CLOUD'S POV
"You're kidding, right?," ani Steffano habang dismayadong nakapamay-awang sa harapan ko. Mukhang hinihintay niya na sabihin ko na nagbibiro lang ako. Pero hindi iyon nangyari kaya ganoon na lamang ang paghilamos niya sa pinagmamalaki niyang mukha. Habang nanatili naman akong nakatitig sa kanya at naghihintay rin sa isasagot niya. Hindi na 'ko nabigla pa sa naging reaksyon niya sa mga sinabi ko. Kahit naman ako ay hindi rin makapaniwalang hinihiling ko ang pabor na ito sa kanya. Kaso wala na akong maisip na iba pang paraan. I need to get Vier out of my life and take care of my son at the same time. And Steffano is the only man I know na pwedeng makatulong sa 'kin. He's the master playboy as everyone knows but he's actually more than that. He even has more influence and money than I have. He can even have power if he wants to. He is the only son of the honorable Senator Ferdinand Ramirez and his father's too willing to give him everything and anything he wants. Ayaw lang niyang tanggapin ang lahat ng binibigay nito para na rin daw makaiwas sa anumang masamang bato na maaaring ipukol sa kanya ng una nitong pamilya. Kaya nagtitiis na lang siya sa pagiging sous-chef ng Jupiter's. After all, ang gusto at nagpapasaya lang naman daw sa kanya ay ang pagluluto at kuntento na siyang maging tao sa kusina. Ilang malalim na buntung-hininga angkanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Are you sure about this Cloud?," tanong niya sa seryosong tono. "I will do everything for you because your a great friend but…" aniya na tila nag-aalinlangan pa rin. Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa ganitong set up. Hindi kasi ako sanay na humihingi ng tulong, kahit pa kay Steffano. Mas sanay ako na ako ang gumagawa ng mga kailangan kong gawin. But this thing's different. "Sabi ko, paiibigin ko si Vier pero wala naman akong balak na seryosohin siya bro," reklamo niya."Hindi mo naman siya kailangang seryosohin Steff. You just have to make her feel na mahal mo siya. It's your forte, right?," sabi ko na sa pagkakataong iyon ay ikinailing niya. "She's after wealth…." Maging ako ay napailing na rin nang sabihin ko iyon. Hindi ko pa rin siguro tanggap na ganoon pala siyang klaseng babae. We grew up sa iisang komunidad at akala ko'y lubos ko na siyang nakilala, ngunit hindi pala. Four years ago, sakto lang ang pamumuhay ko at sinabi niya sakin na wala na ang anak namin. Pero ngayon na nalaman niyang naiangat ko na ang aking sarili sa sosyedad, bigla siyang lumalapit sa akin at mukhang balak pang gamitin ang anak namin para maibalik lang ang dati. A pain struck inside me again but I shrugged it off. Hindi ko na 'yon dapat pang maramdaman. "Pakitaan mo lang siya ng makikinang na bagay, siguradong mapapaamo mo na siya," dagdag ko pa na parang labas lang naman sa ilong. "Gusto ko lang na masubaybayan ko pa rin ang anak ko," He sighed at what I said. "Bakit 'di mo na lang kasi aminin kay Tiffany ang totoo Cloud. Mahal ka naman niya and I'm sure in no time ay matatanggap din niya si George.""That's impossible," I seriously stated na agad niyang naunawaan. Kilala rin naman niya ang personality ni Tiffany."What about the PhilDance?," pag-iiba niya sa topic. "Ilang ulit mo 'yung tinanggihan but now….""I will ruin her life with it," I said full of madness. "PhilDance is one of her great dreams kaso hindi niya 'yun naachieve dati kaya sigurado akong pinaghandaan niya 'to ngayon ng husto and it will surely break her heart kapag natalo sila." I smirked nang maalala ko kung gaano kakumpyansa si Alvin na mananalo sila dahil daw ang pinakamagaling na si Vier ang choreographer ng grupo."Akala ko ba naka-move on ka na sa babaing 'yon?""Sa pagmamahal ko sa kanya, oo, pero hindi sa sakit na dinulot niya Steff. And I need to get even. 'Pag nagawa ko na 'yon, saka ko lang tuluyang mabubura sa sistema ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sa kanya."VIER'S POV Nakahingi na 'ko ng tawad kay Francis at na-explain ko na rin sa kanya na nangyari lang 'yung nangyari dahil sa sobrang frustration ko at wala ng iba. Of course, galit na galit siya. Inasahan ko na naman iyon dahil isang malaking sampal sa pride niya bilang lalaki ang paghalik at pagkatapos ay pagtanggi ko sa kanyang pagmamahal. Buti na nga lang at marunong siyang maghandle ng emosyon at hindi niya dinadala ang galit niya sa aming practice. Kung nagkataon, baka ikasira iyon ng paghahanda namin at baka ikatalo pa ng Tropical. Isang bagay na hindi ko aasahan sa pagkakataong ito. Tatlong araw na lang at magaganap na ang pinakahihintay at pinaghahandaan naming competition. Naperfect na namin ang lahat ng stunts, movements at choreography. Maging ang music na gagamitin namin ay masasabing kong dramatically intense na siyang magbibigay ng kakaibang buhay sa inihanda naming world-class performance.'We will surely own that night.' Hindi ko napigilan ang mapangiti ng at kiligin sa naisip. "Miss Vier, tara na daw po sabi ni madam," excited na tawag sa 'kin ni Aira."Sige. Susunod na ako," sagot ko naman at mabilis na kinuha ang bag ko at bumaba na."Tropical for the win!," malakas na cheer ni Alvin sa grupo."For the win," sabay-sabay naming sagot bago kami umalis. Papunta kami ngayon sa theatre kung saan gaganapin ang PhilDance para sa briefing at para na rin maipakita sa mga kalahok ang space for the performances. Ginagawa ito para makapag-adjust ang mga kalahok at ang mga routine nila kung hindi man iyon pupwede sa stage na nakalaan para sa isasagawang kompetisyon. We are too prepared pero syempre kinakabahan pa rin lalo na nang makita na namin ang mga grupong makakalaban namin. Pamilyar sa akin ang ilan sa mga grupong naroroon. Napanood ko na kasi sila sa ilang national at international na kompetisyon at masasabi kong nakakahanga talaga ang galing at estilo nila sa pagsasayaw pero inexpect ko na na makakalaban namin sila kaya inaral ko na galawan nila at hinigitan iyon sa choreo na ginawa ko. At isa iyon sa masasabi kong advantage namin sa kanila. Baguhan lang ang aming grupo sa ganito kalaking kompetisyon kaya walang masyadong nakakaalam sa aming kakayahan sa pagsasayaw. Hindi rin naman nag-aaksaya ang malalaking grupo na alamin pa ang kakayahan ng mga katulad namin na NO-NAMER pa sa industriya kaya wala silang anumang ideya tungkol sa amin. Hindi tulad nila na isang click mo lang sa computer ay lalabas na ang lahat ng naging performances kaya't madali lang silang aralin at TALUNIN.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k