Teilen

Chapter 2

last update Zuletzt aktualisiert: 26.12.2025 23:52:06

LUMABAS akong malapad ang ngiti sa VIP lounge ng store na pinagtatrabahuan ko. Dala ko ang order ng customer. Masaya ako kasi after seven days na hindi binabalik ang item, ay makukuha ko ang incentives ko sa naibenta kong bag. Sinamahan ko ang customer na magbayad sa cashier ang customer at binigay ko ang sales code ko para may register sa system ang incentives ko.

"Thank you ma'am, may freebies po kayo na wallet dahil bumili kayo ng tatlo." Magalang kong inabot ang malalaking paper bag sa kanya.

Malapad itong ngumiti sa akin, at kinuha ang pinamili niya. "Thank you. Anong pangalan mo?"

Nag curt-bow muna ako. "You're welcome po, ako po si Naomi"

"Buo mong pangalan?"

"Naomi Gonzales ang buo ko pong pangalan."

"I'm good at names," ngumiti siya at tinuro ang sentido niya. "Ikaw ang hahanapin ko kapag bibili ulit ako ng bags."

"Nako, thank you po, ma'am?" Nakahalata naman siya na tinatanong ko rin ang pangalan niya.

"I'm Erin Quiambao."

"Thank you po ulit ma'am Erin." Masaya kong pasasalamat.

Sinamahan ko siya maglakad palabas ng store at pinagbuksan ng pinto.

Kumaway ako sa kanya at kumaway rin siya pabalik sa akin. "Goodbye ma'am Erin, thank you for shopping. Hope to see you again."

Bumalik na ako sa may counter at naroon si June na nagpupunas ng mga wallets at ilang mga bags.

"Paldo ka nanaman bie." Nakangiting sabi sa akin ni June.

Huminga akong malalim habang nag- check ng inventories. "Mahal ko ang trabaho ko. Pero ba't hindi ko maiwasan na kwestyunin ang universe?"

"Huh? Hindi kita maintindihan, girl." Napakamot ng ulo niya si June.

"Hindi ko maiwasan kwestyunin ang universe," ulit ko. "Kasi ba't may mga tao na swerte sa trabaho, tulad ko, pero malas sa pag-ibig. Hindi ba pwedeng both na lang?"

"Girl, hindi lahat pwedeng mapasayo. Isa- isa lang. Sa multiple choices nga, isa lang ang pipiliin mo na tamang sagot eh."

Napanguso ako. "Ang saklap naman talaga. Hindi ko alam may nagawa ba ako na masama ba't ako pinaparusahan ng ganito?" Napasalung- baba ako sa may counter.

"Hoy 'wag ka nga mag- ganyan." Saway sa akin ni June, "malas yan. Baka hindi na tayo makabenta niyan girl. Alipin pa naman tayo ng salapi."

Magsasalita na sana ako nang tumunog ang bell sa pinto ng store, hudyat na may customer. Tumingin ako sa gawi ng pumasok na customer at akita ko ang isang pamilyar na mukha.

Inayos ko ang aking sarili at napangiti ako rito. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.

"Hello, girls."

"Good afternoon po ma'am Sofia." Bati ko.

Ngumiti si Sofia habang nililibot ng mga mata ang loob ng store, parang pamilyar na pamilyar na sa bawat sulok.

“Parang ikaw ang mas fresh ngayon ah,” biro niya. “Successful sale nanaman?”

“Medyo,” sagot ko, pilit na tinatawanan. “Pero depende kung anong klaseng successful ang ibig mong sabihin.”

Nagtaas siya ng kilay at lumapit sa counter. “That doesn’t sound good.”

Sumenyas ako kay June. “June, ikaw muna dito ha.”

“Go lang, bie,” sagot nito agad. Alam naman kasi nito ang pinagdaanan niya at naikwento na niya lahat ng detalye ng nangyari sa kanya kagabi. Napuna kasi niya ang namumugto kong mga mata kanina.

Pinasunod ko si Sofia sa isang sulok sa store, malapit sa lounge area kung saan mas tahimik. Umupo kami pareho sa pang mahabaang sofa. Doon na bumigay ang ngiti ko.

“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Sofia sa akin.

Huminga ako nang malalim. “Nahuli ko si Fred.”

Saglit na tumahimik si Sofia. “How?”

“Sa apartment ko. Sa kama ko. With a girl na tinatawag niyang Honey.” Mapait akong natawa. “Ang sweet, ’di ba?”

Napapikit si Sofia at marahang napailing. “I swear, men like that deserve to step on Lego barefoot for the rest of their lives.”

Napangiti ako kahit papaano. “Tatlong taon, Sofia. Tatlong taon akong nagpakatanga.”

“Correction,” sagot niya agad. “Tatlong taon kang nagmahal. Hindi mo kasalanan kung sinayang ka niya.”

Sumandal ako sa upuan. Biglang ramdam ko ang pagkapagod at parang may masakit din. Hindi iyon pagod sa trabaho, hindi rin sakit ng katawan. Kung hindi, dala 'yon ng pagod at sakit ng puso.

“I think I need a little vacation,” bigla kong nasabi. Hindi ko alam kung kanino ko talaga sinasabi iyon. Sa kanya ba, o sa sarili ko?

Ngumiti si Sofia sa akin, ’yong ngiting may halong para bang pangako at kalokohan. “I got you, girl.”

Napatingin ako sa kanya. “Huh?”

“Pack your bags,” sabi niya. “May lugar akong alam. Walang istorbo, walang multo ng ex, puro pahinga at kalokohan lang.”

“Hindi ako pwede basta-basta—”

“Naomi,” putol niya, “consider this my treat. You deserve it.”

"Magpapaalam pa ako mag leave."

"Ayos lang yan, kasi may requirements and orientation pa naman bago ka makapasok sa Euphoria. It's exclusively for elite people. Pero since we're friends, I'll send you an invite as my guest."

Napakurap- kurap ako ng mga mata ko at hindi maiwasan magtanong sa sinasabi niya. "Saan ba 'yon, Sofia?"

"It's a place called, Euphoria." Bulong niya sa akin. "It's a s*x island."

Napaigtad ako sa narinig. " Huh? May ganun ba?"

Lumapad ang ngiti ni Sofia. Alam ko ang mga ngiti na 'yon. Matagal na rin kaming magkaibigan. Kaya kilalang- kilala na namin ang mga kalokohan namin.

"Oo girl. Masisiyahan ka doon. I'll send you the details on your email."

Pumunta kami sa counter matapos namin mag- usap at binigay ko na ang sadya talaga nitong bag na pina- reserve niya noong nakaraang araw.

"Ingat ka."

"Ikaw ang mag- ingat girl. Ingatan mo na 'yang puso mo." Ngumiti si Sofia sa akin at kinindatan ako bago isinuot ang kanyang mamahaling sunglasses at parang nasa runway itong lumakad palabas ng store.

Salamat na lang at may mga kaibigan ako na maasahan. At handang tumulong sa akin. Dahil kahit papaano gumaan ang loob ko at masaya pa rin magpatuloy na harapin ang buhay.

Gabi na nang magsara kami ng store. Closer kasi ang shift ko kaya kami talaga ang nagsasara ng store. Nagpaalam na kami ni June sa iba pa naming katrabaho na sina Jill at Tessa. Pati ang manager namin ni si Sir Lester. Nang palabas na kami ni June pinagbuksan kami ni Mang Ipe ng pinto, nagpaalam na rin kami sa sercurity guard na si Mang Ipe.

Simple lang ang buhay ko, kahit sa pamilya ko na nasa probinsya ay nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, nakakabili ng gusto kapag may extrang pera. Ganoon lang, may sapat na kita at ipon. Hindi man marangya pero nakakasabay sa agos ng buhay.

Nag- jeep lang kami ni June pauwi. Malapit lang naman kami sa pinagtatrabahuan namin. Magkalapit lang din kami ng barangay pero mauuna siyang bumaba.

"Manong bayad po." Abot ni June ng bayad niya.

"Ilan 'to?" Tanong ng driver.

"Dalawang maganda 'yan, Manong." Natatawang sabi ni June. May mga natatawa rin ibang tao na katabi namin na mga nakarinig.

Mas lalong natawa pa ang mga pasahero ng inabot ng driver ang sukli ni June. "Oh, sukli ng dalawang maganda."

Natawa na rin ako. May iba humahalakhak ng mahina.

"Ayan nag- smile ka din. Kanina pa kasi hindi maipinta 'yang mukha mo."

"Salamat girl. I really need this."

"Sus! Parang tanga 'to! Umayos ka. Wag mo nang- alalahanin iyong ex mo. Hindi siya kawalan."

Ngumiti ako sa sinabi ni June. Nabuhayan ako ng loob. Dahil sa mga kaibigan ko. Sumagi muli sa isipan ko ang pinagusapan namin ni Sofia, hindi ko pa alam kung anong klaseng pahinga ang nag hihintay sa akin sa Euphoria. Ang alam ko lang—handa na akong tumakas at kahit isang saglit lang maranasan ko ang kapayapaan at ang lumaya.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 7

    UNO: Hey, bro. Having fun?Napatitig ako sa Navi Tab. Hindi ko nireplyan kakambal ko. Dahil wala akong oras makipag chat pa sa gung-gong na 'yon. Inilapag ko sa tabi ko ang tablet. Nakaupo lang ako sa kama ng aking suite at hind namalayan na napangiti sa kawalan nang sumagi sa isip ko si Belle. Challenge para sa akin kapag sinusungitan ako ng babae. Kinuha ko muli ang tab at hinanap siya sa guest list ng isla.May internal chat system kasi ang isla. Pwede kang makipag- interact sa ibang guest. May sariling social media rin na pwede kang mag- post at maghanap ng ka date mo o yung iba ay nasa Euphoria's Cupid na app. Isang matching app na pwede kang mag- hanap ng ka-match. Swipe right and swipe left lang.Nang makita ko siya, wala pa siyang uploaded na picture. Mukhang hindi nga siya nandito para makipaglaro. I tried to send her a message.'Hi.' Binura ko. Sounds creepy. 'Hey.' Binura ko. Parang tropa ang dating. Binura ko ang lahat ng drafts.Hindi ko kailangang magpakitang-tao. Mas l

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 6

    MATAPOS makapagpahinga, dahil sa mahahabang paglalakbay marating ang napakagandang isla ng Euphoria. Naisipan kong bumaba para libutin muna ang hotel na aking tinutuluyan. Mag-isa lang ako naka-check in sa Hotel Nirvana. Maayos din naman. Sobra pa nga. Ang suite ko ay may floor-to-ceiling glass window na tanaw ang dagat, may sariling balcony, at may amoy ng fresh linen at mahal na kahoy. Hindi ko kasama si Sof—ay si Coco pala. Dapat masanay na akong tawagin siyang Coco. Gaya nga ng unang sabi niya sa akin ay magkahiwalay kami, nasa private villa niya kasi siya. Ayos lang naman sa akin guest lang niy ako rito. Ang kanyang access ang gamit ko kaya ako narito sa Euphoria. Sa kanya pa rin ang desisyon kaya wala akong karapatang mag reklamo. Pero sa akin ang desisyon kung hanggang saan ko kayang makisabay sa karangyaan ng lugar na ’to. Hindi ko naman afford ang membership. Kahit yung sinasabi nilang pinaka-“affordable” na subscription ay parang sampung taon ng sahod ko ang katumbas.Humin

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 5

    “CONGRATULATIONS, approved ka na.” Masiglang bati sa akin ni Sofia habang nakangiti hanggang tenga. “So, kailan ang balak mong pumunta sa Euphoria?”Kumunot ang noo ko. May kung anong biglang kabog sa dibdib ko sa tanong niya. “Hindi mo ko sasamahan?” tanong ko pabalik.May katahimikan muna sa pagitan namin. Nabuhayan ako nang magsalita muli si Sofia.“Ano ka ba.” Tumawa siya. “Sasamahan siyempre. Pero separate cabin tayo. Hindi tayo mag- share ng kwarto. Mapagkamalan pa tayong mag-jowa. O worse, lesbi.”Napahalakhak ako at napailing. “Grabe ka.”“Professional image, darling,” biro niya sabay kindat. “Tsaka mas masaya ’yon. May space at mystery.” Nakakaloko siyang tumingin sa akin.“Fine,” sabi ko habang humihinga nang malalim. “Magpapaalam muna ako sa manager ko na mag- leave.”“O sige,” sagot niya agad. “Basta inform mo lang ako kapag approved na ang leave mo.”“Yes, I will.”“You’ll love it there,” dagdag pa niya, mas seryoso na ang tono. “I swear. The place is… different. Para kan

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 4

    "C'MON, Theo. Sumama ka na kasi. Para mawala na ’yang kulubot mong mukha. Para ka nang tatay." Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa Euphoria. Tinaktak ko ang upos ng sigarilyo ko. Sumandal ako sa aking swivel chair humithit dito hinila ang usok paloob ng dibdib bago ko dahan-dahang ibuga. Pinatong ko siko ko sa may armrest ang kanan ay bahagyang nakataas dahil may sigarilyo at ang kaliwa'y naka- relax. "I don't want to go, Tobby. I just want to be alone. And get the f*ck out of my office." "Tanginang 'yan. Diyan ka magaling eh, you always shutdown people even your own brother. Ang sakit." Umarte ito na parang tinamaan ng bala sa may puso niya. "Siraulo!" Pinatay ko ang sigarilyo sa may ashtray sa tapat ko. Tumayo ako at nag tungo sa may bar counter at nagsalin ng whiskey. "Kasi naman, bro. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makagetover kay Mel. It's been months since she broke up with you." Humigpit ang kapit ko sa baso. Kapag binab

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 3

    TAHIMIK ang apartment nang makarating ako. Patay ang ilaw. Magulo pa rin ito. Yung mga hugasan na pinggan mula kahapon ay naroon pa rin. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako, pumunta muna ako sa kusina at sinimulan maghugas ng mga pinggan, nagpunas ng maduming counter top, nag walis ng buong bahay at tinapon ang basura sa labas. Pinagod ko ang sarili ko. Nag pahinga ng kaunti at naligo na. Nang mahiga na ako sa aking kama, doon ko naalala ang sinabi kanina sa akin ni Sofia.Binuksan ko ang email ko, at doon ko nakita ang invite. Naka- secured email ito. Naroon ang code sa email at nilagay ko rin ang date of birth ko kasama ng code para mabuksan ko ang mismong invite. Binuksan ko ang secured email.Saglit munang nag-freeze ang screen, parang may ini-scan. May lumitaw na maliit na icon sa gilid—isang abstract na simbolo na parang pulso ng puso na unti-unting kumikislap. Ilang segundo pa, saka tuluyang nagbukas ang laman ng mensahe.FROM

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 2

    LUMABAS akong malapad ang ngiti sa VIP lounge ng store na pinagtatrabahuan ko. Dala ko ang order ng customer. Masaya ako kasi after seven days na hindi binabalik ang item, ay makukuha ko ang incentives ko sa naibenta kong bag. Sinamahan ko ang customer na magbayad sa cashier ang customer at binigay ko ang sales code ko para may register sa system ang incentives ko."Thank you ma'am, may freebies po kayo na wallet dahil bumili kayo ng tatlo." Magalang kong inabot ang malalaking paper bag sa kanya. Malapad itong ngumiti sa akin, at kinuha ang pinamili niya. "Thank you. Anong pangalan mo?"Nag curt-bow muna ako. "You're welcome po, ako po si Naomi""Buo mong pangalan?""Naomi Gonzales ang buo ko pong pangalan.""I'm good at names," ngumiti siya at tinuro ang sentido niya. "Ikaw ang hahanapin ko kapag bibili ulit ako ng bags.""Nako, thank you po, ma'am?" Nakahalata naman siya na tinatanong ko rin ang pangalan niya."I'm Erin Quiambao.""Thank you po ulit ma'am Erin." Masaya kong pasasal

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status