LOGINHabang umiiyak ako sa dibdib ng CEO nanatiling nakayakap sa likod ko ang isang braso niya habang ang isang kamay ay dumukot sa bulsa ng suot na pantalon para kuhanin ang cellphone.
“Go to the hospital now and arrange the transfer and immediate surgery of Ayah Aguilar to Grace Global Hospital. I want results in 15 minutes,” utos niya sa kanyang kausap.
Muling may pinindot ang lalaki sa kanyang cellphone at saka muling nagsalita, “Prepare the chopper. We will fly to Manila tonight.”
Direkta at tunog istrikto siya kung mag-utos sa kanyang mga tauhan. Parang hindi 27 years old ang naririnig kong nagbibigay ng instructions, para na siyang mas matanda. Bahagyang gumaan na ang pakiramdam ko kaya tinuyo ng mga palad ko ang aking mga pisngi.
Tumunog ang cellphone ko kaya humiwalay na ako sa kanya. Gayunman, ramdam ko pa rin ang init ng kanyang palad dahil nananatiling nakalapat sa likod ko ang kanyang kamay.
Nakita ko ang text message ni Inay sa akin. Nangangamusta siya kung may nahiram ako sa kumpanya dahil nagtanong daw ulit ang doktor kung ooperahan na ba nila ang kapatid ko. Napatingin ako sa harap ng sasakyan at nangapa kung paano ko sasabihin sa aking ina na maipapagamot na namin si Ayah.
Napalingon ako sa kasama ko nang i-off niya ang makina ng sasakyan at saka niya tinapik nang marahan ang likod ko.
“Pack your mom and sister’s clothes good for at least a week. Let’s move fast,” pautos niyang sabi pero mahinahon iyon at saka siya mabilis na bumaba ng sasakyan.
Isinilid ko ang cellphone sa aking bag at saka akmang bubuksan ang pinto pero naunahan niya akong magbukas.
“T-Thank you!”
Tumango lamang siya at saka ako pinauna sa paglalakad patungo sa bahay.
“Sir, tuloy po kayo,” nahihiya kong sabi pagbukas ko ng pinto.
Malinis naman ang munting bahay namin pero nahiya ako nang makitang kailangan pa niyang yumuko para makapasok sa aming pintuan.
“Mabilis lang po ako,” paalam ko sa kanya.
Sa tingin ko ay hindi magkakasya sa isang linggo ang na-empake kong mga damit dahil iilan lang naman ang maayos na damit nina Inay at Ayah. Dinamihan ko na lang ng underwear.
Kumatok siya sa pinto ng silid at bumukas din agad ito. “Isla, pack your clothes too, but good for just three days. We need to go back on Tuesday.”
“Okay, sir,” tipid kong sagot at saka kinuha ang back pack ko. Naglagay lang ako ng limang panty, tatlong bra, isang maong, isang slacks at tatlong blouse. Nagpalit ako ng kulay puting sneaker para mas komportable.
Kinuha ni Abe ang malaking duffle bag sa kamay ko pati ang backpack sa likod ko at inilagay niya lahat sa likod ng kanyang sasakyan. Pagdating namin sa ospital ay inabutan namin ang mga doktor na inilalagay sa stretcher si Ayah.
Nakita ko si Inay na nasa isang tabi at aburido. Bahagyang nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.
“Anak, ang sabi nila babiyahe daw tayo sa Maynila ngayong gabi para maoperahan ang kapatid mo. Totoo ba iyon?” aburidong tanong niya.
“Opo, Inay,” pagkumpirma ko.
“Bakit sa Maynila pa ang operasyon, anak? Hindi ba mas mahal doon? Paano tayo pupunta sa Maynila? Sasamahan ba tayo ni Lemuel?” magkakasunod na tanong ni Inay.
Bahagyang bumigat ang dibdib ko sa paghahanap ni Inay sa walanghiya kong ex-boyfriend.
“Hindi po, Inay. ‘Diba ang sabi ko sa iyo sa opisina ako hihingi ng tulong?” sagot ko habang pinipigilan ang sarili na maiyak.
Lumapit sa amin ang CEO. “Good evening, Ma’am! I am Abe, Isla’s boss.”
Nilingon ko sa aking gilid ang lalaki. Bakit siya nagpapakilala? Nagsimula akong kabahan dahil baka magtanong pa lalo si Inay.
“Sir, salamat po sa tulong ninyo!” umiiyak na sabi ni Inay sa lalaki.
“Maliit na bagay lang po ito, ‘Nay. Tara na po para makaalis na tayo,” seryosong sagot ng lalaki at inakbayan pa ang Nanay ko.
Sandali akong natuod sa narinig. Anong itinawag niya sa nanay ko?
Huminto maglakad si Abe at nilingon ako. “Let’s go!”
Nagmamadali akong humabol sa kanila. Pagdating namin sa open field ay naroon na ang chopper.
“Diyan tayo sasakay?” Nakita ko ang takot sa mukha ni Inay.
“Opo, ‘Nay. Mas mabilis po kasi iyan. Thirty minutes nasa Maynila na tayo,” tipid ang ngiting sagot ng lalaki.
Nagulat pa ako nang hubarin niya ang kanyang jacket at ipasuot iyon sa matanda. Doon ko lang din napansin na manipis na sando at shorts na pambahay lamang ang suot ni Inay. Hindi na niya nagawang magbihis sa sobrang pagkataranta kanina.
Unang isinakay si Ayah sa chopper kasama ang isang doktor. Pagkuwan ay sinundo ng isang bodyguard si Inay at saka ako inakbayan ni Abe para igiya patungo sa chopper. Siniguro pa ng lalaki na nakasuot nang maayos ang aking seatbelt.
Nilingon din niya si Inay na nasa kabilang gilid ko. “‘Nay, okay po ba kayo diyan?”
“Oo, anak. Ipipikit ko na lang at sasabayan ng dasal,” pasigaw na sagot ni Inay dahl maingay ang makina ng chopper.
Magkahawak ang kamay namin ni Inay mula nang umangat ang helicopter. Pareho kaming tahimik at nagdarasal para sa aming kaligtasan. Lagpas 30 minutes ay naramdaman kong bumabababa na kami sa hellipad ng ospital. Paglapag namin ay mabilis kaming sinalubong ng mga doktor. Diniretso rin kami sa VIP Wing. Malaki ang silid ni Ayah at may extrang kama para sa kanyang bantay.
Ayon sa mga doktor ay susuriin muna nila ang kondisyon ni Ayah para malaman kung handa na ang katawan ng kapatid ko na maoperahan, oobserbahan din siya overnight. Matapos ang endorsement ng doktor na sumama sa amin ay ipinahatid na ni Abe sa Claveria ang doktor gamit ulit ang chopper nila.
“‘Nay, inilagay ko po sa cabinet ang bag ninyo. Kaya po ba ninyo na mag-isa rito?” tanong ni Abe kay Inay na ikinagulat ko.
“Oo naman. Saan ba kayo tutuloy?” parang wala lang na tanong ni Inay.
“Malapit lang po dito ang Condo Unit ko. Kapag may kailangan po kayo tawagin niyo lang po ang nurse pero kapag kami ni Isla ang kailangan ninyo, isang tawag niyo lang nandito na kami agad,” paliwanag ng lalaki.
“Salamat ulit, iho,” ani Inay.
Napatingin ako kay Inay. Kung kanina ay aburido ang mukha niya, ngayon ay mas normal na siyang tingnan.
“Isla, let’s go!” pagyaya ni Abe.
“D-dito na lang po ako matutulog, Sir,” nahihiya kong sagot. At saka wala naman akong planong sumama sa boss ko sa kanyang Condo Unit.
Sumeryoso ang mukha ng lalaki. “May ipapagawa pa ako sa iyong presentation kailangan ko iyon sa Lunes.”
Napatingin ako kay Inay na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
“Anak, sige na. Sumama ka na sa boss mo. Okay lang kami rito ni Ayah, nasa ospital kami,” pagtutulak pa sa akin ni Inay.
080125 Hello readers! Maraming salamat sa pagbabasa ng A Contract Marriage with Abe Dela Torre. Ito ang kauna-unahang story ng Miner Boys Series. Sana magustuhan ninyo ang nobelang ito.
“A-Abe!”Nagising ako sa pananakit ng aking likod na sinundan nang mahinang paghilab. Ilang minuto ko pang pinakiramdaman at napansin kong mas dumalas na iyon kaya ginigising ko na ang aking mister.“Love?” naalimpungatang tanong ni Abe dahil panay pa rin ang tapik ko sa kanya.“Manganganak na yata ako,” kinakabahan kong sabi.Agad siyang napabalikwas. “Has your water broken yet?”Umiling ako. “Hindi pa pero masakit ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang may kung anong nangyayari sa loob at parang lalabas na ang kambal!”Napatayo si Abe at halos napatakbo papasok ng walk-in closet. Dalawang buwan na kaming narito sa mansyon dahil pumayag lang si Inay na sumama kay Aidan sa London kung sa mansyon muna kami uuwi ni Abe para sigurado raw na naaalagaan ako. Nakabalik na rin sila noong isang linggo pero dito na kami nanatili ni Abe dahil gusto kong ilabas ang kambal ng normal delivery. Kahit tutol ang asawa ko at alanganin si Dr. Flores ay wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ak
Nagugutom na naman ako. Mahigit dalawang oras pa lang nang mag-almusal kami ni Abe pero kumakalam na naman ang sikmura ko. Mula nang mag-seven months ang kambal sa sinapupunan ko, mas lalo akong naging gutumin. N’ung isang araw nag-shopping na kami ni Abe ng mga bago kong damit pangbuntis dahil hindi na kasya ang mga damit ko na binili namin ni Inay noon. Bumigat din ako ng 30 pounds at sa tingin ko ay lalo pang bumibigat!Muling kumalam ang sikmura ko kaya napatayo na ako sa kama. Maaga akong nagising kanina para ipaghanda ng almusal ang aking asawa, sinabayan ko na rin siya kumain at pagkaalis niya ay muli akong nakatulog. Kaya hindi ko lubos maisip bakit gutom na naman ako?Bilin pa naman ni Inay ay mag-ingat ako sa kakakain dahil baka mahirapan ako mag-diet pagkapanganak ko sa kambal. Hindi naman niya sinabi na magpagutom ako, huwag lang daw ako kakain at iinom ng matatamis para hindi ako at ang mga sanggol sa sinapupunan ko lumaki nang husto. Marahan kong pinihit ang seradura ng
“Ate Isla!”Masayang salubong ni Helga sa akin hindi pa man kami nakabababang mag-asawa ng kotse. Ang dalaga na ang nagbukas ng pinto para sa akin.“Bakit excited na excited ka yata?” kunot ang noo na tanong ni Abe sa kapatid ni Harris dahilan para bahagyang pumino ang magaslaw na kilos nito kanina.“Ate, may sasabihin ako sa iyo,” pabulong niyang sabi na sandali lang tinapunan nang tingin ang Kuya Johan niya na bumaba na sa driver’s seat.Ngayon lang ulit nagmaneho ng kanyang sports car ang asawa ko. Sinadya pa niyang ipahatid sa condo kagabi ang kotse dahil imamaneho daw niya sa EDSA kesyo patatakbuhin daw niya ng mabilis dahil aalis kami ng bahay ng walang traffic. Paano ba namang hindi siya mae-excite eh pinangakuan siya ni Nathan na luluwag ang EDSA ngayong araw na ito. Nasaktuhan kasi na nasa unit si Nathan at narinig ang reklamo niya na araw-araw niyang binabaybay ang traffic ng EDSA dahil nasa BGC ang DTM habang nasa Quezon City ang Condo namin.Hindi ko alam kung paano ginawa
“I also considered filing for a divorce for how many times, but my parents– your grandparents, are very conservative Catholics. And our business requires the head of the Universities to have a good family background,” paliwanag ni Aidan. Iniisip rin daw niya na dumaan na ang ilang taon at posibleng wala na siyang mababalikang single na Amanda sa Pilipinas at mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya si Inay na may iba na dahil kahit anong gawin niya ay tanging si Inay ang laman ng puso niya. Kaya raw pinili niyang sa Australia manatili para pamahalaan ang isa pang Unibersidad nila roon at inubos ang iba pang oras sa pagtuturo kung saan niya nakilala sina Abe at Orrel. Hinugot ni Aidan ang kanyang wallet sa back pocket ng suot na pantalon at binuksan iyon sa harap ko. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang makita ang lumang picture nila ni Inay na magkasama. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang wallet niya at p
Alas-dos na ng hapon kami nakabalik ni Inay sa bahay. Tinulungan kami ng dalawang bodyguard sa pagbubuhat ng mga dala namin. Ipinasok lang nila sa kusina ang groceries bago sila nagpaalam na lalabas na ng unit. Dahil sa sunud-sunod na nangyari sa akin ay nasanay na ako na may bodyguard na kasama at tila guwardiya sa labas ng unit. “Anak, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala riyan,” utos ni Inay.Ngumiti lang ako dahil ini-spoil na rin niya ako. “Inay, hindi naman nakakapagod magligpit ng groceries.”“Napagod ka na kasi sa pamimili, baka mapaano ka pa,” nag-aalala niyang sabi.“Okay lang ako, Inay. Ikaw baka pagod ka na.”“Kaunti. Tumatanda na yata ako,” natatawa niyang sabi. “Dati naman malayo ang nilalakad ko sa paglalako ng isda.”Nilapitan ko siya at pinaupo muna. “Eh ‘di dalawa tayong magpahinga muna. Ilalagay ko na lang muna sa chiller itong mga karne at frozen food.”Pagkatapos kong ilagay ang mga karne sa chiller at makapaghugas ng kamay ay niyaya ko muna si Inay sa sala pa
Nanonood ako ng ClickFlix sa sala nang tabihan ako ni Inay sa sofa. “Anak, mag-grocery muna ako. Wala na tayong stocks.”Napakunot ang noo ko. Parang isang buwan na ring hindi ako nakakapagbigay kay Inay ng pang gastos sa bahay. Sobra akong naging abala sa mga nangyari.“Sama ako, Inay! Bored na ako dito sa bahay,” sagot ko na agad nang in-off ang TV.Ilang araw pa lang mula nang mag-resign ako sa JNQ Group of Companies at pakiramdam ko ay bored na bored na ako sa buhay ko. Hindi yata talaga ako ipinanganak para mag-buhay prinsesa. “Sigurado ka?” nagtatakang tanong ni Inay.Tumango ako. “Magpapaalam lang po ako kay Abe at magbibihis ng damit pang-alis.”“Sige, anak. Hintayin kita,” nakangiting sagot ni Inay. “Miss na rin kita ka-bonding.”Napangiti ako kay Inay at nagmamadaling pumasok sa silid namin ni Abe. Tinawagan ko ang mister ko ng naka-loudspeaker habang kumukuha ako ng leggings at blouse. Pagkuwan ay narinig kong sinagot niya ang tawag.“Love, naistorbo kita?” malambing kong







