipol. Napatingin ako sa kan'ya at pinagmasdan ito. Una kong napansin ang bangs niya na ginawa gamit ang iilang hibla ng buhok lamang. Ang kan'yang mga mata ay tila'y sa isang pusa, matangos din ang kan'yang ilong na ang tip ay bahagyang mas mataas kaysa sa kan'yang bridge. Kahit madilim ay kita ang freckles sa kan'yang mukha. Nahahati rin sa kulay kayumanggi at puti ang kan'yang balat."Hi, Shianna!" Lumapit sa akin ang babae dahilan upang mapaatras ako. Lumundag siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Pinagmasdan niya ang aking mukha na tila'y isa itong eksam."Wow!" mayamaya'y sabi niya. "Ang ganda mo nga talaga!""Amira!" saway ni Ms. Ybañez dito at hinatak palayo si Amira. Napahawak naman ako sa aking balikat at kuryosong pinagmasdan ang babaeng kasama ni Ms. Ybañez."Bakit kayo nagpasabog?" tanong ko at binaling ang aking at
I smiled and nodded. Bagama't may punto ang sinabi ni Ms. Ybañez ay hindi ko pa rin maiwasan na bumigat ang aking puso."Everyone, stop!" Lahat kami ay napatigil dahil sa narinig naming sigaw ni Amira. Ang sunod na nangyari ay nagsidatingan ang walong lalaki na humarang sa aming daan. Kaming lahat ay napaatras at mapang-obserbang tiningnan ang paligid, sinisiguro na wala nang ibang kalaban na darating."Ms. Shianna, hinahanap ka ni Sir Judas." pahayag ng isa sa walong lalaki. "Mas mabuti kung sumama ka na lamang sa amin.""Shianna..." bulong ni Ms. Ybañez. "Run with the kids."Nilingon ako ni Amira at tinanguan ako. Tipid siyang ngumiti at saglit na hinaplos ang ulo ni Darius na nasa kan'yang likuran."Go, Shianna," usal niya at banayad na sinipat ang mga bata. "Kami na ang bahala.""Salamat." Marahan akong ngumiti at hinarap si Ms. Ybañez. At natigilan ako nang bigla niya akong niyakap."Anais," usal niya. "Anais Leiah Ybañez ang pangalan ko.""Anais Leiah," usal ko. Nilapitan ko ang
"Will you three leave me alone?!" Galit na hinarap ni Lorah si Livi, Dion at Shoui na kanina pa sumusunod sa kan'ya. Galit niyang inigting ang kan'yang panga at salubong ang dalawang kilay na tiningnan si Livi na mapang-asar na ngumiti."Is it bad to follow you, Lorah? Hindi ba ay mas tanyag kayo ng nakatatandang kapatid mo? Then..." Humalukipkip ito. "Pangunahan mo kaming nasa ilalim mo.""Putangina..." Hindi na napigilan ni Lorah na mapamura dahil sa matinding pagkainis. Gusto niyang saktan ngayon si Livi ngunit kasama nito si Dion at Shoui na paniguradong dito kakampi. Wala rin dito si Adam kaya wala siyang magagawa kung 'di habaan ang kan'yang pasensya."Shit." Napasuklay ng buhok si Lorah at inis na napasinghal. Tinalikuran niya ang tatlo at nagpatuloy sa pagtahak sa daang papasok sa kagubatan. Nasa dulo sila nito dahil hindi niya nais makita ang mga taong nasa unahan ng kagubatan—kung mayroon man.Mula sa paglalakad ay napatigil sila nang marinig ang isang malakas na tunog ng pa
"Papatayin ka niya?!" Tinulak ni Livi si Lorah palayo dahilan upang sumabit ang paa ng huli sa isang malaking ugat. Natumba si Lorah ngunit mabilis siyang nasalo ni Matteo. Mahinang napamura ang babae at nag-angat ng tingin sa lalaking mariing nakatitig sa kan'ya. Madilim itong ngumiti dahilan upang malakas niya itong itinulak. Humiwalay si Lorah at natatakot na umatras."L-Leave us alone." Suminghap si Lorah. "O kung gusto mo talaga akong patayin—unahin mo muna ang mga taong nasa likuran ko.""Ha?!" Nag-alburoto sa galit si Livi at inis na nilapitan si Lorah. Mabigat niyang hinawakan ito sa balikat at puwersahan itong pinaharap sa kan'ya. "Naglolokohan ba tayo rito?!""Livi..." Mahinang tumawa si Lorah at inis na inalis ang kamay ng pinsan na nasa kan'yang balikat. "Stop pretending like we're allies. Alam nating lahat na magkalaban tayong lahat dito—""Yes, you're my enemy," pagputol ni Livi sa pagsasalita ng babae. "Pero magkadugo pa rin tayo, Lorah. Napakawalang hiya mo naman kung