LOGINNapasandal ako sa ugat ng malaking puno sa tabi ng Narra Falls at saka ipinikit ang aking mga mata at pinakinggan ang malakas na lagaslas ng tubig sa talon. Sa tuwing naririnig ko ang lagaslas ng tubig ay pakiramdam ko ay kasama nitong dinadala ang aking mga suliranin patungo sa ilog palabas ng dagat para mawala na nang tuluyan.
Napatitig ako sa taas ng talon nang makitang nagsisimula na iyong abutin ng liwanag ng Haring Araw. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ng litrato ang napakagandang tanawin na iyon. Tuwing Linggo ay maaga akong umaakyat ng bundok na nasa isang kilometro lamang ang layo mula sa likod ng bahay namin para mag-recharge. Mangilan-ngilan lamang ang nakakaalam ng talon na ito kaya dito ko gustong magpahinga para muling salubungin ang nakapapagod na isang linggo.
Nilingon ko ang paligid. Nang masigurong walang ibang tao ay hinubad ko na ang aking hiking sandals, shorts at itim na t-shirt. Inayos ko ang pagkakasalansan nito bago dahan- dahang umakyat sa itaas ng talon. Maingat akong gumalaw dahil tanging kulay green na two-piece bikini swimsuit na lamang ang suot ko. Oo naman nagsusuot din ako ng ganito pero tanging ang talon na ito pa lamang ang pinapayagan kong makakita sa katawan ko.
Nang matagumpay kong marating ang taas. Dahan-dahan kong pinuntahan ang gitnang bato kung saan ako tatalon. Sinilip ko pa ang babagsakan ko. Noong una ay natakot akong gawin ito, sa tantiya ko kasi ay nasa mahigit na fifteen meters ang taas ng kinalalagyan ko ngayon. Pero mula nang masubukan ko ito, mula noon ay naging parte na ng pagre-rekax ko ang pagtalon sa falls.
Humugot ako nang malalim na hininga bago sumigaw, “Gusto ko ng pahinga!”
Tumalon ako at bago bumagsak sa tubig ay humugot ako muli ng malalim na hininga. Naramdaman ko ang pagbalot ng lamig sa buo kong katawan na para bang pinapanatag maging ang kaloob-looban ko. Pinili ko pang magtagal ng isang minuto sa ilalim, kaya ko naman kasing pigilan ang aking hininga ng mahigit tatlong minuto.
Napadilat ang mga mata ko nang may kung anong lumingkis sa baywang ko. Nag-alala ako na baka malaking ahas iyon kaya kahit nasa ilalim ng tubig ay binuksan ko ang mga mata ko. Nagulat ako na braso ng isang tao iyon. Maputi na parang may tattoo at pumuputok pa ang muscles kaya sigurado akong isang lalaki ang may-ari noon. Napaalpas ako para humiwalay sa kanya ngunit pinigilan niya ang paggalaw ko at ngayon ay sapo-sapo pa niya ang isang suso ko! Nasa ilalim na nga ng tubig nakuha pa akong molestiyahin ng pangit na lalaking ito!
Nang makaangat kami sa ibabaw ng tubig, mabilis ang aking kamao na iniunday sa mukha niya pero mabilis siyang nakaiwas.
“Bastos ka! Walang modo! Manyak!” sunud-sunod kong alipusta sa kanya habang sinusubukang abutin ang mukha niya na kanina pa niya iniiwas sa akin.
Nahawakan niya ang dalawa kong kamay kaya sinubukan ko siyang tadyakan ngunit madali niyang naigupo ng isang kamay lamang ang dalawa kong pala-pulsuan habang mabilis niyang nasalag ang mga paa ko at ngayon ay ipit ipit na ng kanyang malalakas na hita ang hita ko.
Lalong umakyat ang dugo sa ulo ko sa posisyon namin ngayon. Nagpapapalag ako pero parang wala lang sa kanya.
“Hey, hey! Easy, lady!” pagsuway niya sa akin.
Sa tono nang pananalita niya ay halatang dayo lamang siya rito. Napakunot ang noo ko nang magsimulang makita ang mukha niya. Neat haircut, makapal ang kilay, matangos ang ilong, dark brown eyes at manipis na mga labi. Napalingon ako sa paligid, kami lamang dalawa ang narito.
“Who are you?” sa wakas ay nabulalas ko.
Isang matamis na ngiti ang pinawalan niya. Lalong nagsalubong ang aking mga kilay nang makita ang pantay- pantay at mapuputi niyang mga ngipin.
“Life is still good. Why are you trying to kill yourself?” tanong niya habang sumilay ang alanganing ngiti sa mukha niya.
“I’m not trying to kill myself,” paglilinaw ko sa kanya.
Umuwang ang mga labi niya at puminta ang pagkalito sa kanyang mukha. “I thought…”
Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang hita sa mga hita ko kaya sinubukan kong ilayo ang katawan ko sa kanya. “Please release my hands.”
“Don’t hit me, I am not bastos. I just tried to save you!” paliwanag pa niya na halatang nagpipigil ngumiti.
Napabuntong hininga ako. Pagkuwan ay niluwagan niya ang pagkakahawak sa akin. Mabilis kong nabawi ang aking mga braso at saka pinalipad ang kanang palad ko sa kaliwang pisngi niya.
“Ouch!” anas niya habang napaling sa kanan ang kanyang mukha.
“That's for touching my body and my breast!” galit kong sabi bago lumangoy palayo sa kanya patungo sa pampang.
Nilingon ko ang lalaki na seryosong nakatingin sa akin. Pumunta ako sa likod ng puno para magbihis.
“Are you done?”
Sinilip ko siya ng bahagya habang sinusuot ang aking sandals. Nang makita niyang nakabihis na ako ay lumapit siya sa akin. “I’m sorry, Miss. Hindi ko talaga alam na hobby mo lang tumalon sa falls.”
Kumunot ang noo ko.
“Sumigaw ka kasi ng gusto mo ng pahinga. Kaya akala ko you tried to you know,” paliwanag pa niya bago naupo sa isang bato sa harapan ko.
Napailing na lamang ako.
“Peace?” tanong ng lalaki.
“Pag-iisipan ko,” sagot ko sabay tayo. Kailangan ko nang umalis rito bago pa may gawing hindi maganda sa akin ang lalaking ito. Iyong sikat na artista nga nagawang mang-rape, kaya posibleng raipist din ang lalaking ito. Looks can deceive.
Naglakad ako pababa sa bundok. Nagsimula akong kabahan nang sumusunod pa rin siya sa akin hanggang sa makababa kami sa kapatagan. Patakbo siyang lumapit sa akin. “Hindi ko talaga sinasadya. Sana mapatawad mo ako.”
Natawa ako sa paraan nang pagsasalita niya. Slang ang accent niya pero tama naman ang kabuuan ng pangungusap niya.
“What? Why are you laughing?” naguguluhang tanong niya.
“Turista ka rito?” balik kong tanong sa kanya na ngayon ay kasabay ko nang naglalakad.
Ngayon ko lang napansin na basa ang suot niyang itim na t-shirt at fatigue na short. Hindi na siguro niya natanggal sa pag-aakalang nagpapatiwakal nga ako. Baka nga nagsasabi naman siya ng totoo.
“Hindi. Pero bago lang ako rito,” sagot niya.
Tumango na lamang ako. Hindi naman bago na maraming nagpupunta rito sa bayan namin para bumili ng property dahil sa magagandang beach.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko.
Lumingon muna siya sa paligid. “Sa banda roon ako nag-park, ihahatid na lang muna kita.”
Tiningnan ko ang tinuro niya kung saan siya nagpark, malapit lang iyon sa aming bahay.
“Tagarito ako, hindi ako mawawala,” pambabara ko sa kanya.
Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na muling nagsalita. Pagdating sa likod bahay namin ay nilingon ko siya.
“Dito na ako…” bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya.
Inilahad niya ang kanan niyang palad. “I'm A-be. I'm really sorry.”
Alanganin akong napangiti at inabot ang kanyang kamay. “Isla.”
“A-Abe!”Nagising ako sa pananakit ng aking likod na sinundan nang mahinang paghilab. Ilang minuto ko pang pinakiramdaman at napansin kong mas dumalas na iyon kaya ginigising ko na ang aking mister.“Love?” naalimpungatang tanong ni Abe dahil panay pa rin ang tapik ko sa kanya.“Manganganak na yata ako,” kinakabahan kong sabi.Agad siyang napabalikwas. “Has your water broken yet?”Umiling ako. “Hindi pa pero masakit ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang may kung anong nangyayari sa loob at parang lalabas na ang kambal!”Napatayo si Abe at halos napatakbo papasok ng walk-in closet. Dalawang buwan na kaming narito sa mansyon dahil pumayag lang si Inay na sumama kay Aidan sa London kung sa mansyon muna kami uuwi ni Abe para sigurado raw na naaalagaan ako. Nakabalik na rin sila noong isang linggo pero dito na kami nanatili ni Abe dahil gusto kong ilabas ang kambal ng normal delivery. Kahit tutol ang asawa ko at alanganin si Dr. Flores ay wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ak
Nagugutom na naman ako. Mahigit dalawang oras pa lang nang mag-almusal kami ni Abe pero kumakalam na naman ang sikmura ko. Mula nang mag-seven months ang kambal sa sinapupunan ko, mas lalo akong naging gutumin. N’ung isang araw nag-shopping na kami ni Abe ng mga bago kong damit pangbuntis dahil hindi na kasya ang mga damit ko na binili namin ni Inay noon. Bumigat din ako ng 30 pounds at sa tingin ko ay lalo pang bumibigat!Muling kumalam ang sikmura ko kaya napatayo na ako sa kama. Maaga akong nagising kanina para ipaghanda ng almusal ang aking asawa, sinabayan ko na rin siya kumain at pagkaalis niya ay muli akong nakatulog. Kaya hindi ko lubos maisip bakit gutom na naman ako?Bilin pa naman ni Inay ay mag-ingat ako sa kakakain dahil baka mahirapan ako mag-diet pagkapanganak ko sa kambal. Hindi naman niya sinabi na magpagutom ako, huwag lang daw ako kakain at iinom ng matatamis para hindi ako at ang mga sanggol sa sinapupunan ko lumaki nang husto. Marahan kong pinihit ang seradura ng
“Ate Isla!”Masayang salubong ni Helga sa akin hindi pa man kami nakabababang mag-asawa ng kotse. Ang dalaga na ang nagbukas ng pinto para sa akin.“Bakit excited na excited ka yata?” kunot ang noo na tanong ni Abe sa kapatid ni Harris dahilan para bahagyang pumino ang magaslaw na kilos nito kanina.“Ate, may sasabihin ako sa iyo,” pabulong niyang sabi na sandali lang tinapunan nang tingin ang Kuya Johan niya na bumaba na sa driver’s seat.Ngayon lang ulit nagmaneho ng kanyang sports car ang asawa ko. Sinadya pa niyang ipahatid sa condo kagabi ang kotse dahil imamaneho daw niya sa EDSA kesyo patatakbuhin daw niya ng mabilis dahil aalis kami ng bahay ng walang traffic. Paano ba namang hindi siya mae-excite eh pinangakuan siya ni Nathan na luluwag ang EDSA ngayong araw na ito. Nasaktuhan kasi na nasa unit si Nathan at narinig ang reklamo niya na araw-araw niyang binabaybay ang traffic ng EDSA dahil nasa BGC ang DTM habang nasa Quezon City ang Condo namin.Hindi ko alam kung paano ginawa
“I also considered filing for a divorce for how many times, but my parents– your grandparents, are very conservative Catholics. And our business requires the head of the Universities to have a good family background,” paliwanag ni Aidan. Iniisip rin daw niya na dumaan na ang ilang taon at posibleng wala na siyang mababalikang single na Amanda sa Pilipinas at mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya si Inay na may iba na dahil kahit anong gawin niya ay tanging si Inay ang laman ng puso niya. Kaya raw pinili niyang sa Australia manatili para pamahalaan ang isa pang Unibersidad nila roon at inubos ang iba pang oras sa pagtuturo kung saan niya nakilala sina Abe at Orrel. Hinugot ni Aidan ang kanyang wallet sa back pocket ng suot na pantalon at binuksan iyon sa harap ko. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang makita ang lumang picture nila ni Inay na magkasama. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang wallet niya at p
Alas-dos na ng hapon kami nakabalik ni Inay sa bahay. Tinulungan kami ng dalawang bodyguard sa pagbubuhat ng mga dala namin. Ipinasok lang nila sa kusina ang groceries bago sila nagpaalam na lalabas na ng unit. Dahil sa sunud-sunod na nangyari sa akin ay nasanay na ako na may bodyguard na kasama at tila guwardiya sa labas ng unit. “Anak, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala riyan,” utos ni Inay.Ngumiti lang ako dahil ini-spoil na rin niya ako. “Inay, hindi naman nakakapagod magligpit ng groceries.”“Napagod ka na kasi sa pamimili, baka mapaano ka pa,” nag-aalala niyang sabi.“Okay lang ako, Inay. Ikaw baka pagod ka na.”“Kaunti. Tumatanda na yata ako,” natatawa niyang sabi. “Dati naman malayo ang nilalakad ko sa paglalako ng isda.”Nilapitan ko siya at pinaupo muna. “Eh ‘di dalawa tayong magpahinga muna. Ilalagay ko na lang muna sa chiller itong mga karne at frozen food.”Pagkatapos kong ilagay ang mga karne sa chiller at makapaghugas ng kamay ay niyaya ko muna si Inay sa sala pa
Nanonood ako ng ClickFlix sa sala nang tabihan ako ni Inay sa sofa. “Anak, mag-grocery muna ako. Wala na tayong stocks.”Napakunot ang noo ko. Parang isang buwan na ring hindi ako nakakapagbigay kay Inay ng pang gastos sa bahay. Sobra akong naging abala sa mga nangyari.“Sama ako, Inay! Bored na ako dito sa bahay,” sagot ko na agad nang in-off ang TV.Ilang araw pa lang mula nang mag-resign ako sa JNQ Group of Companies at pakiramdam ko ay bored na bored na ako sa buhay ko. Hindi yata talaga ako ipinanganak para mag-buhay prinsesa. “Sigurado ka?” nagtatakang tanong ni Inay.Tumango ako. “Magpapaalam lang po ako kay Abe at magbibihis ng damit pang-alis.”“Sige, anak. Hintayin kita,” nakangiting sagot ni Inay. “Miss na rin kita ka-bonding.”Napangiti ako kay Inay at nagmamadaling pumasok sa silid namin ni Abe. Tinawagan ko ang mister ko ng naka-loudspeaker habang kumukuha ako ng leggings at blouse. Pagkuwan ay narinig kong sinagot niya ang tawag.“Love, naistorbo kita?” malambing kong



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



