ログインLumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang doktor, at uuwi nang tahimik. May trabaho pa siyang kailangang tapusin at mahaba pa ang pila ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Hindi niya puwedeng hayaang makita ng mundo kung gaano siya kabasag sa loob.
Pero hindi niya aakalaing hindi rin siya tatawagan ni Riley. Parang wala itong pakialam sa pag-alis niya.
Sa ospital, pilit niyang iniiwasan ang mga usap-usapan. Ngunit isang araw, pagpasok niya sa isang silid, agad siyang napatigil.
“Doc Vera, ito po ‘yung pasyenteng sinasabi ko sa ‘yo,” bulong ng nurse na kasama niya. “Medyo… mahirap kausap.”
Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa kama, nakaupo si Carla, naka-cross ang mga braso, may bahagyang paso sa kamay, at halatang galit na galit.
“Finally!” sigaw ni Carla nang makita si Vera. “Is this how your hospital works? Ang tagal ko nang naghihintay! Do you know who I am?”
Napasinghap ang nurse. “Ma’am, maraming emergency cases—”
“Don’t talk back to me!” sigaw ni Carla bago sinampal ang nurse. “Ang tanga mo maglagay ng gamot!”
Nanlaki ang mga mata ni Vera. “Enough,” mariin niyang sabi. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Carla. “This is a hospital. Hindi ka pwedeng manakit ng staff.”
“Ano ka ba!” sigaw ni Carla, pilit binabawi ang kamay. “Get your hands off me!”
Sa galit, marahas na tinulak ni Vera ang kamay ni Carla palayo sa nurse. “Stop acting like a child.”
Bago pa makapagsalita si Vera, mabilis na umalalay si Riley kay Carla.
“Anong ginagawa mo, Vera?” galit na tanong ni Riley. “Sinaktan mo siya!”
“Sinaktan?” hindi makapaniwala si Vera. “She slapped my nurse, Riley. She’s causing a scene.”
“Because incompetent kayo!” sigaw ni Carla habang umiiyak. “Masakit ‘to! Hindi niyo ako inaasikaso!”
Sa galit, itinulak ni Riley si Vera. Napaatras siya, muntik matumba.
“Get out,” mariing sabi ni Riley. “Hindi ka dapat nandito.”
Nagkagulo ang mga nurse. Isa-isa silang lumabas ng silid. Naiwan sina Vera, Riley, at Carla.
Umiiyak si Carla, mahigpit ang hawak sa braso ni Riley. “It hurts, Riley. I’m scared.”
“Ako ang bahala,” sagot ni Riley, pilit pinapakalma ang babae. Pagkatapos ay hinarap si Vera. “Ano bang problema mo? Hindi mo ba kayang intindihin na buntis siya?”
Napatingin si Vera sa kanila. “At ako?” mahinang tanong niya. “Ako ba, kailan mo ako inintindi?”
Napatawa si Riley, malamig ang boses at puno ng galit. “Ikaw? Ano bang silbi mo?”
Nanigas si Vera.
“Limang taon na tayong kasal,” patuloy ni Riley. “Hanggang ngayon, wala kang maibigay sa akin. Baog ka. Wala kang silbi bilang asawa.”
Parang may humigpit sa dibdib ni Vera. “Riley…”
“Don’t say my name,” putol niya. “Para ka lang placeholder. Parausan. Habang hinihintay kong bumalik si Carla.”
Doon na bumigay si Vera. Tumulo ang luha niya, pero pinilit niyang tumayo nang diretso. Bigla niyang sinampal si Riley.
“Pinagsisihan kong mahalin ka,” nanginginig ang boses niya. “Pinagsisihan kong manatili sa ‘yo kahit araw-araw mo akong sinasaktan.”
Tumahimik ang silid.
“Araw-araw akong naghintay,” patuloy ni Vera. “Umasa. Nagtiis. Kahit alam kong hindi mo ako mahal. At alam mo kung ano ang pinakamasakit?”
Napatingin si Riley sa kaniya.
“Na hinayaan kong yurakan mo ako,” mariing sabi ni Vera. “At hindi ko na hahayaang mangyari ‘yon ulit.”
Pagkalabas ni Vera ng silid, bumuhos ang luha niya. Hindi na niya napigilan. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa hallway, pero wala na siyang pakialam. Nanginginig ang kamay niya habang kinuha ang cellphone.
Tinawagan niya ang kaibigan niyang abogado.
“Ayoko na,” umiiyak niyang sabi. “Gusto ko nang makawala.”
Kinagabihan, nagkita sila sa isang tahimik na café.
“Vera, breathe,” mahinahong sabi ng kaibigan niya. “Tell me everything.”
Naroon pa rin ang bigat sa dibdib ni Vera habang nakaupo siya sa harap ni Atty. Celeste Rockwell. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa tiyan niya, parang doon niya kinukuha ang lakas na kailangan niya para ikuwento ang lahat.
Isinalaysay ni Vera ang lahat—ang unti-unting lamig ni Riley, ang mga gabing mag-isa siyang natutulog, ang mga palusot ng asawa tuwing uuwi nang madaling-araw. Ikinuwento niya kung paano siya nagbulag-bulagan, kung paano niya pinili ang katahimikan kaysa magtanong, dahil umaasa siyang balang araw ay siya rin ang pipiliin.
“Inisip ko noon, baka kulang lang ako,” mahina niyang sabi. “Baka kung mas magaling ako bilang asawa… kung mas pasensyosa ako… magbabago siya.”
Humigpit ang hawak ni Celeste sa ballpen niya pero nanatiling kalmado ang mukha nito.
“Hanggang sa nalaman kong may iba na pala,” patuloy ni Vera. “Hindi lang basta babae. Siya pala ‘yung babaeng mahal niya noon pa. At hindi lang iyon, Celeste. Nabuntis niya.”
Napayuko si Vera, bumagsak ang mga luha niya sa mesa.
“At sa mismong araw na nalaman kong buntis ako,” nanginginig niyang dugtong, “doon ko rin nalaman na buntis din siya.”
Doon na nagsalita si Celeste.
“This is strong ground for annulment,” seryoso niyang sabi. “Lalo na’t nakabuntis siya ng ibang babae habang kasal kayo. Malinaw ang psychological incapacity dito, Vera. Hindi lang kawalan ng respeto, kundi malinaw na paglabag sa obligasyon bilang asawa.”
Napahagulgol si Vera. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. “Pagod na ako, Celeste,” sabi niya sa pagitan ng hikbi. “Pagod na pagod na ako.”
Tumayo si Celeste at lumapit sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
“Alam ko,” mahina ngunit matatag na sagot nito. “Matagal ka nang lumalaban mag-isa.”
Napatingin si Vera sa kaniya, namumula ang mga mata. “Natatakot ako,” amin niya. “Hindi ko alam kung kakayanin ko ‘to. Lahat ng plano ko… lahat ng inakala kong buhay ko, gumuho.”
“Huwag kang matakot,” mariing sabi ni Celeste. “Hindi ka nag-iisa. Nandito ako. Nandito kami.”
Tahimik na tumango si Vera. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili habang patuloy na ipinaliliwanag ni Celeste ang mga legal na hakbang—ang paghahanda ng mga dokumento, ang medical records, ang testimonya ng mga saksi, at ang posibilidad ng mahabang proseso.
“Hindi ito magiging madali,” sabi ni Celeste. “Pero kailangan mong lumaban at iwan si Riley.”
Pagkatapos ng usapan, hindi na iniwan ni Celeste ang kaibigan. Sinamahan niya si Vera pauwi sa maliit na apartment nito. Buong biyahe, nakatanaw lang si Vera sa bintana ng sasakyan, hawak ang tiyan niya, pilit pinapakalma ang sarili.
Pagdating sa apartment, tinawagan ni Celeste ang iba pa nilang kaibigan.
“Pumunta kayo rito sa apartment ni Vera,” utos niya. “Kailangan niya tayo ngayon.”
Isa-isang dumating ang mga kaibigan nila, halatang galing pa sa trabaho. May dala ang iba ng pagkain, ang iba naman ay tsaa at prutas. Hindi man marangya ang apartment ni Vera, napuno iyon ng presensiya at ingay na matagal na niyang hindi nararanasan.
“Vera,” bungad ni Maya, isa sa mga kaibigan nila. “Hindi ka namin iiwan.”
“Enough,” sabi naman ni Trish, diretso ang tono. “Bitawan mo na ang pag-asang mamahalin ka pa ng lalaking ‘yon.”
Napayuko lang si Vera. “Mahal ko pa rin siya,” mahina niyang sagot. “Kahit ayaw ko na.”
Lumapit si Celeste at muling hinawakan ang kamay niya. “Normal ‘yan,” sabi niya. “Pero hindi ibig sabihin no’n ay mananatili ka.”
Umiyak lang si Vera. “Kasalanan ko ‘to,” sabi niya. “Kung naging sapat lang sana ako…”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo,” mariing putol ni Maya. “Desisyon niya ang manloko. Hindi kakulangan mo.”
Nanatili ang mga kaibigan ni Vera sa apartment buong gabi. May nagluto ng simpleng hapunan, may naglinis, may nanatiling katabi niya sa sofa habang tahimik siyang umiiyak. Doon na rin sila natulog, para hindi siya mag-isa.
Tahimik ang loob ng apartment ni Vera habang hawak niya ang cellphone. Paulit-ulit siyang napapatingin sa screen, hinihintay ang tawag na magpapatunay na tuluyan nang tapos ang kabanata niya kay Riley Garcia matapos makipaglaban sa loob ng ilang buwan. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tuwid ang likod pero halatang naninigas ang mga balikat niya sa kaba.“Come on…” mahina niyang bulong. “Tumawag ka na.”Nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya bago sinagot ang tawag. “Hello?” pilit niyang pinakalma ang boses.“Vera,” boses ni Atty. Celeste Rockwell ang narinig niya. “May balita na.”Humigpit ang kapit ni Vera sa phone. “Ano… ano’ng sabi?”“Na-approve na,” diretsong sagot ni Celeste. “Matagal na palang pinirmahan ni Riley ang annulment. Na-delay lang ang submission dahil sa side niya.”Parang may dumaan na malamig sa dibdib ni Vera.“So… ganoon na lang?” tanong niya. “Wala man lang laban?”“Tapos na,” sagot ni Celeste. “Legal ka nang malaya sa piling ng ex mo.”Natahimik si Vera.
“File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room. “Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico. Parang business partners ang kaharap niya. “Mag-file ka ng annulment. Ngayon din. I’ll handle everything. After that, pakakasalan kita.”Napanganga si Celeste. “Wait. What?” napasigaw siya. “Rico, are you even listening to yourself? Kapatid ka ng asawa niya!”Tumawa si Rico. “Exactly.”Para kay Vera, parang may sumabog sa ulo niya.“You’re insane,” mariing sabi niya. “Pa-check ka sa utak mo. Hindi ka yata normal. May sira yata ang utak mo.”Sinubukan niyang bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga binti niya, pero pinilit niya. Hindi pa siya nakakatayo nang hawakan ni Rico ang braso niya.“Don’t,” malamig na sabi ng lalaki. “Hindi ka pa puwedeng umalis.”“Don’t touch me,” sigaw ni
Habang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit
Lumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang doktor, at uuwi nang tahimik. May trabaho pa siyang kailangang tapusin at mahaba pa ang pila ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Hindi niya puwedeng hayaang makita ng mundo kung gaano siya kabasag sa loob.Pero hindi niya aakalaing hindi rin siya tatawagan ni Riley. Parang wala itong pakialam sa pag-alis niya.Sa ospital, pilit niyang iniiwasan ang mga usap-usapan. Ngunit isang araw, pagpasok niya sa isang silid, agad siyang napatigil.“Doc Vera, ito po ‘yung pasyenteng sinasabi ko sa ‘yo,” bulong ng nurse na kasama niya. “Medyo… mahirap kausap.”Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa kama, nakaupo si Carla, naka-cross ang mga braso, may bahagyang paso sa kamay, at halatang galit na g
“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, p







