“Ate, gising.”
May kung anong yumuyugyog sa akin.
“Ate, late.”
Napadilat ang mga mata ko sa narinig. Nilingon ko si Ayah sa aking tabi.
“Ate, late,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
Napalingon ako sa wall clock sa loob ng kuwarto namin. Napabalikwas ako nang makita kong lagpas ala-singko na. Wala na rin si Inay sa kama, siguradong nasa dalampasigan na iyon at nag-aabang ng mahahangong isda para maibenta.
“Thank you, Ayah! Maliligo na si ate ha?” Hinalikan ko pa siya sa pisngi bago tuluyang tumayo sa kama.
“Welchum,” nakangiting sagot ng kapatid ko.
Hindi na ako nakapagpainit ng tubig kaya halos humiyaw ako sa lamig ng tubig mula sa drum. Limang minuto lang ay tapos na akong naligo. Dasal ko na lamang ay nabanlawan ko nang maayos ang mahaba kong buhok.
Pinili ko ang grey na slacks at pink na polo long sleeves. Mabuti na lang nakasanayan ko nang i-plantsa ang pang isang linggo kong damit tuwing linggo. Alas dos ko na kasi natapos ang aking analysis paper sa strategic management.
Humahangos akong bumaba ng tricycle at patakbong nag-in sa biometrics. 5:59 am.
“Whew!” Napahawak ako sa dibdib ko sa pag-aakalang hindi ako aabot. Hindi ko kasi narinig ang alarm ko kanina mabuti na lamang ginising ako ni Ayah.
Naghagdan na lang ako patungong fourth floor kung nasaan ang Marketing Department. Pagdating ko sa opisina ay tahimik pa dahil ako lang naman ang pumapasok dito ng ganito kaaga maliban sa mga guwardiya at housekeeping.
Binuksan ko ang aking desktop computer at saka nagtungo sa pantry para mag-brew ng kape. Sinilip ko ang mga local at international news at nag-print ng mga tungkol sa mining. Kasama kasi iyon sa mino-monitor ng marketing kung may bad publicity ba ang kompanya na posibleng makaapekto sa image at sales nito.
Nalaglag ang panga ko nang makita ang business story tungkol sa isang Johan Abraham Dela Torre, sinasabing ito na raw ang bagong Chief Executive Officer ng Dela Torre Mines na siyang may pinakamalaking shares sa Claveria Nickel Mining Corporation. Sinubukan kong i-search sa internet ang kanyang picture ngunit wala akong makita. Wala ring social media account ang bago naming boss.
Ayon pa sa news, isang buwan pa lamang nauupo ang bagong CEO ay marami na itong tinanggal sa trabaho dahil nakitaan ng katamaran at pagiging iresponsable. Plano rin daw nitong isa-isahin lahat ng pag-aaring mining companies sa buong bansa. Napalunok na lamang ako sa takot bago nag-print ng kopya ng balita. Inilagay ko iyon sa pinaka-ibabaw ng file. Pagkuwan ay dinala ko iyon sa table ni Maddie.
Nag-ring ang telepono sa aking mesa. Pagsagot ko ay si Manong Ruiz pala.
“Ma’am Isla, nandito na po si Manang Elsa. Bibili ka raw ba ng almusal?” tanong ng matandang guwardiya.
Si Manang Elsa ay naglalako ng samu’t saring almusal. Hindi rin ito nagtatagal sa gate dahil bawal ang magbenta ng pagkain pero mas maraming bumibili sa kanya dahil murang malayo sa canteen ng kompanya.
“May baon po ako. Pakisabi na lang po kay Manang Elsa,” pagsisinungaling ko.
Nabawasan kasi ng 150 pesos ang allowance ko this week dahil sa pagmamadali kong makaalis sa resort nina Lemuel noong Sabado. Sa hitsura niya bago ako umalis ay alam kong disappointed ito kaya hindi na ako nagtangkang magpahatid pa sa kanya pauwi ng bahay. Mula rin noong Sabado ay hindi rin sinasagot ng lalaki ang mga messages ko sa kanya. Masama sigurado ang loob sa akin.
Tumayo ako at nagsalin ng kape sa sarili kong mug. Binuksan ko ang refrigerator at nilagyan ng fresh milk ang aking kape. Dinala ko iyon sa aking working area para bumalik na magtrabaho. Nabusog naman ako sa isang mug ng kape. Mabuti na lamang at unlimited supply ng kape, juice at tubig ang opisina namin kaya kahit paano ay may pantawid-gutom ako.
Alas siyete kinse ng umaga nang magkasunod na dumating sina Maddie at Mr. Refuerzo. Nagtaka ako kung bakit maaga sila ngayon kumpara sa nakasanayan.
“Isla, natapos mo ba ‘yong pinahanda ko sa iyong files noong Sabado?” tanong ni Maddie na ngayon ay salubong na ang kilay.
“Oo. Nasa CEO’s Conference Room na rin,” sagot ko sa kanya.
Iniabot niya sa akin ang dalawang pahina ng document. “Paki-photocopy ng 15 pieces tapos ilagay mo sa pinakaharap ng bawat file.”
Tumango ako.
“Ngayon na Isla, darating ngayong alas otso ang bagong CEO at may meeting kasama lahat ng managers. Kailangan nasa file iyan,” natatarantang sabi ni Maddie.
“Ang sabi noong una alas nuwebe ang start ng meeting,” bumubulong na sabi ni Maddie habang palayo sa akin.
Nang matapos ko mag-photocopy ay nagmamadali akong sumakay sa elevator paakyat sa conference room. Naroon na si Ms. Mona sa kanyang mesa.
“Good morning, Ms. Mona. May pinapahabol lang po si Ms. Maddie sa akin sa file ng marketing,” paalam ko sa kanya.
Napatingin muna siya sa wall clock. “Sige. Bilisan mo, Isla. Parating na si Sir.”
Tumango ako at pumasok na sa conference room. Isa-isa kong nilagyan ng dagdag na file ang bawat blue folder ng Marketing Department.
Bago ko matapos ay isa-isang nagpasukan ang mga manager. Napilitan akong tumayo muna sa isang gilid para hayaan silang maupo muna sa kani-kanilang upuan. Napatingin ako sa hawak kong extra na kopya. Saan kaya ilalagay ito, eh 14 na lang ang folders sa conference table?
Huling pumasok si Mr. Refuerzo kasunod si Maddie at iba pang secretary ng lahat ng managers. Kinawayan ko si Maddie at ipinakita ang extra copy na hawak ko. Akmang lalapit siya sa akin para kunin ang extra copy nang bumukas ang pinto na kadikit ng opisina ng CEO.
Nagsalubong ang kilay ko at hindi naiwasang maiawang ang mga labi sa nakikitang nauupo ngayon malapit sa kinatatayuan ko. Maliban sa suot na itim na amerikana walang nagbago sa hitsura nang lalaking nakausap ko sa talon kahapon.
“We will start the meeting now, and no one is allowed to go out without my permission,” paninimula ng CEO, dahilan para mapalunok ako.
Napatingin ako kay Maddie dahil hindi naman dapat ako nasa loob ng conference room. Sinenyasan ako ni Maddie na tumahimik na lamang.
Unang tinawag ang finance manager at pinagreport sa harap tungkol sa financial status ng kompanya, kasunod na tinawag ang marketing.
“Wait, where is my copy of that report?” salubong ang mga kilay ng CEO.
Napatingin ako sa hawak na papel at doon ko lamang napagtanto na para sa folder ng CEO ang hawak kong sobrang kopya. Ibinalik ko ang tingin kay Maddie at isinenyas niya sa akin na ibigay ang papel.
“Are you hiding that report from me?” napatiimbagang ang CEO.
Napakunot ang noo ni Mr. Refuerzo. “No, Sir.”
Bago pa tuluyang magalit ang CEO ay buong tapang akong humakbang papalapit sa kanya. Bahala na! “I just missed putting this in your folder, Sir.”
Nagsalubong ang dalawang makapal na kilay ng CEO at naningkit na ang mga matang nilingon ako. Sa sobrang kaba ay nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil inaasahan ko nang sisigawan ako ng bagong boss pero tahimik lamang niya akong tinitigan.
Pagkuwan ay tumikhim ang CEO at muling ibinalik ang atensyon sa harap. “Continue.”
Marahan kong inilapag ang dalawang pahina sa nakabukas na folder sa harap ng CEO at saka magalang na humakbang paatras.
Nang mga sumunod na araw, sumasama na ako kay Abe na umakyat na agad sa kanyang opisina imbes na dadaan muna ako sa Marketing Department. Tinatawagan na lang ako ni Maddie kapag kailangan kong bumaba.Ilang araw na akong busy dahil may pinagagawang presentation si Abe para sa kanyang quarterly report sa board ng DTM. Si Harris ang dating gumagawa nito pero parang may ibang pinagkakaabalahan ang kanyang assistant nitong mga nakaraang linggo kaya imbes mainis si Abe dahil hindi nagagawa agad ang report ay sa amin ni Gabbine na lamang niya ipinagagawa.Lumapit si Abe sa work station ko at saka yumuko para tingnan ang ginagawa ko. “My love, tapos na ba period mo?” malambing niyang tanong.“Hindi pa,” tipid kong sagot.Humaba ang nguso niya at saka yumuko. “Sabi ko sa iyo buddy hindi pa puwede eh.”Nilingon ko siya kung sino ang kausap niya at natawa ako na nakatingin siya sa bumukol niyang pagkalalaki. “Kawawa naman,” pang-aasar ko.“Mas kawawa iyan pagtapos ng period mo,” bulong niya s
Malapit nang magtanghalian kaya nag-shutdown na ako ng aking desktop para umakyat na sa CEO’s office. Pagbukas ng elevator ay napalingon ako sa puwesto ni Ms. Mona at kumunot ang noo ko nang makita na katabi niya si Brianna. Tig-isa na sila ng table doon!Tinaasan lang ako ng kilay ni Brianna habang nakatingin sa kanyang keyboard at kunwari ay abala sa kung anuman ang tinitipa niya kuno.Huminto ako sa harap ng pinto ng CEO at kunwari’y hindi ako apektado na naroon siya. “Ms. Mona, nasa loob ba ang CEO?”“Oo, may kausap yata sa phone,” sabi niya bago inginuso sa akin ang katabing babae.Mabilis ko lang tinapunan nang tingin ang katabi niya bago pumasok sa loob ng opisina ni Abe. May kausap nga siya sa kanyang cellphone habang salubong ang mga kilay. Inilapag ko lang ang gamit ko sa aking work station at saka siya nilapitan.“Tatawagan kita ulit mamaya, dapat ayos na iyan,” mariin niyang sabi bago ibinaba ang tawag.Humarap siya sa akin at saka hinila ang aking katawan para paupuin sa
Isang linggo na akong nakabalik sa opisina at pakiramdam ko ay mas dumami ang bodyguard ko dahil sa maraming mata ang laging nakatingin sa akin na para bang naghihintay sila lagi na magkamali ako. Nagagawa ko pa ring hatiin ang oras ko sa responsibilidad ko bilang marketing officer at executive assistant ni Abe.“Marami pa ring hindi naniniwala na hetong Rookie of the Year natin ang nanalong Mrs. Dela Torre!” tatawa-tawang sabi ni Selwyn habang ikinukumpas-kumpas pa ang kanyang kamay na parang nasa entablado.“Hayaan na ninyo sila, karamihan naman sa mga hindi naniniwala ay mga boto kay retouch girl,” natatawang sabi ni Maricar.Lahat kami ay napalingon sa kanya. Sabay-sabay pa kaming nagtanong, “Retouch girl?”“Ang babaeng retoke! Duh?” nanlalaki ang mga mata niyang sabi dahilan para matawa kaming lahat.“Shunga! Paano naman naging retouch eh ‘diba pang make-up iyon?” tanong ni Selwyn na binatukan pa si Maricar.“Aray ko!” inis na sabi ng babae. “I-search mo kaya!”Sinubukan naman ni
Hindi nagtagal ay itinihaya niya ako at isinampay ang aking mga binti sa kanyang balikat. Nagulat ako ng ganun niya ipinasok ang kanyang malaki pa ring sandata at muli akong binayo. “Ohhh, Abeee,” hiyaw ko. “You want more, my love?” tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.“Y-Yes!” sagot ko.“Galit ka pa sa akin?” tanong niya habang patuloy ang pagkadyot.“N-Nai-inis langggg,” nahihirapan kong sagot dahil pabilis na naman siya nang pabilis.Muli kong naramdaman ang paglawa ng aking puwerta. Namumuti na rin ang ibaba ng kanyang puson. Tila bula ng pinaghalong katas ko at similya niya.Marahan niyang ibinaba ang mga binti ko sa kama. Nakita ko siyang nagpunta sa banyo at siguro ay naghugas siya dahil narinig ko ang lagaslas ng tubig. Pagbalik niya ay may hawak siyang basang paper towel na ipinunas sa perlas ko at paligid nito.Binuhat niya ako at inihiga nang maayos sa gitna ng kama at saka siya humiga sa tabi ko. Akala ko ay tapos na pero bigla niya akong kinubabawan at m
Napaupo ako sa inis at hindi ko na napigilang magtaas ng boses, “Ako ang nag-i-ignite ng inis niya? Binabastos ako ng babaeng iyon bilang asawa mo at pinamumukha sa akin na hindi ako nararapat sa iyo!”Lumamlam ang tingin ni Abe sa akin pero bahagyang nanigas ang panga niya. “You are my wife. Ilang beses ko na sinabi sa iyo kung anong klase kang tao at karapat-dapat kang maging misis ko. Bakit nagpapatalo ka sa sinasabi ng babaeng iyon na hindi naman totoo?” mariin niyang sabi na parang napipikon.“Hindi mo nga ako ipinagtanggol,” puno ng hinanakit kong sabi. “Hindi mo rin ako pinigilang umalis habang ang babaeng iyon ay naiwan sa opisina mo na kasama ka.”Napahawak si Abe sa kanyang noo at pinaglapat niya ang kanyang mga labi na parang nawawalan ng pasensiya sa akin. Gusto kong maiyak. Hindi ba valid ang nararamdaman ko?“Hindi kita pinigilang umalis dahil alam kong mainit ang ulo mo at baka mag-away lang tayo sa harap ng babaeng iyon!” tumaas na rin ang boses ni Abe.“Gusto mo bang
Sa kakalakad ko, may nakita akong bakanteng bench sa ilalim ng isang mayabong na puno. Doon ako nagdesisyong magpahinga. Pinaglunoy ko ang aking mga mata sa mga taong naglalakad sa paligid. Alam kong mali na pinatulan si Cassandra sa harap ng board members, pero wala rin namang ginawa si Abe para ipagtanggol ako kaya ako nagsalita. At kung nakakasira iyon sa imahe ng DTM ay hindi ko sinasadya. Hindi ko kayang magtimpi sa lahat ng oras lalo na kung paulit-ulit na ang pambabastos ng babaeng iyon sa akin bilang asawa ni Abe.Hindi pangkaraniwan ang love story naming mag-asawa dahil nagsimula kami sa isang kontrata, na kung tutuusin ay hindi pa tapos dahil pitong buwan pa lang naman kaming kasal. Ngunit mahal ko na si Abe, higit pa sa naramdaman kong pagmamahal para kay Lemuel. Minsan nga iniisip ko na kung ang nararamdaman ko para kay Abe ang tunay na pagmamahal, ibig bang sabihin na noong naging kami ni Lemuel ay hindi pa iyon pagmamahal?Napabuntong-hininga ako. Sino ba ang tamang mak