Beranda / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 16: THE BESTFRIEND

Share

Chapter 16: THE BESTFRIEND

Penulis: Mawi
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-19 13:27:49

STEFFANO'S POV

 I may be just a playful guy pagdating sa mga babae but I'm a serious, supportive friend at hindi naman ako makapapayag na palampasin na lang ang ginawa ni Vier sa kaibigan ko. Ilang araw ko ring pilit na kinumbinsi si Cloud para suportahan ako sa plano kong pagpapa-ibig sa kanya but he just kept on saying na 'she's not an easy stuff'. But kid, I'm Steffano Ramirez, the chick magnet of the gang. No one says "no" sa karisma ko.

 And today, bitbit ang napakasarap kong katawan, I mean, the best ever cheesecake pala na ako mismo ang nag-bake ay nagtungo na ako sa tinutuluyan ni Vier. I wanted to surprise her pero siya pala itong may matinding pa-sorpresa sa akin.

"Ano'ng gusto mong isipin ko dun sa ginawa natin?," dinig kong sabi ng kausap niyang lalaki sa may gate. 

 So, may nakauna na palang maka-score sa akin? 

 Iba din pala talaga ang kamandag ng babaing ito. Sisimple-simple but she can make a man go crazy gaya ng ginawa niya kay Cloud.

"Good morning Vier," I simply greeted with my oh so sweet and charming smile. A killer smile as they call it. 

"At sino ka naman?," maangas na tanong ng lalaking naka-anuhan niya na. Uhh, but the hell I care about him. 

"I'm Steffano Ramirez," pakilala ko and extended my hand for a handshake but he ignored it. 

'F*ck you boy!,' sa isip ko na hindi inaalis ang maaliwalas kong ngiti sa gwapo kong mukha. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?," takang-tanong naman sa akin ni Vier.

"Oh! May dinaanan kasi akong kaibigan d'yan sa malapit and naalala ko malapit ka lang dito so, I thought of giving you some welcome gift," sabi ko sabay abot sa kanya ng dala kong cheesecake.

"Alam mong dito ako tumutuloy?," nakakunot-noong tanong niya pa sa halip na mag-thank you. WOW ha!

 I simply laughed at medyo nagpacute sa part na 'yon to lighten up her curiosity. "Nabanggit kasi ni Cloud the other day na dito raw kayo tumutuloy ng grupo mo to prepare for a competition so, yeah," palusot ko. "I baked it myself," dagdag ko pa para mas masarapan siya sa binigay ko.

"Sana binigay mo na lang 'yan sa kaibigan mo!," pag-aangas na naman nitong ulupong niyang kasama na halatang wala namang binatbat sa charm at abs ko. Tsk!

"Ah, salamat Steff," putol ni Vier sa pag-aangas sa 'kin ng lalaki niya. "Hindi na kita maiimbitahan sa loob ha. Maghahanda na rin kasi kami para sa practice nmin eh. Pasensya ka na," mahinahon niyang paliwanag.

 Kung hindi ko pa alam ang kulay ng dugo niya, malamang na isipin kong isa siyang Maria Clara.

"No worries Vier," sabi ko with a wide smile, of course. "Paalis na rin naman ako. Dumaan lang talaga ako para ibigay 'yan sa 'yo."

 Tinext ko si Cloud matapos kong manggaling kay Vier but he didn't reply. Maybe busy? But that's quite off. O baka sadyang wala na siyang pakialam sa babaing 'yon. But that's also impossible.

 Kitang-kita ko kung paanong naging miserable siyang muli nang mapadpad si Vier dito sa Ilocos. I saw how he suddenly turned to that hopeless version of him just because of the presence of that woman.

Is he falling for her again?

 Kinahapunan naman ay naabutan ko siya sa restaurant na nagpre-prepare na ng mga ingredients na usually ay ako ang gumagawa. He's also too focused at hindi man lang pinansin ang pagdating ko.

"What's the problem?," tanong ko pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng pansin.

"Chef may naghahanap po sa inyo. Sa PhilDance daw po," pagtawag sa kanya ni Lilian na hindi na niya sinagot. Mabilis niyang hunubad ang suot na apron at toque at mabilis na lumabas ng kitchen area.

"Ano'ng problema no'n?," tanong ko kay Harold, ang dishwasher dito. Pero maging ito ay napakibit-balikat na lang din.

'Galit ba siya sa 'kin dahil binisita ko si Vier? Nagseselos ba siya?'

Sh*t! He must be cr*zy.

 Sinundan ko siya sa labas at nakitang kinakausap niya ang mga organizers ng PhilDance Competition na ilang ulit na ring nanggaling dito para imbitahan siyang mag-judge sa nasabing kompetisyon na paulit-ulit lang din niyang hinindian. Pero sa pagkakataong ito ay mukhang naiba ang ihip ng hangin. Mukhang napapayag na nila si Cloud at masayang-masaya ang mga mukha ng organizers habang nakikipagkamay sa kanya. 

 Ilang ulit na niyang nireject ang offer na 'yon dahil sabi niya ay wala siyang interes sa mga ganoong events. Pero ngayon ay tinaggap na niya. And the reason must be, none other than Vier.

 Napatipa-tipa ako ng paa sa sahig at mariing hinaplos-haplos ang aking baba habang nakatunghay ako sa kanila. Kailangan ko na siguro siyang iuntog para muling matauhan.

 For goodness' sake, ilang taon siyang naghirap dahil kay Vier at ngayon ay mukhang balak pa niyang balikan.

 Matapos makipag-usap sa mga bisita ay hinarang ko na siya. Nagtungo kami sa roofdeck nitong restaurant para walang makarinig sa aming pag-uusapan.

"Bro, galit ka ba kasi binisita ko si Vier?," tanong ko agad sa kanya nang makarating na kami sa taas. "Are you jealous? Goodness Cloud! Ipapaalala ko lang sa'yo ha. Pi—," I cut the term. Ni hindi ko iyon kayang sabihin pero nagawang iyon ni Vier. "I mean, she's not a good woman. She–"

"Buhay siya Steffano," putol niya sa panenermon ko habang nakapamulsa at tulalang nakatitig sa kawalan.

"Buhay? Sino?" 

 Kinuha niya ang wallet niya sa bulsa at kinuha mula roon ang isang larawan ng batang lalaki. Medyo napaisip ako nang iabot niya iyon sa akin. Pamilyar ang mukha ng bata pero hindi ko maalala kung kaninong anak 'to. 

"Si George," aniya.

"George who?," litong tanong ko habang pilit na pinagtatanto kung sino ang bata sa litrato.

"Anak namin ni Vier. Hindi siya ipinalaglag ni Vier. Buhay ang anak namin Steff!," sabi niya na para bang problemado sa nalaman.

"Di ba dapat masaya ka?," curious kong tanong.

 Well, kung sa akin 'yun mangyari malamang na mamroblema talaga ako. Hindi pa 'ko pagod sa pagiging binata at gusto ko pang i-enjoy ang paghahabol sa 'kin ng mga chicks. Hindi pa 'ko ready na maging ama.

 Medyo nag-isip pa siya at alanganing tumingin sa 'kin. And I don't feel good about it. "Can you help me with this?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status