Masuk
“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.
Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.
“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.
“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.
Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, pero pinigilan niya ang sarili. “Magiging masaya si Riley kapag nalaman niyang buntis ako. Baka mamahalin niya na ako,” bulong niya sa sarili habang pinipikit ang mga mata.
Biglang pumasok ang iba pang kasamahang doktor at mga nars sa room, dala ang mga lobo at maliit na cake. “Happy birthday, Vera!” sabay-sabay na bati nila, kasabay ng masayang halakhak. “At congrats sa first baby ninyo!”
“Salamat… sa inyong lahat,” mahina ngunit masaya ang sagot ni Vera habang tinatanggap ang mga yakap at pagbati. Napangiti siya ng kaunti, ngunit halata sa mga mata ang halo ng tuwa at kaba.
Pagkatapos ng duty niya sa ospital, dumiretso siya sa bahay. Hindi masukat ang saya sa dibdib niya habang hawak ang papel na nagpapatunay na siya ay dalawang linggo nang buntis. Para sa kaniya, may pag-asa na siyang mapapansin ni Riley at maramdaman ang pagmamahal na matagal niyang hinahangad.
Ngunit pagpasok niya sa bahay, bumungad sa kaniya sina Riley at Carla na magkayakap. Hinahaplos ni Riley ang tiyan ng babae.
Nang napansin nila si Vera, pareho silang napatigil at humarap.
“Vera… gusto kong sabihin sa ‘yo…” masayang sabi ni Carla habang hinahawakan ang tiyan niya. “Buntis ako. At… si Riley ang ama. Sa wakas, magkakaroon na rin siya ng anak.”
Parang hindi man lang tinablan ng hiya si Carla nang aminin niya kaagad ang tungkol sa pagbubuntis niya. Sa mismong asawa ni Riley.
Para kay Vera, parang bumagsak ang langit at lupa. Si Riley naman ay parang walang pakialam sa nararamdaman niya, nakangiti kay Carla at hinahaplos ang tiyan ng first love niya. Pinigilan ni Vera ang magalit. Pilit niyang kinontrol ang galit na puwedeng sumabog sa loob ng bahay. Baka kung ano pa ang magawa niya sa dalawang taong nasa harapan niya.
“Alam mo naman kung sino talaga ang mahal ko, Vera. Si Carla lang,” madaliang sabi ni Riley sa asawa, halatang pinipilit maging mahinahon. “Sana huwag mong sasabihin sa mga magulang natin ang tungkol dito. Magagalit sila kapag nalamang buntis si Carla.”
Si Vera ay pilit pa rin nilabanan ang galit at luha, tumango lamang. “Yeah. Alam ko na.”
Ngunit sa loob niya, naglalagablab ang damdamin.
“Happy birthday, Vera,” mahina at may halong guilt ang sabi ni Riley sa asawa. Halos hindi niya kayang tumingin kay Vera, alam niyang magagalit siya.
Gusto niyang magalit, sumigaw, at ibulgar ang lahat. Pero mas pinili niyang kumalma. “Salamat… kahit na… masaya ka na sa kaniya,” lumalim na ang hininga niya, pinipigil ang damdamin. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan nina Riley at Carla.
Kinuha ni Carla ang cake sa table at ibinigay kay Vera. Ngunit hindi niya tinanggap. “Salamat… pero… hindi muna,” mahina niyang sabi, nakatitig pa rin sa dalawa. Natatakot siyang baka may inilagay na masama sa cake, pero higit sa lahat, ayaw niyang makasagasa sa kanila sa harap ni Riley.
“Congrats, Carla,” nakapangiti si Vera, mahirap man, pilit niyang iniiwasan ang emosyon. “Finally, naging successful ka rin sa pag-agaw ng asawa ko. Pinatunayan mo talaga kung gaano ka ka… persistent maging kabit ng asawa ko. Isa kang successful kabit.”
Bago pa man makasagot si Carla, sinampal na ni Riley ang asawa niya. Hindi niya nagustohan ang sinabi ni Vera dahil baka masaktan si Carla at mapano pa ang anak nila.
Ngumisi lamang si Vera, kahit nanunuot sa balat niya ang sakit.
“Wala kang karapatang magsalita ng ganoon kay Carla!” galit na sigaw ni Riley, tumataas ang boses.
“Bakit? Totoo naman, ‘di ba?” ngumisi si Vera, pilit pinipigilan ang namumuong luha. “Kasal ka pa rin sa akin, Riley. Mahal mo man ako o hindi, ako ang legal mong asawa. I am Vera Almonte—Garcia. Your lawfully wedded wife. Baka nakalimutan mo.”
Biglang umarte si Carla, hinawakan ang tiyan niya at napapikit sa sakit. Kahit na wala naman talaga siyang nararamdaman. Masaya siya kasi alam niyang makukuha na niya nang tuluyan si Riley.
“Carla! Are you okay?” nataranta si Riley, halatang natakot.
Si Vera na nakatayo sa tabi ay nakatitig lang sa eksena na ilang beses niya nang nakita sa mga pelikula. Hindi niya nagawang sabihin na siya rin ay buntis din dahil sa mismong gabi ng kaarawan niya, mas pinili ng asawa niya ang ibang babae.
“Ang galing naman umarte ng kabit mo. Audition ka kaya sa pagiging artista.” Nagkibit-balikat si Vera habang pinapanuod ang pag-arte ni Carla.
“Vera! Enough!” sigaw ni Riley, bakas sa tono ng lalaki ang namumuong galit. “Hindi mo dapat pagsalitaan siya ng ganito! Buntis si Carla! Ang insensitive mo naman!”
“Bakit hindi? Totoo naman, ‘di ba? Kabit mo siya, Riley!” sagot ni Vera, pilit pinipigil ang luha. “Legal mo pa rin akong asawa, Riley. At sa kabila ng lahat, ako pa rin ang asawa mo. Nakalimutan mo ba?”
Si Carla, sa gitna ng tensyon, muling nagkunwaring nasasaktan, humawak sa tiyan. “Ahhh… ang sakit talaga!”
“Carla!” sigaw ni Riley, inalalayan niya si Carla. “Huwag kang mag-alala, dadalhin kita agad sa ospital!”
Hindi na nagawa ni Vera ipaalam sa kaniya na siya rin ay buntis. Ang lahat ng tiniis niya sa limang taon ay parang naglaho sa isang iglap dahil kahit pa malaman ni Riley ang totoo, hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Masaya si Riley sa piling ni Carla.
“Kapag may nangyaring masama kay Carla, humanda ka sa akin!” banta ni Riley bago tumalikod upang dalhin si Carla sa pinakamalapit na ospital.
Nang nakalabas na ng bahay ang dalawa, doon pa lamang naramdaman ni Vera ang panginginig ng buong katawan niya at ang panghihina ng kaniyang tuhod.
Napaluhod siya at napaiyak sa sakit.
Birthday niya, pero nasira dahil sa hindi magandang balita. Ang nakabuntis ang asawa niya ng ibang babae.
Pinilit niya ang sariling makatayo at makalakad kahit na parang binagsakan siya ng langit at lupa. Kailangan niyang umalis kaya nag-impake si Vera ng gamit agad nang nakapasok siya sa silid nila mag-asawa. Alam niyang mawawala ang karapatan niyang tumira sa bahay dahil doon na rin titira si Carla. Mas pinili niyang lumayo, pinili ang dignidad kaysa manatili sa isang tahanan na puno ng pagtataksil. Kasabay nito, nakapagdesisyon siyang itago ang pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang bata. Para kay Vera, ito ang tanging paraan upang makamit ang kalayaan at simulan muli ang buhay, kahit na may sugat sa puso at emosyonal na nagdudulot ng takot at pangungulila.
Kabanata 59 Samantha's Point of View Napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. Pati si Joshua ay halatang hindi rin makapaniwala sa sinabi ng kaniyang ama. "Dad..." Tumawa si Joshua habang nakatingin sa akin. “Kukunin niyo si Samantha sa akin?” "Mamahalin ko siya at poprotektahan ko siya." Mas lalo akong hindi makapaniwala sa sinabi ni Gabriel mismo sa harapan ng kaniyang anak. "Hindi ko hahayaang bastusin mo siya." "Dad, what are you saying?" "I'm telling you the truth. Dahil hindi mo siya kayang mahalin at alagaan, pakakasalan ko si Samantha." Parang tumigil ang lahat. Maging ako ay hindi agad nakapagsalita. "Dad!" Halos mawalan ng boses si Joshua. "She's still my wife!" "Wrong." Diretsong tumingin si Gabriel sa kanya. "Ex-wife. Malapit nang matapos ang lahat ng koneksyon ninyo. At kapag nangyari iyon… ako na ang magiging asawa niya." "Dad! Wala kang karapatang gawin iyon!" "Talaga? At ikaw? May karapatan ka bang lokohin ang asawa mo? Wala kang karapatang magd
Kabanata 58 Samantha's Point of View Dahan-dahan kong inayos ang kurbata ni Gabriel. Nagusot iyon dahil sa nangyaring komprontasyon. Halata pa rin ang mabilis niyang paghinga. Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng mga kamao niya. Marahan kong pinantay ang kurbata niya bago ko tinapik ang dibdib niya. "That's enough, Daddy Gab." Napatingin siya sa akin. May pagtataka sa mga mata niya. "Samantha…" Ngumiti ako nang bahagya. "Tama na." "Hindi pa." "Gabriel." "Hindi pa sapat." "Tingnan mo ako." Tahimik siyang tumingin sa akin. "Wala ka nang makukuhang magandang kinabukasan sa anak mo." Hindi siya agad nagsalita. "Hayaan mo na sila." "Samantha..." "Hindi sila worth it." "Pero narinig mo ang sinabi niya." "Narinig ko." "Narinig mong gusto niyang sirain ang pangalan mo." "I know." "Narinig mong gusto niyang palabasing ikaw ang nagtaksil." "I heard everything." "Lalong wala siyang karapatang patawarin." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Gabriel." "Calm down." "
Kabanata 57 Samantha's Point of View Uminit kaagad ang dugo ko sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung paano pa nagagawa ni Joshua na magsinungaling nang ganoon kadali. Plano niyang palabasin na ako ang unang nagtaksil. Plano niyang sirain ang pangalan ko. Plano niyang linisin ang sarili niyang kasalanan gamit ang kasinungalingan. Samantalang siya itong nakabuntis kay Isabella. Siya itong nambabae! Siya itong sumira sa pagsasama namin! At ngayon, gusto niyang ako pa ang magmukhang masama? Napakuyom ang mga kamao ko. Nararamdaman kong mabilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti akong naglakad palapit sa kanila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong marinig niya mismo ang sasabihin ko. Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit, may naunang kumilos. Mabilis na lumakad si Gabriel. Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagbigay ng babala. Diretso niyang kinuwelyuhan si Joshua. "Argh!" Napaatras ang anak niya sa lakas ng paghila. Napatigil ang lahat
Kabanata 56 Samantha's Point of View Dumiretso kaagad kami sa kompanya ni Gabriel pagdating namin sa Pilipinas. Tahimik ang buong biyahe mula sa airport. Pareho kaming pagod dahil sa mahabang flight, pero pakiramdam ko ay hindi lang iyon ang dahilan kung bakit wala kaming masyadong pinag-uusapan. Pareho kaming may iniisip. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Gabriel habang nagmamaneho siya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Halos wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Napabuntong-hininga ako. "You're quiet," sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa daan. "I can say the same thing." "I'm driving." "That's not an excuse." Bahagya siyang ngumiti. "So? What's on your mind?" "Honestly?" "Always." "Kinakabahan ako." "Bakit?" "Hindi ko alam kung anong sasalubong sa atin." "Tungkol kay Joshua?" Tumango ako. "Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakita ko siya." "Natatakot ka ba?" Hindi ako agad sumagot.
Kabanata 55 Samantha's Point of View Ngumisi lang si Gabriel bago marahang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit na pumulupot ang mga daliri niya sa mga daliri ko habang inaayos ang pagkakahawak ko sa baril. "I'm just a businessman managing all of my businesses, sweetheart," kalmado niyang sagot. "Wala akong kinalaman sa mafia o sa underworld." Napataas ang kilay ko. "Talaga lang? Kung ordinaryong businessman ka lang, bakit parang lahat ng tauhan mo marunong humawak ng baril? Tapos ang dami mo pang kaaway." Mahina siyang natawa. "Business." "Business lang?" Tumango siya. "Kapag malaki ang negosyo mo, hindi mawawala ang mga taong naiinggit, naninira, at gustong pabagsakin ka. Kaya kailangan kong matutong protektahan ang sarili ko." "Gabriel..." "Hindi lang ang sarili ko." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Pati ikaw." Hindi ako agad nakapagsalita. "Kaya gusto kong matuto ka ring humawak ng baril." "Bakit?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo."
Kabanata 54 Samantha's Point of View Niyaya ako ni Gabriel na samahan siyang bumili ng mga baril bago kami bumiyahe pabalik sa Pilipinas. Sinabi niya na may kailangan siyang bilhin para sa kanyang seguridad pagdating namin sa bansa. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya ng maraming baril, ngunit hindi na ako nagtanong pa. Alam kong may mga kaaway siya. Alam kong may mga taong gustong saktan siya. At alam kong kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Pumunta kami sa isang firing range na pagmamay-ari ng isang kaibigan niya. Ang lugar ay malawak at tahimik. Ang mga pader ay makapal at matibay. Ang mga target ay nakalagay sa malayo. Ang hangin ay may amoy ng pulbura at bakal. Matapos niyang bayaran ang mga baril na binili niya, isa-isang binuksan ni Gabriel ang mga kahon. Ang mga baril ay bagong-bago at kumikinang sa ilalim ng ilaw. Ang mga ito ay iba't ibang klase—mga pistola, mga riple, at mga baril na hindi ko alam ang pangalan. Ang bawat isa ay may sariling timbang at sukat
Bitbit ni Rico ang alaga niyang tigre na si Ilya nang dumating siya sa lugar kung saan ginanap ang anniversary party. Mahigpit ang hawak niya sa tali ng hayop, at halata sa mukha niya ang galit at pag-aalala. Pagbukas pa lang ng pinto ng bulwagan, ramdam na agad ng mga tao ang presensiya niya.“Wher
Habang si Riley ay abala sa pag-aalaga ng anim na buwang gulang nilang anak na si Lily sa malaking bahay ng Garcia, si Carla naman ay nasa kabilang panig ng lungsod, nakaupo sa isang pribadong lounge. Malakas ang tugtog, malamlam ang ilaw, at puno ng ingay ang paligid. May hawak siyang baso ng alak
Napaliyad si Vera nang maramdaman ang init ng mga labi ni Rico sa leeg nito. Ang bawat dampi ay parang nagpapadala ng elektrisidad sa kaniyang balat. Para siyang mababaliw sa sensasyon, pero bahagyang nanatiling may katinuan sa isip.Nasa malawak na sala pa rin sila. Ang ambient lighting ay mahina,
Trending ngayon sa social media ang pangalan nina Rico at Vera. Halos lahat ng trending searches ay tungkol sa kanila. Marami ang hindi makapaniwala na ang asawa ni Rico ay ang dating asawa ni Riley Garcia, ang nakababatang kapatid ni Rico. Ang komentaryo sa internet ay walang tigil: may nagbabanggi







