Mag-log inSalamat po sa patuloy na pagbabasa!
Tinipon ang media sa isang conference room at doon nagbigay ng pahayag si Abe. Naka-live sa major news channels ang press conference pero gaya nga ng ipinayo ni General Laxa, wala nang ibinigay na dagdag na detalye sa media ang aking asawa. Nang ideklarang tapos na ang press conference, i-off ko na sana ang television sa loob ng tinutuluyan naming silid nang i-segue ang balita sa live na kuha sa Camp Crame kung saan inimbitahan for questioning si Mr. Ricky Razon. Isang buntong-hinga ang napakawalan ko. Maganda ang pakikitungo sa akin ng matandang lalaki at hindi pa man siguradong may kinalaman siya sa ginawa ng kanyang asawa at apo, bumibigat na ang dibdib ko. Naniniwala akong mabait siya kaya siguro kahit ilang beses na nalagay sa panganib ang buhay ko, parang ayaw ko pa rin paniwalaan na sangkot siya. Kumunot ang noo ko at mas bumigat ang pakiramdam nang ibalita ng news anchor ang pagdating nina Mr. Refuerzo at Maddie sa kampo ng PNP. Tinutulkan ng camera ang pagbaba sa van ng dat
Agad napababa ng sasakyan si Abe at nagtawag ng stretcher. Nang maisakay sa stretcher ang ina ni Abe ay sumunod siya agad sa loob ng ospital. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ni Nathan at itinuro ako. Hindi nagtagal ay inalalayan ako ni Nathan pababa ng sasakyan at ipinakilala sa dalawang lalaki na kanyang kausap. “I want you to meet General Laxa and Colonel Tamayo,” pakilala ni Nathan.“Good evening po. Maraming salamat sa tulong,” nahihiya kong bati sa dalawa.“Walang anuman, Hija! Anything for Nathan!” nakangiting sagot ni General Laxa. “Dalhin mo ang misis mo sa loob para ma-check baka mamaya may naging epekto sa ipinagbubuntis niya ang pandurukot sa kanya.”Tumunog ang radyo ni Colonel Tamayo at lumayo muna sa amin.Napakamot ng kanyang ulo si Nathan. “How I really wish she’s mine, Uncle, pero siguro talagang sila ni Dela Torre ang tinadhana.”Umangat ang dalawang kilay ng heneral. “Dela Torre? You mean the only heir of Dela Torre Mines?”Isang payak na ngiti ang pinawal
Agad lumebel si Abe sa akin at niyakap ako nang napakahigpit. “God, I thought I was going to lose the three of you!” halos pabulong niyang sabi.Bumitaw siya nang pagkakayakap sa akin at akmang bubuhatin ako pero mabilis ko siyang pinigilan.“Abe, itayo mo na lang ako. Mommy mo ang buhatin mo dahil nabugbog ang katawan niya nang iharang niya ang sarili niya sa mga tadyak ni Cassandra na dapat sana ay para sa akin,” kuwento ko sa aking asawa.Inalalayan niya akong tumayo at saka niya nilingon ang kanyang ina. “Thank you, mommy.”Inismiran siya ni Jacqueline. “Siyempre, apo ko pa rin ang ipinagbubuntis niya.”“Mga apo, mommy. Kambal ang panganay namin,” nakangiting sabi ni Abe.Nanlaki ang mga mata ni Jacqueline bago nilingon si Nathan na tahimik na nakatingin sa amin.“Ikaw, sino ka?” masungit niyang tanong.Nilingon namin si Nathan na umangat ang dalawang kilay at akmang magsasalita.“He’s Nathan Quinn, boss ni Isla,” pakilala ni Abe.“Itayo mo ako rito at alalayan palabas. Akala mo b
“Stupid!” halos pabulong na sabi ni Jacqueline pero narinig ko pa rin. Sinabayan pa niya nang pag-irap sa akin.Hindi ko pinatulan ang tantrums niya. Kakayanin ko siyang i-tolerate kaysa nag-iisa ako rito. Napahawak ako sa aking tiyan bago napalingon sa paligid.“Tinatanong ko po kanina kung saan kayo isinakay baka kasi nakita ninyo kung nasaang lugar tayo dinala,” mahinahon kong tanong, umaasang sasagot siya nang maayos.“Paglabas ko ng Grace Global kagabi ay may nagtakip ng tela sa ilong ko, nang magising ako kaninang umaga ay narito na ako sa loob nito,” mahinahon din niyang sagot.Napalingon ako sa kanya. Galing siyang Grace Global? Nagtataka man ako ay mas napansin ko ang maayos niyang sagot sa akin. Kaya naman pala niyang makipag-usap nang mahinahon sa akin. “Paano kaya tayo makakatakas dito?” halos pabulong kong tanong.“Huwag kang maingay, baka marinig nila na may plano kang tumakas,” bulong niya habang tinitingnan ang dalawang lalaki na nag-babantay sa pinto.Napalingon ako s
Napapitlag ako nang may marinig akong sumisigaw.“Ano bang kasalanan namin sa pamilya ninyo?” Pasigaw na tanong ng pamilyar na boses ng isang babae.Hilo man ay pinilit kong buksan ang mabibigat na talukap ng aking mga mata. Nanlalabo ang tingin ko sa aking paligid kaya muli akong pumikit habang iniisip kung anong nangyari at ngayon ay nasa malamig at maalikabok na semento ako ng isang hindi pamilyar na lugar. Nakatali rin ang mga kamay ko sa aking likod na bahagya nang humahapdi ang balat ko.“Inagaw ninyo ang mga Dela Torre sa anak at apo ko!” sigaw ng isa pang boses ng mas matandang babae.Naalala ko na may lalaking humila at nagsakay sa akin sa isang helicopter. May kinalaman kaya ang mga babaeng ito kung bakit ako narito? Pinilit kong idilat muli ang aking mga mata.“Anong inagaw? Ang sabi sa akin ni Abraham ay ako lang ang naging karelasyon niya! Kaya anong sinasabi mo na inagaw ko ang dati kong asawa kay Caroline?” Napatitig ako sa babaeng nakatayo at nakatalikod sa akin. Pina
“Anak, mas safe ka rito sa condo unit natin,” nag-aalalang paggiit ni Inay habang kausap ko siya sa phone.Tatlong araw na niya akong pinapauwi sa condo pero ayaw ko dahil hindi naman siya nangangako na hindi na kakausapin si Aidan. Hinala ko nga ang lalaki ang kasama niya nitong mga nakaraang araw na lumalabas- labas siya dahil ang kuwento sa akin ni Abe, ang alam niya ay mag-iisang buwan na sa Pilipinas ang dati niyang propesor dahil kinontak daw siya nito nang dumating at sinabi nga na nasa Claveria ito pero hindi naman nabanggit sa kanya kung ano ang sadya sa aming probinsiya. Nagulat si Abe nang ikuwento ko sa kanya ang sinabi ni Inay na ang lalaking iyon ang kanyang sperm donor kaya ako nabuo. Pabiro pa akong sinita ni Abe sa bansag ko sa lalaki at pasimple akong sinabihan na dapat daw ay tanggapin ko na ang lalaking iyon sa buhay ko.Pero paano ko gagawin iyon kung masama pa rin ang loob ko sa lalaking iyon? Hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi niya na wala siyang girlfriend







