Dumaan ang isang buwan na sinikap kong hindi muling magkatagpo ang landas namin ng CEO. Maging sa talon ay hindi muna ako nagpunta upang makaiwas sa chismis. Mula kasi nang dumating ang CEO ay maya’t maya ang dating ng mga mayayamang angkan sa Claveria at ipinakikilala ang kanilang anak na dalaga sa lalaki.
Napabalita rin ang magkasunod na pagtanggal sa trabaho ng finance manager at site manager pati na ang mga sekretarya ng mga ito. Dahil dito naging maingat sa kanilang mga galaw ang mga empleyado ng Claveria Mining.
Isang buwan mula nang maupo ang bagong CEO, unti-unti ang pagbabago sa kompanya lalo na sa mga benepisyo naming mga empleyado. Mas naging maayos ito kumpara noon.
Sabado ng umaga, dumating ako ng 7:30 para sa alas otso na pasok. Habang nasa biometrics ay sakto namang dumating ang CEO at pansamantalang tumigil sa harap ko. Nagkatinginan ang ibang empleyado na kararating din lang.
“Good morning, Sir,” simpleng pagbati ko.
Tumango lamang ang lalaki sa akin at muling naglakad patungo sa elevator. Dumiretso naman ako sa fire exit para maghagdan paakyat sa aming floor.
Pasado alas nuwebe ng umaga nang bumukas ang elevator at iluwa noon si Ms. Mona na may dalang isang box ng ensaymada kasunod niya ang CEO na dumiretso sa opisina ni Mr. Refuerzo.
Sa akin ibinilin ni Ms. Mona ang pamamahagi ng meryenda sa lahat kaya ako na rin ang nagpasok ng tray ng dalawang brewed coffee at ensaymada sa loob. Ramdam ko na may mga matang nag-oobserba sa bawat galaw ko na pinilit kong huwag pansinin.
Paglabas ko ng opisina ni Mr. Refuerzo, eksaktong nag-ring ang aking phone sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makitang si Inay iyon.
“Anak, sumunod ka sa ospital. Hindi makahinga ang kapatid mo, madali ka!” sabi ni Inay na agad pinutol ang tawag.
May kung anong kumalansing na nag-echo sa buong opisina.
“Hindi ka ba gagalaw diyan, Isla?” pasigaw na sabi ni Angela na sinundan nang sutsot ng ilan naming katrabaho.
Naramdaman ko ang paghawak ni Maddie sa aking braso habang dinadampot ang nabitawan ko pa lang stainless tray. “Isla, okay ka lang?”
“Uuwi na ako, isinugod daw sa ospital si Ayah,” natatarantang sabi ko.
Napatingin ako sa bulto ng dalawang lalaki sa pintuan ng opisina ni Mr. Refuerzo at nakita ko ang salubong na mga kilay ng CEO.
“You can go now, Ms. Aguilar,” mahinahong sabi ni Mr. Refuerzo. “Don’t forget to update, Maddie.”
“Thank you, sir!” sagot ko na sinabayan ko na ng pagkuha ng bag ko sa mesa.
Pagdating ko sa emergency room ng ospital ay nasa labas ng isang bed na sarado ang mga kurtina si Inay na iyak na ng iyak. Agad ko siyang tinakbo.
“Asan po si Ayah?” tanong ko.
“Nasa loob siya, sinusubukang isalba ng mga doktor,” saad ni Inay sa pagitan ng kanyang paghagulgol.
Pakiramdam ko ay huminto ang mismong puso ko sa pagtibok at nang buksan nila ang kurtina ay siya namang paglakas ng tibok ng puso ko na para nang aalpas sa aking dibdib.
“Dok, kumusta po ang anak ko?” umiiyak pa ring tanong ni Inay.
“Okay na po ulit si Ayah pero kailangan na maoperahan ang bata sa lalong madaling panahon,” pagpapaalala ng doktor.
Nagkatinginan kami ni Inay. Matagal na kasi kaming pinaghahanda ng doktor ni Ayah ng mahigit limang daang piso para maoperahan ang kapatid ko pero ilang toneladang isda kaya ang dapat namin hanguin para maipon iyon?
“Saan tayo makakahiram ng pera, anak?” tanong ni Inay. “Hindi ko pa kayang mawala sa atin si Ayah.”
Niyakap ko siya nang mahigpit habang pinapanood ang kapatid kong nakaratay sa hospital bed at may nakatakip na oxygen mask sa ilong. Napakunot ang noo ko. Naalala ko si Lemuel, siya na lamang ang malalapitan ko ngayon.
“Inay, aalis po muna ako. Magtatanong ako sa opisina kung paano mag-loan,” pagsisinungaling ko.
Lumiwanag ang mukha ni Inay. “Sige anak. Sana pumayag sila kahit wala ka pang isang taon.”
Nagmamadali akong sumakay ng tricycle at nagtungo sa Unibersidad habang tinatawagan si Lemuel. Napatingin ako sa relo ko. Kapag ganitong oras ay may klase siya kaya dumiretso ako sa classroom niya pero hindi ko siya makita mula sa labas ng pinto. Inabot ako ng isang oras sa paghihintay hanggang sa maglabasan na sila. Ngunit wala si Lemuel. Nakita ko ang isang kaibigan niya.
“Troy, nasaan si Lemuel?” tanong ko.
Namutla siya nang makita ako. “Ahh ano eh.”
“Troy, kailangan kong makausap si Lem, baka alam mo kung nasaan siya?” pangungulit ko.
“Hindi siya pumasok may hang over yata sa inuman namin kagabi sa resort nila. Baka nandoon pa iyon, “ kumakamot sa ulo na sagot ni Troy.
“Salamat!” Napatakbo na ako palabas ng University.
Muli akong sumakay ng tricycle hanggang sa marating ang resort nila Lemuel. Kumakamot ang ulo ng guwardiya nang makita ako. Naroon nga ang pick-up truck na laging minamaneho ng nobyo ko. Pagpasok ko sa loob ay narinig ko ang boses ni Lemuel mula sa garden na katabi lang ng pool kaya dumiretso na ako doon. Nalaglag ang panga ko nang makitang nakakandong sa kanya ang babaeng pasan niya noong isang buwan habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg nito.
Kung sa ibang araw ito ay iniwan ko na sila roon pero kailangan ako ng kapatid ko. Napalunok ako.
“Lemuel…”
Bahagyang nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita ako. Akmang tatanggalin niya sa pagkakakalong ang dikya nang yakapin siya ng babae. Inamoy pa niya ang leeg ng babae sa harapan ko. Pinigilan kong maiyak.
“Lem, puwede ba kita makausap?” mahinang sabi ko.
“Busy pa ako,” pairap na sagot ng lalaki.
Minabuti kong maupo sa sala para hintayin si Lemuel. Nang mapansin kong pababa na ang araw ay binalikan ko sa pool ang lalaki. Nakaupo ito habang umiinom ng beer.
Humaba ang nguso niya nang makita ako. “Akala ko umalis ka na. Anong kailangan mo?”
“Nasa ospital si Ayah.” Humugot muna ako nang malalim na paghinga. “Puwede mo ba ako pahiramin ng pera? Babayaran ko naman.”
“Tsss. Magkano?” tanong niya habang nakangiting nakaloloko.
“500 thousand pesos,” napalunok kong sabi.
Nanlaki ang mga mata ni Lemuel sa akin at saka tumawa ng malakas. “Hindi mo nga ako pinapayagang maka-score sa iyo. Puro halik sa pisngi at yakap lang. Ang lakas naman ng loob mo na hiraman ako ng limang daan libo!”
“Babe…” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Huwag mo nga akong ma-babe, babe. Lalaki ako Isla, may pangangailangan ako!” umiiling na sinabayan niya nang singhal.
Nakita ko ang ilan niyang mga kaibigan na nasa swimming pool na ngumingisi. Nakaramdam ako ng pagkapahiya.
“Akala ko ba mahal mo ako?” naguguluhan kong tanong.
Tinawanan niya ako. “Ikaw ba mahal mo ako? Hinihiraman mo nga ako ng 500 thousand ngayon eh wala ka namang pambayad!”
Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan habang uminit naman ang buo kong mukha sa pagkapahiya.
Nang mga sumunod na araw, sumasama na ako kay Abe na umakyat na agad sa kanyang opisina imbes na dadaan muna ako sa Marketing Department. Tinatawagan na lang ako ni Maddie kapag kailangan kong bumaba.Ilang araw na akong busy dahil may pinagagawang presentation si Abe para sa kanyang quarterly report sa board ng DTM. Si Harris ang dating gumagawa nito pero parang may ibang pinagkakaabalahan ang kanyang assistant nitong mga nakaraang linggo kaya imbes mainis si Abe dahil hindi nagagawa agad ang report ay sa amin ni Gabbine na lamang niya ipinagagawa.Lumapit si Abe sa work station ko at saka yumuko para tingnan ang ginagawa ko. “My love, tapos na ba period mo?” malambing niyang tanong.“Hindi pa,” tipid kong sagot.Humaba ang nguso niya at saka yumuko. “Sabi ko sa iyo buddy hindi pa puwede eh.”Nilingon ko siya kung sino ang kausap niya at natawa ako na nakatingin siya sa bumukol niyang pagkalalaki. “Kawawa naman,” pang-aasar ko.“Mas kawawa iyan pagtapos ng period mo,” bulong niya s
Malapit nang magtanghalian kaya nag-shutdown na ako ng aking desktop para umakyat na sa CEO’s office. Pagbukas ng elevator ay napalingon ako sa puwesto ni Ms. Mona at kumunot ang noo ko nang makita na katabi niya si Brianna. Tig-isa na sila ng table doon!Tinaasan lang ako ng kilay ni Brianna habang nakatingin sa kanyang keyboard at kunwari ay abala sa kung anuman ang tinitipa niya kuno.Huminto ako sa harap ng pinto ng CEO at kunwari’y hindi ako apektado na naroon siya. “Ms. Mona, nasa loob ba ang CEO?”“Oo, may kausap yata sa phone,” sabi niya bago inginuso sa akin ang katabing babae.Mabilis ko lang tinapunan nang tingin ang katabi niya bago pumasok sa loob ng opisina ni Abe. May kausap nga siya sa kanyang cellphone habang salubong ang mga kilay. Inilapag ko lang ang gamit ko sa aking work station at saka siya nilapitan.“Tatawagan kita ulit mamaya, dapat ayos na iyan,” mariin niyang sabi bago ibinaba ang tawag.Humarap siya sa akin at saka hinila ang aking katawan para paupuin sa
Isang linggo na akong nakabalik sa opisina at pakiramdam ko ay mas dumami ang bodyguard ko dahil sa maraming mata ang laging nakatingin sa akin na para bang naghihintay sila lagi na magkamali ako. Nagagawa ko pa ring hatiin ang oras ko sa responsibilidad ko bilang marketing officer at executive assistant ni Abe.“Marami pa ring hindi naniniwala na hetong Rookie of the Year natin ang nanalong Mrs. Dela Torre!” tatawa-tawang sabi ni Selwyn habang ikinukumpas-kumpas pa ang kanyang kamay na parang nasa entablado.“Hayaan na ninyo sila, karamihan naman sa mga hindi naniniwala ay mga boto kay retouch girl,” natatawang sabi ni Maricar.Lahat kami ay napalingon sa kanya. Sabay-sabay pa kaming nagtanong, “Retouch girl?”“Ang babaeng retoke! Duh?” nanlalaki ang mga mata niyang sabi dahilan para matawa kaming lahat.“Shunga! Paano naman naging retouch eh ‘diba pang make-up iyon?” tanong ni Selwyn na binatukan pa si Maricar.“Aray ko!” inis na sabi ng babae. “I-search mo kaya!”Sinubukan naman ni
Hindi nagtagal ay itinihaya niya ako at isinampay ang aking mga binti sa kanyang balikat. Nagulat ako ng ganun niya ipinasok ang kanyang malaki pa ring sandata at muli akong binayo. “Ohhh, Abeee,” hiyaw ko. “You want more, my love?” tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.“Y-Yes!” sagot ko.“Galit ka pa sa akin?” tanong niya habang patuloy ang pagkadyot.“N-Nai-inis langggg,” nahihirapan kong sagot dahil pabilis na naman siya nang pabilis.Muli kong naramdaman ang paglawa ng aking puwerta. Namumuti na rin ang ibaba ng kanyang puson. Tila bula ng pinaghalong katas ko at similya niya.Marahan niyang ibinaba ang mga binti ko sa kama. Nakita ko siyang nagpunta sa banyo at siguro ay naghugas siya dahil narinig ko ang lagaslas ng tubig. Pagbalik niya ay may hawak siyang basang paper towel na ipinunas sa perlas ko at paligid nito.Binuhat niya ako at inihiga nang maayos sa gitna ng kama at saka siya humiga sa tabi ko. Akala ko ay tapos na pero bigla niya akong kinubabawan at m
Napaupo ako sa inis at hindi ko na napigilang magtaas ng boses, “Ako ang nag-i-ignite ng inis niya? Binabastos ako ng babaeng iyon bilang asawa mo at pinamumukha sa akin na hindi ako nararapat sa iyo!”Lumamlam ang tingin ni Abe sa akin pero bahagyang nanigas ang panga niya. “You are my wife. Ilang beses ko na sinabi sa iyo kung anong klase kang tao at karapat-dapat kang maging misis ko. Bakit nagpapatalo ka sa sinasabi ng babaeng iyon na hindi naman totoo?” mariin niyang sabi na parang napipikon.“Hindi mo nga ako ipinagtanggol,” puno ng hinanakit kong sabi. “Hindi mo rin ako pinigilang umalis habang ang babaeng iyon ay naiwan sa opisina mo na kasama ka.”Napahawak si Abe sa kanyang noo at pinaglapat niya ang kanyang mga labi na parang nawawalan ng pasensiya sa akin. Gusto kong maiyak. Hindi ba valid ang nararamdaman ko?“Hindi kita pinigilang umalis dahil alam kong mainit ang ulo mo at baka mag-away lang tayo sa harap ng babaeng iyon!” tumaas na rin ang boses ni Abe.“Gusto mo bang
Sa kakalakad ko, may nakita akong bakanteng bench sa ilalim ng isang mayabong na puno. Doon ako nagdesisyong magpahinga. Pinaglunoy ko ang aking mga mata sa mga taong naglalakad sa paligid. Alam kong mali na pinatulan si Cassandra sa harap ng board members, pero wala rin namang ginawa si Abe para ipagtanggol ako kaya ako nagsalita. At kung nakakasira iyon sa imahe ng DTM ay hindi ko sinasadya. Hindi ko kayang magtimpi sa lahat ng oras lalo na kung paulit-ulit na ang pambabastos ng babaeng iyon sa akin bilang asawa ni Abe.Hindi pangkaraniwan ang love story naming mag-asawa dahil nagsimula kami sa isang kontrata, na kung tutuusin ay hindi pa tapos dahil pitong buwan pa lang naman kaming kasal. Ngunit mahal ko na si Abe, higit pa sa naramdaman kong pagmamahal para kay Lemuel. Minsan nga iniisip ko na kung ang nararamdaman ko para kay Abe ang tunay na pagmamahal, ibig bang sabihin na noong naging kami ni Lemuel ay hindi pa iyon pagmamahal?Napabuntong-hininga ako. Sino ba ang tamang mak