LOGINTatlong buwan akong buntis nang makilala ko si Maverick. Tito siya ng noo’y tutee ko na si Marcus, at sa bahay nila kami may everyday session, tuwing hapon pagkatapos ng klase niya sa school. Palagi kong nakikita si Maverick na umuuwi bandang alas syete ng gabi, dala ang kaniyang malaking Hydro Flask tumbler. Sa isip ko’y he was the mysterious kind of guy dahil kapag nagtatama ang mga mata namin, he would always simply nod his head para bumati. Never nagsalita, never man lang ngumiti. Inakala kong suplado’t masungit siya, palagi pang kunot ang noo, kaya naman hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon kami ng mas malalim na interaction, lalo’t baka masama pa siya sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko dahil sa pinagsasabay ang pagiging mayaman at hindi magandang pag-uugali. But all it took me to prove that he was different was one chance. Tandang-tanda ko pa, mag-aalas syete rin ng gabi iyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa kanilang bahay pa ako’t nagtu-tutor kay Marcus,
Hawak ko ang kamay ni Vier nang papalabas na kami sa AMS matapos ang awarding, patalon-talon pa habang naglalakad sa sobrang saya.“Mommy, are we going to kain po sa Jollibee?” tanong niya.Nagbaba ako ng tingin kay Vier at nakangiting tumango. “Of course! You’ve done a great job eh!”Simula noong nagka-muwang siya, I am making it a habit to treat him to his favorite fast food chain or buy him simple gifts when he has done a great job, lalo kapag may awards ‘gaya ng pagiging MVP niya ngayon. Some parents may not agree with me, kesyo inii-spoil ko ang bata o kaya’y baka ma-associate niya na palaging may reward ‘pag may award at dumating sa puntong maging externally motivated na lang si Vier. Ang sa akin naman, gusto ko lang tumatak kay Vier na naa-appreciate ko ang effort niya, ang mga ginagawa niya para maging magaling. Hindi rin naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya, kaya hindi ako nababahala na magiging masama ang kahahantungan ng ganitong pagpapalaki. “Si Ninong po kasama
Iyon na lamang ang tumatak sa isip ko hanggang sa pinatay ko na ang tawag at hinintay siyang dumating. Habang umiikot ang kamay ng orasan, pabalik-balik ang tingin ko sa entrance ng gymnasium at kay Vier na nakasubsob pa rin sa kaniyang mga tuhod. Maya-maya, nabaling ang atensyon ko sa iba nang nag-vibrate ang phone ko sa panibagong message. I was expecting it’s from Maverick na kausap ko pa kanina, but it’s from Julian. Julian San Agustin III:Here!Nag-angat ako ng tingin sa entrance at andito na nga siya, pasimpleng nagtaas ng kamay pagkatama ng mga mata namin para bumati. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang kaunti habang pinagmamasdan siyang papalapit, suot ang black shades, black hoodie, at navy blue shorts na terno sa kaniyang sneakers.“Vier!” masiglang tawag ko sa anak. “Look who’s here, oh!”Still, no response from him, marahil nagbibingi-bingihan. Lalapit na sana ako sa kaniya upang suyuin siya nang si Julian na mismo ang tumawag sa nagtatampong bata.“Hi, Vier! Hindi m
In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Daig ko pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend matapos ang sampung taong relasyon, matapos pagsamahan ang lahat ng saya at hirap na dumating sa aming buhay. Indeed, friendship breakups hurt more than romantic ones. Isa ay dahil mas mahirap magkaroon ng closure ‘pag magkaibigan lang, which left me to endlessly question what went wrong, at kailanma’y hindi ako nakakuha ng sagot tungkol doon.Sa mga sumunod pang buwan at taon, nang iluwal ko na si Vier at pinalaki nang mag-isa, tapos na akong isipin ang what ifs, at sa halip ay mas ibinuhos ang atensyon sa kung anong meron at dapat kong gawin sa kasalukuyan. Kaya’t ang araw-araw na pagod sa pag-aalaga ang nagsilbing paalala ko that my son was th
It has become Vier and my ritual to find the nearest convenience store to eat ice cream after our fights. ‘Gaya kapag napapagalitan ko siya sa tuwing nakakalimutan niyang i-flush ang toilet pagkatapos umihi o kaya’y kapag sobra na ang screen time sa gabi, o kapag naman nagtatampo siya sa akin dahil mahigit 30 minutes na akong late sa pagsundo sa kaniya sa AMS. Palaging ice cream ang sagot para magpalamig ng mga ulo namin, pagkatapos no’n, kaunting usap nang mas mahinahon at magkabati na ulit kami. I used to think Vier is growing up so fast because he’s becoming more understandable na kahit tig-sampung pisong ice cream ay napapatawad na namin ang isa’t isa, no matter how small or big the fight is. Dati’y kahit mamahaling laruan na nasa christmas wishlist niya’y hindi ko siya masuhulan, kahit na August pa lang ay handa na akong bilhin. However, today reminds me na bata pa rin pala ng isip niya. Hindi pa niya nauunawan na hindi lahat kayang madaan sa ice cream, katulad na lang ng nangya
Kabaliktaran ng good news ni Vier ang agad na bumalot sa aking puso nang marinig iyon. Tila ba isinabay ng hangin ang ngayo’y nararamdaman kong takot sa bilis ng pag-ihip nito sa direksyon ko, na nagpataas pa ng aking balahibo sa braso.“What good news?” kunwaring kaswal kong tanong kahit sa loob-loob ay pinangungunahan na ako ng matinding emosyon.Vier smiled more eagerly at me. “My Ninong will bigay me more basketball shoes po!”“What?” kunot-noo kong tanong kahit na klaro naman ang narinig. “What are you talking about?”Imbes na magpaliwanag, umalis si Vier sa aking mga braso at tumakbo papunta kay Julian na pasimpleng naglalakad papunta sa amin. Suot ang army green na polo shirt at khaki shorts







