RUTHLESS HUSBAND

RUTHLESS HUSBAND

last updateLast Updated : 2025-07-09
By:  SECRET_PYUNGUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala ni Claire magiging masaya siya dahil napangasawa nito ang lalaking pinapangarap niya. Ngunit kabaliktaran pala ang mararanasan niya sa kamay ng kanyang asawa. Pagtataksil at pananakit ang laging inaabot niya sa asawa nito. Nasa kaniya na ang lahat, karangyaan, pera, kapangyarihan ngunit hindi ang puso ng asawa. Nang tuluyan ng mapagod si Claire ay naisipan niyang magkunwari na nabura ang kaniyang alaala at hindi nito naaalala ang asawa, upang palayain siya nito. Tuluyan na kaya siyang papakawalan ng kanyang asawa? O, ito ang magiging dahilan upang magising ang natutulog na puso ng asawa at tuluyan na siya nitong mahalin. “I promise, she will never remember how ruthless I am to her.”

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Ang pangarap ko noon ay maging masayang may bahay, yung tipong aalagaan mo ang mga anak at asawa mo, mag kakaroon ng mga masasayang memories kasama sila. Pero bakit iba ang pangarap ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon?

Simula ng ikasal kami ni Calvin three years ago ay para akong sinampal ng katotohanan, na hindi lahat ng pangarap natutupad. Na isang kasinungalingan ang mag-karoon ng isang masayang pamilya.

“Maam okay lang po ba kayo?”

Nagising ako sa pag iisip. Napatingin ako sa kasambahay namin na ngayo’y nasa harapan ko na. Hindi ko ito napansin na lumapit.

“Ah, oo.”

“Sure po kayo ma'am? ” Tumango ako.

“Sige po ma'am.”

Nagpatuloy ako sa pag-pupunas ng mesa. Mag gagabi na at maya-maya ay darating na si Calvin. Nagluto ako nang hapunan, kahit maraming katulong ay mas gusto ko paring lutuan ang asawa ko.

“Manang okay napo ba lahat?”

“Opo ma'am, nailagay ko napo lahat.”

“Sige po, thank you po.”

Nang matapos ako ay siyaka ako pumunta ng kusina at kinuha ang mga iniluto ko at inilagay sa mesa, nag patulong nadin ako. Medyo marami din ang nailuto ko ngayon. Today is our third year anniversary at gusto ‘kong maging special ang gabing to’.

It's past seven at wala parin si Calvin. Malamig na din ang mga niluto ko. Kumakalam na rin ang sikmura ko, hindi pala ako kumain kaninang tanghalian dahil busy ako sa pag aayos ng mga lulutuin. Bumuntong hininga ako at patuloy na naghintay.

Halos alas nuebe na ngunit wala parin siya, hindi naman siya ganito ‘kong umuwi. Baka may urgent meeting lang? Pero bakit ngayon pa?

Nanlumo ako at napag desisyunan nang kumain mag isa. Nanginginig na ang tuhod ko sa gutom at kapag nilipasan pa ako ay talagang mahihimatay na ako sa gutom. Naluluhang sumubo ako ng pagkain sa bibig. Bakit ba lagi nalang ganito? Laging siyang wala sa mga importanteng araw ng buhay ko.

Last year ay ganito din, kahit sa birthday ko ay wala siya. ‘Lord, is this my punishment for being a bad daughter? Kaya ba nangyayari sakin to dahil hindi ko magawang patawarin si Daddy sa pag iwan niya samin? Wala nabang sasama pa dito? Bigyan mo naman po ako ng time para sumaya, palagi nalang akong umiiyak.’

I wipe my tears up at natapos nang kumain. I waited until midnight and still wala parin siya. Nagising nalang ako nang marinig ko ang kotse nito. Napa tingin ako sa wrist watch ko at pasado alas tres na ang madaling araw. Agad akong bumangon mula sa couch at hinintay siya sa may pinto.

Hindi ito diretcho ‘kong humakbang. Is he drunk again? Napalunok ako at napakagat ng labi, nakakatakot siya kung naka inom. Palagi niya akong sinisigawan at madalas akong nakakakita ng kiss mark sa leeg nito. Kahit na ganun ay palagi akong nagbubulag-bulagan, I loved him so much. Ganun ako ka tanga pag dating sa kaniya.

Naka-ngiti ito habang hawak-hawak ang cellphone at nag titipa ng kung ano. Hindi niya ako napansin. Bakit kapag ako ang kaharap niya ay ni minsan hindi ko siya nakitang ngumiti?

“Bakit ngayon kalang?” Mahinang tanong ko. Siyaka lang niya ako tiningnan ng tamad at hindi pinansin. His smile faded.

“Why do you care?” He's tone sounds mad.

“Hindi mo ba natatandaan ang anniversary natin?” Naluluhang tanong ko sa kanya. Inismiran lamang niya ako at dinaanan, ni hindi man lang niya ako sinagot.

“Calvin ano ba? Bakit kaba ganiyan sakin?” Medyo napataas na ang boses ko. Ayoko na kasi ng ganito. Para akong hangin sa kaniya. Ni hindi niya nga ako magawang hawakan, ni hindi ko siya kasama matulog dahil sa guest room siya natutulog.

Hinarap niya ako at laking gulat ko nang hawakan niya ang baba ko ng marahas. Galit na galit ang muka nito na anytime ay gusto niya akong sakmalin.

“Bakit? Kasi ayaw ko sayo! Napilitan lang akong pakasalan ka, isang boring na katulad mo ay hindi papasa sa panlasa ko!”

Napaiyak na ako habang nagpupumiglas dahil sa masakit na pag hawak nito sa’kin.

“N-nasasaktan ako. . . ” Ngunit parang bingi ito at mas hinigpitan pa ang pag hawak sa baba ko.

“Kulang pa yan. Tsk. Wala kang kwenta!”

Tinulak niya ako at napa upo ako sa sahig. Humikbi ako habang naka hawak sa panga ‘kong humahapdi.

Pumantay ito sa akin at siyaka siya ngumiti ng nakakaloko.

“Sawang-sawa nako sa kakaganiyan mo! At pwede ba? Wag na wag mo akong papakialaman sa mga gusto ko dahil asawa lang kita sa papel, no more, no less. Itatak mo yan sa makitid mong utak!” Dinuro pa nito ang ulo ko bago siya tumayo at iniwan ako.

Wala akong nagawa kundi umiyak. Parang kumikirot ang puso ko sa sinabi niya. Akala ko mahal niya din ako dahil pumayag siyang pakasalan ako, I guess I'm wrong. He didn't loved me. Pero bakit hindi niya pilitin?

Mamahalin niya din ako, makikita din niya kung gaano ko siya kamahal. Gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako ng asawa ko.

Tumayo ako at inayos ang sarili, pinunasan ko ang mga luha na ayaw tumigil. No matter what, hinding-hindi ko susukuan si Calvin. Umakyat na ako sa kwarto at umupo sa kama, nagpatuloy ako sa pag iyak. Hindi ko parin matanggap ang sinabi niya. Mahirap ba talaga akong mahalin?

Ngumiti ako sa salamin at inayos ang sarili. Pupunta ngayon si Mommy dahil alam niyang anniversary namin ni Calvin kahapon, kagabi pa nga siya tumatawag ngunit hindi ko ito sinasagot. Kailangan ‘kong humanap ng paraan para mahalin ako ng asawa ko. Pero ginawa ko na lahat ng magagawa ko, nagpapaganda na ako at halos araw-araw nag mamake up para maging maayos ako sa paningin niya, ako ang nag luluto para sa kaniya, naglilinis ako ng bahay. . . pero it still not enough. Ano pabang kulang sakin? Ano pabang dapat ‘kong gawin?

Hindi ako naka tulog buong gabi, bumabaon sa utak ko lahat ng sinabi niya. Para akong patay dahil sa hitsura ko, I have eye bags at pasa. Kinuha ko ang foundation at tinakpan ang pasa malapit sa panga ko, kita ang daan ang kamay roon. Napapaigik ako kapag tumatama ang couson pero wala akong choice, ayokong may maka kita nito lalong-lalo na si mommy, she thought Calvin treats me well. Ayokong sabihin sa kaniya dahil alam kong ilalayo niya ako sa asawa ko.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit. Nang dumating si mommy ay agad akong napangiti dahil sa mga dala nitong branded na mga bags. She knows how to make me smile. I really loved bags.

“Thank you mommy, I loved it.”

“No worries anak, anyway nasaan ang asawa mo? Kamusta ang anniversary niyo kahapon? May plano ba kayong mag bakasyon? Gusto ko nang mag ka apo."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status