LOGIN<3
THIRD PERSON’S POVNang makasiguro si Snyder na tuluyan nang nakatulo si Lara at humihinga na ito nang payapa sa ibabaw ng sofa, dahan-dahan siyang humarap.Tinitigan niya ang dalaga. Ang magandang mukha nito na may bakas pa ng natuyong luha at ang namumulang mga labi nito mula sa kanilang halik.Ipinikit ni Snyder ang kaniyang mga mata at huminga nang napakalalim. Ang kaniyang mga daliri ay nanginginig pa rin.Muntik na. Muntik na niyang masira ang buong undercover mission dahil lang sa isang halik.Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa banyo ng kwarto. Isinara niya ang pinto at inilock ito. Humarap siya sa salamin at tiningnan ang sariling repleksyon. Basang-basa siya ng pawis, at ang kaniyang mga mata ay nag-aapoy pa rin sa matinding emosyon.Inabot niya ang kaniyang tainga at pinindot ang isang napakaliit at nakagagagong earpiece na nakatago sa loob ng kaniyang ear canal.BZZZT.Isang malamig at encrypted na static sound ang umalingawngaw sa kaniyang earpiece, kasunod ng isang bo
Nakatitig lang ako sa kaniya, tuluyang natulala sa paraan ng paghawak niya sa pisngi ko. Ang tibok ng puso ko ay naging napakabilis, nag-uunahan sa dibdib ko na parang gustong kumawala.Ang amats ng alak ay mas lalong lumala, nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay na hindi ko maiisip kapag matino ang isip ko.Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, binababa ang tingin sa kaniyang mapupula, makakapal, at perpektong mga labi.“Mr. Robot...” utal at paos kong bulong, ang hininga ko ay amoy matamis na red wine at direktang tumatama sa kaniyang mga labi. “May... c-can I try kissing you?”Nakita ko kung paano biglang nanlaki ang kaniyang mga mata sa tanong ko. Ang panga niya ay marahas na umigting, at ang kaniyang adam's apple ay gumalaw sa isang mabilis na paglunok. Ang kaniyang hinlalaki na nasa pisngi ko pa rin ay bahagyang nanigas.“Lara... stop,” garalgal at pilit niyang banta, ngunit ang kaniyang boses ay nanginginig sa matinding pagpipigil.“Gusto ko lang i-test kung
Nagising ako sa kasunod na umaga na ramdam ang kakaibang katahimikan sa paligid.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang balikat ni Mr. Robot na ginawa kong unan buong gabi ay hindi na kasing-init ng kahapon. Ang kaniyang lagnat—o ang sinasabi kong matinding system overheating—ay tuluyan nang humupa. Normal na ulit ang internal temperature ng balat niya!Nakatayo na siya ngayon sa tabi ng malaking bintana ng kwarto ko. Nakasuot ng maluwag na kulay abong shirt at sweatpants na ipinasuot ko sa kaniya kagabi. Ang kaniyang mga kamay ay nakatagong bahagya sa kaniyang mga bulsa habang ang kaniyang madilim na mga mata ay nakatitig sa labas, kung saan unti-unting humuhupa ang bagyo.“Good morning, Mr. Robot...” paos kong bati habang nauupo sa kama at nag-uunat ng mga braso. “Kamusta ang pakiramdam mo? Bumaba na ba ang lagnat mo?”Lumingon siya sa akin. Ang kaniyang mukha ay bumalik sa dating malamig, matipuno, at walang bakas ng kahit anong emosyon. Pero sa lalim ng mga mata niya, nand
Mabilis akong tumakbo sa banyo at kumuha ng maliit na palanggana na may maligamgam na tubig at ilang malilinis na face towels. Kumuha rin ako ng cooling patches na ginagamit ko tuwing nagkaka-migraine ako.Pagbalik ko sa kwarto, nakapikit na naman siya. Ang paghinga niya ay mabigat at may kasamang mahihinang daing.Umakyat ako sa ibabaw ng kama at umupo sa tabi ng ulunan niya.Bago pa siya makapagsalita, maingat kong inangat ang ulo niya at ipinatong iyon sa mismong hita ko. Ginawa kong unan ang lap ko para sa kaniya.Nanigas siya. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na nagmulat, gulat na gulat na nakatitig sa akin mula sa ibaba. Ang paningin niya ay direktang nakatutok sa mukha ko, at kahit may sakit siya, nakita ko ang biglaang paglamlam ng kaniyang madilim na mga mata.“What... are you doing?” paos niyang tanong. Ang init ng hininga niya ay tumatama sa bandang tiyan ko.“Lap pillow ang tawag dito Mr. Robot,” seryoso kong sagot, kinukuha ang basang face towel na piniga ko mula sa malig
Halos kaladkarin ko na ang mabigat na katawan ni Mr. Robot paakyat ng grand staircase. Bawat hakbang niya ay mabigat. Ang init ng katawan niya ay tumatagos mula sa basang damit niya patungo sa balat ko.“Kaya mo pa ba, baby bot?” malambing kong tanong habang naka-angkla ang braso niya sa balikat ko.“Stop... calling me that,” ungol niya. Narinig ko ang mahina at magkakasunod na pag-ingit ng mga ngipin niya. Nanginginig talaga siya nang matindi.Pagkapasok namin sa kwarto, agad ko siyang iginiya patungo sa malambot kong king-sized bed. Bumagsak siya roon, halos mag-collapse ang buong system niya.Pumikit siya, ang kaniyang dibdib ay patuloy sa mabilis at mabigat na pag-angat-baba.Agad akong kumuha ng dry towels na iniwan ng maid-bot sa gilid.“Okay, Emergency mode!” anunsyo ko. “Kailangan nating tanggalin 'yang basang damit mo bago tuluyang pasukin ng tubig yang katawan mo!”Hinawakan ko ang laylayan ng basang-basa niyang turtleneck sweater at hinila ito paitaas. Dahil sobrang hapit n
CRACK!Isang marahas at nakakabinging bilis—kasunod ng malakas na pagkabasag ng salamin!Bago ko pa man lubusang maproseso ang pulang tuldok na sumayaw sa aking dibdib, naramdaman ko na lang ang sarili kong lumilipad sa hangin. Niyakap ako ni Mr. Robot nang napakahigpit, ibinaon ang mukha ko sa kaniyang matigas na dibdib, at ginamit ang sariling likod upang basagin ang makapal na glass exit door ng mall!Nagliparan ang libu-libong bubog sa paligid namin na parang mga kumikinang na dyamante. Ngunit ni isang piraso ay hindi dumapo sa balat ko. Sinalo lahat iyon ng malapad niyang likod!Bumagsak kami sa malamig at basang semento ng parking lot.Kasabay ng pagbagsak namin ay ang biglaang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Isang bagyo na tila naghintay lang ng tamang pagkakataon para ibuhos ang galit nito. Wala pang isang segundo, basang-basa na ang paligid.“Mr. Robot!” sigaw ko, pilit na inaangat ang ulo ko mula sa pagkakadagan niya.Ngunit bago pa ako makagalaw, mabilis siyang bumangon, hi
APAT NA TAON ANG LUMIPAS.LEONREI FERUZZI’S POV“Daddy, no! I don’t want that! It looks like plastic!”Napabuntong-hininga ako habang hinihilot ang sentido ko. Nasa loob kami ng custom-made na bulletproof black Maybach, binabagtas ang trapikong kalsada ng Maynila.Sa labas, ako ang kinatatakutang p
“M-Ma... nasaan ang baby?” bungad ko.Tumayo ang foster mother ko. Wala man lang reaksyon sa mukha. May kinuha siyang isang maliit na kumot na may bahid ng dugo, at inabot iyon sa akin. Walang galaw. Walang tunog.“P-Patay na,” malamig na sabi niya. “Mahina raw ang baga. Binalot na namin para maipa
ROSELEI RIVAMONTE’S POVMasakit.Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang unti-unting magising ang diwa ko.Parang binugbog ang buong katawan ko. Dumilat ako at sinalubong ang manipis na sinag ng araw mula sa basag na bintana ng abandonadong kwarto.Gumalaw ako at naramdaman ko ang isang mabigat na b
“I’m gonna prove na to you, malulula ka sa sarap ng hotdog ko…”Pagkasabi noon, walang pasabi niyang inabot ang labi ko, dinampi ang mainit at malambot niyang labi.Awtomatiko akong napakapit sa leeg niya at napapikit, bigla niyang ginalaw ang mga labi niya, ang halik niya ay mapusok, nag-aalab, at







