“We will get married tomorrow morning,” sabi ng CEO pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kanyang unit.
Hindi siya nagsisinungaling nang sinabi niya kay Inay na malapit lang ito sa ospital dahil tumawid lang kami sa intersection at ikalawang building ito. Ngunit hindi pa rin siya nagsabi ng totoo dahil hindi naman ito Condominium Unit, kundi isa sa Penthouse ng kanilang building kung nasaan ang opisina ng Dela Torre Mines.
“Bukas? May nagkakasal ba ng Linggo?” nagtataka kong tanong dahil sigurado akong civil wedding lang naman ang puwedeng maganap kapag mabilisang kasal.
“Kahit Holiday. I can make it happen. Do you still doubt my capability?” kunot noong tanong ng lalaki sa akin.
“Puwede bang after na lang ng operasyon ni Ayah tayo magpakasal?” Natatakot kasi ako sa sitwasyon ng kapatid ko.
Huminto maglakad si Abe at binalikan ako nang tingin. Napaiwas ako nang tingin nang subukin niyang hulihin ang aking mga mata, nagulat na lamang ako ng inilang hakbang lang niya ang kinatatayuan ko. Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan niya ang baba ko para matingnan ang aking mga mata. “Are you backing out on me?”
Naamoy ko ang minty niyang hininga. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil baka bad breath na ako lalo na at kanina pa ako nagugutom. Wala pa akong kinakain ngayong araw na ito.
Umakto akong naiinis para ilayo ang aking mukha sa kanya. “Hindi sa ganun pero paano kung ikaw ang umatras?”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Hinawakan niya ang aking palapulsuan at hinila papasok hanggang sa marating namin ang kitchen. Pinaupo niya ako sa counter kung saan naroon din ang lutuan. Nagulat ako nang mabilis siyang kumuha ng kaldero at pan at nagsimulang magluto sa harapan ko.
“Do you have any food allergies?” seryoso niyang tanong.
Napailing ako. “Wala naman.”
Sa bilis niyang gumalaw ay para akong nasa restaurant na mismong chef ang nagluluto sa harap ko. After 20 minutes, inilalagay na niya ang pasta sa harap ko.
“That’s Chicken Aglio Olio. Iyan lang ang alam kong mabilis lutuin.” Wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. “Eat. Kanina ko pa naririnig na tumutunog ang tiyan mo.”
Napauwang ang mga labi ko sabay hawak sa aking tiyan. Ganun ba kalakas ang pagmamarakulyo ng tiyan ko?
“‘Yung niluto ko ang kainin mo. Huwag ako ang titigan mo,” pang-aasar pa niyang sabi.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko at sa paraan nang pagngiti niya ngayon ay siguradong napakapula ko na.
“H-Hindi ka ba kakain?” kunwari’y tanong ko nang tumalikod siya sa akin.
“Kakain. Pero mauna ka na. Mukhang maghapon nang walang laman ang tiyan mo,” sagot ng lalaki at saka kumuha ng isa pang plato sa drawer.
Naglapag siya ng dalawang baso at malamig na tubig sa counter bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tahimik kaming kumain.
Masarap ang niluto ni Abe, kaya lang ay eksakto lang sa aming dalawa ang niluto niya kaya hindi na ako makahirit na gusto ko pang kumain. Binusog ko na lang ang sarili ko sa tubig tutal maghapon din naman akong walang inom.
“Malikot ka bang matulog?” parang wala lang na tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Siguro ay isa lang ang silid niya rito. “Hindi pero sa couch na lang ako matutulog.”
Tinitigan niya ako sa aking mga mata. “We need to learn to act like real husband and wife. Magtatabi lang tayo sa kama pero pangako walang mangyayari.”
Naramdaman kong umiinit ang mukha ko. Kung ibang tao lang ang nasa harap ko ay nasagot ko na pero nakasalalay sa kanya ang buhay ng kapatid ko.
“H-Hindi po talaga ako komportable, Sir. Hindi pa rin tayo kasal kaya kung puwede…”
Nakita kong umigting ang kanyang panga kaya huminto ako magsalita.
“I get it!” Mabilis siyang tumayo at iniwan akong mag-isa sa kusina.
Napabuntong hininga ako at saka tumayo para hugasan ang aming mga pinagkainan. Pati ang kanyang mga pinaglutuan ay hinugasan ko na rin at saka pinatuyo sa dish drainer.
Nahiya akong mag-ikot sa buong penthouse at hindi ko makita ang CEO kaya naupo na lamang ako sa couch sa sala para maghintay sa kanya.
Amoy baby powder ang paligid at malamig. Malambot din ang kinahihigaan ko. May makapal akong kumot na ang sarap higitin. Bigla kong naalala na nasa penthouse ako ng CEO kaya agad kong dinilat ang aking mga mata.
Ilaw mula sa lampshade lamang ang aking nakikita, madilim ang paligid at nakahiga ako sa kama. Nagsimula akong kabahan at natakot na baka pinagsamantalahan ako ng CEO. Dahan-dahan kong iniangat ang comforter at nakahinga nang maluwag nang makitang suot ko pa rin ang damit ko.
Muling nanlaki ang mga mata ko nang maisip na hindi ako nakaligo kagabi tapos ay siguradong binuhat ako ng CEO patungo sa kama at posibleng katabi ko siya ngayon. Yuck! Nakakahiya ka Isla!
Marahan kong iniikot ang aking katawan at nagulat ako nang makitang nag-iisa lang ako sa napakalaking kama. Napatitig ako sa digital clock sa kabilang side table. Alas siyete na ng umaga?
Napabalikwas ako sa kama at eksaktong bumukas ang isang pinto. Iniluwa noon ang CEO na nakatapis lamang ng tuwalya para takpan lamang ang pang-ibaba niya. Mabilis kong iniiwas ang aking mga mata pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pilyong ngiti ng lalaki.
“Go, take a bath. We will leave after breakfast,” pautos ang pagkakasabi ngunit marahan.
Nakita ko siyang naglalakad patungo sa harapan ko kaya inilingon kong muli ang aking mukha sa kabilang side para hindi siya makita pero huminto ang lalaki sa harap ko at saka inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naamoy ko ang pinaghalong mala-citrus, mint and wood scent. Sakto sa gusto kong amoy dahil hindi masakit sa ilong.
“Isla…”
Sa sobrang taranta ko ay napaikot ako sa kabilang side ng kama para lumayo sa kanya. Lumawak naman ang ngiti niya sa ginawa ko. Tumayo ako at mabilis na pumasok sa kung saan siya lumabas kanina. Napasandal ako sa pinto at nilanghap ang amoy ng kanyang bath gel na siya ring ginamit ko dahil wala namang ibang sabon at wala rin naman akong nadalang sariling sabon. Bibili na lang ako mamaya. Nakita ko ang nakalabas na bagong toothbrush sa lababo kaya iyon na ang ginamit ko.
Nagtapis lamang ako ng tuwalya at kabadong sumilip sa silid kung naroon pa siya. Tuluyan akong lumabas nang makita kong wala si Abe at nasa kama na rin ang back pack ko. Nang makalapit ako ay doon ko lang napansin ang puting eyelet dress na sa tingin ko ay lagpas lamang ng tuhod ko.
Nagsalubong ang kilay ko nang mapagtantong, ikakasal nga kami ngayon kaya may kulay puting dress dito.
May kumatok sa pinto kaya bigla akong kinabahan at napahawak ako nang mahigpit sa tuwalya na tanging tela na nakatapis ngayon sa aking katawan.
Yay! Thank you at nakarating ka na sa chapter na ito! Ano pong masasabi ninyo sa nobelang ito?
Nang mga sumunod na araw, sumasama na ako kay Abe na umakyat na agad sa kanyang opisina imbes na dadaan muna ako sa Marketing Department. Tinatawagan na lang ako ni Maddie kapag kailangan kong bumaba.Ilang araw na akong busy dahil may pinagagawang presentation si Abe para sa kanyang quarterly report sa board ng DTM. Si Harris ang dating gumagawa nito pero parang may ibang pinagkakaabalahan ang kanyang assistant nitong mga nakaraang linggo kaya imbes mainis si Abe dahil hindi nagagawa agad ang report ay sa amin ni Gabbine na lamang niya ipinagagawa.Lumapit si Abe sa work station ko at saka yumuko para tingnan ang ginagawa ko. “My love, tapos na ba period mo?” malambing niyang tanong.“Hindi pa,” tipid kong sagot.Humaba ang nguso niya at saka yumuko. “Sabi ko sa iyo buddy hindi pa puwede eh.”Nilingon ko siya kung sino ang kausap niya at natawa ako na nakatingin siya sa bumukol niyang pagkalalaki. “Kawawa naman,” pang-aasar ko.“Mas kawawa iyan pagtapos ng period mo,” bulong niya s
Malapit nang magtanghalian kaya nag-shutdown na ako ng aking desktop para umakyat na sa CEO’s office. Pagbukas ng elevator ay napalingon ako sa puwesto ni Ms. Mona at kumunot ang noo ko nang makita na katabi niya si Brianna. Tig-isa na sila ng table doon!Tinaasan lang ako ng kilay ni Brianna habang nakatingin sa kanyang keyboard at kunwari ay abala sa kung anuman ang tinitipa niya kuno.Huminto ako sa harap ng pinto ng CEO at kunwari’y hindi ako apektado na naroon siya. “Ms. Mona, nasa loob ba ang CEO?”“Oo, may kausap yata sa phone,” sabi niya bago inginuso sa akin ang katabing babae.Mabilis ko lang tinapunan nang tingin ang katabi niya bago pumasok sa loob ng opisina ni Abe. May kausap nga siya sa kanyang cellphone habang salubong ang mga kilay. Inilapag ko lang ang gamit ko sa aking work station at saka siya nilapitan.“Tatawagan kita ulit mamaya, dapat ayos na iyan,” mariin niyang sabi bago ibinaba ang tawag.Humarap siya sa akin at saka hinila ang aking katawan para paupuin sa
Isang linggo na akong nakabalik sa opisina at pakiramdam ko ay mas dumami ang bodyguard ko dahil sa maraming mata ang laging nakatingin sa akin na para bang naghihintay sila lagi na magkamali ako. Nagagawa ko pa ring hatiin ang oras ko sa responsibilidad ko bilang marketing officer at executive assistant ni Abe.“Marami pa ring hindi naniniwala na hetong Rookie of the Year natin ang nanalong Mrs. Dela Torre!” tatawa-tawang sabi ni Selwyn habang ikinukumpas-kumpas pa ang kanyang kamay na parang nasa entablado.“Hayaan na ninyo sila, karamihan naman sa mga hindi naniniwala ay mga boto kay retouch girl,” natatawang sabi ni Maricar.Lahat kami ay napalingon sa kanya. Sabay-sabay pa kaming nagtanong, “Retouch girl?”“Ang babaeng retoke! Duh?” nanlalaki ang mga mata niyang sabi dahilan para matawa kaming lahat.“Shunga! Paano naman naging retouch eh ‘diba pang make-up iyon?” tanong ni Selwyn na binatukan pa si Maricar.“Aray ko!” inis na sabi ng babae. “I-search mo kaya!”Sinubukan naman ni
Hindi nagtagal ay itinihaya niya ako at isinampay ang aking mga binti sa kanyang balikat. Nagulat ako ng ganun niya ipinasok ang kanyang malaki pa ring sandata at muli akong binayo. “Ohhh, Abeee,” hiyaw ko. “You want more, my love?” tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.“Y-Yes!” sagot ko.“Galit ka pa sa akin?” tanong niya habang patuloy ang pagkadyot.“N-Nai-inis langggg,” nahihirapan kong sagot dahil pabilis na naman siya nang pabilis.Muli kong naramdaman ang paglawa ng aking puwerta. Namumuti na rin ang ibaba ng kanyang puson. Tila bula ng pinaghalong katas ko at similya niya.Marahan niyang ibinaba ang mga binti ko sa kama. Nakita ko siyang nagpunta sa banyo at siguro ay naghugas siya dahil narinig ko ang lagaslas ng tubig. Pagbalik niya ay may hawak siyang basang paper towel na ipinunas sa perlas ko at paligid nito.Binuhat niya ako at inihiga nang maayos sa gitna ng kama at saka siya humiga sa tabi ko. Akala ko ay tapos na pero bigla niya akong kinubabawan at m
Napaupo ako sa inis at hindi ko na napigilang magtaas ng boses, “Ako ang nag-i-ignite ng inis niya? Binabastos ako ng babaeng iyon bilang asawa mo at pinamumukha sa akin na hindi ako nararapat sa iyo!”Lumamlam ang tingin ni Abe sa akin pero bahagyang nanigas ang panga niya. “You are my wife. Ilang beses ko na sinabi sa iyo kung anong klase kang tao at karapat-dapat kang maging misis ko. Bakit nagpapatalo ka sa sinasabi ng babaeng iyon na hindi naman totoo?” mariin niyang sabi na parang napipikon.“Hindi mo nga ako ipinagtanggol,” puno ng hinanakit kong sabi. “Hindi mo rin ako pinigilang umalis habang ang babaeng iyon ay naiwan sa opisina mo na kasama ka.”Napahawak si Abe sa kanyang noo at pinaglapat niya ang kanyang mga labi na parang nawawalan ng pasensiya sa akin. Gusto kong maiyak. Hindi ba valid ang nararamdaman ko?“Hindi kita pinigilang umalis dahil alam kong mainit ang ulo mo at baka mag-away lang tayo sa harap ng babaeng iyon!” tumaas na rin ang boses ni Abe.“Gusto mo bang
Sa kakalakad ko, may nakita akong bakanteng bench sa ilalim ng isang mayabong na puno. Doon ako nagdesisyong magpahinga. Pinaglunoy ko ang aking mga mata sa mga taong naglalakad sa paligid. Alam kong mali na pinatulan si Cassandra sa harap ng board members, pero wala rin namang ginawa si Abe para ipagtanggol ako kaya ako nagsalita. At kung nakakasira iyon sa imahe ng DTM ay hindi ko sinasadya. Hindi ko kayang magtimpi sa lahat ng oras lalo na kung paulit-ulit na ang pambabastos ng babaeng iyon sa akin bilang asawa ni Abe.Hindi pangkaraniwan ang love story naming mag-asawa dahil nagsimula kami sa isang kontrata, na kung tutuusin ay hindi pa tapos dahil pitong buwan pa lang naman kaming kasal. Ngunit mahal ko na si Abe, higit pa sa naramdaman kong pagmamahal para kay Lemuel. Minsan nga iniisip ko na kung ang nararamdaman ko para kay Abe ang tunay na pagmamahal, ibig bang sabihin na noong naging kami ni Lemuel ay hindi pa iyon pagmamahal?Napabuntong-hininga ako. Sino ba ang tamang mak