Share

Chapter 10

last update Last Updated: 2025-08-03 17:37:58
“Mamang, huwag mong pisain ang asawa ko,” pabirong sabi ni Abe na pinaghiwalay na kami ng kanyang lola. “We really need to go.”

Natawa na lamang ako dahil slang ang pagkakasabi niya ng salitang 'pisain' lalo na nang hilain na ako ng lalaki palabas sa meeting room. Nakaalalay sa likod ko ang isang kamay ni Abe habang naglalakad kami sa pasilyo, naalala ko ang operasyon ni Ayah.

“Sir, ang sabi ni Inay ooperahan na raw ngayon si Ayah,” halos pabulong kong sabi.

Huminto siya maglakad at hinarap ako. Seryoso niya akong tinitigan. “As far as I can remember, Abe ang pagpapakilala ko sa iyo not Sir. Why do you keep calling me that way?”

Nakagat ko ang loob ng pang-ibaba kong labi. “Iyon na kasi ang nakasanayan ko sa office.”

Tumaas ang dalawang kilay ni Abe. Bigla niya akong hinapit sa aking baywang at saka marahang hinawakan ng isa niyang palad ang pisngi ko. “We are outside the company right now and we are not working, my dear wife.”

Lumakas ang tibok ng puso ko sa mga tingin na iyon ni Abe
Lilian Alexxis

Sa iyo raw ang mga iyan, Isla. Aysus!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Red
nakakakilig
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 27

    “Mamang!” mariing sita ni Abe sa kanyang lola pero halatang pinigilan pa rin niya ang sarili na tuluyang sumigaw bilang paggalang sa matanda.Dinampot ko ang table napkin at itinakip iyon sa aking bibig at ilong. Ang sakit ng ilong ko at nauubo ako dahil na singhot ko ang tubig at pakiramdam ko ay muntik akong nalunod.Aburido ang mukha ni Abe sa paghagod at panaka-nakang pagtakip sa likod ko habang si Mamang ay napatayo rin sa kanyang upuan at lumipat sa katabi kong bakanteng upuan para himasin naman ang dibdib ko.“Kung nagkataon na nalunod ang misis ko, mas hindi kayo magkakaapo,” seryosong sabi ni Abe sa kanyang lola.Akala ko ay mahihimasmasan na ako. Napalingon ako nang bahagya kay Mamang para sabihin sana na okay na ako dahil halatang nag-aalala ang matanda.Humaba ang nguso ng matanda at inismiran si Abe. “Kapag hindi ka nagka-anak, kasalanan mo iyon dahil ikinukulong mo lang iyang semilya mo. Iputok mo kasi kay Isla!”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at uminit ang mga p

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 26

    Pagbaba namin ng kotse agad kong napansin ang matandang lalaki na matiyagang nakatayo sa main door ng mansyon ng pamilya Dela Torre. “Señorito, welcome home po,” bati ng matandang lalaki na nakasuot ng itim na slacks at puting plain longsleeves. “Hermie, this is my wife Isla,” pagpapakilala sa akin ni Abe sa matanda. “Love, this is Hermie our butler, also the grandfather of Harris.”“Nice meeting you po, Sir Hermie,” nakangiti kong bati.Rumehistro ang pagkataranta sa mukha ng matanda. “Hermie lang po, Señorita. Hermie lang po.”“Isla din lang po,” ganting sabi ko na sinabayan ko nang ngiti.Kumunot ang noo ng matanda at aburidong napatingin kay Abe. “She’ll get used to it,” komento ni Abe at tiningnan ko na lamang siya para hindi na humaba ang isyu.Binuksan ng matanda ang dalawang malapad na pinto. Sa hitsura at lapad ng mga itinulak niyang pintuang kahoy ay halatang gawa ang mga ito sa mamahaling uri ng hard wood na para bang sumisimbolo sa mga taong naninirahan sa magarbong tah

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 25

    Nagising ako dahil may mabigat na kung anong nakapaikot sa baywang ko habang may kung anong nakasiksik sa batok ko at nakadikit sa buong likod ko na nagbibigay ng init sa katawan ko maliban sa comforter. Liwanag lamang na mula sa dim lights sa magkabilang gilid ng dingding ang nagsisilbing ilaw sa silid. Nag-aalangan akong gumalaw dahil siguradong magigising si Abe. Hindi ako natakot kahit ngayon lang ako nagising nang may nakayakap sa akin na lalaki dahil amoy na amoy ko ang bath gel ng lalaki.Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig nang maisip ko na hindi ako nakaligo kagabi ni hindi nakapaghilamos at toothbrush! Tapos yakap-yakap niya ako ngayon! Siinubukan kong ilayo ang katawan ko sa kanya pero lalo pa niyang isiniksik sa batok ko ang mukha niya. Nakakahiya!Dahan-dahan kong iniangat ang braso ni Abe pero lalo lamang niya akong niyakap. Napapikit ako. Nakahinga ako nang maluwag nang bahagyang inilayo ng lalaki ang ulo niya kaya sinubok ko ulit na iangat ang kanyang braso

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 24

    Napahinto sa pagsubo ng kanyang pagkain si Abe at nagkatinginan kami. Napahugot ako nang malalim na buntong-hininga. Ayaw ko pa sana ipaalam kay Inay ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Lemuel dahil ayaw kong sumabay sa isipin niya pero siguro dapat ko na ngang sabihin na hiwalay na kami ng lalaki para hindi na niya hanapin.“Break na po kami,” maiksi kong sabi na nagpalingon kay Inay.“Ano? Bakit? Anong nangyari?” nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Inay.Nilingon niya si Abe at parang nailang ang lalaki sa sitwasyon. Tatayo sana siya pero mabilis ko siyang pinigilan.“I’m sorry. Please stay and continue with your food,” nahihiya kong sabi bago ko nilingon si Inay.“Nahuli ko siyang nambababae noong Sabado, Inay.” Hindi ko alam pero nang sabihin ko iyon ay gumaralgal ang boses ko. Malakas ang loob ko kanina na sabiihin dahil akala ko ay kaya ko nang ipaalam sa kanya nang hindi ako nasasaktan pero masakit pa rin pala.Nailapag ni Inay ang hawak na mangkok sa side table ni Ayah at sa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 23

    “Isla, may tanong ka pa ba?” Nagulat ako nang mapansing malapit na ang mukha ni Abe sa mukha ko at iwinawagayway niya ang isa niyang kamay sa harap ko.“Are you okay? Bakit ka biglang natulala?” nag-aalala niyang tanong.“Wala,” pag-iwas ko. Tumayo ako para tingnan ang cellphone kong nagcha-charge. “Would you like to leave na? Para maaga tayo makatulog mamaya kasi nakapangako ako kay Mamang na mag-aalmusal tayo doon. We will fly tomorrow at 8:30, 10 am ang meeting ko sa Claveria,” pagpapaalala niya.Tinanggal ko sa saksakan ang phone ko at niyaya na siyang umalis.Dumaan kami sa isang Chinese Restaurant at nag take-out ng ilang ulam at fried rice. Eksaktong gising si Ayah nang dumating kami.“Ate!” masayang bati ni Ayah pagpasok na pagpasok ko sa pinto habang nilingon niya si Abe na nasa likod.“Ayah, kumusta ka?” masaya kong tanong sa kapatid ko na hinalikan ko pa sa pisngi pero kay Abe pa rin siya nakatingin na naglalapag ng mga pagkain sa mesa.“Sino ka?” diretsang tanong ng kap

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 22

    Sa tangkad ni Abe eksakto ang tenga ko sa kanyang dibdib, sapat para marinig ko ang malakas na kabog ng puso niya na para bang nag-synchronize sa kaba na nararamdaman ko matapos kong maramdaman ang pagyakap niya sa baywang ko at ma-realize na kahit wala kaming nilalabag na batas sa yakap na ito, alam kong walang kasiguraduhan sa kung anuman ang meron kami ngayon.Marahan kong inilayo ang ulo ko sa kanyang dibdib at nahihiyang ngumiti dahil sa inasal ko. “I’m sorry.”Tinitigan lamang niya ako sa mata at hindi ko magawang umiwas nang tingin dahil parang may gusto siyang sabihin. Makaraan ang ilang segundo ay bumaba sa labi ko ang tingin niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at napapikit na lamang ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. “You should change into comfortable clothes, then let’s buy take-out dinner, so we can have dinner with your mom and sister,” pautos na sabi ni Abe pero mahinahon ang pagkakasabi.Kasabay nang pagdilat ng mga mata ko ay ang pagbitaw niya sa akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status