Share

Chapter 2: Confident

Irish

     Nakatulala akong naglalakad papunta sa bahay, wala akong gana. Sobrang daming effort ang ginawa ko para hindi lang ako malate, tumakbo na nga lang ako para hindi ako mahuli tapos ganun lang iyon. Bukas nalang ulit ang sasabihin nila? Sobrang pagod pa ako, sana hindi na lang ako nag-effort para lang doon.

     “Sobrang haba naman yata ng mukha mo ngayon Sis.” Bungad ni Ny sa akin. “Ano bang nangyari? Natanggap ka ba?”

     Hindi ko na lang pala namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng bahay, sobrang disappointed ko pala talaga ngayon.

     Malungkot akong tumingin sa kanya, “Hindi naman sa ganoon. Pababalikin lang naman kami ulit bukas kasi nagabihan ang interview. Marami kasing mag-aapply ng trabaho doon.”

     “O, ganon naman pala eh, ano bang problema? Parang mas malubha ka pa sa broken hearted Sis,” biro nito. Napatawa tuloy ako, panira talaga ito ng moment.

     "Grabeh ka ha, hindi naman ako umiiyak noh,” natatawa kong sabi.

     Paano naman ako naging mas malubha pa sa isang broken hearted? Hindi naman ako umiiyak o kaya nag-oover react. Napakamalisyosya niya talaga, nag-eemote lang naman `yong tao. Gusto ko lang naman mafeel `yong pain, joke lang ayoko kayang masaktan.

     “So ano? Babalik ka doon bukas girl?” tanong nito.

     “Syempre naman, kailangan kong magkaroon ng trabaho noh. Para naman may extra money tayo diba?” pagbibiro ko. Halata naman itong napatawa at sumabay sa aking biro.

     “Tama ka dyan Sis, believe talaga ako sayo may pambili na ako ng make-up.” Iba talaga ang baklang `to sa kabila ng paghihirap namin, make-up pa rin ang iniisip nya. Nako naman.

     Nabasag tuloy ang mukha ko, unang una iniisip ko `yong mga pangangailangan namin tulad ng mga pagkain, bills sa kuryente at tubig, mga utang din namin tapos make-up pa rin ang nasa isipan niya. Mamamatay na talaga akong mahirap sa buong buhay ko, pero naiintindihan ko naman siya kahit ganyan ang mga iniisip niya alam kong hindi pa rin mawawala sa isip niya ang mga problema namin.

     “Ikaw talaga puro make-up lang ang laman ng isip mo, may mga utang pa tayo Sis,” pagreremind ko sa kanya. “Mamaya na iyang mga make-up make-up mo dyan.”

     “Ano ka ba naman girl, syempre hindi ko makakalimutan iyon noh. At isa pa may trabaho naman ako bilang isang make-up artist, may pangtustos pa rin tayo sa dito sa bahay,” malakalma nitong saad.

     May trabaho pa pala siya pero kulang pa rin iyon, hindi naman kasi sa lahat ng araw may customer na magpapa makeup lagi, minsan din naman ay wala kaya hindi pa rin iyon sapat. Kailangan kong makapaghanap ng trabaho agad bukas, sana naman ay matanggap ako doon sa kompanyang iyon.

     Huminga ako ng maluwag para maclear ko ang aking isipan, “Sigeh basta magsikap tayo ha?”

     “Of course Sis! No problem!” sabay-sabay naming ginawa ang friendship handshake sign namin. Naliwanagan na ang utak ko at ngayon ay kailangan kong mag focus sa trabaho.

     Pagkatapos ay pumunta na kami sa kusina para kumain ng hapunan, wala kasi siyang trabaho ngayon kaya siya muna ang naghanda lahat dito sa bahay. Kumain kaming masaya kahit hindi ko man pamilya ang kasabay kong kumain ay kuntento na ako sa pangyayari ng buhay ko. At least masaya ako ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan, tinuring ko na siyang kapatid simula noon pa at ganoon din sa kanya kaya sobrang close naming sa isa`t isa.

     Pagkalipas ng ilang oras ng pagtulog ng mahimbing ay madali lang itong pinalitan agad ng madaling araw and it's already 5:20 A.M.

     “Sis! Kumain ka muna dito!” sigaw niya galing sa kusina. Madaling araw na kasi, buti nalang at nagising ako agad para makapaghanda ng aking mga gamit para hindi rin ako malalate.

     “Oo na, saglit lang papunta na ako dyan!” sigaw ko pabalik.

     Nakapagbihis na ako ng maayos at mukhang hindi na nga talaga ako malalate ngayon. Nakasuot lang ako ng pink t-shirt habang nakainshort ito sa aking jeans dagdagan mo pa ng sneakers na kulay puti. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga uso na mga modern outfits ngayon, ang gusto ko lang naman ay `yong simple lang at least maganda pa rin naman akong tignan. Hindi naman ako mukhang nanay sa suot ko, pero medyo pang-modern din naman siya .

     Sinuot ko na ang kulay itim kong sling bag tapos hinawakan ko lang ang puting folder ko, hindi naman kasi kasya sa sling bag kasi medyo maliit lang itong sling bag na dinala ko.` Pang kasya lang sa cellphone at wallet ko.

     “Anong ulam Sis?” tanong ko rito paglabas ko ng kwarto. Mukhang may niluluto pa siyang ibang ulam kaya nakatalikod ito sa akin dahil focus na focus sa kanyang niluluto.

     “Syempre, your favorite breakfast. The egg!” Ang paborito kong ulam pala ang niluluto niya. Masarap siguro ito, alam ko namang masarap magluto itong si Ny dahil tinuruan na siya ng kanyang ina simula noong bata pa lamang siya.

     Ako rin naman masarap din naman ako magluto pero wala na akong time para sa ganyan dahil sa sobrang busy ng buhay ko ngayon sa paghahanap ng trabaho. Simula noong bata pa ako ay laging niluluto ni Nanay ang itlog para sa almusal namin kaya hanggang sa naging paborito ko na ito. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako tumataba pero sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig kumain.

     “Yey! My favorite!” sigaw ko dahil sa excited na kainin ito. “Dali na ilapag mo na mesa yan Sis, kanina pa ako naghihintay.”

     Paglapag niya pa lang sa mesa ay agad ko itong kinuha kaya walang natira sa kanya pero may niluto pa naman siyang adobo. May makakain pa rin naman siya, minsan ayaw niya kasi sa itlog kaya nagluluto siya ng ibang ulam para sa kanya.

     “Goodluck Sis! Galingan mo ha.” sambit niya.

     “Oo naman syempre, alangan namang hindi diba? Syempre gagalingan ko,” I confidently said it. Kailangan ko talagang maging confident sa sarili ko for the better results kahit medyo mahiyain kailangan tiisin.

     Sabay kaming nag-appear ng aming mga kamay at nagtawanan. Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa kanya and this time this is my fight. Kanina sobrang confident ko pero bakit biglang nawala at napalitan ito ng kaba dahil sa sobrang bilis ng pagkabog ng aking puso ngayon.

     No matter what happens I need to do this and fight for my future. Sumakay na ako ng taxi, buti na lang at may taxi ngayon para hindi na ulit ako tatakbo. It's still early pa naman kaya wala akong dapat ikabahala, alam kong hindi ako malalate sa mga oras na ito.

     “Dito na po Manong, maraming salamat po.” Sabay abot ko ng pera sa driver ng taxi at pagkatapos ay umalis na ito.

     Bumungad sa akin ang napakalaking building ng Hayes Company, the most famous company in the whole Asia. Now, it's already 6:50 A.M. at mga employees pa lang ang nakikita ko sa loob ng kompanya habang inaayos ang kanilang mga gamit at nagsimula ng magtrabaho.

     Hindi na ako naghihintay ng ilang segundo at pumasok na ako agad sa loob, gumamit ako ng elevator para makapunta ako agad sa interviewing office nila. Paghinto pa lamang ng elevator ay nakikita ko ang konti lang ng mga tao na nagpipila, siguro na sa mga 15 persons lang ang nakapila dito. Hindi pa siguro nakarating dito ang iba kaya kaunti lamang sila. Pumila na rin ako sa kanilang likuran at naghihintay kung kailan matatawag ang aking pangalan.

     “Ms. Irisha Anantari Cortez! Are you here?” sigaw ng isang babae na isa sa empleyado ng kompanya. Agad-agad akong kumilos papunta sa babae.

     “Yes, that's me,” sagot ko.

     Pinapapasok na niya ako sa loob ngunit bago pa man ako pumasok ay huminga muna ang malalim para maiwasan ko ang kaba na bumabagabag sa akin ngayon. Inalalayan ako ng babae papunta sa loob. Pagbukas pa lang ng pinto ay bigla akong napaatras nang makita ang taong mag-iinterview sa akin.

     “Mr. Hayes this is Ms. Irisha Anantari Cortez.” Pagpapakilala sa akin ng babae. Bumilis na naman ang kabog na aking puso ngayon, ayokong humarap sa kanya. Nakakahiya.

     “You may leave now Patricia,” walang emosyon nitong sabi. Pilit pa rin akong nakayuko para hindi niya makita ang aking mukha na punong-puno ng hiya.

     Umalis na kasi `yong babaeng nagngangalang Patricia kaya ako na lang mag-isang nakatayo ngayon dito. Nakasuot siya ng kulay itim na tuxedo at ganun din ang kulay ng kanyang pants tapos naka-loafers shoes na kulay itim din. `Yong necktie niya ay kulay itim din at nakasapaw pa sa loob ng tuxedo ang isang puting polo tapos hindi pa nakaayos ang pang-itaas na butones ng kanyang polo kaya kitang-kita ang kanyang bandang dibdiban kaya sobrang hot niya tignan.

     Dagdagan mo pa ng isang pang-mamahaling relo na suot niya sa kanyang kaliwang kamay at ang ayos pa ng buhok nito na kulay itim din. Siguro itim ang favorite color niya kasi nakaitim siya lahat.

     “So you are Irisha Anantari Cortez, right?” tanong nito. Ayoko talagang sumagot, ano ang gagawin ko ngayon? Wala na talaga akong choice, kailangan kong maging confident for the best results diba.

     “Y-yes s-sir. Just call me Irish f-for short,” putol-putol kong sagot. Paano ba kasi, nanginginig na ako pati `yong kamay ko ay halata na ring nangingnig ito. Sana man lang hindi niya makita. Baka maalala niya yung ginawa ko kahapon.

“How old are you?”

“23 years old po Sir.” Nako tulungan niyo ako dito, I can`t handle this anymore. Natutunaw na ako sa kanyang mga titig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status