Share

A Forbidden Night with a Stranger
A Forbidden Night with a Stranger
Penulis: CjLove98

1

MAHIGIT isang taon na simula nang iwanan si Yna Maria Cortes ng kaniyang boyfriend pero pakiramdam niya, sariwa pa rin ang sakit sa kaniyang puso. She can't move on. Kahit maka-ilang beses na siyang mapagsabihang tanga pinipili pa rin niyang magpakatanga dahil hanggang ngayon umaasa pa rin siyang babalik si Janus sa buhay niya.

Mula sa kaniyang kabiguan sa unang pag-ibig ay nagbago siya.Wala na ang dating masayahin, mapagmahal at mabait na anak na mayroon ang pamilya Cortes. Napalitan iyon ng pagiging lasinggera, happy go lucky at pasaway na anak.

Wala na siyang ibang inisip sa buhay niya, kundi maging isang walang kwentang babae. Madalas siyang maglasing sa paborito niyang bar. Hindi na niya mabilang kung maka-ilang beses na siyang makipag-away dahil binabastos siya ng mga lalaking lasing din sa loob ng bar. Isa rin ito sa problema ng mga magulang niya, nasisira ang mga pangalan nila sa publiko at ang pinaka-ayaw ng daddy niya ay ang maging taga-ayos ng gulo niyang ginawa.

Her Dad is tired of reminding her, paulit-ulit niyang pinangaralan ang anak pero walang epekto. Parang napupundi na ang pasensiya niya dahil sa halip na sundin siya ng anak ay walang nangyayaring maganda. Mas lumalala ang pagrerebelde ni Yna.

PABABA mula sa kuwarto niya si Yna nang makita siya ng kaniyang daddy. Nagmamadali siyang maglakad para hindi siya nito maabutan.

"Where are you going Yna?" tanong nito sa kaniya. Napahinto siya sa paglalakad. Napaikot siya ng mata sa subrang inis, na abutan siya ng ama niya.

Hinarap niya ang kaniyang ama. Alam niyang magagalit na naman 'to pero gusto niyang umalis kaya hindi siya nito mapipigilan. As usual, I want to go to somewhere that I can enjoy Dad."

"Sa bar na naman ba ang punta mo?" tiim-bagang tanong nito pero pinipilit na maging mahinahon.

She smile, "You're right, Dad. Can I go now?" Inayos na niya ang sling bag sa balikat niya saka nagsimulang humakbang nang magsalita ulit ang ama. Napahinto siya at napailing.

"Yna Maria, anak, I already told you to stop causing your life a mess. Paulit-ulit na lang ba ako sa sinasabi ko sayo?" nilapitan siya ng daddy niya.

"I am not Dad, I just want to make my day a meaningful one. Beside, wala naman akong gagawin dito sa bahay." Ngumiti pa siya na bilang proud sa kaniyang gagawin, na parang isang achievement ang magbar ngayong gabi.

"Yna, I want you to become a responsible person as before. Gusto kong ikaw na ang magmanage ng company natin, para sa gayon ay may magawa kang tama at makabuluhan. Pero paano? You kept on doing nonsense stuff, imbes na maging mabuting tao ay inuugali mo ang asal kalye."

Umismid lang siya saka tumalikod, ayaw niyang makinig pa sa sasabihin ng Dad niya. Ayaw niyang dumating sa punto na magtalo na naman sila dahil sa usaping 'yon. She hates to have an arguments, dahil kahit siya ay nasasaktan din ng palihim.

"Anak, bakit mo 'to ginagawa? Dati hindi ka naman ganito? Nasaan na ang dating Yna Maria na anak ko?" Malungkot na pahayag ng daddy niya.

"Hindi na babalik ang dating Yna Maria na nakilala mo Dad. I'll go." Mapait niyang sagot sa ama.

"Pwede ba, tama ng pasakit sa amin ng mommy mo, anak."

"Don't mind me Dad, para wala ka nang problema pa. Bye." Lumabas na siya ng bahay.

Nasapo na lamang ni Jomari ang noo niya. Wala na siyang magagawa sa anak, kasalanan din naman niya, he spoon-feed all her wants. He gave all of luxurious things sa anak niya kaya naging spoiled ito. Napabayaan niya ring limitahan ang anak sa mga hindi nito dapat gawin. Kaya ngayon ay sinisisi niya ang sarili sa kapabayaan niya bilang ama.

DUMIRETSO sa bar si Yna, wala naman siyang naisipang gawin ngayong araw bukod sa pakikipagtalo sa ama niya. Iniiwasan talaga niyang pag-usapan ang tungkol sa pagiging tagapagmana niya ng kompanya nila. Wala siyang hilig sa negosyo, ang hilig niya ay ang magsulat ng mga novela at articles pero hindi naman pabor ang Daddy niya. Ayaw niyang ipahamak ang negosyong pinaghirapan ng mga magulang niya dahil sa magiging kapabayaan niya kung nagkataon. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang pagtatapos niya ng kursong Business Management dahil takot siya sa magnegosyo.

Naghanap kaagad siya ng bakanteng mesa. Napili niya ang sa gilid na bahagi na sa tapat ng dancefloor. Binayaran na rin niya para exclusive lang sa kaniya. Ayaw niyang maisturbo sa pag-inom at pagsesenti.

Maya-maya pa ay um-order na siya ng sampung bote ng alak na paborito niyang inumin sa bar. Mabilis siyang nalasing, mabilis kasi niyang nilalagok ang laman ng bote. Dinaig pa niya ang lasinggera sa kalye.

Sa ginagawa niya ay talagang hindi pa siya nakapag move on kay Janus na ex-boyfriend niya. Dahil sa kalasingan ay bumalik siya sa pagsesenti.

Hindi siya makapaniwala na iniwan siya nito ng walang dahilan. Umasa siya ng husto dahil nangako itong magpapakasal sila within this year pero naglahong parang bula.

She even hired a private investigator para mahanap lang si Janus pero hindi pa rin nahahanap ng mga inutusan niya. Kaya inihinto na lamang niya at sinimulang magmoved on pero subra siyang nahihirapan. Kahit na magulang niya ay walang magagawa para patigilin siya sa kaniyang kabaliwan.

Everytime her dad scolded her, mas lalo siyang nagrerebelde dahil ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa paningin nila. She tried to go back to her old soul but she can't do it anymore. Palagi na lang nilalamon ng galit at pighati ang puso niya.

Hindi niya rin gusto na maging pabigat sa mga magulang niya pero wala na siyang magawa. She already changed, ang sa isip niya ngayon ay magsaya kahit anong paraan na gusto niya. Gusto niya makalimutan ang mga problema niya at higit na si Janus.

Naparami na siya ng inom, mahigit tatlumpung bote na naman ang nainom niya. Sinubukan niyang tumayo para sumayaw pero natutumba siya. Napagpasyahan na lamang niyang umupo at um-order ulit ng inumin.

Sumabog na ang buhok niya sa mukha niya, kaya nagmukha na siyang kawawang ale. Panay senti niya habang iniinom ang alak na hawak niya. Hindi niya napigil ang sarili. Mas naparami ngayon ang inom niya kumpara nang mga nakaraang araw.

All she thinks now is Janus, gusto pa rin niya itong makita at makausap. Marinig ang mga paliwanag nito, kahit iyon na lang pero walang Janus na dumalo sa kaniya sa kalasingan niya. Dati ni hindi siya nito pinapayagan na uminom kahit konti pero siya ang dahilan kung bakit puro alak ang sagot sa mga problema niya.

Napapasubsob na siya sa mesa habang sinusuntok ito. Nababaliw na siya dala ng kalasingan. Kahit maraming tao sa loob ng bar ay walang may ganang lumapit sa kaniya dahil ang pangit niyang tingnan. Sabog ang buhok sa buong mukha niya, nagkagulo-gulo na hindi niya hinawi. Wala silang pakialam, buhay niya 'yan kaya siya ang may plano sa mga gusto niya.

"Janus, ang tanga kong naniniwala ako sa mga pangako mo," usal niya. "Niloko mo lang ako, sabi mo mahal na mahal mo ako. Bakit iniwan mo ako? Bakit?" parang baliw na wika niya. Pinagtitinginan lang siya ng mga taong naroon. Nakakahiya pero wala pa rin siyang paki-alam.

Gusto lang niyang makalimutan ang lalaking sumira ng buhay niya. Ang lalaking inakala niyang sagot sa mga dasal niya. Janus is not her first love but he is her first heartache, ang taong pumapatay sa kaniyang puso ngayon. Bakit pa ba kasi siya parang tangang hinahanap ang taong walang pakialam sa kaniya. Bakit pa ba kasi siya nagpapaka baliw sa taong wala na sa buhay niya?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status