MasukSa wakas, isang paos at mababang boses ang narinig mula sa ilalim ng kumot, “Hindi.”May sakit ba siya?“Sir, maaari po ba akong pumasok sa loob?” maingat na tanong ni Manang Nova.“Uh-huh...”Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Manang Nova sa loob ng kwarto, nakita niyang nakahiga pa rin si Vincent sa ilalim ng makapal na kumot kahit tanghali na, na isang napaka-unusual na senaryo para sa isang masipag na CEO. “Sir, may masakit po ba sa inyo?”“Water pleaseeee...” Ang lalamunan ni Vincent ay tuyong-tuyo at nakakaramdam ng matinding sakit na parang sinunog ng apoy. Noong natutulog siya ay wala siyang malay rito, pero pagkagising niya ay tubig lang ang tanging hinahanap ng kanyang katawan.“Sige po, sige po, mag-antay lang po kayo nang mabilis...” Lumabas si Manang Nova ng kwarto at inutusan ang anak niyang si Melanie na kumuha ng isang basong maligamgam na tubig. Pagkaabot sa kanya, muli niyang pinagsabihan ang anak na maupo lang nang maayos sa sala at huwag hahawak ng kahit a
Naintindihan ni Teacher Agatha ang sitwasyon, kaya nakangiting nauna ng maglakad. Humarap si Kate sa screen at sinagot ang tawag. “Vincent, anong klaseng kabaliwan na naman ba ito?”Narinig niya ang boses ni Vincent mula sa kabilang linya, napaka-paos, tuyo, at mababa, “Kate... Kate...”“Kung may sasabihin ka, bilisan mo!”“Kate, hindi maganda ang pakiramdam ko, sobrang sakit ng katawan ko...” Bukod sa pagiging paos ng boses nito, napakabagal at malabo ang bawat salitang binibigkas nito, na parang wala ito sa tamang wisyo dahil sa lagnat.“Vincent, kung wala ka namang ibang mahalagang sasabihin, ibababa ko na itong tawag. Ang sakit ng katawan mo ay wala nang kinalaman sa akin.”“Kate, Kate, huwag muna... Seryoso, hindi maganda ang lagay ko ngayon, may sakit ako.”Naisip ni Kate na nakakatawa ng sitwasyon. “May sakit ka? At kapag nagkasakit ka, ako ang tatawagan mo? Vincent, nagpapatawa ka ba?”“Gusto kong uminom ng tubig... sumasabog ang sakit ng ulo ko... hindi ko kayang buman
Sa huli, hindi pa rin tinanggap ng driver ang perang ipinadala niya.Si Vincent na may plano sa una na pumasok sa kumpanya ngayong umaga ay nakaramdam bigla ng matinding katamaran lalo na at masakit pa rin ang kanyang ulo… Sumandal lang siya sa headboard ng kama at nawalan ng ganang bumangon. Hinanap niya ang social account ng driver niya at doon niya nakita ang mga simpleng detalye ng buhay ng isang normal na mamamayan.Halimbawa, ang post tungkol sa ulam na niluto ng asawa nito ngayong araw, ang gulo na ginawa ng dalawang anak nito sa bahay, ang panggugulo ng alagang aso, o ang larawan kung saan day-off nito ay bumabawi ito husto sa pamilya nito……Isang simple, totoo, at payapang buhay, na may kasamang mga tapat na salita na nagpapakita ng totoong init ng isang tahanan. Kakaiba na habang pinapanood niya ang mga ito, nakaramdam si Vincent ng kaunting pait sa kanyang mga mata. Simple man ang buhay ng mga ito ay masaya naman….Ang mga tao sa bawat larawan ay naka ngiti ng napakalawa
Napatulala si Vincent habang nakikinig sa driver.“Tsaka alam mo, napakalambot at napakabait ng puso ng mga babae. Basta’t naramdaman nilang tapat ka at mahal mo sila, alam nilang pinapahalagahan mo sila. Pag-uwi niyo po, lambingin mo at humingi ka ng pasensya. May kasalanan man o wala, magbago tayo. Hindi ‘yung dadaanin sa alak tuwing may problema, lalo lang silang magagalit kapag ganyan, ‘di ba? Pagkarating niyo po sa bahay, tawagan mo ang misis mo. Tanungin mo kung nasaan na siya, kung may pera pa ba siyang magastos, at sabihin mong susunduin mo siya pagbalik niya. Magkasundo kayo para masaya ang buhay, ‘di ba?” patuloy ng driver. “Huwag kang mairita sa akin, Boss, ah? Madaldal lang talaga ako. Pero sa nakikita ko sa’yo, mukhang galante ka naman sa asawa mo. Kaya lang, may pera man o wala, ang pag-aalaga sa asawa ang pinakamahalaga sa lahat. Ako nga, kahit maliit lang ang kita ko sa pagda-drive kumpara sa’yo, pero dahil palagi kong pinaparamdam sa asawa ko na reyna siya, sobrang
“Kapitan... ano kasi...” Hindi kailanman nakaranas si Vincent ng ganito ka walang-kwenta at kahiya-hiyang sitwasyon sa buong buhay niya bilang isang CEO. “May mahalaga pa akong meeting sa kumpanya ngayon, kaya kailangan ko nang umalis...”Ang bawat karagdagang salita na sasabihin niya ay magiging sanhi lang ng mas matinding kahihiyan… Subalit nang makalayo na siya ng ilang hakbang, bigla pa rin siyang lumingon at hindi napigilang sumigaw, “Kapitan...”Bahagyang ngumiti ang kapitan ng barangay. “Mr. Fuentebella, may maaari pa ba akong maitulong sa inyo?”“Alam mo ba...” Napakahirap para kay Vincent na bigkasin ang mga salitang ito. Ang sarili niyang lola ay hindi niya alam kung nasaan, at kailangan niya pang magtanong sa ibang tao kung saan ito nagtungo. Pero kung hindi siya magtatanong ngayon, mukhang wala nang ibang makakapagbigay sa kanya ng malinaw na sagot. “Tungkol kay Lola... alam mo ba kung saan siya pumunta?”Umiling ang kapitan bilang tanda na wala rin itong alam. “Wala ak
“Ah... sige po, Sir,” sagot ng guard na hindi maintindihan kung bakit nakikipag-usap ang lalaking ito sa kanya. Normal lang ba talaga sa mga mayayaman na maging ganito kadaldal kapag nakakainom sila nang marami?Sa mga sandaling ito, talagang napakaraming gustong sabihin ni Vincent. Habang nag-aantay ng sasakyan, sinabihan niya ang guard, “Napakaraming pagkain ang inihanda ni Lola para sa akin, sinadya niya talaga ‘yun para sa birthday ko.”“Ah, ganun po ba? Napakabait naman pala ng lola niyo,” wala na lang nagawa ang guard kundi ang sumabay sa mga pinagsasabi niya kahit pa nagtataka siya dahil napakalayo ng Baguio na pupuntahan nito..“Oo, napakabait ni Lola, she's the most important person to me... kailangan ko nang bumalik ngayon, I can't keep her waiting for too long.”“Tama po ‘yan, Sir, kailangang bigyan ng oras ang mga matatanda.”“Kapag nagkaroon ako ng free time sa kumpanya, I will bring Lola to a nice vacation para makakita ng dagat...”“Sir, napakabait at napaka-responsable
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit







