Share

A Bullet In My Heart
A Bullet In My Heart
Author: Smiley Girl

Chapter 1: Disappointment

Irish

     “Hay nako! Maya na tayo mag-usap Sis, busy pa ako ngayon.”

     Sis ang tawag ko sa kaibigan kong bakla na si Nyrie Arranda, siya ay aking matalik na kaibigan.

     Mula noong nagfirst year high school ako ay siya ang unang nakipag-kaibigan sa akin. Syempre mahiyain ako, hindi kasi ako marunong mag-approach sa isang tao kaya wala akong masyadong kaibigan.

     “Ano ba kasi yang hinahanap mo? Kanina ka pa dyan naghahanap ng kung ano-ano,” reklamo niya.

     Paano ba kasi, nawawala `yong folder ko. Nakalagay kasi lahat doon ang mga details na kinakailangan sa pag-aapply ko ng trabaho. Para mabuhay kailangan din namin ng pera, wala naman sigurong tao na nabubuhay na walang pera diba. Lalo na`t kaming dalawa lang ang bumubuhay sa bawat sarili namin dahil parehas kaming pinalayas ng aming mga magulang. Tutol kasi sila sa kurso na kinuha ko sa college kaya pinalayas ako at ganoon din kay Ny.

     Ny lang yung tawag ko sa pangalan niya para mas madali lang tawagin at ang tawag niya naman sa akin ay Irish pang-shortcut din ng pangalan ko pero Sis talaga ang tawagan naming dalawa sa isa`t isa, “`Yong folder ko nga, nandito lang yun kanina sa mesa. Bakit biglang nawala?”

     “Folder? You mean `yong white folder dito?”

     “Oo nga. Nakita mo ba?” Tumango-tango siya bilang sagot. Nakahinga na rin ako nang maluwag, nakasalalay kasi doon ang buhay ko. Charot lang!

     “O, ito na Sis, akala ko kasi hindi mo na `yan magagamit kaya nilagay ko na lang sa cabinet,” paliwanag pa nito.

     “Thank you.” Sabay tapik ko sa kanyang balikat, nginitian naman niya ako. Inayos ko muna lahat ng gamit at mga kailangan ko para wala akong makalimutan.

     Nagbihis na rin ako ng damit, syempre normal lang ang itsura hindi naman ako marunong mag makeup pero itong si Ny talaga ang pinakamarunong pagdating sa make-up. Nakasuot lang ako ng kulay berde na t-shirt sabay inshort sa aking fitting pants tapos naka-sneakers na sapatos na kulay puti. Tinali ko lang yung buhok ko na pa messy bun, long hair ako eh. Tapos may konting long bangs sa gilid ng aking mukha para medyo cute tingnan. Hindi naman pala ako cute.

     “Sis! Kumain ka na dito. Kanina pa ako naghihintay sayo,” sigaw niya galing sa kusina.

     Lumabas na ako sa kwarto at nagmamadaling naglalakad papunta sa labas, “Hindi na ako kakain, late na kasi ako sa schedule. May baon naman akong dala, aalis na ako.”

     Iniwan ko siyang kumakain doon mag-isa sa loob, wala na kasi akong time baka mahaba pa ang pila doon sa kompanyang papasokan ko ng trabaho. Naghintay muna ako sa gilid ng kalsada baka sakaling may dumaan na taxi pero wala pa talaga, kanina pa ako naghihintay. Maglalakad na lang siguro ako, hindi naman ako tanga para maglalakad lang wala na akong oras late na talaga ako. Tatakbo na lang ako, bahala na basta kailangan kong makaabot agad doon.

     Natawa tuloy `yong mga taong naglalakad kasi kahit nagbike na nga naunahan ko pa sa pagtakbo, pwede na siguro akong maging runner. Infairness talaga isa na akong athlete.

     And at last, nakarating na rin ako sa lokasyon ng kompanyang aapplayan ko. Nakahawak ako ngayon sa aking tuhod dahil sa sobrang hingal at pagod ang nadama ko ngayon. Iaangat ko na sana ang ulo ko ng bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki, walang emosyon ang kanyang mukha na nakatitig sa akin, kitang-kita ko ang kinis ng balat ng kanyang mukha at ang tangos pa ng ilong nito, medyo may pagka chinito ang kanyang mga mata.

     Kumalma ka Irish! Wala tayong time para mainlove ngayon.

     Hindi ko na lang minamind iyon at nagsimula na akong maglakad ng biglang nagsalita ang ang dalawang body guard na nakatayo sa gilid ng entrance, “Good Morning Mr. Hayes.”

     Biglang napatigil `ang mundo ko dahil sa sinabi ng bodyguard. Ibig sabihin ang lalaking iyon ay ang nagmamay-ari ng kompanyang ito. Nako naman, ano bang ginawa ko?

     Nag slowmo akong tumingin sa kanya at nakatitig pa pala siya sa akin. Unti-unti kong inangat ang aking kamay para magpeace sign ngunit hindi man lang ako pinansin nito at naglakad lang siya patungo sa entrance habang nakasunod ang dalawa ring bodyguard na kanyang kasama na nakabantay sa kanya at may isa pang secretary. Kitang-kita ko naman dito sa labas kung paano siya binabati ng kanyang mga empleyado sa loob kasi glass lang kasi yung pader. Sobrang yaman talaga.

     “Am kuya body guard sino po yung lalaking iyon?” tanong ko sa isang body guard na bumati sa lalaking iyon kanina. Naging chismosa na naman ako ngayon.

     “Si Mr. Zade Kaiden Hayes po yun Ma`am siya po ang CEO ng kompanyang ito.” Siya talaga ang boss ng kumpanyang ito. Tulungan niyo naman ako, baka hindi ako matanggap sa trabahong ito.

     “Salamat po.”

     Pumasok na ako sa loob ngunit ramdam ko pa rin ang kaba na baka hindi ako matanggap sa trabaho dahil sa ginawa ko kanina. Pahamak ka talaga Irish, ayan tuloy ang nangyari.

     “What can I do for you Ma'am?” napatingin ako sa babaeng nagtatanong sa akin. Sobrang kinis niya, maputi ito at sobrang kapal ng lipstick nito sabayan mo pa ng make-up.  Mukha siyang clown.

     “Nasaan po ba `yong interviewing office dito Mis? Mag-aapply sana ako ng trabaho,” sagot ko rito.

     “Okay Ma'am follow me,” ani niya. Ang tangkad niyang tingnan dahil nakaheels ito tapos maputi ang paa dahil sa suot niyang white stocking.

     Nagsimula na siyang maglakad at sinundan ko naman siya agad. Napahinto kami sa tapat ng elevator  at naghintay muna ng ilang sandali hanggang sa bumukas ito. Pumasok na rin kami sa loob, pagpasok ko pa lang ay namangha ako sa bilang ng floors akalain mo 20 floors. Kaya pala sobrang taas at sobrang laki ng kumpanyang ito.

     Nang huminto ang elevator at bumukas na ito ay bumungad sa akin ang nakapakadaming taong nakapila, sobrang haba pa nito. Mamamatay na siguro ako dito sa pilang ito, sobrang dami, maiinterview ba nila lahat ng `yan o baka papauwiin lang nila ang iba pag hindi na kaya dahil sa sobrang dami.

     Lumabas na kami sa elevator, “We are here Ma`am, you just need to line with them and wait when it's your turn.”

     Tumango lang ako bilang sagot at umalis na siya. Pumila na rin ako sa likuran at hindi pa iyan tapos, may mga tao pang dumating at pumila rin sa aking likuran. Kailan pa kaya ako maiinterview dito?

     May ibang napaupo na lang dahil sa kakahintay, hindi na kasi nila kayang tumayo dahil sa sobrang tagal. Pati ako nga ay naiinis na rin, gusto ko sanang umupo ng nagtayuan silang lahat. Kaya nagtaka ako kung bakit, nagulat na lang akong nang makitang dadaan sa amin ang boss ng kompanya sobrang lakas ng dating niya dahil sa height nito siguro nasa mga 6`5 yung height niya tapos nakapamulsa pa ang cool talaga tignan. Kinakabahan na naman ako.

     Hindi ko akalain ganito pala kaguwapo ang nagmamay-ari ng kompanyang ito. Pero balik na tayo sa focus baka maging lutang pa ako dito.

     Dumaan lang naman pala, akala ko iki kick-out niya ako agad sa trabaho na ito dahil sa kahihiyan kong ginawa kanina. Buti na nga lang at hindi ako nakita dahil kung nakita ako lagot talaga, mafifired agad ako kahit hindi pa nga ako natanggap sa kompanyang `to.

     Lumipas na ang tanghali at pumalit naman agad ang gabi. It's already 7:30 P.M. pero wala pa rin talaga, hindi pa rin ako naiinterview. Sobrang dami pa ring mga tao ang nakapila na mas nauna pa sa akin, hanggang madaling araw siguro ito. Paano ba kasi, ang tagal mag-interview ng tao kaya marami pa ring nakapila. `Yong iba ay nag-rereklamo na rin pero syempre hindi tayo pwedeng magpahalata, baka hindi pa tayo matanggap.

     “Kailan ba tayo ma-iinterview dito? Gabi na.” Reklamo nila. Pero hindi na ako sumabay sa mga sinasabi nila at nanatiling tahimik.

     And at last may lumabas na ring babae galing sa loob ng opisina. Nakasuot ito ng uniform na nirequired ng kompanya lahat naman ng mga empleyado dito ay parehas ang mga kasuotan except doon sa mga matataas na posisyon sa kanila. Sobrang neat niyang tignan, kitang-kita rin ang katangkadan dahil nakasuot ito ng black heels tapos may stockings kaya sobrang kinis ng balat. Nakaayos din ang medyo light brown nitong buhok . In other words, she is so pretty.

     Lumapit ito sa amin habang may dala-dala itong folder na kulay puti, “We all sorry that we let you all wait for this long time but may I inform you that the interviewers are tired and we decided to close this time. You may all come back tomorrow for the interview.”

     Naghihinagpis ang iba dahil sa kanilang narinig, sobrang daming effort ang ginawa nila para makapunta dito tapos bukas na lang ulit. Ganon lang ba iyon? Pati ako nga ay napakamot sa aking ulo dahil sa disappointment na nararamdaman ko ngayon, gusto ko sanang magreklamo pero wala naman akong karapatan na gawin iyon baka hindi pa ako matanggap. Napabuntong hininga na lamang ako, ano pa bang magagawa ko.

     Umalis na ang babaeng nag-inform sa amin at bumalik ito sa loob ng opisina. Ang iba naman ay nagsi-alisan na agad habang nakasimangot ang mga mukha nito katulad ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status