Share

Chapter 5

Author: Berry Wilder
last update publish date: 2026-06-16 13:00:51

Napangiti sa akin si Julian nang marinig ang sagot ko at walang sabi-sabing kinuha sa mga braso ko si Vier para siya naman ang magbuhat. 

“It’s gonna be a long walk, Belinda. Medyo malayo rito ang parking lot,” paliwanag niya kahit hindi pa naman ako nakakapagsalita para pigilan siya. 

“But…”

“No buts, please,” habol niya at wala na tuloy akong nagawa.

Julian started leading the way to the parking lot, and I followed him behind. Walang naglakas-loob magsalita sa aming dalawa sa mga oras na ito, kaya naman mas nanaig ang mga boses sa utak ko. At habang pinagmamasdan siya at ang mukha ng anak kong natutulog sa balikat niya, may parte sa akin ang biglang nakararamdam na parang maling desisyon ito. Mali ang nakita ko si Julian ngayon, pero mas maling desisyon na kausapin siya, na payagang makipag-usap ang anak ko sa kaniya, at ngayon ay ang ihatid kaming mag-ina. And all of these decisions were on me. It was me who made everything else happened, at hindi ko na pwedeng isisi ‘to sa kung sino o ano man ang nagpatagpo sa amin. 

But what’s done is done. Ang tanging iniisip ko na lang para mapanindigan ang desisyong ito ay para maiuwi agad si Vier at makapagpahinga na siya, even if that means I have to experience the most awkward ride with Julian for an hour. Malas na lang kung abutan pa kami ng traffic sa daan.

We arrived at the parking lot shortly, and Julian opened the backseat of his Fortuner for me. Naupo na ako roon habang ang ulo ni Vier ay nakapatong sa mga binti ko, tulog na tulog pa rin. Then we drove away after a minute. 

Habang nasa byahe, kahit papaano naman ay pinakinggan pa rin ako ng tadhana dahil hindi na ganoon ka-traffic, kahit na hindi niya pinakinggan ang dating hiling ko na huwag kaming pagtagpuin ni Julian dito sa Maynila. Everything else that happened wouldn’t have followed and I wouldn’t have to make all those decisions if we didn’t meet in the first place. Iyon pa rin ang dinadaing ko sa isip ko hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa youth hostel. 

“Thanks for the ride,” tipid na nakangiti kong sambit, karga-karga si Vier sa aking mga braso. 

Binuksan muna ni Julian ang gate sa likod ko, saka inabot ang iba pang paper bags na naiwan ko sa backseat. “You are welcome, Belinda.”

We exchanged smiles for a few seconds until it became suddenly awkward, so I looked away. Kunwaring napamasid muna ako sa tahimik na paligid ng youth hostel, nagpalipas ng mahigit isang minuto hanggang sa nagkaroon na ulit ako ng lakas ng loob tumingin sa kaniya.

“I should go…” sabi ko sa mas mahinang boses.

Nakangiti pa rin si Julian nang tumalikod na ako para makapaglakad papasok sa compound. Tinulungan niya pa akong isarang muli ang gate, at nang malapit na ako sa pintuan, narinig ko siyang nagsalita. Hindi ganoon kalakas ang boses niya, pero sapat iyon para magpintig sa mga tenga ko. 

“It's nice to meet you again, Belinda…”

Napalingon ako kay Julian. Sandali akong napatitig sa kaniyang maamong mukha, saka tipid na tumango at walang sabi-sabing nagpatuloy sa paglalakad dahil hindi ko kayang ibalik sa kaniya iyon. Para sa akin, it was definitely not nice to meet him after all these years, lalo na’t ganito kabilis at kabigla. But I am not heartless and ungrateful for everything he’s done for us today, kaya’t the least I can do is not to let him feel that I am feeling that way, na hindi ako masayang makita muli ang dating best friend ko. Labag man sa loob ko, lumingon ako kay Julian sa huling pagkakataon at ngumiti bago tuluyang isara ang pinto na pumutol sa mga tinginan namin. 

That same night, as I put Vier in his bed to sleep, he wasn’t able to pray so I prayed for him instead. Bukod sa blessings at safety niya sa araw-araw, hiniling ko na sana’y huwag niya na munang makita muli si Julian hangga’t hindi ko pa nalalaman kung handa na ba siyang makilala siya hindi bilang Ninong kundi bilang ama niya. Vier is too young for all this drama, kahit na karapatan niyang malaman ang lahat. I just don’t think he’s ready to handle the changes the truth may bring. Hindi pa. ‘Wag muna ngayon.

Ganito rin ang hiniling ko nang magising kami kinabukasan para maghanda sa byahe pabalik ng Mindoro. Alas-otso pa lamang ay nakaparada na sa labas ng youth hostel ang bus, kaya dali-dali na ang lahat kumilos upang makaalis na. Mahaba-haba ang naging byahe kaya hapon na nang makauwi kami ni Vier sa aming bahay. Naghanda lang ang dalawa kong kapatid ng ulam, at nang makakain, nagpahinga na ulit kami ng anak ko. 

After the success of the field trip, two days flew by smoothly, and everything seemed to be turning to how it was supposed to turn, ‘gaya ng dati. Even if the field trip was just three days, pakiramdam ko’y may kung anong binago ito sa aking buhay, lalo na kay Vier. But now that we are here in our province again, our every day is falling exactly into place, sa paraang gusto ko at nararapat. Hindi na ganoon ka-traffic, wala masyadong polusyon, hindi mainit ang paligid kahit gabi na, at walang multo ng nakaraan na maaari kong makasalubong sa daan. Panatag ang loob ko na balik na ulit sa normal ang lahat.

And one of my usual routines bago matapos ang araw ko rito sa school ay siguraduhing naglilinis ang aking advisory class bago magsi-uwian. Nadatnan ko sila sa classroom na dinadakot na lang ang mga basura sa sahig, kaya naman hinintay ko na silang matapos bago ako bumalik sa faculty kung saan ko iniwan si Vier. 

Opening ng kanilang intramural sports kaninang umaga, at suspended na ang lahat ng klase ngayong hapon para makapagpakondisyon ng katawan ang lahat ng participants. Kasali si Vier sa basketball para sa mga Grade 1 at Grade 2 students. Hindi ko nga lang maiuwi sa bahay para sana makapagpahinga nang maaga dahil walang ibang tao roon ‘pag weekdays, kaya kasa-kasama ko muna ngayon dito sa OMNHS.  Mabuti na lang at nataong wala akong klase sa schedule ng kanilang laro bukas kaya makakanood ako. 

Papasok na ako ng faculty nang nakasalubong ko si Ma’am Ruth na mukhang nagmamadali paalis. “Ma’am Belle! Si Vier ay nasa open field, kasama si Bryan.” Si Bryan ang anak niyang high school student dito. “Hinayaan ko na at gusto raw mag-practice ni Vier mag-basketball para bukas.”

“Sige, Ma’am Ruth, salamat!” 

Dumiretso na ako sa aking table at kinuha ang aking bag, pati ang naiwang school bag ni Vier sa gilid para maiuwi sa bahay. Doon ko na lamang siya kakaunin kaysa magpabalik-balik kami rito para kuhain ang gamit niya. Ilang minuto pa’y lumabas na ulit ako ng faculty pagkatapos ng kaunting pagpu-pulbo at lipstick at nagpunta na sa open field.

Hindi na nabura ang mga ngiti sa labi ko habang naglalakad dahil sa maya’t mayang bati ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Kaya naman nang si Vier na ang makita ko sa may entrance ng open field, mas lalo akong natuwa at agad na binuka ang aking mga braso para salubungin siya ng yakap. 

Binitawan ni Vier ang hawak na bola at mabilis na tumakbo sa akin. “Mommy! Mommy!”

Napapikit ako nang mayakap ang anak kong tuwang-tuwa naman at nakapaglaro, ‘yun nga lang ay naliligo na naman sa pawis. Bumitaw ako sa yakap para sana’y punasan siya, pero pagmulat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang imahe ng isang lalaking kailanman ay hindi ko inaasahang mapapadpad dito. 

“Mommy, he’s here po! My Ninong is here!” Vier excitedly said in my face. “And he has good news po!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 8

    In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Daig ko pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend matapos ang sampung taong relasyon, matapos pagsamahan ang lahat ng saya at hirap na dumating sa aming buhay. Indeed, friendship breakups hurt more than romantic ones. Isa ay dahil mas mahirap magkaroon ng closure ‘pag magkaibigan lang, which left me to endlessly question what went wrong, at kailanma’y hindi ako nakakuha ng sagot tungkol doon.Sa mga sumunod pang buwan at taon, nang iluwal ko na si Vier at pinalaki nang mag-isa, tapos na akong isipin ang what ifs, at sa halip ay mas ibinuhos ang atensyon sa kung anong meron at dapat kong gawin sa kasalukuyan. Kaya’t ang araw-araw na pagod sa pag-aalaga ang nagsilbing paalala ko that my son was th

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 7

    It has become Vier and my ritual to find the nearest convenience store to eat ice cream after our fights. ‘Gaya kapag napapagalitan ko siya sa tuwing nakakalimutan niyang i-flush ang toilet pagkatapos umihi o kaya’y kapag sobra na ang screen time sa gabi, o kapag naman nagtatampo siya sa akin dahil mahigit 30 minutes na akong late sa pagsundo sa kaniya sa AMS. Palaging ice cream ang sagot para magpalamig ng mga ulo namin, pagkatapos no’n, kaunting usap nang mas mahinahon at magkabati na ulit kami. I used to think Vier is growing up so fast because he’s becoming more understandable na kahit tig-sampung pisong ice cream ay napapatawad na namin ang isa’t isa, no matter how small or big the fight is. Dati’y kahit mamahaling laruan na nasa christmas wishlist niya’y hindi ko siya masuhulan, kahit na August pa lang ay handa na akong bilhin. However, today reminds me na bata pa rin pala ng isip niya. Hindi pa niya nauunawan na hindi lahat kayang madaan sa ice cream, katulad na lang ng nangya

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 6

    Kabaliktaran ng good news ni Vier ang agad na bumalot sa aking puso nang marinig iyon. Tila ba isinabay ng hangin ang ngayo’y nararamdaman kong takot sa bilis ng pag-ihip nito sa direksyon ko, na nagpataas pa ng aking balahibo sa braso.“What good news?” kunwaring kaswal kong tanong kahit sa loob-loob ay pinangungunahan na ako ng matinding emosyon.Vier smiled more eagerly at me. “My Ninong will bigay me more basketball shoes po!”“What?” kunot-noo kong tanong kahit na klaro naman ang narinig. “What are you talking about?”Imbes na magpaliwanag, umalis si Vier sa aking mga braso at tumakbo papunta kay Julian na pasimpleng naglalakad papunta sa amin. Suot ang army green na polo shirt at khaki shorts

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 5

    Napangiti sa akin si Julian nang marinig ang sagot ko at walang sabi-sabing kinuha sa mga braso ko si Vier para siya naman ang magbuhat.“It’s gonna be a long walk, Belinda. Medyo malayo rito ang parking lot,” paliwanag niya kahit hindi pa naman ako nakakapagsalita para pigilan siya.“But…”“No buts, please,” habol niya at wala na tuloy akong nagawa.Julian started leading the way to the parking lot, and I followed him behind. Walang naglakas-loob magsalita sa aming dalawa sa mga oras na ito, kaya naman mas nanaig ang mga boses sa utak ko. At habang pinagmamasdan siya at ang mukha ng anak kong natutulog sa balikat niya, may parte sa akin ang biglang nakararamdam na parang maling desisyon ito. Mali ang nakita ko si Julian ngayon, pero mas maling desisyon na kausapin siya, na payagang makipag-usap ang anak ko sa kaniya, at ngayon ay ang ihatid kaming mag-ina. And all of these decisions were on me. It was me who made everything else happened, at

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 4

    “Mommy! Mommy! Mommy!” paulit-ulit na tawag ni Vier, nangungulit sa tabihan ko.Hindi ko nga lang siya magawang tingnan pa because I am making sure na walang defects sa napili niyang sapatos bago ito bayaran. Ayos na naman ang size at sakto sa kaniya, may kaunting allowance pa kung sakaling lumaki agad ang paa niya. Salamat kay Julian na tumulong sa kaniya kanina, na wari ko’y hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa akin, nakasandal sa isang sulok na para bang nakakita ng multo. It’s half true, though. I am a ghost of his past. Seeing me right now probably reminds him that I am only an unresolved issue that suddenly reappeared in his life and not as his best friend anymore.The thought of it forced me to glance at Julian. Sa sandaling nagtama ang mga mata namin, muling nagkumahog ang puso ko. Actually, it has been beating fast and crazy the very moment our eyes met a few minutes ago. Sobrang bilis, sobrang lakas. Daig ko pa ang estudyanteng kinakabahan mag-deliver ng kaniyang imprompt

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 3

    It has been seven long years since the last time I visited Manila. Gusto kong isipin na wala lang akong pera o panahon para bumiyahe, pero sa likod ng isip ko, batid kong kaya hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa barko ay dahil sa pangamba sa napakaraming bagay. The thing is, when someone’s filled with anxiety, pakiramdam niya, kahit ang pinakaimposibleng mangyari sa buhay niya ay posible, kahit 1% lang ang tiyansa. And to deal with that feeling, they try their best to avoid the situation that triggers them until avoidance is no longer an option, at least for me. Kaya nang matanggap namin ang memorandum tungkol sa gaganaping field trip sa Maynila, hindi na ako maka-hindi nang isa ako sa mga gurong magbabantay sa mga estudyante. I wanted to explain my situation to the school administrators para kahit papaano’y makalusot, na kesyo mahirap iwanan ang six year old kong anak sa bahay at wala ring magbabantay sa kaniya. Sa kasamaang palad, pamalit lamang pala ako sa isang gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status