Share

Chapter 3

Author: Berry Wilder
last update publish date: 2026-06-10 15:42:07

It has been seven long years since the last time I visited Manila. Gusto kong isipin na wala lang akong pera o panahon para bumiyahe, pero sa likod ng isip ko, batid kong kaya hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa barko ay dahil sa pangamba sa napakaraming bagay. The thing is, when someone’s filled with anxiety, pakiramdam niya, kahit ang pinakaimposibleng mangyari sa buhay niya ay posible, kahit 1% lang ang tiyansa. And to deal with that feeling, they try their best to avoid the situation that triggers them until avoidance is no longer an option, at least for me. 

Kaya nang matanggap namin ang memorandum tungkol sa gaganaping field trip sa Maynila, hindi na ako maka-hindi nang isa ako sa mga gurong magbabantay sa mga estudyante. I wanted to explain my situation to the school administrators para kahit papaano’y makalusot, na kesyo mahirap iwanan ang six year old kong anak sa bahay at wala ring magbabantay sa kaniya. Sa kasamaang palad, pamalit lamang pala ako sa isang gurong may mas valid na reason para hindi makasama, at wala nang iba pang pwedeng pumalit sa akin. It was a hard yes at the end of the discussion. Wala na rin naman akong magagawa kung makipagtalo pa.

Days passed briefly, and I now find myself wandering the National Museum of Fine Arts in Manila, bantay ang aming mga estudyante at si Vier na hindi ko magawang bitawan ang kamay. I had no other choice but to take him with me dahil totoong walang mag-aalaga sa kaniya, gayong busy rin ang dalawa kong nakababatang kapatid sa pag-aaral. Noon pa man ay ayaw kong ipasa sa kanila ang responsibilidad ko kay Vier, kahit ilang araw lang.

“After this, we’ll go to the mall to buy you a pair of basketball shoes, okay?” pangungumbinsi ko kay Vier na mukhang naiinap na. Art is not his cup of tea. 

“Okay, Mommy!” tumatang-tango niyang sabi. “But can we buy a sharpener din po? Nawawala kasi po yung akin sa school po eh. May nanghiram, Mommy, but I don’t know saan na po siya.”

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. “Of course, my love!”

Tumagal pa ng isa’t kalahating oras ang guided tour, kaya’t inabot na kami ng dilim nang makalabas  sa museum. Inantay ko rin lang makasakay ang lahat ng estudyante namin sa bus pabalik sa youth hostel bago ako nagpaalam sa iba pang guro na hindi kami sasabay sa kanila. When the bus drove away, I booked a car on Grab that brought us to the SM Mall of Asia for another hour. 

“The mall is so laki!” namamanghang sabi ni Vier pagpasok.

Ngunit bago kami magpatuloy sa paglalakad, niyaya ko siya sandali sa isang sulok at bahagyang nag-squat sa harapan niya upang magtapo ang aming mga mata. “The mall is so big, that’s why you should not let go of Mommy’s hand, okay? Baka mawala ka po.”

Tumango si Vier habang pinaglalaruan ang zipper ng suot niyang jacket. 

“Pinky promise?” pahabol ko.

Inabot niya ang aking hinliliit, sabay sinabing, “Pinky promise po!”

I smiled sweetly at Vier, then we continued walking inside the mall. Sabado ngayon kaya’t medyo maraming tao ang nandito, lalo pa’t dinner time na rin. Speaking of dinner, we decided to eat first at Bonchon, ang aking favorite fast food chain noong dito pa kami sa Manila nakatira. Binilhan ko si Vier ng 1-piece snow cheese chicken, habang sa akin ay soy garlic, at naghati na lang kami sa chocolate brownie bingsu para sa dessert. 

After about 30 minutes, nagsimula na kaming mamasyal ni Vier. He is holding the paper I gave him earlier when he was bored at the museum, at sinulatan niya pala ito ng mga gusto niyang ipabili sa akin. The number one on the list is his basketball shoes, but I asked him to buy some school supplies first dahil ito ang una naming nadaanan. 

I let Vier choose his pencils, sharpeners, and notebooks in the store, while I am busy counting the pens I should get for my siblings and co-teachers in the Senior High School faculty. Shortly, Vier handed me his supplies and was excitedly saying some other things, but then my phone rang at the same time, so I simply gestured to him to wait until I was done.

Habang hawak ang cellphone sa tenga, ang isang kamay ko naman ay bitbit ang shopping basket papunta sa cashier. Inabot ko ang aking debit card para sa online payment. Saktong pagkatapos maibalot sa paper bag ang mga pinamili namin ay natapos na rin ang tawag. It was Ma’am Ruth, asking me what time we can go home dahil maya-maya ay lights out na sa youth hostel. Sinabi kong ibibili ko lang si Vier ng sapatos, at pauwi na rin kami pagkatapos.

“Vier, let’s go,” pag-aya ko sa paniniwalang nakasunod siya sa akin.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng store, pero nang walang narinig matapos ang ilang segundo, lumingon ako sa likod at doon napagtantong mag-isa lamang pala ako. Vier is nowhere near me! Kaagad akong lumingon sa kaliwa’t kanan, ngunit walang kahit sinong batang nahagip ng paningin ko. Kasing lakas ng tibok ng puso ko ang yabag ng paa ko habang sinimulang isa-isahin ang mga aisle. Mabuti’t maliit lamang ang store kaya wala pang isa o dalawang minuto ay nalibot ko na lahat. Wala pa rin si Vier. 

I came back to the entrance/exit doorway, hoping that Vier is waiting for me near where I am standing right now, nervous and scared. Ngunit habang tumatakbo ang oras na wala akong ginagawa ay mas lalo lamang akong binabalot ng kung anu-anong emosyon. Kaya’t nang makakita ako ng security guard sa labas ng store, agad ko siyang hinabol.

“Sir, excuse me!” nanginginig kong tawag. “Hi, I’m sorry. My son is missing. Bumibili lang kami saglit, then may tumawag sa akin kaya hindi ko siya naintindi. And everything happened so fast, the last thing I know is wala na siya sa tabi ko.” Hindi ko na malaman kung naintindihan niya ba ako dahil sa bilis kong magsalita.

Sinubukan akong pakalmahin ng security guard. “Saan niyo po siya huling nakita?” 

“Doon po.” Tinuro ko ang store sa likod ko. “Nilibot ko na po, pero wala po siya riyan.”

“Saan naman po kaya pwedeng magpunta ang anak niyo?”

Huminga ako nang malalim, saka sinubukang mag-isip nang maayos kahit na mas maraming bumabagabag sa akin. “We’re supposed to buy his shoes…”

When that realization hit me, that we were supposed to buy his shoes, nagliwanag ang mukha ko nang matanaw ang katapat na Nike store. Hindi na ako nag-abalang kausapin pa ang security guard at dali-dali nang tumakbo sa entrance nito.

I am turning my head left and right as I go through the aisles of shoes. Kakaunti na lamang ang tao ngayon dito, kaya naman mas madali kong malalaman kung andito si Vier o wala. At sa bawat hakbang ko nang hindi siya pa nakikita o kahit ng anino niya, pakiramdam ko’y tinutusok ng karayom ang puso.

“Vier… where are you?” I whispered to myself when there’s only two aisles left. 

Finally, finally, on the last one, I almost stopped breathing when I finally recognized Vier. Nakaupo siya sa bench sa isang gilid, nakatungo habang pinapanood ang isang lalaking naka-itim na workout shirt at grey jogging pants na suotan siya ng pinaghalong blue at yellow na sapatos. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makumpirma kong si Vier nga ito nang sandaling nagtama ang mata namin. Tila nabunot ang lahat ng nakatusok sa puso ko sa pagkakataong iyon.

“Vier!” I called desperately, then ran towards him to give him the tightest hug.

Agad naman akong binigyan ng espasyo ng lalaki para malapitan si Vier kahit na halata sa kaniyang katawan ang gulat at pagkalito sa mga nangyayari. I don’t know him, and his first impression of me is probably that I am overreacting, but I couldn’t care less. I am losing my composure when I immediately knelt down on my knees to reach for my son, but I still couldn’t care less. Wala nang mas mahalaga pa sa akin kundi ang makita ang anak ko. 

“Vier naman,” daing ko nang mayakap siya. “Sinabi ko naman sa’yo na huwag kang aalis sa tabi ko, di ba? Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang bigla ka na lang nawala?”

I looked at my son after hugging him and cupped his little face. Pakiramdam ko’y maiiyak pa rin ako sa takot kahit na andito na siya sa harapan ko.

“But Mommy, I told you po I would punta here, ‘di ba po?” sagot ni Vier.

“But did I say yes?” 

Sandali siyang napaisip. “I think you did not po…” malungkot niyang pag-amin. “I’m sorry po, Mommy. I will not be pasaway next time po.”

Saglit kong niyakap ulit si Vier bago hinawakang mahigpit ang kamay niya at tumayo. Sa pagkakataong ito ko pa lamang tuluyang nakaharap ang lalaking kasama ni Vier na kanina pa kaming pinapanood mag-ina. I was about to thank him for helping my son wear the basketball shoes he likes when my jaw instantly dropped to the floor. I was stunned. I was speechless. Literal na hindi ako makapagsalita para magpasalamat, na para bang nalaglagan talaga ako ng panga. Ni ang simpleng ‘hi’ ay hindi ko magawa. 

“B-Belinda?” he whispered, shocked as well.

Naramdaman kong marahang hinigit ni Vier ang aking kamay para kunin ang atensyon ko. “Mommy, you know him po?”

“Mommy?” tanong naman ni Julian. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 8

    In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Daig ko pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend matapos ang sampung taong relasyon, matapos pagsamahan ang lahat ng saya at hirap na dumating sa aming buhay. Indeed, friendship breakups hurt more than romantic ones. Isa ay dahil mas mahirap magkaroon ng closure ‘pag magkaibigan lang, which left me to endlessly question what went wrong, at kailanma’y hindi ako nakakuha ng sagot tungkol doon.Sa mga sumunod pang buwan at taon, nang iluwal ko na si Vier at pinalaki nang mag-isa, tapos na akong isipin ang what ifs, at sa halip ay mas ibinuhos ang atensyon sa kung anong meron at dapat kong gawin sa kasalukuyan. Kaya’t ang araw-araw na pagod sa pag-aalaga ang nagsilbing paalala ko that my son was th

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 7

    It has become Vier and my ritual to find the nearest convenience store to eat ice cream after our fights. ‘Gaya kapag napapagalitan ko siya sa tuwing nakakalimutan niyang i-flush ang toilet pagkatapos umihi o kaya’y kapag sobra na ang screen time sa gabi, o kapag naman nagtatampo siya sa akin dahil mahigit 30 minutes na akong late sa pagsundo sa kaniya sa AMS. Palaging ice cream ang sagot para magpalamig ng mga ulo namin, pagkatapos no’n, kaunting usap nang mas mahinahon at magkabati na ulit kami. I used to think Vier is growing up so fast because he’s becoming more understandable na kahit tig-sampung pisong ice cream ay napapatawad na namin ang isa’t isa, no matter how small or big the fight is. Dati’y kahit mamahaling laruan na nasa christmas wishlist niya’y hindi ko siya masuhulan, kahit na August pa lang ay handa na akong bilhin. However, today reminds me na bata pa rin pala ng isip niya. Hindi pa niya nauunawan na hindi lahat kayang madaan sa ice cream, katulad na lang ng nangya

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 6

    Kabaliktaran ng good news ni Vier ang agad na bumalot sa aking puso nang marinig iyon. Tila ba isinabay ng hangin ang ngayo’y nararamdaman kong takot sa bilis ng pag-ihip nito sa direksyon ko, na nagpataas pa ng aking balahibo sa braso.“What good news?” kunwaring kaswal kong tanong kahit sa loob-loob ay pinangungunahan na ako ng matinding emosyon.Vier smiled more eagerly at me. “My Ninong will bigay me more basketball shoes po!”“What?” kunot-noo kong tanong kahit na klaro naman ang narinig. “What are you talking about?”Imbes na magpaliwanag, umalis si Vier sa aking mga braso at tumakbo papunta kay Julian na pasimpleng naglalakad papunta sa amin. Suot ang army green na polo shirt at khaki shorts

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 5

    Napangiti sa akin si Julian nang marinig ang sagot ko at walang sabi-sabing kinuha sa mga braso ko si Vier para siya naman ang magbuhat.“It’s gonna be a long walk, Belinda. Medyo malayo rito ang parking lot,” paliwanag niya kahit hindi pa naman ako nakakapagsalita para pigilan siya.“But…”“No buts, please,” habol niya at wala na tuloy akong nagawa.Julian started leading the way to the parking lot, and I followed him behind. Walang naglakas-loob magsalita sa aming dalawa sa mga oras na ito, kaya naman mas nanaig ang mga boses sa utak ko. At habang pinagmamasdan siya at ang mukha ng anak kong natutulog sa balikat niya, may parte sa akin ang biglang nakararamdam na parang maling desisyon ito. Mali ang nakita ko si Julian ngayon, pero mas maling desisyon na kausapin siya, na payagang makipag-usap ang anak ko sa kaniya, at ngayon ay ang ihatid kaming mag-ina. And all of these decisions were on me. It was me who made everything else happened, at

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 4

    “Mommy! Mommy! Mommy!” paulit-ulit na tawag ni Vier, nangungulit sa tabihan ko.Hindi ko nga lang siya magawang tingnan pa because I am making sure na walang defects sa napili niyang sapatos bago ito bayaran. Ayos na naman ang size at sakto sa kaniya, may kaunting allowance pa kung sakaling lumaki agad ang paa niya. Salamat kay Julian na tumulong sa kaniya kanina, na wari ko’y hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa akin, nakasandal sa isang sulok na para bang nakakita ng multo. It’s half true, though. I am a ghost of his past. Seeing me right now probably reminds him that I am only an unresolved issue that suddenly reappeared in his life and not as his best friend anymore.The thought of it forced me to glance at Julian. Sa sandaling nagtama ang mga mata namin, muling nagkumahog ang puso ko. Actually, it has been beating fast and crazy the very moment our eyes met a few minutes ago. Sobrang bilis, sobrang lakas. Daig ko pa ang estudyanteng kinakabahan mag-deliver ng kaniyang imprompt

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 3

    It has been seven long years since the last time I visited Manila. Gusto kong isipin na wala lang akong pera o panahon para bumiyahe, pero sa likod ng isip ko, batid kong kaya hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa barko ay dahil sa pangamba sa napakaraming bagay. The thing is, when someone’s filled with anxiety, pakiramdam niya, kahit ang pinakaimposibleng mangyari sa buhay niya ay posible, kahit 1% lang ang tiyansa. And to deal with that feeling, they try their best to avoid the situation that triggers them until avoidance is no longer an option, at least for me. Kaya nang matanggap namin ang memorandum tungkol sa gaganaping field trip sa Maynila, hindi na ako maka-hindi nang isa ako sa mga gurong magbabantay sa mga estudyante. I wanted to explain my situation to the school administrators para kahit papaano’y makalusot, na kesyo mahirap iwanan ang six year old kong anak sa bahay at wala ring magbabantay sa kaniya. Sa kasamaang palad, pamalit lamang pala ako sa isang gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status