Share

CHAPTER 3- INVITATION

⚠️Read responsibly⚠️

I woke up early, despite it being a Saturday. I guess I'm just used to it; that's why they call me an early bird. Everyone can afford to be late for school, but not me.

Inabot ko na ang phone ko at binuksan ang mga message. Dalawa mula kay Gab na group message naman at quotes pa na mukhang pinapatamaan na naman si Jinro. Anong taon na ngayon pero parang aso't-pusa pa rin ang dalawang ito.

Dalawa rin kay Percy saying goodnight na paniguradong kagabi pa ito at good morning kaninang mga 4:00 a.m. Maaga na naman 'yon umalis papuntang photo studio niya.

May mensahe rin mula sa mga kasamahan ko sa trabaho at sa mga co-agent ko. Iyong iba ay wala namang kinalaman sa akin. General messages naman.

I'm not sure why they're so fond of sending group messages and greetings. Trying to keep up with them really saps my energy. As an introverted person, it comes naturally for me to just seen their texts and chats.

Napabuntonghininga ako nang makita ang huling sender ng sandamakman na unopened messages. Inuubos talaga ang pasensiya ko ng Ashmer Guieco na ito. Laging na-fu-full storage ang inbox ko dahil sa kanya.

Napasinghap at napailing na lang ako. Inisa-isa ko na lang na buksan ang kanyang mensahe dahil wala pa naman akong ginagawa rin.

Good night lang naman lahat at mga emojis. Nakakaasar talaga ang lalaking iyon.

Gano'n siya kapag walang reply na natatanggap mula sa akin. Eh sa busy ako sa kakabasa eh. Tinapos ko 'yong isa sa libro niya na ipinahiram niya sa akin noong isang araw. Hindi niya pa ako nabibilhan ng bago dahil busy siya lately. Marami kasing misyon na dumating sa system namin. Nasilip ko lang naman iyon kahapon.

Speaking of mission ay kukuha nga pala kami mamaya ni Gab. Silang dalawa lang naman ni Percy ang madalas na ka tandem ko. Minsan si Jinro ang pinapasama ko sa kakambal ko. Mas malaki ang tiwala ko na 'di niya pababayaan si Gab, eh.

Nilock ko na ang phone ko tsaka pumasok sa shower room at naligo. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa closet at namili ng susuotin. Nakita ko ang malaking t-shirt na iniregalo ni Ash sa'kin nong nakaraang pasko kaya iyon na ang isinuot ko. Pinaresan ko na rin ng hindi naman masyadong maikli at hindi rin mahabang pambaba.

At dahil basa pa naman ang buhok ko ay hindi ko na muna itinali, hinayaan ko lang na nakalugay. Nag-spray ako ng konting pabango at tsaka lumabas na ng flat.

Dire-diretso na sana ang lakad ko nang hinarangan ako ni Lovimer. Isang Guieco din. Ang isang ito, sa pagkakaalam ko noon ay may crush din ito sa akin eh bago naging sila noon ni Jeannie.

Umamin naman kasi siya pero hanggang doon lang talaga. Okay lang naman sa akin, at least may nagka-crush, 'diba? Wala namang masama sa paghanga.

"Ganda! Good morning. Ganda ng t-shirt natin ah?" nakangiti niya pang bati kaya ngumiti naman ako, mukhang natigilan pa ang loko.

"Good morning and thanks." Masyado lang akong nasa mood sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit.

"Ang ganda yata ng umaga mo, ang ganda rin kasi ng ngiti mo eh. Mukhang magkaka-crush na naman ulit ako sayo niyan," biro niya pa.

Lingid sa kaalaman ng lahat, isa ako sa ka-close ng lalaking ito bukod sa kay Crystal. Kaibahan lang close kami noon pero 'di madalas mag-usap, magkasama unlike Crys na halos mapagkamalan na silang magjowa noon. Tho, napansin kong hindi na sila gano'n kalapit sa isa't-isa ngayon. Baka dahil matagal ding nawala rito sa Pilipinas si Lovimer.

"Aba naman, Mer..."

"Love na lang, para namang ang robot kong pinsan na si Ashmer ang tinatawag mo, eh," patutsada niya na naman.

Natawa na lang ako sabay palatak. "Wag ka nga, mamaya marinig pa ng isa sa girls mo rito na tinawag kita ng love, isyu na naman," pandidirekta ko pa sa kanya.

"Girls?" maang-maangan pa niya pero alam kong alam niya kung sino-sino ang tinutukoy ko. Lalaking talagang ito. Isa ring nyawa at haduf.

"Mention ko na ba?" biro ko, sunod-sunod na iling ang tugon niya.

"Wag na," kaagad niyang tugon. Sabay pa kaming natawa.

"Saan ang punta mo?" usisa niya pa, ininguso ko naman ang kinaroroonan ng dining hall, doon din pala ang punta niya kaya naman nagkasabay na kami.

Pagdating namin ay halos kompleto na ang mga kaibigan ko, well except Percy na nasa work na naman kahit weekend pa 'yan. Workaholic 'yon, eh.

Naghiwalay na kami ni Lovimer dahil kinulit at inasar niya na naman ang tinutukoy kong girls niya kanina na sina Jeannie, his ex-girlfriend and Crystal his ex-best friend.

Pumanhik ako sa pwesto ng nagbabangayan na naman na sina Gab at Jinro. Iyong magkaaway naman nga sila pero parang 'di mapaghiwalay. Nakakasakit lang ng panga at tenga dahil sa ingay nilang dalawa.

"Good morning Bal," bati sa'kin ng kakambal ko tsaka binesohan ako.

"Good morning Bal," balik bati ko rin. Ngumiti naman siya nang malapad sa'kin. "Bakit?" dagdag usisa ko.

"Wala, mukhang maganda ang mood mo ngayon, eh."

Weird talaga ng mga tao kapag binabati or nginingitian ko eh, gano'n na ba talaga ako kaseryoso sa buhay ko?

"Bago ba 'yang damit mo?" usisa na naman nito.

"Yes, why?"

"Ang ganda eh, saan mo 'yan nabili?"

Pinigilan kong mapangiwi. "Diyan lang sa tabi-tabi."

Ayoko ng sabihin pa na bigay lang ito sa akin ng boss namin dahil tutuksuhin na naman nila ako.

Lumapit sa table namin si Kenya habang naiwan sa isang mesa si Dailann. Nandito pa rin kasi sila nag e-stay since pinapagawa pa nila ang kanilang sariling bahay talaga. Kagagaling lang naman nila sa honeymoon last week.

"Marci, nasan si Kuya?" nangungunot ang noong tanong sa'kin ni Kenya.

Napataas-kilay naman ako. Nang-aasar na naman ba ito? Pansin ko talaga na ako ang nagiging hanapan nila sa lalaking iyon at lagi nila akong tinutudyo sa isang iyon kapag kami-kami lang, kapag wala si Percy.

"I don't know, Kenya Guieco. How many times do I have to tell you that I'm not the person to search for missing individuals, especially when your older brother is the one who's disappeared?" I said candidly. She grimaced.

"Nagtatanong lang eh, diba kayo naman ang close tsaka..." Lumapit talaga siya sa'kin at bumulong. "Nag-text siya sa'kin kanina na dadaanan ka niya sa flat mo kaya sa'yo ko siya hinahanap, Marciella Perrer."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Dadaanan? Wala naman, ah? Tsaka bakit niya naman ako dadaanan, aber? Eh sa ang lapit ng flat ko sa dining hall. Tsaka hindi pa naman kami nagkakasabay na pumunta dito lalo na kapag umaga.

"Ewan ko sa'yo, Kens, sumasakit panga ko sa'yo, sa inyo. Hindi ko alam kung nasaan siya, period."

"Ewan ko rin sa inyong dalawa ng haduf kong kuya, sakit ng bagang ko sa inyo. Mabalikan na nga lang si Dail," aniya pa na mukhang stress talaga. Eh mas lalo naman ako.

Kumain na lang ako kaysa sa ang magpaka-stress sa mga taong malalabo kausap.

"Ate Marci, where's Kuya Ash? Kailangan niya ng ibigay sa'kin ang allowance ko na ipinangako niya sa'kin. Need ko ng bagong laptop para sa thesis namin eh. Nahulog sa pool," nagmamaktol na pambungad sa'kin ni Kendra, ang bunsong kapatid ni Lovimer.

Parang gusto kong hilotin ang sentido ko. Ang aga pa para ma-stress ako dahil sa lalaking iyon. Mukha ba akong yaya ng nyawa na 'yon?

"Sa flat niya," tipid kong sabi kahit 'di ko naman talaga alam kung nasaan ang lalaking iyon.

"Doon na ako galing eh pero wala."

Oh tapos? Jusko, problema ko pa ba iyon?

Kakaasar kahadufan ng mga tao rito. Nasisira na tuloy ang mood ko.

"Sa office niya,iyong temporary lang."

"Wala rin, kahit sa main office niya ay wala."

"Kung wala ay wala, 'wag hanapin ang nawawala" asik ko na talaga.

"Eh kaya nga po hinahanap kasi nawawala eh."

Batang ito talaga! Isa rin sa mga haduf eh. Eh, anong gagawin ko? Di ko nga alam kung nasaan si Ash. Di ko alam! Period.

"Alam mong bata ka, sumasakit na rin ang panga ko sa'yo, hindi ko alam kung nasaan ang pinsan mo, hindi ako hanapan ng mga taong nawawala at bakit ba ako pinagtatanongan mo sa kanya? Ayun si Kens, kapatid niya 'yon," naaasar ko na talagang lintanya at gaya ni Kenya, ngumiwi lang talaga ito at saka laylay ang balikat na tumalikod.

Nasaan ka ba kasing Ash ka? Patay ka sa'kin mamaya!

Nabubulabog ang mundo ko dahil sa kanya talaga! Di man lang ako binibigyan ng katahimikan eh. Kinuha ko ang phone ko at tinext siya, tinanong ko lang naman kung nasaan siya.

Minadali ko na ang pagkain at lumabas na. Bumalik ako sa flat ko at kinuha ang natapos ko ng libro na hinaram ko sa kanya.

Mahanap nga muna ang pasaway na iyon.

Una kong pinuntahan ay ang dalawang office niya pero tama si Kendra, wala nga siya doon. Pangalawa ay ang GC garden at baka tumambay na naman pero wala rin siya. Inihuli ko na ang flat niya pero lock, ni-ring ko ang bell pero walang sumagot.

"Ash! Nasa loob ka ba?" ani ko sabay katok ng door niya.

Wala pa rin. Nasaan kaya siya? Ang aga pa para magliwaliw eh. Bahala nga siya.

Pumihit na ako para umalis pero halos mapatalon ako dahil sa nakatayo na pala siya sa likuran ko. Nakapa ko pa ang aking dibdib dahil sa gulat.

"Nanggugulat ka naman. Hindi ka man lang nagsalita. Hinahanap kita..."

"Bakit?"

"Kasi hinahanap ka nila Kens and Kendra sa akin."

"Galing na ako doon sa dining."

Pinigilan kong mapabusangot. Pinagod pa ako. Buhay nga naman. Napabuntonghininga na lang ako.

"Nakita ko rin 'yong crush mo doon, si Lovimer," asik niya.

Aba! Paisyu, ah?

"Hoy! Anong crush? Siya yong may crush sakin noon," panglilinaw ko pa.

Napaismid naman siya. "Kilig ka naman kasi kinausap ka niya. Ganda pa ng ngiti mo, ah?"

Nakita niya ba kami? Pero... Di ko naman siya napansin, ah? Tsaka bakit ba parang ang big deal niyon sa kanya?

Nagseselos ba siya? Sa sarili niyang pinsan? Unbelievable ang lalaking ito, ah? Pero nah! Impossible. That's impossible.

Assuming ka lang, Marci. Baka hindi lang maganda ang gising ng isang ito.

"Naku naman, Ash, hindi lang naman siya ang nginitian ko, ah? Overthink ka na naman diyan, tsaka pakialam mo ba kung ngitian ko lahat ng tao sa mundo?"

Hindi naman siya umimik sa halip ay nilagpasan niya lang ako at pumasok sa flat niya.

Saltikin talaga. Napatingin na lang ako sa libro niya na hawak ko pa. Paano ko pa ito ibabalik eh sa aburido yong may-ari?

Bumukas ulit ang pinto ng flat niya, nagulat pa ako nang bahagya. Malamya niya akong tinitigan.

"Hindi ka ba papasok?"

Inosente ko naman siyang tinitigan. "Bakit? Kailangan pa bang pumasok ako?" kaswal kong tanong.

Nakakapagpanibago lang ang ikinikilos niya nitong mga nakaraan. Hindi na siya nag-aalinlangan na landiin ako kahit nasa tabi-tabi lang si Percy bagay na ikinakabahala ko naman nang husto.

Kung anong iwas ko sa kanya ay siya namang lakas ng loob niyang dikitan ako lagi.

Bakit kaya kung ano pa 'yong mali ay parang iyon din ang masarap sa pakiramdam? Na 'yon din ang gustong-gusto kong gawin niya? Pero kapag ginawa naman niya o ginawa ko, tsaka na naman uusbong ang takot at pangamba sa dibdib ko.

Takot akong masaktan ang kaibigan ko at nangangamba akong makasira ko ang relasyon nila, lalong-lalo na ang friendship namin.

"Sige, 'wag na. Doon ka na lang kay Lovimer," asik niya pa at akmang isasara ang pinto.

Agad na napigilan ko naman iyon at sa ulit hindi ko alam bakit ginagawa ko ang mga bagay na sa tingin ko ay mali pero pakiramdam ko ay tama lang naman since may nararamdaman kami pareho para sa isa't-isa.

Tunay nga na nakakabaliw ang pagmamahal.

"Hindi ka na mabiro niyan? Ito na papasok na eh," saad ko tsaka pumasok na, pagkasara ko ng pinto ay agad na isinandal niya ako doon at binakuran ng mga braso niya.

Halos hindi ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, idagdag pa na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napahigpit ang hawak ko sa libro.

"A-ash?" nautal ko pang tanong. Unti-unti niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.

I can't help but respond to every motion of his lips.

It's slow, as if it's deliberately decelerating the world's spin and wiping my system clean. This is my second kiss with him. The first time, I managed to push him away, but now I wholeheartedly return his kiss.

Hinawakan niya nang magkabilaan ang pisngi ko at mas binagalan ang halikan namin, 'yong tipong kahit magdamag pa kami sa ganitong sitwasyon ay hinding-hindi kami mauubusan ng hininga.

I moaned unintentionally. It came out of my mouth naturally, and I knew he smiled. I dropped the book.

I trailed my hand down his back, as if there was an urge pushing me to do so. This time, he let out a soft moan, and I found myself smiling.

Tila ba umaalon ang dibdib ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko pero mas lamang doon ang tuwa na para bang ngayon ko lang naramdaman.

Only he can make me feel this way. He takes a pause just to gaze at me. The second time around, his kiss becomes more passionate. I can feel the longing in it, as if he's been waiting for this moment for a long time. His hand, which was on my face earlier, is now wrapped around my waist, while mine is coiled around his neck.

Every sound we make seems like music to my ears.

Biglang may nag-ring ng bell niya kaya naman napapitlag ako, pinutol ko ang halikan namin pero 'di siya pumayag.

"May tao." Sinabi ko iyon habang hinahalikan niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi niya para patigilin siya.

"Sino 'yan?" may halong inis niyang asik. Kinagat ko ang labi ko para pigilang ngumiti, nanatili pa rin kami sa posisyon namin.

"Kuya..."

"Go away, Kenya, mamaya na tayo mag-usap."

Napanganga naman ako, first time kong marinig na ipinagtabuyan niya ang kapatid.

"Haduf na 'yan. Fine, ikaw na ang pumunta sa flat ko mamaya, ah?"

"Oo na."

"Kuya..."

"Nai-sent ko na sa account mo ang allowance mo, Kendra."

"Awwee! Thanks Kuya, tara na ate Kenya," rinig pa naming sabi ni Kendra tsaka mukhang umalis na nga ang dalawa.

"I told you hinahanap ka nila," atatawa kong bulong sa kanya. Kinintilan niya ako ng halik.

"Naniwala naman ako."

Akmang hahawiin ko siya para sana ay umalis na pero di siya nagpatinag. Tumingala ako sa kanya pero parang gusto kong magsisi sa ginawa ko dahil nakatitig pala siya sa akin. Nalulunod ako sa saya dahil sa klase ng pagkakatitig niya sakin. Pakiramdam ko ay pag mamay-ari ko siya sa oras na ito.

Sana nga totoo.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa isipan na iyon. Pagbali-baliktarin man ang mundo, si Percy pa rin ang nagmamay-ari sa kanya. Ours is temporary; we just satisfied ourselves but can't have each other. This is only lust, not love.

Inangat niya ang mukha ko at muling nagsalubong ang mga paningin namin.

"This is wrong Ash."

"At ano ang tama, Ell? Ang desisyon mo?"

Napakuyom ako dahil ang totoo ay hindi ko na rin alam kung ano ba ang tama, kung ano ang mali. Pakiramdam ko kasi ay walang mali sa ginagawa namin pero may kung ano sa utak ko ang nagsasabing mali ito, hindi dapat.

"I... D-don't know. I just don't know."

He sealed my lips with his lips again while his hand wandered everywhere. I wanted to scold myself because I couldn't stop him, couldn't protest, but the truth is, I liked what he was doing, what we were doing. I didn't want him to stop; I didn't want to restrain him.

He carried me to his bedroom and laid me on the bed, our lips still locked. My back arched as he started caressing my sensitive peak. Even with my clothes on, I could still feel his touch. It gives me so much pleasure.

His kisses went down from my forehead to my chest, making me squirm.

"A-sh," sambit ko. I wasn't trying to stop him or anything, but I love calling his name, especially in a situation like this.

Tumigil siya kaya naman nagtatanong ko siyang tiningnan. Hindi ko mapigilang ma disappoint.

"Should we do it?" tanong niya pa. Parang gusto ko siyang sikmuraan. Sa tingin niya ba papayag akong ipasok niya sa kwarto kung 'di ko gustong mangyari ang tinutukoy niya.

Napasandal ako sa headboard ng kama niya at blangko ang mukhang tiningnan siya, gumuhit doon ang pangamba.

"I think... Let's do it some other time and place," may halong asar kong saad.

Tumawa naman siya at nahiga sa tabi ko at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Gusto kong maiyak dahil sa tuwa. Never kong inasahan na mangyayari ang ganito, ang eksena naming ito. Natatakot din ako na baka ay panaginip ko lang pala ito.

Hindi rin mawala sa sistema ko ang pangamba sa maaaring kahahantungan nito. I am afraid to face the consequences of this. Lagi naman akong takot eh.

"What if malaman ito ni Percy?" hindi ko mapigilang itanong.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya mas lalo din akong nagsumiksik sa kanya. Ang sarap pala sa feeling na nasa bisig ka ng taong pinapangarap mo, 'no?

"Pwede bang kapag magkasama tayo ay 'wag mong iniisip si Cylla?"

Napakunot-noo naman ako at tiningala siya.

"Girlfriend mo siya."

Bumuntong hininga lang siya. "Just leave it to me, Ell. Just trust me, okay? Wag kang laging nag-o-overthink."

Napasinghap naman ako.

Paanong 'di ko iisipin ang kaibigan ko? Paanong hindi ako magi-guilty?

Paano bang 'wag matakot at mangamba sa sitwasyon namin?

Kahit saang anggulo tingnan, ako ang kontrabida. Ako ang mali, ako ang makakasakit nang husto at ako ang tatalikod sa pagkakaibigan at sisira sa pangako namin.

Mali nga yata ako nang naging desisyon. Paano ko pa aayusin ang lahat ng ito?

"Ash."

"Hmmm?"

"Pwede ka ba bukas ng gabi?"

"Is that an invitation, Ell?" may halong asar ang tono niya.

"Baliw. May pupuntahan lang tayong lugar."

"Anytime basta ikaw pretty babe."

Hindi na ako umimik. Sapat na na pumayag siya. Kailangan ko ng solusyonan ang gulong napasok ko na ito.

Kailangan ko nang manindigan. Kailangan ko ng wakasan ang paghihirap ng kalooban naming tatlo.

Hindi ko makikita ang tama sa mali kung laging nakakulong ako sa sitwasyon ito. Kailangan kong makalabas sa mundo ng lalaking nasa tabi ko ngayon.

Mahirap. Masakit. Pero alam kong sa umpisa lang naman iyon. Kailangan kong matutong mamuhay ng walang Ash sa buhay ko, na walang Ash tuwing malungkot ako at walang Ash na nagpapatibok ng puso ko.

Pinigilan kong maiyak. Ayokong may makakita sa'kin na umiiyak.

"Kumain ka na ba, Ash?" liko ko sa usapan.

"Hindi. Ikaw kasi eh, dinaanan kita sa flat mo, wala ka tapos makikita kong kausap mo ang haduf kong pinsan at nagtatawanan pa kayo, kay aga-aga eh. Di ka nga nakapag-reply sa mga text ko eh," sumbat niya pa. Natawa lang ako.

"Ipagluto kita, gusto mo ba?" alok ko pa.

"Marunong ka ba?"

"Of course naman, no!"

"Sige."

Bumangon na kami at lumabas ng kwarto. "Sa flat ko na lang, parang ang sikip ng kitchen mo eh."

Napapalatak naman siya. "Fine, tara na."

Hindi naman halatang excited eh, no?

Tinahak na namin ang daan papuntang flat ko, mabuti na lang at tahimik ang camp, mukhang kanya-kanya ng gimik ang lahat.

Pinapasok ko na siya sa flat ko at siniguradong lock ang pinto.

Ito rin ang isa sa ayaw ko eh kapag magkasama kami, kailangang patago para less issue sa mga kasamahan namin.

Agad na ipinagluto ko siya. Tahimik niya lang din akong pinagmasdan na tila ba kinakabisa ang bawat kilos ko. May kung anong epekto iyon sa akin pero binaliwala ko lang. Itinuon ko ang atensiyon ko sa niluluto ko.

Paminsan-minsan ay sinasalubong ko ang titig niya at nginingitian siya. Ngiting sa kanya ko lang binibigay. Mukhang natutulala pa siya kapag ginagawa ko 'yon kaya mas natatawa ako.

Nang matapos na akong magluto ay ipinaghanda ko na siya. Para naman siyang bata na excited kumain, natawa na lang ako.

"Ayan, kain ka na."

"Sabayan mo ako," nakanguso niyang saad.

Umupo naman ako para sabayan siya. Baga siya sumubo ay dumukwang pa muna sa'kin at hinalikan ako. Nailing na lang ako habang siya ay ngiting-ngiti.

"Thank you kiss 'yon," aniya pa. Napangiwi na lang ako at napatitig sa kanya.

Allow me to have your man just for today and tomorrow evening, Percy.

One final starry night with him. Afterward, I'll erase every memory of him. We will both find our freedom. They can be free to love each other for eternity.

...

Vote. Comment. Follow.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status