Teilen

Chapter 4

last update Zuletzt aktualisiert: 09.01.2026 03:13:28

"C'MON, Theo. Sumama ka na kasi. Para mawala na ’yang kulubot mong mukha. Para ka nang tatay."

Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa Euphoria. Tinaktak ko ang upos ng sigarilyo ko. Sumandal ako sa aking swivel chair humithit dito hinila ang usok paloob ng dibdib bago ko dahan-dahang ibuga. Pinatong ko siko ko sa may armrest ang kanan ay bahagyang nakataas dahil may sigarilyo at ang kaliwa'y naka- relax.

"I don't want to go, Tobby. I just want to be alone. And get the f*ck out of my office."

"Tanginang 'yan. Diyan ka magaling eh, you always shutdown people even your own brother. Ang sakit." Umarte ito na parang tinamaan ng bala sa may puso niya.

"Siraulo!" Pinatay ko ang sigarilyo sa may ashtray sa tapat ko. Tumayo ako at nag tungo sa may bar counter at nagsalin ng whiskey.

"Kasi naman, bro. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makagetover kay Mel. It's been months since she broke up with you."

Humigpit ang kapit ko sa baso. Kapag binabanggit ang pangalan na 'yon parang isang lason na kumakain sa sistema ko at unti- unti akong pinapatay. "Damn it! Huwag mo na ngang banggitin ang pangalan na 'yon. At hindi niya ako iniwan," sumimsim ako ng alak, "ako ang nakipag- break sa kanya."

"Weh?"

Napailing ako at inubos ang natitirang whiskey ng isang lagok. Pinahid mo ang latak ng alak sa aking labi gamit ang hinlalaki. "Oo nga. Ako nakipaghiwalay."

Ngumisi ng nakakaloko ang tarantado kong kapatid. "Parang hindi naman 'yon ang narinig kong tsismis eh."

Himinga ako ng malalim at sinamaan muli ng tingin ang kapatid kong gung-gong. "Tsismoso ka talaga!"

"Hindi 'yon tsismoso, kapatid. Well connected lang."

"Gago!" Sabay bato ng papel na mabilis kong binilog. Nasalo niya naman ito at humalakhak na parang baliw.

Tinalikuran ko siya at humarap sa glass window. Tanaw ko ang city lights. Ang mga ilaw na nanggagaling sa kotse na mabilis na umaandar. Pinapakita lang na umuusad ang mundo. Ako, hindi.

Narinig ko ang paghakbang ni Tobias sa likod ko. Hindi na siya tumatawa. Kapag gano’n, alam kong tumigil na rin siya sa pang-aasar. Bihira ’yon.

“Hindi mo kailangang maging ganito habang buhay, bro,” mas mababa na ang boses niya. “Hindi ka naman bato.”

Huminga ako nang malalim. “Hindi rin ako tanga.”

May ilang segundong katahimikan. Ramdam ko ang bigat ng pagitan namin. Pareho kaming may alam na hindi na kailangang banggitin pa si Melissa. Ang mga plano. Ang mga gabing akala ko sigurado na ako sa kanya. Ang mga pangakong ako mismo ang pumutol. Ako naman talaga ang may mali. Ten years kami magkasintahan since college. Dahil lang nawalan ako ng time sa kanya, bumitiw na siya. Para naman sa future namin ang ginagawa ko.

“Euphoria lang ’to,” muling sabi ni Tobias, mas maingat. “Hindi commitment, not a relationship, at ang maganda sa lahat... walang pangalan.”

Napangiti ako ng mapait. “Kaya nga ayaw ko.”

“Dahil?” pilit niya.

“Dahil baka doon ko maramdaman lahat ng sakit na gusto kong takbuhan,” sagot ko. “At pag naramdaman ko ’yon… baka hindi ko na alam paano bumalik.”

Lumapit siya at tumabi sa akin sa harap ng salamin. Nakita ko ang repleksyon naming dalawa—magkapareho ang mukha, pero magkaiba ang mga mata. Sa kanya, ay may apoy. Sa akin ay abo.

“Alam mo kung bakit ako pupunta?” tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nagsalita siya muli.

“Dahil sawa na akong maging buo para sa lahat,” sabi niya. “Gusto ko lang maging malaya. Kahit saglit lang.”

Napapikit ako ng aking mga mata. Isang saglit na walang inaasahan, gusto kong malimutan ang multo ng nakaraan.

“Hindi ka naman required sumabay sa kalokohan ko,” dagdag niya at ngumisi siya ng bahagya. “Pwede kang manood lang. Tumahimik. Uminom. Mawala.”

Mawala. Parang sinakal ang dibdib ko sa salitang ’yon.

Bumuntong-hininga ako at muling sumalin ng whiskey. Hindi na ako nagsalin para sa kanya. Para sa sarili ko na lang. Itinaas ko ang baso, pinagmasdan ang likidong amber na parang apoy sa loob ng salamin.

“Kung sasama ako,” mabagal kong sabi, “hindi ako pupunta bilang kapatid mo.”

Ngumisi si Tobias. “Good. Kasi doon, hindi kita kilala.”

“I'll be Deux,” dagdag ko. “Walang nakaraan.”

Tumango siya. “Then, I'll be known as Uno.”

Nagtagpo ang mga baso namin sa isang mahinang tunog. Ngumiti kami sa isa't isa. Gumagana nanaman ang twin connection namin. Nagkakaintindihan kami kahit hindi nagsasabi.

Matapos ang matagal na panahon na pagkabigo at mga maling desisyon, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa Euphoria. At nakakagulat—hindi ako natatakot. Siguro dahil minsan, kailangan mo talagang mawala… bago mo malaman kung may babalikan ka pa.

Parehas kaming lumingon nang bumukas ang pinto at pumasok ang aking secretary na si Cielo na nalilito pa rin sa aming dalawa kapag magkasama kami ng kambal ko.

"Mr. Miranda?" Tumikhim siya. Halata sa mukha nito ang pagkalito.

"Dalawa kaming Mr. Miranda dito, Cielo." Sabi ko.

"Si Mr. Thaddeus Miranda po ang hanap ko."

Ngumiti si Tobby siya ang naglakad patungo kay Cielo. "Yes, Cielo?"

"Uhm... hindi ikaw si Mr. Thaddeus Miranda, I- I guess?" Medyo confused.

"Paano mo nasabi na hindi ako si Thaddeus?" Ginaya niya ang boses ko pati kung paano ako gumalaw at magsalita.

"Hi- hindi po kasi ako tinatawag na Cielo ni Mr. Thaddeus Miranda." Nauutal nitong sagot at halatang kinakabahan sa prisensya ni Tobby.

"Oh? Edi Miss Damoso... Can you make me coffee?"

"Ikaw si Mr. Tobias Miranda." Halata pa rin na hindi sigurado sa sagot niya.

Kumunot ang noo ni Tobby. "Paano ka nakakasiguro? Huh, Ms. Damoso?"

"Hindi po mahilig sa kape si Mr. Thaddeus Miranda. Whiskey or wine po ang laging request niya."

"Lasinggero ka talaga." Bumalik na ang kanyang totoong galaw at tumingin sa akin ng nakakaloko.

Napapailing ako habang pinapanood si Tobias na parang batang may bagong laruan. Hindi pa siya tapos manggulo.

“See?” sabi niya sabay taas ng dalawang kamay. “May sarili kang fan club, bro. Kilala ka hanggang sa bisyo mo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Tumigil ka nga. May trabaho ’yan.”

Pero imbes na umatras, lalo pang lumapit si Tobby kay Cielo at yumuko nang bahagya, parang gentleman sa pelikula.

“So, Miss Damoso,” aniya sa malambing na tono, “kung hindi ako si Mr. Thaddeus… sino ako?”

Napasinghap si Cielo. Kita ko kung paano siya nag-iisip nang mabilis, parang nasa surprise quiz.

“Ah—” napatingin siya sa akin, tapos muli kay Tobby.

“Ikaw po si Mr. Tobias Miranda. Sure na po ako.”

Ngumisi si Tobby, sabay palakpak ng isang beses. “Correct! May bonus ka.”

“Bonus?” napataas ang kilay ni Cielo.

“Oo,” sabay turo sa akin. “Libre ka nang ma-silent treatment buong araw, mula kay— drumroll please... Mr. Thaddeus Miranda.” Inimwestra pa niya ang kamay malapit sa akin, na para bang nagpapakilala ng isang contestant sa isang TV show.

Hindi napigilan ni Cielo ang munting tawa na agad din niyang pinigil. “Sir…”

“Alright,” sabi ko, malamig pero may bahid ng amusement.

"Kayo talaga, Sir. Ang dami mo nang nabibiktima dito sa office."

Nagliwanag ang mukha ni Tobias. “Oh? So inaamin mong mas masayan kapag nandito ako sa opisina?”

“Mas maingay,” sagot ko agad.

Tumikhim si Cielo pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya, bumalik siya sa propesyonal na postura.

“Sir Thaddeus, may documents po kayo for signing. And—” nag-alangan siya saglit, “may confirmation din po ng… travel clearance.”

Saglit akong napatigil. Hindi ko tiningnan si Tobias, pero ramdam kong ngumiti siya.

“Okay,” sagot ko. “Iwan mo muna sa mesa. Mamaya ko titingnan.”

“Opo, sir.” Bago tuluyang lumabas si Cielo, napalingon pa siya kay Tobias. “Sir Tobias… huwag niyo na po ulit kayo mang prank sa opisina. Dalawa na po ang nagre-report sa HR.”

“Ang lakas ko talaga dito sa office mo,” proud nitong sabi. "Sige Cielo Marie, see you later." Nakangiting sabi ni Tobby sabay kumindat sa sekretarya ko.

Pagkasara ng pinto, tumawa siya nang mahina. “I love her. She keeps you grounded.”

“O nagpapaalala lang na may responsibilidad pa ako, at hindi pwedeng guluhin o bwisitin ng kagaya mo.” sagot ko.

Napailing na ngumingisi si Tobby. Lumapit siya sa mesa ko at tinapik ang sobre na iniwan ni Cielo. Isang black envelope ito na may red linning sa gilid at may calligraphy gold letter E sa gitna nito.

“Wala nang atrasan 'to, bro.”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 7

    UNO: Hey, bro. Having fun?Napatitig ako sa Navi Tab. Hindi ko nireplyan kakambal ko. Dahil wala akong oras makipag chat pa sa gung-gong na 'yon. Inilapag ko sa tabi ko ang tablet. Nakaupo lang ako sa kama ng aking suite at hind namalayan na napangiti sa kawalan nang sumagi sa isip ko si Belle. Challenge para sa akin kapag sinusungitan ako ng babae. Kinuha ko muli ang tab at hinanap siya sa guest list ng isla.May internal chat system kasi ang isla. Pwede kang makipag- interact sa ibang guest. May sariling social media rin na pwede kang mag- post at maghanap ng ka date mo o yung iba ay nasa Euphoria's Cupid na app. Isang matching app na pwede kang mag- hanap ng ka-match. Swipe right and swipe left lang.Nang makita ko siya, wala pa siyang uploaded na picture. Mukhang hindi nga siya nandito para makipaglaro. I tried to send her a message.'Hi.' Binura ko. Sounds creepy. 'Hey.' Binura ko. Parang tropa ang dating. Binura ko ang lahat ng drafts.Hindi ko kailangang magpakitang-tao. Mas l

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 6

    MATAPOS makapagpahinga, dahil sa mahahabang paglalakbay marating ang napakagandang isla ng Euphoria. Naisipan kong bumaba para libutin muna ang hotel na aking tinutuluyan. Mag-isa lang ako naka-check in sa Hotel Nirvana. Maayos din naman. Sobra pa nga. Ang suite ko ay may floor-to-ceiling glass window na tanaw ang dagat, may sariling balcony, at may amoy ng fresh linen at mahal na kahoy. Hindi ko kasama si Sof—ay si Coco pala. Dapat masanay na akong tawagin siyang Coco. Gaya nga ng unang sabi niya sa akin ay magkahiwalay kami, nasa private villa niya kasi siya. Ayos lang naman sa akin guest lang niy ako rito. Ang kanyang access ang gamit ko kaya ako narito sa Euphoria. Sa kanya pa rin ang desisyon kaya wala akong karapatang mag reklamo. Pero sa akin ang desisyon kung hanggang saan ko kayang makisabay sa karangyaan ng lugar na ’to. Hindi ko naman afford ang membership. Kahit yung sinasabi nilang pinaka-“affordable” na subscription ay parang sampung taon ng sahod ko ang katumbas.Humin

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 5

    “CONGRATULATIONS, approved ka na.” Masiglang bati sa akin ni Sofia habang nakangiti hanggang tenga. “So, kailan ang balak mong pumunta sa Euphoria?”Kumunot ang noo ko. May kung anong biglang kabog sa dibdib ko sa tanong niya. “Hindi mo ko sasamahan?” tanong ko pabalik.May katahimikan muna sa pagitan namin. Nabuhayan ako nang magsalita muli si Sofia.“Ano ka ba.” Tumawa siya. “Sasamahan siyempre. Pero separate cabin tayo. Hindi tayo mag- share ng kwarto. Mapagkamalan pa tayong mag-jowa. O worse, lesbi.”Napahalakhak ako at napailing. “Grabe ka.”“Professional image, darling,” biro niya sabay kindat. “Tsaka mas masaya ’yon. May space at mystery.” Nakakaloko siyang tumingin sa akin.“Fine,” sabi ko habang humihinga nang malalim. “Magpapaalam muna ako sa manager ko na mag- leave.”“O sige,” sagot niya agad. “Basta inform mo lang ako kapag approved na ang leave mo.”“Yes, I will.”“You’ll love it there,” dagdag pa niya, mas seryoso na ang tono. “I swear. The place is… different. Para kan

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 4

    "C'MON, Theo. Sumama ka na kasi. Para mawala na ’yang kulubot mong mukha. Para ka nang tatay." Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa Euphoria. Tinaktak ko ang upos ng sigarilyo ko. Sumandal ako sa aking swivel chair humithit dito hinila ang usok paloob ng dibdib bago ko dahan-dahang ibuga. Pinatong ko siko ko sa may armrest ang kanan ay bahagyang nakataas dahil may sigarilyo at ang kaliwa'y naka- relax. "I don't want to go, Tobby. I just want to be alone. And get the f*ck out of my office." "Tanginang 'yan. Diyan ka magaling eh, you always shutdown people even your own brother. Ang sakit." Umarte ito na parang tinamaan ng bala sa may puso niya. "Siraulo!" Pinatay ko ang sigarilyo sa may ashtray sa tapat ko. Tumayo ako at nag tungo sa may bar counter at nagsalin ng whiskey. "Kasi naman, bro. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makagetover kay Mel. It's been months since she broke up with you." Humigpit ang kapit ko sa baso. Kapag binab

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 3

    TAHIMIK ang apartment nang makarating ako. Patay ang ilaw. Magulo pa rin ito. Yung mga hugasan na pinggan mula kahapon ay naroon pa rin. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako, pumunta muna ako sa kusina at sinimulan maghugas ng mga pinggan, nagpunas ng maduming counter top, nag walis ng buong bahay at tinapon ang basura sa labas. Pinagod ko ang sarili ko. Nag pahinga ng kaunti at naligo na. Nang mahiga na ako sa aking kama, doon ko naalala ang sinabi kanina sa akin ni Sofia.Binuksan ko ang email ko, at doon ko nakita ang invite. Naka- secured email ito. Naroon ang code sa email at nilagay ko rin ang date of birth ko kasama ng code para mabuksan ko ang mismong invite. Binuksan ko ang secured email.Saglit munang nag-freeze ang screen, parang may ini-scan. May lumitaw na maliit na icon sa gilid—isang abstract na simbolo na parang pulso ng puso na unti-unting kumikislap. Ilang segundo pa, saka tuluyang nagbukas ang laman ng mensahe.FROM

  • A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)   Chapter 2

    LUMABAS akong malapad ang ngiti sa VIP lounge ng store na pinagtatrabahuan ko. Dala ko ang order ng customer. Masaya ako kasi after seven days na hindi binabalik ang item, ay makukuha ko ang incentives ko sa naibenta kong bag. Sinamahan ko ang customer na magbayad sa cashier ang customer at binigay ko ang sales code ko para may register sa system ang incentives ko."Thank you ma'am, may freebies po kayo na wallet dahil bumili kayo ng tatlo." Magalang kong inabot ang malalaking paper bag sa kanya. Malapad itong ngumiti sa akin, at kinuha ang pinamili niya. "Thank you. Anong pangalan mo?"Nag curt-bow muna ako. "You're welcome po, ako po si Naomi""Buo mong pangalan?""Naomi Gonzales ang buo ko pong pangalan.""I'm good at names," ngumiti siya at tinuro ang sentido niya. "Ikaw ang hahanapin ko kapag bibili ulit ako ng bags.""Nako, thank you po, ma'am?" Nakahalata naman siya na tinatanong ko rin ang pangalan niya."I'm Erin Quiambao.""Thank you po ulit ma'am Erin." Masaya kong pasasal

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status