ANMELDENMATAPOS makapagpahinga, dahil sa mahahabang paglalakbay marating ang napakagandang isla ng Euphoria. Naisipan kong bumaba para libutin muna ang hotel na aking tinutuluyan. Mag-isa lang ako naka-check in sa Hotel Nirvana. Maayos din naman. Sobra pa nga. Ang suite ko ay may floor-to-ceiling glass window na tanaw ang dagat, may sariling balcony, at may amoy ng fresh linen at mahal na kahoy. Hindi ko kasama si Sof—ay si Coco pala. Dapat masanay na akong tawagin siyang Coco. Gaya nga ng unang sabi niya sa akin ay magkahiwalay kami, nasa private villa niya kasi siya.
Ayos lang naman sa akin guest lang niy ako rito. Ang kanyang access ang gamit ko kaya ako narito sa Euphoria. Sa kanya pa rin ang desisyon kaya wala akong karapatang mag reklamo. Pero sa akin ang desisyon kung hanggang saan ko kayang makisabay sa karangyaan ng lugar na ’to. Hindi ko naman afford ang membership. Kahit yung sinasabi nilang pinaka-“affordable” na subscription ay parang sampung taon ng sahod ko ang katumbas. Huminga ako nang malalim. Okay lang ’to. Hindi ako nandito para magpanggap na mayaman. Nandito ako para huminga. Naka-robe lang ako pero ang suot ko sa loob ay black bikini. Simple lang at walang arte. Beach vibes pero hindi trying hard. Hindi ako papatalo sa pabonggahan ng katawan sa mga babaeng narito sa isla. Hindi ako mayaman, pero kaya kong makisabay at maging maayos na babae. Pagbaba ko sa lobby ng Hotel Nirvana, agad kong naramdaman ang pagbabago ng atmosphere. Mas tahimik dito kaysa sa main beach. Mas intimate. Mas… mapanuri ang mga tingin ng mga tao. Dumaan muna ako sa may reception area. May magandang babaw doon na may magandang ngiti at sa name plate niya ay may nakalagay na, London. Matamis itong ngumiti sa akin. "Hello, London." Bati ko sa kanya. "Hi miss—" huminto muna siya at yumuko sandali. May screen yata sa tapat niya kasi kanina, kinuhaan niya ako ng litrato bago mag-check in at kinuha din ang pseudonym ko. "Miss Belle." Patuloy niya muli nang magtapo muli ang mga mata namin. "Ah, saan ang pool area niyo?" "Right this way po," turo niya sa kanyang right side. May hallway dito na hindi naman kahabaan at sa dulo ay may door na gawa sa bamboo. "Bali po, lakad lang kayo sa hallway na 'yan, at may open lounge po and pool diyan." "Okay, thanks. May bar din diyan tama ba?" "Yes po, Miss Belle." "Thanks." Ngiti ko sa kanya. Nag- curt nod siya at umalis na ako. Naglakad ako sa hallway na itinuro ni London. Nakarating ako sa open lounge area at may infinity pool dito. May bar sa gitna, may mga taong nakaupo sa low sofas, may ilang naglalakad na parang sanay na sanay na sa lugar at parang pag-aari na nila ang isla. May nahagip naman ang mga mata ko na isang lalaki. Nakaupo siya sa bar, bahagyang nakatukod ang mga siko sa may bar counter top, may hawak na baso ng amber liquid. Naka-puting linen shirt na bukas ang dalawang butones sa itaas, sleeves rolled up hanggang siko. Parang bihasa na siya dito sa Euphoria. Ramdam ko agad ang kanyang presensya. Hindi ko alam kung bakit, pero tumama agad sa akin ang aura niya, yung tipong alam niyang may itsura siya at wala siyang pakialam kung ma-intimidate ka. At bago ko pa maibaling ang tingin ko palayo, nagtagpo ang mga mata namin. Mabilis lang iyon pero sapat para uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung ano 'yon? Pero hindi naman siya ngumiti sa akin. At ang lakas niya, saka sinipat pa niya ako ng tingin. Parang sinusukat ako mula ulo hanggang paa, parang alam niyang kaya niyang gawin ’yon at wala akong magagawa. Na- concious tuloy ako. Hindi ko na tinuloy ang pagtanggal sana ng aking silk robe. Kumunot ang noo ko. Naglakad ako palapit sa bar at sinadya kong hindi siya pinansin. Umupo ako sa isang stool na may pagitan lang na isang upuan sa kanya. “Vodka soda,” sabi ko sa bartender. Tahimik lang siya. Pero ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. “Belle.” Napalingon ako at napataas ng isang kilay. “Excuse me?” “Tawag sa’yo kanina ng receptionist,” sabi niya na may kalmadong boses. “Belle.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Hindi kita kilala.” “Hindi ko rin naman sinabing kilala kita.” Napanganga ako sa sagot niya. Ang kapal ng mukha niya. "Nakikinig ka pala sa usapan namin." Umiling siya at sumimsim ng kanyang iniinom. "That's a public space. Madaming makakarinig ng usapan niyo ng receptionist. And your pseudonym..." huminto siya para humithit sa kanyang vape. "I find it interesting. Belle... means beautiful in French." Hindi ako impress kasi isa siyang tsismosong lalaki. “Then don’t say my name like you own it,” malamig kong sagot. Doon lang siya bahagyang ngumisi. Isang ngiting mayabang para sa akin at nakakairita. “Relax,” sabi niya, sabay inom ng alak. “Name’s Deux.” Pakilala niya. Mabigat pa rin loob ko sa kanya. “Good for you,” sagot ko ng walang interes. “Didn’t ask.” Tumawa siya nang mahina pero hindi namab bastos, pero parang natatawa sa sarili niyang confidence na kinainis ko lalo. Nagpunta nga ako sa Euphoria para makalimot at nagpalit ng name na hindi maharot, para walang kumausap sa akin at makapagpahinga ako. Pero may lalaki naman na nakakabwisit na akala mo naman ma- attract ako sa kanya ng ganun lang. Dahil guwapo siya? No, I'm done with guys. Tama na muna. “You don't look like you came here to play." Hindi pa siya talaga tumitigil. Napalingon ako sa kanya hindi ko pinatulan ang sinabi niya. “At ikaw naman, mukhang sanay kang manghusga.” may pagkasarkastiko na ang tono ng boses ko para lubayan niya na ako at 'wag kausapin pa. “Observation lang,” kibit-balikat niya. “Usually, people here don’t wear that kind of look.” Sinadya kong sukatin siya mula ulo hanggang paa, gaya ng ginawa niya kanina. “And usually, people with manners don’t comment on strangers.” May ilang segundong katahimikan. Hindi siya umatras. Hindi rin siya nag-apologize. “Interesting,” sabi niya. “Most girls here flirt.” “Then maybe I’m not ‘most girls’,” sagot ko agad. Ngumisi siya ulit ng mas mabagal at mapanganib. “Clearly.” Tumayo ako, kinuha ang inumin ko. “Do yourself a favor,” dagdag ko bago tuluyang tumalikod. “Humanap ka ng babaeng kayang tiisin ang yabang mo.” “At ikaw?” tanong niya sa likod ko. Huminto ako saglit, pero hindi ako lumingon. “Hindi ako nandito para makipag mingle.” Naglakad ako palayo, dama ang pintig ng dibdib ko hindi dahil kinilig ako, kundi dahil nainis. Sino ba ’yon? At bakit parang… masyado siyang kampante? Sa kaiisip ng eksena na 'yon, natalisod ako at kamuntikan nang matapon ang inumin ko sa may matanda na nakahiga sa may sun lounger. Pero hindi iyon nangyari. Isang matibay na braso ang humawak sa bewang ko, sapat ang higpit para pigilan akong na huwag bumagsak ng tuluyan. “Careful,” mababa niyang sabi. “You might fall.” Napapitlag ako. Masyadong malapit ang mukha niya. Kitang-kita ko ang kulay-abo niyang mga mata. Parang buwan sa ibabaw ng dagat. Ang init ng palad niya sa bewang ko ay salungat sa lamig ng tingin niya, at doon ako mas nainis. At bakit ko ba napapansin ang ganito sa kanya? Agad akong tumuwid ng tayo, umatras na parang walang nangyari. Hindi ako tumingin sa kanya habang inaayos ang sarili ko, kahit ramdam kong umiinit ang pisngi ko. “Salamat,” maikli kong sabi. Naglakad ako palayo, pilit binabalanse ang hininga ko. Hindi ko na siya nilingon. Naomi. Belle. Kailangan mong alalahanin kung bakit tayo nandito. Gusto kong pagalitan ang aking sarili.UNO: Hey, bro. Having fun?Napatitig ako sa Navi Tab. Hindi ko nireplyan kakambal ko. Dahil wala akong oras makipag chat pa sa gung-gong na 'yon. Inilapag ko sa tabi ko ang tablet. Nakaupo lang ako sa kama ng aking suite at hind namalayan na napangiti sa kawalan nang sumagi sa isip ko si Belle. Challenge para sa akin kapag sinusungitan ako ng babae. Kinuha ko muli ang tab at hinanap siya sa guest list ng isla.May internal chat system kasi ang isla. Pwede kang makipag- interact sa ibang guest. May sariling social media rin na pwede kang mag- post at maghanap ng ka date mo o yung iba ay nasa Euphoria's Cupid na app. Isang matching app na pwede kang mag- hanap ng ka-match. Swipe right and swipe left lang.Nang makita ko siya, wala pa siyang uploaded na picture. Mukhang hindi nga siya nandito para makipaglaro. I tried to send her a message.'Hi.' Binura ko. Sounds creepy. 'Hey.' Binura ko. Parang tropa ang dating. Binura ko ang lahat ng drafts.Hindi ko kailangang magpakitang-tao. Mas l
MATAPOS makapagpahinga, dahil sa mahahabang paglalakbay marating ang napakagandang isla ng Euphoria. Naisipan kong bumaba para libutin muna ang hotel na aking tinutuluyan. Mag-isa lang ako naka-check in sa Hotel Nirvana. Maayos din naman. Sobra pa nga. Ang suite ko ay may floor-to-ceiling glass window na tanaw ang dagat, may sariling balcony, at may amoy ng fresh linen at mahal na kahoy. Hindi ko kasama si Sof—ay si Coco pala. Dapat masanay na akong tawagin siyang Coco. Gaya nga ng unang sabi niya sa akin ay magkahiwalay kami, nasa private villa niya kasi siya. Ayos lang naman sa akin guest lang niy ako rito. Ang kanyang access ang gamit ko kaya ako narito sa Euphoria. Sa kanya pa rin ang desisyon kaya wala akong karapatang mag reklamo. Pero sa akin ang desisyon kung hanggang saan ko kayang makisabay sa karangyaan ng lugar na ’to. Hindi ko naman afford ang membership. Kahit yung sinasabi nilang pinaka-“affordable” na subscription ay parang sampung taon ng sahod ko ang katumbas.Humin
“CONGRATULATIONS, approved ka na.” Masiglang bati sa akin ni Sofia habang nakangiti hanggang tenga. “So, kailan ang balak mong pumunta sa Euphoria?”Kumunot ang noo ko. May kung anong biglang kabog sa dibdib ko sa tanong niya. “Hindi mo ko sasamahan?” tanong ko pabalik.May katahimikan muna sa pagitan namin. Nabuhayan ako nang magsalita muli si Sofia.“Ano ka ba.” Tumawa siya. “Sasamahan siyempre. Pero separate cabin tayo. Hindi tayo mag- share ng kwarto. Mapagkamalan pa tayong mag-jowa. O worse, lesbi.”Napahalakhak ako at napailing. “Grabe ka.”“Professional image, darling,” biro niya sabay kindat. “Tsaka mas masaya ’yon. May space at mystery.” Nakakaloko siyang tumingin sa akin.“Fine,” sabi ko habang humihinga nang malalim. “Magpapaalam muna ako sa manager ko na mag- leave.”“O sige,” sagot niya agad. “Basta inform mo lang ako kapag approved na ang leave mo.”“Yes, I will.”“You’ll love it there,” dagdag pa niya, mas seryoso na ang tono. “I swear. The place is… different. Para kan
"C'MON, Theo. Sumama ka na kasi. Para mawala na ’yang kulubot mong mukha. Para ka nang tatay." Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa Euphoria. Tinaktak ko ang upos ng sigarilyo ko. Sumandal ako sa aking swivel chair humithit dito hinila ang usok paloob ng dibdib bago ko dahan-dahang ibuga. Pinatong ko siko ko sa may armrest ang kanan ay bahagyang nakataas dahil may sigarilyo at ang kaliwa'y naka- relax. "I don't want to go, Tobby. I just want to be alone. And get the f*ck out of my office." "Tanginang 'yan. Diyan ka magaling eh, you always shutdown people even your own brother. Ang sakit." Umarte ito na parang tinamaan ng bala sa may puso niya. "Siraulo!" Pinatay ko ang sigarilyo sa may ashtray sa tapat ko. Tumayo ako at nag tungo sa may bar counter at nagsalin ng whiskey. "Kasi naman, bro. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makagetover kay Mel. It's been months since she broke up with you." Humigpit ang kapit ko sa baso. Kapag binab
TAHIMIK ang apartment nang makarating ako. Patay ang ilaw. Magulo pa rin ito. Yung mga hugasan na pinggan mula kahapon ay naroon pa rin. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako, pumunta muna ako sa kusina at sinimulan maghugas ng mga pinggan, nagpunas ng maduming counter top, nag walis ng buong bahay at tinapon ang basura sa labas. Pinagod ko ang sarili ko. Nag pahinga ng kaunti at naligo na. Nang mahiga na ako sa aking kama, doon ko naalala ang sinabi kanina sa akin ni Sofia.Binuksan ko ang email ko, at doon ko nakita ang invite. Naka- secured email ito. Naroon ang code sa email at nilagay ko rin ang date of birth ko kasama ng code para mabuksan ko ang mismong invite. Binuksan ko ang secured email.Saglit munang nag-freeze ang screen, parang may ini-scan. May lumitaw na maliit na icon sa gilid—isang abstract na simbolo na parang pulso ng puso na unti-unting kumikislap. Ilang segundo pa, saka tuluyang nagbukas ang laman ng mensahe.FROM
LUMABAS akong malapad ang ngiti sa VIP lounge ng store na pinagtatrabahuan ko. Dala ko ang order ng customer. Masaya ako kasi after seven days na hindi binabalik ang item, ay makukuha ko ang incentives ko sa naibenta kong bag. Sinamahan ko ang customer na magbayad sa cashier ang customer at binigay ko ang sales code ko para may register sa system ang incentives ko."Thank you ma'am, may freebies po kayo na wallet dahil bumili kayo ng tatlo." Magalang kong inabot ang malalaking paper bag sa kanya. Malapad itong ngumiti sa akin, at kinuha ang pinamili niya. "Thank you. Anong pangalan mo?"Nag curt-bow muna ako. "You're welcome po, ako po si Naomi""Buo mong pangalan?""Naomi Gonzales ang buo ko pong pangalan.""I'm good at names," ngumiti siya at tinuro ang sentido niya. "Ikaw ang hahanapin ko kapag bibili ulit ako ng bags.""Nako, thank you po, ma'am?" Nakahalata naman siya na tinatanong ko rin ang pangalan niya."I'm Erin Quiambao.""Thank you po ulit ma'am Erin." Masaya kong pasasal







