Home / All / A LOVE FROM THE PAST / CHAPTER 3: Escape

Share

CHAPTER 3: Escape

Author: KuroNeko_21
last update Last Updated: 2021-07-01 15:28:47

“You’re not perfect, sport, and let me save you the suspense. This girl you met? She isn’t perfect either. The question is whether you’re perfect together."

-ANONYMOUS

****

‘Nang dalhin ako ng mga tagapagsilbi sa silid ng lalaking manyak, ay talaga namang masasabi ko na struggle is real! Dyusme. Pahirapan pa talaga bago nila ako mahubaran at mabihisan. King ina naman! Paano ba naman kasi, kanina ko pa pinipilit sa kanila na hindi na naman nila ako kailangan bihisan dahil kaya ko naman bihisan ang sarili ko, ang kaso ay talagang mapilit sila para gawin ang inuutos ni Kamahalang Manyak.’

‘Nakakaurat! Wengya.’

Nang matapos sila na bihisan at ayusan ako ay iniharap nila ako sa isang malapad at malaking salamin na bilog. Sobrang classic ng itsura nito, at maganda ang sequence sa gilid. Kulay gold ang kulay nito na talaga namang nagsusumigaw ng karangyaan. Nang aking titigan ang aking sarili ay halos hindi ko na ito makilala.

I look so different in the red tube gown, na may mga gold rose na sequence sa may bandang laylayan. Nilagyan din nila ako ng kulay gold na kwintas na may nakalagay na maliit na ibon bilang desenyo ng pendant, at isang kulay gold na parang tali na hikaw. Nakataas ang kalahati ng aking buhok into a beautiful bun, na nilagyan nila ng desenyo na mga bilog-bilog na pearl na nakaikot sa aking bandang noo, at nakakabit ang kulay white and gold na rose na kanilang itinusok sa gitna ng bun. Habang sobrang light naman ng pagkakalagay ng make up sakin, na ginamitan nila ng mga natural na pampakulay.

‘I freaking look like a fucking Princess in red gown, sa itsura ko ngayon. And I really like it.’

Wala sa sarili akong napangiti habang inaabot ng sariling daliri ang salamin sa aking harapan.

"I look…”

“Different." wala sa sariling turan ko habang inaabot ang sarili sa salamin.

"Kakaiba po ang inyong taglay na kagandahan binibining..." hindi na nagawang maituloy ng isa sa mga tagapagsilbi ang kaniyang sasabihin ng maalalang hindi nga pala nila alam kung ano ang aking pangalan.

Kaya naman nakangiti kong sinalubong ang kanilang mga mata, na nagpapakita na talaga namang nagustuhan ko ang kanilang ginawa sa akin.

"Zia. Ako si Celizia Alcantara. Isang karangalan na makilala kayo." nakangiti kong saad, na nagpapula ng kanilang pisngi bago nila ibaling sa ibang direksyon ang kanilang mga paningin.

"Napakaganda mo sa iyong kasuotan binibining Celizia" puri ng isa sa mga babaeng tagapagsilbi.

Maya-maya pa, ay kusa ng nagsilabasan ang mga ito sa silid ng lalaking manyak, ng mula sa isang engrande at malaking pintuan ay pumasok ang napakagwapong lalaki na nakita ko sa paliguan. Nakasuot siya ng kaniyang pang-royalty na damit. Kulay itim ito, at napapalibutan ng mga palamuti at butones. Nasa kanyang gilid ang kanyang espada, habang matamang nakatitig sa akin.

"Kamusta na ang iyong pakiramdam, Dyosa ng Balon?" kapagdaka ay tanong ng lalaki, saka marahang hinawakan ang aking mga pisngi, habang matamang nakatitig sa aking mga mata. Ayun na naman ang kanyang mga titig na halos higupin ako sa kung saan.

"Maayos na ang aking pakiramdam. Wala ka ng dapat ipag-alala pa." saad kong iniiwas ang tingin sa kanya.

Na-awkwardan talaga ako sa klase ng kanyang pagtitig. Para bang sa bawat titig nya ay pinahihiwatig nitong ako lamang ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin.

"Hindi ko akalaing babagay din pala saiyo ang kasuotan ng isang mortal na prinsesa, Dyosa ng Balon. Napakaganda mo sa iyong suot na pulang saya." wala sa sariling turan niya habang mataman pa ding nakatitig sa akin.

His words took my full attention which made me look into his direction, only to see him an inch away from my face.

Mas lumalapit pa lalo ang kaniyang mukha at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Natutuliro ako sa samyo ng kanyang amoy at ng mabango niyang hininga. Hindi ako magkamayaw sa aking kinauupuan.

‘Ilalapit ko din ba dapat ang sarili ko? Itutulak ko ba dapat siya? Sasapakin? COME ON CELIZIA! GET BACK TO YOUR FREAKING SENSES! DON'T GET FUCKING DROWND IN THIS GUY’S GOD-LIKE SEX APPEAL!’

Kastigo ko sa aking sarili na halos malunod na sa sariling kabaliwan. Mukang magpapamanyak na naman ata ako sa lalaking ito, ng walang kalaban laban.

‘Eh pano ba naman kase, masisi nyo ba ako? Sobrang gwapo at bango niya! Ayun pa naman ang weakness ko! Yung mabango! Eh idagdag mo pa na ang gwapo niya, tapos ang cute niya pa ngumuso, parang pato!’

Ilang inches na lang at talagang maglalapit na ang labi naming dalawa. At sa sobrang toliro ko, wala na lang akong ibang nagawa kung hindi ang ipikit ng mariin ang aking mga mata.

Inantay kong maglapat muli ang aming mga labi, ng biglang may kumatok mula sa may pinto sa labas ng silid. Kaya walang pasabing bigla ko na lamang naitulak palayo saakin ang lalaki sa sobrang gulat.

Maya-maya pa’y pumasok ang isang kawal na mukhang isa sa mga heneral. Binigyan lamang ako nito ng isang sulyap saka nagsalita.

"Pinapatawag po kayo ng mahal na Haring Thadeus, Kamahalan." ani nito, habang nakayuko.

"Sabihin mo, susunod ako" wika ng lalaki, saka hinimas-himas ang pwetang nasaktan dahil sa pagkakatulak ko.

"Intayin mo na lamang ako rito Dyosa ng Balon, kakausapin ko lamang ang Mahal na Hari." Nakangiti niyang saad sakin saka tumayo na sa pagkakaupo sa sahig, at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

Hindi ako sumagot, bagkus ay itinango ko na lamang ng isang beses ang aking ulo.  Nang makalabas ang lalaking manyak, ay dun ko palamang nagawang makahinga ng maayos.

‘Kailangan ko na talaga makaalis rito!’

Inilinga-linga ko ang aking paningin para makita ang kabuuan ng paligid, nang makita ko ang kama, at mga telang nagkalat na nakapatong sa mga lamesa ng silid ay pinagbugol-buhol ko ang dulo ng mga kumot, kobrikama at mantel, saka itinali ito sa may paa ng kama. Habang ang kabilang dulo naman ay inihagis ko sa may bintana. Naghagis ako ng pinggan sa baba, para makabuo ng ingay, bago ako nagtago sa isa sa mga dresser.

Nang marinig kong nagkakagulo na sila sa loob sa paghahanap sakin at pag aakalang tumalon ako sa may bintana, ay kinuha ko ang pagkakataon na yun upang makalabas sa mismong front door ng silid at ikulong sila rito.

Nagtatakbo ako sa pasilyo ng palasyo. Hindi alintana ang dami ng mga kawal at tagapagsilbi na humahabol saakin. Muli akong tumakbo at lumiko sa isang pasilyo, ng mapansin na mukhang pamilyar ang daan na dinaraanan ko.

Bago ko pa maiisip na eto rin ang kastilyo na pinagbagsakan ko noong unang bagsak ko ay nakita ko na ang balon. Agad-agad akong tumakbo papalapit dito, saka walang pagdadalawang isip na tumalon sa loob nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A LOVE FROM THE PAST   CHAPTER 16: The King's Personal Teach (Part 2)

    "Your work is not to drag the world kicking and screaming into a new awareness. Your job is to simply do your work… sacredly, secretly, silently … and those with “eyes to see and ears to hear’ will respond." –The Arturians *********** "Bakit naghahanap ka pa ng ibang magtuturo sa iyo, kung nasa harapan mo na ang taong magsisilbi mong maestro?" tanong nito habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Dyos ko po! Bakit ba naman kase napakalalim ng tagalog na gamit ng mga taong to? Like seriously? Pupwede naman na magiging tagalog yung salita nila sa pandinig ko, pero hindi yung ganitong napakalalim na tila ba ay maaari ng languyin sa pagkakalalim ng mga salitang g

  • A LOVE FROM THE PAST   CHAPTER 15: The King's Personal Teach

    "All students can learn and succeed, but not in the same way and not in the same day. " – William G. Spady *********** I was peacefully walking down the hall when suddenly, a familiar baritone voice spoke at the back of my ear. His minty breath fanned the side of my face as he speak. "At saan mo balak pumunta, Rudeus? Baka nakakalimutan mong nangako kang tuturuan ako ng linggwaheng gamit mo." Saad ng mahal na hari habang malawak ang ngisi sa akin. Fuck! Now I'm stuck with this retard! Gusto ko sanang tumakbo palato ngunit babalakin ko pa lamang ay agad na niyang nahawakan ang likod na bahago ng armor na suot ko, sa may ban

  • A LOVE FROM THE PAST   CHAPTER 14: First Knight

    “What greater thing is there for two human souls than to feel that they are joined for life—to strengthen each other in all labor, to rest on each other in all sorrow, to minister to each other in all pain, to be one with each other in silent unspeakable memories at the moment of the last parting?” – Eliot, Adam Bede ***** Nasa mahimbing akong pagkakatulog ng isang malakas na hampas ang nakapagpatayo sakin. "Rudeus! Kanina ka pa tinatawag!" Malakas na bulong ni Nikolai na nagpabalik sa akin sa aking ulirat. Agad akong napabalikwas at napatikom ng aking bibig na hindi ko namalayang nakanganga na pala, dahil sa bulong na ito ni Nikolai.

  • A LOVE FROM THE PAST   CHAPTER 13: The Awarding for the King's New Knight (Part 3)

    "Sweetheart, I want you to know that I will live my entire life giving thanks to God for blessing me with someone as beautiful, caring, Darlin,g and loving as you are. I just want to believe that you’re meant for me just as I am for you alone. I feel honored to have you in my heart and world. And I look forward to a better and beautiful tomorrow with you in my life. I love you so much more than you could ever imagine, my love."-Unknownymous******Nag-umpisa na rin ang tatlong, tumayo sa kanilang pagkakaupo, saka nag ayos ng sarili."Halina, at sasamahan ka na naming kuhanin ang iyong baluti." Excited na sang-ayon ni Zenon, kay Alchiel saka naglakad na papunta sa loob ng tindahan.Nang makarating sa loob, ay agad na ipinakita sa amin ng may-ari ng tindahan ng mga armas at kalasag ang naging bagong anyo ng bagong kalasag ng ama ni Rudeus.

  • A LOVE FROM THE PAST   CHAPTER 12: The Awarding for the New King's Knight (Part 2)

    "The reason why love hurts is because... It is a very dangerous state. You are inclined to feel recklessness and kind of tune out the rest of your life and everything that has been important to you. It's actually not all that pleasurable. I don't know who the hell wants to get in a situation where you can't bear an hour without somebody's company."-Unknownymous*****"Ikaw na ba iyan, Rudeus?" Takang tanong ni Venoss, na nakuha pang tumayo upang salubungin ako.Agad na binundol ng kaba ang aking dibdib, ng mataman akong pakatitigan ni Venoss..."Ikaw ba talaga yan Rudeus? Bakit tila ba'y nagbago ang hugis ng itong mga mata?" Seryosong tanong nito, habang matamang nakatitig sa akin.'Paktay kang bata ka! This is the reason why I don't like the idea of removing the helmet off my head! It is because I am afraid that this jerks may recognize me as not the

  • A LOVE FROM THE PAST   CHAPTER 11: The Awarding for the new King's knight

    "Someone should have stopped me from falling in love with you. Now I'm so lost in loving you that I can barely separate my soul from yours. If this isn't called true love, I don’t know what else is!I can never see myself living without you and still remain happy afterwards. Even if God grants me heaven after I die, I would refuse to go there, if it means going there without you by my side. Because I know, even the entire heaven can not make me happy if you are not with me."-Unknownymous*****Tatlong araw na ang nakalilipas simula ng kausapin kami ng Haring Achilles. Binigyan niya kami ng pagkakataong makapag handa ng aming sarili para sa nalalapit na parangal.At sa tatlong araw na iyon, ay masasabi kong naging isang buhay na impyerno ang aking mga gabi, kasama ang apat na itlog.Paano ba naman ay ipinipilit nilang apat na m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status