โGOOD JOB,โ nakangiting salubong ng daddy ni Janus sa kaniya. โMabuti dahil nagtagumpay na tayo sa mga plano natin, right son?โ dagdag pa nito. Inabutan siya nito ng isang baso ng alak. Tinanggap niya ito dahil kung hindi, magiging dragon na naman ito. Ayaw niyang matalakan siya ng husto. At baka mapatulan pa niya at magkagulo sila. โCheers!โ sabay nilang sabi. Ngumiti siya saka naupo sa couch. Hindi naman siya masaya sa mga nagawa niya, especially, nadadamay si Yna. But he has no other option. Kung ang daddy niya mismo ang gagawa ng aksiyon ay hindi niya alam kung mapoprotektahan pa niya ang babae. He can't let Yna to suffer from pain again. Nadala na siya noon. Kung dati iniwan niya si Yna dahil sa kagustuhan nito ngayon ay hindi na niya iyon gagawin. Ayaw na niyang magpa-control sa daddy niya. What happened from the past was done and he wanted to correct everything. Naging makasarili siya noon. Sarili lang niya ang kaniyang iniisip. At ngayon handa na siyang ipaglaban ang
ISA na namang isyu ang bumungad sa umaga ni Alas. Tumawag si Lydia sa kaniya para ipaalam ito. Napabangon siya ng wala sa oras para tingnan ang laman ng balita. There are pictures of him circulating on social media platforms, that he is punching Janus Domingo. He can't believe this. Who spread these photos on social media? Marami siyang nabasang hindi magagandang komento. Marami kaagad ang naniniwala sa post ng isang poser at pinakalakat pa ito ng iba. Siya ang pinapalabas na nagsimula ng gulo. Ang aga-aga ay uminit na ang ulo niya. How come na may kumuha ng mga larawan nila habang nagsusuntukan sila kahapon? May mga media bang nandoon? Kung wala man ay sino ang may pakana nito?Ang tindi ng galit niya kay Alas para gawin ang lahat ng mga kasinungalingan ito. Magsaya siya hanggang kaya niya dahil nagtagumpay siyang siraan si Alas. Naikuyom niya ang mga palad niya. Tumayo siya saka pumasok sa shower room. Gusto niyang ilabas roon ang galit at sama ng loob niya. โArgh! Who did this
KARARATING lang ng sasakyan nila ni Yna at Alas kasama ng mga police ng salubungin sila ng mga tao sa village. Unang lumabas ng kotse ang dalawa para kausapin ang mga iyon. โMagandang hapon po, nandito kami para maghatid ng tulong at magpapa imbestiga kami sa mga kasama naming police,โbungad ni Alas. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Tiningnan lang sila ng masama ng mga Tao saka nagbulungan ang mga ito. โTotoo ang sinasabi ni Alas. Nandito kami para tumulong. Naniniwala kaming may gumawa nito na hindi natin alam. Sana tanggapin ninyo kami gaya ng una ninyong pagtanggap sa akin.โโPasensiya na kayo, pero ang utos ni Apo Larry ay huwag kayong hahayaang makapasok pang muli sa village. Kung kami lang wala naman kayong kasalanan,โ tugon ng isa sa mga ito. Tama naman ang katwiran ng lalaki, sumusunod lang din sila sa utos ni Apo Larry. โPero, may alam ba kayo kung sino nagpadala ng media dito sa lugar? Lumabas na kasi sa balita ang nangyari. Hindi naman dapat naisa-publiko iyon lalo na
KABABABA lang ni Yna sa sala nila ng tawagin siya ni Jomari para tingnan ang laman ng balita. Napa-awang ang labi niya. Nagulat siya sa laman ng balita. Paanong nasa balita na ang nangyaring sunog at pagkasira ng mga gulayan at prutasan sa Malaya village? Sino ang nagpadala roon ng mga media? May tao bang nag-utos na gawin ito? Sino? โIs this real, Yna? Bakit wala kang sinabi sa amin ng mommy mo mula pa kagabi ng dumating ka?โtanong ng daddy niya. โYes dad, it's true. Hindi namin alam kung bakit nangyari ito. Kahapon lang daw ito nangyari, nalaman namin kasi dumiretso kami roon dahil excited kami para matapos na agad ang proyekto pero iyan ang nangyari,โ mangiyak-ngiyak niyang sagot. โI can't believe it too.โTinapik ng daddy niya ang kaniyang balikat. โDon't worry Yna, it's only a sabotage. Sa negosyo hindi mo โyon maiiwasan, pero malulusutan โyan ni Alas basta nandiyan ka sa tabi niya.โโYes dad. Hindi ko siya puwedeng iwan at maging ang mga tao roon. I already promised to help
NAGAMBALA ang tulog ng mga taga-Malaya village dahil sa apoy na nagmumula sa construction site. Alas kuwarto pa lang ng umaga at ang iba ay natutulog pa. Mabuti na lang at maagang nagising sina Apo Larry. Nakita niya ang nangyari kaya pinagsi-gising niya ang mga tao para mapatay ang apoy roon. Nagtulong-tulong silang maapula ang apoy dahil kung hindi ay kakalat ito at mas nakakapinsala pa sa paligid nito. Marami pa ang masusunog at maaring mapunta sa mga kabahayan, mauubos lahat dahil gawa sa light materials lahat ng mga bahay. โBilisan ninyo ang pagkuha ng mga tubig. Bilis,โ sigaw ni Apo Larry. Kung hindi lang siya tumatanda na ay tutulong din siya sa pag-igib, pero nagkasya na lang siya na mag-utos sa mga kabataan at kalalakihan. โOpo, Apo Larry.โ Mabilis silang tumalima at bayanihang nag-apula ng sunog.Mahigit isang oras ang ginugol nila sa pag-apula ng apoy. Puno ng panlulumo ang matanda. Kahit pinigilan nila ang pagkalat ng apoy ay kalahati rin ang nasunog sa ginawang gusali.
MALAYANG naglakad si Janus sa hallway ng Cortesโs Empire, tutungo siya sa opisina ni Jomari. Marami ang nakatingin pero hindi alintana sa kaniya. Hindi na siya nag-abalang magtanong sa front desk dahil alam na niya ang opisina ng matanda mula pa noon at gusto niyang masurpresa ito sa pagdating niya. Kumatok siya at narinig niya ang boses nitong pinapasok siya nito sa loob. Napangiti siyang pumasok. Kalmado at prenteng naglalakad sa harap ng mesa ni Jomari. โGood afternoon Uncle,โ bati niya. Shock na tinitigan siya ni Jomari. Saglit lamang iyon at tinaasan siya nito ng kilay. Tumigil muna ito sa ginagawa niya. Pinasadahan siya nito ng tingin at casual namang ngumiti si Janus. โWhy are you here Domingo?โ tanong nito na halata sa tono ng boses nitong ayaw siyang makita. Tumikhim si Janus. โCall me Janus Uncle.โโI know, I am asking youโฆ why are you here? Ayoko ng paligoy-ligoy. Nakita mo namang busy ako sa trabaho, hindi ba?โโOf course! I'm here because of Yna. I want her back in m