เข้าสู่ระบบ"Hello, sweetie. Pasensya kung natagalan." Pahayag niya. Kitang-kita ni Amanda kung paano naibuga ng isa sa mga katrabaho ni Mr. Moon ang tubig na nainom. Kahit ang mga babaeng naroon sa lamesa na iyon ay hindi naalis ang paningin sa kanya. Amanda Moretti was more alluring ang attractive like no other.
Hindi ang mga ito makapaniwala. Paano ni Mr. Moon nakuha ang isang babaeng maganda kagaya niya? Iyon ang nabasa niya sa mga reaksyon nito sa mukha. "S-siya ang girlfriend mo, Chris?" Tanong ng lalaki sa unahan. Tumango naman si Mr. Moon. Ikinawit ang kanang kamay sa baywang niya. "Oo siya. Siya si..." Natigilan ito. Mukhang nakalimutan pa yata ang pangalan niya. Kagat nito ang labi na tila ay humihingi ng saklolo. Si Amanda ay tumayo upang magpakilala sa mga katrabaho nito. "Magandang gabi sa inyong lahat. Ako nga pala si Aminah." She also has to fake her name right? "Ikinagagalak ko kayong makilala lahat." "Paano mo nakilala itong itong si Chris? Nakulam ka ba niya, Miss? Masyado kang sexy at maganda. Di hamak na malayong-malayo sa itsura nitong si..." Hindi ni Amanda pinatapos ang sasabihin ng lalaki. "Judging someone else's looks doesn't make you feel handsome. Mas gwapo ang lalaki na marunong rumespeto at gumalang." Ibinaba niya ang paningin kay Mr. Chris Moon. Umangat ang sulok ng labi nito sa unang pagkakataon. Siya man ay natuwa. Mukhang nagugustuhan nito kung paano niya na-handle ang sitwasyon. Hindi nakakibo ang lalaki. Tikom ang bibig nito na nasa kay Chris ang paningin. Sa buong hapunan sa dining hall na iyon ay sinisiguro ni Amanda na maramdaman ni Chris kung paano alagaan at pahalagahan. Kahit na pagpapanggap lamang iyon, kailangan niyang sulitin para mas doble ang bayad sa performance niya na pang-FAMAS ang aktingan. Sinisiguro niya na silang dalawa lamang ni Chris ang atensyon ng lahat. At oo, tagumpay niyang nagawa iyon. Tagumpay niyang naipamukha sa mga katrabaho nito na makakaya nitong magkaroon ng girlfriend kung marunong lamang maglinis at baguhin ang sarili. Habang papaalis isa-isa ang mga katrabaho ni Chris ay nanatiling nakatayo si Amanda sa tabi nito. Kumakaway ang mga ito sa kanya na ginagantihan rin naman niya ng kaway. Nang silang dalawa na lamang ng kliyenteng si Chris ang natira ay napabuga siya nang hangin. Sa wakas ay hindi na siya dapat pairalin ang ikalawa niyang mukha. Nilingon siya ni Chris Moon ng nakangiti. "Salamat, Aminah..." Natigilan ito. Kumunot ang noo. "Aminah nga ba ang pangalan mo?" Humalakhak si Amanda. Hindi na importante iyon. "Ilipat mo na lamang ang pera sa account ko, Mr. Moon nang sa ganoon ay quits na tayo." Giit niya. Si Mr. Moon ay agad tumalima. Hindi nawala ang mga ngiti sa labi nito nang ipinakita sa kanya ang malaking halaga na nailipat na sa account niya. Nanlaki ang mga mata ni Amanda. That money was massive! "Dahil sa performance mo. I'm very satisfied, Aminah." Komento nito. "Baguhin mo ang estilo ng pananamit mo. Ayusin mo rin ang iyong buhok. Higit sa lahat. Dapat matuto kang maging matapang at malakas ang loob lalong-lalo na sa harapan ng mga katrabaho mo." She had given him a tips for changes. Tumangong muli si Chris Moon. "Gagawin ko iyon dahil nagmumula iyon sa expert. Maraming salamat talaga. So paano, hanggang dito na lang. Siguro naman ay titigilan na ako ng mga iyon kakahanap sa girlfriend ko!" Humalakhak ito. "Paano mo nga pala sasabihin kung sakaling hahanapin nila ako?" Tanong ni Amanda. Sinusuri kung may natutunan ba ang lalaki sa aktingan nilang dalawa sa gabing iyon. "Sasabihin kong umalis ka nang bansa. Hanggang sa makakalimutan ka nila. At sa puntong iyon ay sasabihin kong hiwalay na tayo at...tapos na ang lahat!" She was proud. Tinapik niya ang balikat nito bago silang dalawa ay nagpaalam sa isa't-isa."May lead ka na ba ukol sa taong hinahanap mo, sir?" Tanong nang isang pulis habang siya ay papasok sa headquarters. Inilapag ni Xavier ang papeles sa counter. Sa halip na sagutin ang katanungan nito ay nagtanong siya rito pabalik. "Nariyan ba ang hepe?" Alanganin itong tumugon. "Diretso ka lamang po sa hallway, pakaliwa. Naroon ang opisina ni Hepe, Thorley Vitale." Si Thorley Vitale ay kapatid ng kanyang ama. Tiyuhin niya ito. Dumulog siya sa presinto sa isang pinaka-natatanging layunin. Bunsong kapatid ito ng kanyang ama, at matanda si Thorley sa kanya ng pitong taon. Tumango si Xavier. Inabot ang papeles at diretsong tinungo ang sinabing direksyon ng pulis. Inaasahan na ni Thorley ang kanyang pagdating. Nakangiting bumungad sa kanya ang tiyuhin nang makita siya nitong dinadalahurong ang opisina nito. Bagaman may ideya si Thorley kung ano ang pakay ni Xavier ay diretsahang inilapag nito ang mga ebidensya nang ginawang imbestigasyon. "I'm sorry, Xavier ngunit wala akong nakalap
Inabot nito ang tasa ng kape upang humigop roon. Sa malayong tingin ay nagsalita si Lewis. "Do not worry. Wala akong sinabi kahit ano kay Duke Leon. Your secret..." Simple siyang sinulyapan nito. "Will be safe with me. However, you have to tell them the truth otherwise they will get mad once they find out." "I know, I know..." Nataranta siya. "Ngunit paano?" Nagkibit-balikat si Lewis. "It will be on your own, Lady. Not mine. Nagawa mo iyon nang walang hinihinging tulong, batid kong alam mo rin kung paano sabihin iyon sa mga magulang mo." "Lewis!" "What?" Nilingon siya nito. "I won't be at your side this time. Hiding your secret from Duke Leon was already my way of helping you. Yes, you're welcome, Lady." Tumayo ito at nilisan ang teresa. Naiwan si Amanda na nakatunganga sa kawalan. Did she just ditched with her butler? Naiirita siyang nilingon ang pintuan na nilabasan ni Lewis. Although, he was her father's most trusted men, alam ni Amanda na nagmamay-ari ng maraming kompanya an
Si Elizabeth Johnson—Moretti na dinapuan nang hindi maipaliwanag na sakit ay matagal nang nakaratay sa higaan. She was Amanda's mother. Si Leon Alexis Moretti, ang asawa nito ay desididong maibalik sa dating sigla ang asawang si Elizabeth. Marami sa mga doktor ang nagsasabing naging malubha ang sakit nito't imposibleng maibabalik pa ito sa dati. Ang sakit nito ay walang kahit na sinoman ang makapag-isip o kahit ang makapaniwala. Kalungkutan ang dahilan kung bakit ito nagka-ganoon. Marami sa mga kakilala ang nagsasabing dapat si Leon ay dumulog sa albularyo sapagkat hindi epektibo ang pagpapa-doktor. Ngunit, alam ni Leon ang pinaka-natatanging dahilan. Elizabeth was just really feel lonely when their daughter, Amanda run away. Anim na buwan matapos naglaho ang anak ay nagsimula ring magpakita ang asawa ng mga sintomas. Marami sa mga kasambahay ang nakakapansing naging matamlay ito. Malayo ang tingin at hindi namamansin kahit tinatawag ito. Minsan rin ay nakikita itong umiiyak nang ma
Tumayo siya sa kama at humakbang paatras. The two became alerted. Pinawi niya ang mga luha sa pisngi. She knows karate ngunit mga basic skills lamang ang alam niya. Nilingon niya ang nakabukas na sliding door. Doon marahil dumaan ang dalawang tao. Napansin rin niya ang lubid na konektado sa bintana bilang suporta ng mga ito sa pag-akyat. "Lady Amanda, we mean no harm. Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan!" "Ayaw ko!" Umikot siya pakaliwa upang tunguhin ang nakabukas na pintuan ng apartment ngunit pinatid iyon ng lalaki dahilan kung bakit iyon sumara. "Shit!" "Just come with us at walang mangyayari," "Sinabing ayaw ko e," nilingon niya muli ang nakabukas na sliding door patungong terrace. Napansin iyon ng dalawang lalaki. "No! No! No! Delikado iyang iniisip mo!" Bago pa man ni Amanda takbuhin ang terrace upang tumalon mula roon, nahablot siya nang isang lalaki na agad inaksyonan ng isa pa. He locked her using his body. "Chloroform!" Sigaw nito. Nakita ni Amanda kung paano in
Nakaramdam siya nang kakaibang sakit sa dibdib. Ayaw niyang mapagmasdan ang malambing na atraksiyon na naglalaro sa kanyang mga mata. She immediately removed her sight from the view. Nakatayo sa gilid ng pader ay napahawak si Amanda sa dibdib. Tuluyan na niyang nakumpirma, she had already fall in love. Sa tamang tao ngunit sa maling pagkakataon. Bakit nga ba niya hinayaan ang puso na umabot sa ganito? Isa siyang malaking tanga. Sa huli, batid ni Amanda ay siya ang talo sa laro na kanyang sinimulan. She was the one who ruled the policy ngunit siya rin pala ang labis na maaapektuhan. Kagat niya ang labi. Dapat na siyang umalis sa lugar na iyon ngunit sa hindi niya malamang pagkakataon, sa kanyang katangahan ay sumilip siyang muli sapat at saktong-sakto kung kailan ang mga ito naghahalikan. Tila ang mga ito lamang ang tao na naroon at wala nang naging pakialam sa paligid. Batid ni Amanda ay natupok at nabasag ang puso niya. Napahawak siya sa dibdib. She tried to asks herself to breat
"Oh come on," the woman with the elegant blue dress rose to her feet and come closer to her. Inilingkis nito ang mga braso sa kanya at ipinatong ang ulo sa balikat niya. "We are all visitors here. Bakit ayaw mong makipagkaibigan at makipagkilala sa amin?" Tanong nito. Kahit ang paraan nang pananalita nito'y batid ni Amanda ay may pekeng dating. Inilayo ni Amanda ang sarili ngunit hindi siya hinayaan ng babae na makaalis. Nanatili itong sa kanya ay nakadikit. The other woman who was wearing a silver lining gown came closer and holds her waist tighter. They were fakely smiling at her. Tila natigil ang pag-ikot ng mundo ni Amanda. She was surrounded by snakes, at wala siyang magagawa kundi ay ang magpatianod na lang. "Let's go to our table? Our friends were also waiting for you there." Sabi ng babae na may elegant blue dress. "I bet they were all excited to meet you as our new friend." Walang nagawa si Amanda kundi ay lihim na lamang na mapamura. Tuluyan siyang nahila ng mga ito







