ANMELDENTAHIMIK ang apartment nang makarating ako. Patay ang ilaw. Magulo pa rin ito. Yung mga hugasan na pinggan mula kahapon ay naroon pa rin. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako, pumunta muna ako sa kusina at sinimulan maghugas ng mga pinggan, nagpunas ng maduming counter top, nag walis ng buong bahay at tinapon ang basura sa labas. Pinagod ko ang sarili ko. Nag pahinga ng kaunti at naligo na. Nang mahiga na ako sa aking kama, doon ko naalala ang sinabi kanina sa akin ni Sofia.
Binuksan ko ang email ko, at doon ko nakita ang invite. Naka- secured email ito. Naroon ang code sa email at nilagay ko rin ang date of birth ko kasama ng code para mabuksan ko ang mismong invite. Binuksan ko ang secured email. Saglit munang nag-freeze ang screen, parang may ini-scan. May lumitaw na maliit na icon sa gilid—isang abstract na simbolo na parang pulso ng puso na unti-unting kumikislap. Ilang segundo pa, saka tuluyang nagbukas ang laman ng mensahe. FROM: EUPHORIA | Velvetlock Invitations SUBJECT: Your Guest Access Has Been Approved Napakunot ang noo ko. Parang may kakaibang lamig na gumapang sa batok ko habang binabasa ko ang unang linya. Welcome to EUPHORIA. You have been personally endorsed by an existing member in good standing. Your identity will remain protected. Your desires will remain undisclosed. Location access granted. Coordinates: West Philippine Sea Corridor Near Scarborough Shoal, off the coast of Palawan Island. Napahinto ako sa paghinga. Scarborough? Palawan? Parang hindi tugma sa isip ko ang ideya ng isang isla na ganoon ka-sekreto, ganoon ka… tahimik, at naroon lang pala sa malapit. Parang multong matagal nang ramdam mo ang prisensya pero hindi nga lang pinapansin ng mundo. Nag-scroll pa ako. WHAT TO EXPECT • Total anonymity • No real names • No personal devices • No judgment Euphoria is not a destination. It is an experience. You are required to attend a pre-arrival screening and orientation prior to boarding. Attached: — Medical clearance instructions — Confidentiality agreement — Code name registration Your escort pass will be issued under your sponsor’s authority. Nanlamig ang mga daliri ko habang binabasa ko ang huling bahagi. IMPORTANT NOTICE Euphoria is an adult-only private island. Once you arrive, you will be disconnected from the outside world. • No calls. • No messages. • No escape—unless authorized. By proceeding, you acknowledge that curiosity is your own responsibility. Parang may kumabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko o pananabik. Siguro pareho. Parang may bumubulong sa isip ko na umatras, pero may isa pang boses na mas tahimik at mas mapusok na nagsasabing minsan lang ito mangyari. Isang bakasyon, pahinga at isang lugar kung saan wala akong kailangang patunayan kahit kanino. Napapikit ako saglit, saka muling tumingin sa screen. Sa ibaba ng email, may isang linya lang. CONFIRM PARTICIPATION May maliit na blinking cursor sa tabi ng button. Nagdadalawang- isip pa ako kung pipindutin ko 'yon. Pero pinikit ko ng bahagya ang mga mata ko, pero nakakakita pa rin. Oo nga maarte na sa tingin, pero hindi ko alam, dahil nagtatalo ang pakiramdam ko. Ayon na nga, yung daliri ko na ang nag- desisyon at para bang nagkaroon ito ng sariling pag-iisip. Na-tap ko na ang cofirm button. Parang huminto talaga ang puso ko. At may email ulit na nagpadala sa akin ng location ng orientation. Nasa may BGC and place. Isang travel agency. Ang pangalan ng building ay Fantasy Cruiseline Tower. Alam ko naman kung nasaan ang place dahil nakapunta na ako doon dati at nag- apply kaso hindi nga lang ako tinawagan. Pupuntahan ko na lang bukas tutal restday ko naman. Kinabukasan, maaga akong gumising. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa excitement, pero pakiramdam ko ay mas mabigat ang hangin kaysa dati. Naligo ako at nagbreakfast. Maingat akong nagbihis ng simple lang, pero presentable. Parang job interview ang pakiramdam ko, kahit alam kong hindi naman trabaho ang pinunta ko. Pagdating ko sa Fantasy Cruiseline Tower sa BGC, mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang presensya. Tahimik ang lobby, malamig ang aircon, at may mga lalaking naka-suit na halatang hindi ordinaryong security guard. Sa reception, akala ko hihingin ang pangalan ko, pero sabi ng receptionist sa akin. “Access code lang po ma'am,” nakangiti at mahinahong sabi ng babae. Nagbigay ako ng ngiting alanganin at ibinigay ang code na ipinadala sa email ko. Isang mabilis na scan lang ng tablet niya, saka siya tumango. “18th floor. Orientation Room 7. Elevator on your right." Magalang na nilahad niya ang kamay niya sa gawi ng elevator. Sinunod ko ang instruction niya. Hindi naman mawala nag kabog sa dibdib ko. Nakarating ako sa room na sinasabi ng babae kanina sa baba. Ang orientation room ay minimalist—puting pader, mahabang mesa, at isang malawak na screen sa harap. May ilan pang naroon, pero tahimik ang lahat. Walang nag-uusap. Walang nagtatagalan ng tingin. Para kaming mga estrangherong sabay-sabay na sumakay sa isang tren na hindi alam ang destinasyon. Lumabas ang isang babae na naka-itim na suit. Walang name tag. Diretso ang tindig. “Welcome to Euphoria,” panimula niya. “From this moment forward, what you hear in this room stays in this room.” Hindi na siya nag pakilala pa, mabilis at isa-isang ipinaliwanag ang do’s and don’ts ng isla, ang anonymity, ang pagkawala ng personal na identidad, ang malinaw na patakaran tungkol sa consent, at ang istriktong seguridad. Habang tumatagal ang paliwanag, mas nauunawaan ko kung bakit ganoon kaingat ang lahat. Hindi ito basta bakasyon. Isa itong mundo na may sariling batas. “At one point,” dagdag ng babae, “you may feel uncomfortable. Confused. Overwhelmed. That is normal. You are allowed to leave before boarding. Once you step on the island, the rules apply in full.” Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Siguro excited lang ako. Matapos ang orientation, isa-isa kaming tinawag para sa medical screening. Kumpleto ng blood test, physical exam, at mga tanong na hindi mo maririnig sa ordinaryong klinika. “When was your last intercourse?” Sandaling natigilan ako. Nakaramdam ako ng hiya kahit alam kong propesyonal lang ang lahat ng naroon. Mahina ang boses ko nang sumagot na wala pa akong karanasan. Kahit live-in kami ni Fred noon, hindi kami umabot sa puntong inaasahan ng karamihan. May mga bagay siyang hinahanap na hindi ako ang sentro at mas gusto niyang manood kaysa makaramdam. Hanggang doon lang kami. Foreplay. Hawak. Hinto. Paulit-ulit. Sinubukan namin. O ang mas tama ay sinubukan ko. Pero palagi siyang umaatras, parang may kulang. Sinasabi niyang okay lang, na sapat na raw siya. Mahal na raw ako at nirerespeto kaya mas gusto niya na ganoon lang muna kami. Naniwala ako at iyon ang masakit na part. Hanggang sa nahuli ko siya, sa iba kaya niyang ibigay at sa akin hindi? Nakaramdam tuloy ako ng insecurities. Hinahanap ko tuloy kung saan ako nagkulang? Doon ko tuloy naramdaman ang uri ng sakit na hindi mo makikita sa katawan, pero paulit-ulit kang dudurugin sa loob. Sunod ang psychological assessment. Tahimik ang silid. May lalaking psychologist na mahinahon ang boses. “Why do you want to go to Euphoria?” tanong niya. Napaisip ako. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot. “Because I’m tired,” sagot ko nang tapat. “And I want to disappear for a while.” Tumango lang siya, parang sapat na iyon. Hindi pa man lumilipas ang dalawampu’t apat na oras, nakatanggap na naman ako ng email. STATUS: APPROVED ENTRY CLEARANCE: GRANTED Kasunod nito ang schedule ng boarding, dress instructions, at isang paalala: Once you arrive, there is no turning back. Napaupo ako sa kama, hawak ang cellphone, at napangiti nang bahagya may halo ng kaba at pananabik. Hindi ko pa alam kung anong naghihintay sa akin sa isla. Hindi ko pa alam kung sino ang makikilala ko. O kung anong bahagi ng sarili ko ang iiwan ko roon. Ang alam ko lang— sa loob ng mas mababa sa dalawampu’t apat na oras, tatawid na ako sa hangganan ng isang mundong minsan ko lang marinig. Ang Euphoria.UNO: Hey, bro. Having fun?Napatitig ako sa Navi Tab. Hindi ko nireplyan kakambal ko. Dahil wala akong oras makipag chat pa sa gung-gong na 'yon. Inilapag ko sa tabi ko ang tablet. Nakaupo lang ako sa kama ng aking suite at hind namalayan na napangiti sa kawalan nang sumagi sa isip ko si Belle. Challenge para sa akin kapag sinusungitan ako ng babae. Kinuha ko muli ang tab at hinanap siya sa guest list ng isla.May internal chat system kasi ang isla. Pwede kang makipag- interact sa ibang guest. May sariling social media rin na pwede kang mag- post at maghanap ng ka date mo o yung iba ay nasa Euphoria's Cupid na app. Isang matching app na pwede kang mag- hanap ng ka-match. Swipe right and swipe left lang.Nang makita ko siya, wala pa siyang uploaded na picture. Mukhang hindi nga siya nandito para makipaglaro. I tried to send her a message.'Hi.' Binura ko. Sounds creepy. 'Hey.' Binura ko. Parang tropa ang dating. Binura ko ang lahat ng drafts.Hindi ko kailangang magpakitang-tao. Mas l
MATAPOS makapagpahinga, dahil sa mahahabang paglalakbay marating ang napakagandang isla ng Euphoria. Naisipan kong bumaba para libutin muna ang hotel na aking tinutuluyan. Mag-isa lang ako naka-check in sa Hotel Nirvana. Maayos din naman. Sobra pa nga. Ang suite ko ay may floor-to-ceiling glass window na tanaw ang dagat, may sariling balcony, at may amoy ng fresh linen at mahal na kahoy. Hindi ko kasama si Sof—ay si Coco pala. Dapat masanay na akong tawagin siyang Coco. Gaya nga ng unang sabi niya sa akin ay magkahiwalay kami, nasa private villa niya kasi siya. Ayos lang naman sa akin guest lang niy ako rito. Ang kanyang access ang gamit ko kaya ako narito sa Euphoria. Sa kanya pa rin ang desisyon kaya wala akong karapatang mag reklamo. Pero sa akin ang desisyon kung hanggang saan ko kayang makisabay sa karangyaan ng lugar na ’to. Hindi ko naman afford ang membership. Kahit yung sinasabi nilang pinaka-“affordable” na subscription ay parang sampung taon ng sahod ko ang katumbas.Humin
“CONGRATULATIONS, approved ka na.” Masiglang bati sa akin ni Sofia habang nakangiti hanggang tenga. “So, kailan ang balak mong pumunta sa Euphoria?”Kumunot ang noo ko. May kung anong biglang kabog sa dibdib ko sa tanong niya. “Hindi mo ko sasamahan?” tanong ko pabalik.May katahimikan muna sa pagitan namin. Nabuhayan ako nang magsalita muli si Sofia.“Ano ka ba.” Tumawa siya. “Sasamahan siyempre. Pero separate cabin tayo. Hindi tayo mag- share ng kwarto. Mapagkamalan pa tayong mag-jowa. O worse, lesbi.”Napahalakhak ako at napailing. “Grabe ka.”“Professional image, darling,” biro niya sabay kindat. “Tsaka mas masaya ’yon. May space at mystery.” Nakakaloko siyang tumingin sa akin.“Fine,” sabi ko habang humihinga nang malalim. “Magpapaalam muna ako sa manager ko na mag- leave.”“O sige,” sagot niya agad. “Basta inform mo lang ako kapag approved na ang leave mo.”“Yes, I will.”“You’ll love it there,” dagdag pa niya, mas seryoso na ang tono. “I swear. The place is… different. Para kan
"C'MON, Theo. Sumama ka na kasi. Para mawala na ’yang kulubot mong mukha. Para ka nang tatay." Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa Euphoria. Tinaktak ko ang upos ng sigarilyo ko. Sumandal ako sa aking swivel chair humithit dito hinila ang usok paloob ng dibdib bago ko dahan-dahang ibuga. Pinatong ko siko ko sa may armrest ang kanan ay bahagyang nakataas dahil may sigarilyo at ang kaliwa'y naka- relax. "I don't want to go, Tobby. I just want to be alone. And get the f*ck out of my office." "Tanginang 'yan. Diyan ka magaling eh, you always shutdown people even your own brother. Ang sakit." Umarte ito na parang tinamaan ng bala sa may puso niya. "Siraulo!" Pinatay ko ang sigarilyo sa may ashtray sa tapat ko. Tumayo ako at nag tungo sa may bar counter at nagsalin ng whiskey. "Kasi naman, bro. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makagetover kay Mel. It's been months since she broke up with you." Humigpit ang kapit ko sa baso. Kapag binab
TAHIMIK ang apartment nang makarating ako. Patay ang ilaw. Magulo pa rin ito. Yung mga hugasan na pinggan mula kahapon ay naroon pa rin. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako, pumunta muna ako sa kusina at sinimulan maghugas ng mga pinggan, nagpunas ng maduming counter top, nag walis ng buong bahay at tinapon ang basura sa labas. Pinagod ko ang sarili ko. Nag pahinga ng kaunti at naligo na. Nang mahiga na ako sa aking kama, doon ko naalala ang sinabi kanina sa akin ni Sofia.Binuksan ko ang email ko, at doon ko nakita ang invite. Naka- secured email ito. Naroon ang code sa email at nilagay ko rin ang date of birth ko kasama ng code para mabuksan ko ang mismong invite. Binuksan ko ang secured email.Saglit munang nag-freeze ang screen, parang may ini-scan. May lumitaw na maliit na icon sa gilid—isang abstract na simbolo na parang pulso ng puso na unti-unting kumikislap. Ilang segundo pa, saka tuluyang nagbukas ang laman ng mensahe.FROM
LUMABAS akong malapad ang ngiti sa VIP lounge ng store na pinagtatrabahuan ko. Dala ko ang order ng customer. Masaya ako kasi after seven days na hindi binabalik ang item, ay makukuha ko ang incentives ko sa naibenta kong bag. Sinamahan ko ang customer na magbayad sa cashier ang customer at binigay ko ang sales code ko para may register sa system ang incentives ko."Thank you ma'am, may freebies po kayo na wallet dahil bumili kayo ng tatlo." Magalang kong inabot ang malalaking paper bag sa kanya. Malapad itong ngumiti sa akin, at kinuha ang pinamili niya. "Thank you. Anong pangalan mo?"Nag curt-bow muna ako. "You're welcome po, ako po si Naomi""Buo mong pangalan?""Naomi Gonzales ang buo ko pong pangalan.""I'm good at names," ngumiti siya at tinuro ang sentido niya. "Ikaw ang hahanapin ko kapag bibili ulit ako ng bags.""Nako, thank you po, ma'am?" Nakahalata naman siya na tinatanong ko rin ang pangalan niya."I'm Erin Quiambao.""Thank you po ulit ma'am Erin." Masaya kong pasasal







