LOGINLumaki akong maraming dala-dalang sikreto sa buhay. Hindi naituro sa akin ng aking mga magulang na isa pala ito sa mga hindi matapos-tapos na pagsubok sa kagaya naming isang kayod, isang tuka. Itinatago ko kapag kulang na ang pera ko para makabili ng mas healthy na pagkain pamalit sa noodles o de lata. Itinatago ko kapag wala na namang natitirang pambayad ng miscellaneous fees noong estudyante pa, kaya’t kunwaring naiwanan na naman ang wallet para ipagpabukas nang ipagpabukas ang bayarin.
Habang tumatagal, pakiramdam ko’y wala nang natitirang totoo sa pagkatao ko sa dami ng sikretong itinatago ko sa aking pamilya, mga kaibigan, o kahit na sa mga estrangherong nagtatanong kung kaya ko pa ba dahil ang palagi kong sagot ay oo kahit hindi na. Kulang na nga lang ay itago ko rin ang katotohanang anak ako ng kasambahay ng mayamang angkan ng San Agustin, hindi dahil sa kinahihiya ko ang trabahong bumubuhay sa amin kundi para kahit sandali lang ay hindi ko maisip na iba ang estado ko sa best friend kong si Julian.
Si Julian San Agustin III, o mas kilalang Thirdy, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Julian II at Marcia. Sila ang kasalukuyang may-ari ng Button & Bears sa Maynila, ang malaking kumpanyang nagbebenta ng mga produktong pang-bata simula pa noong 1980s. Mga feeding essentials, nursery furnishings, mga damit, mga cute na sapatos, at parami pa nang parami habang lumilipas ang taon.
Dahil sa madalas na busy ang mga magulang ni Julian sa trabaho, ang nanay ko ang nag-alaga sa kaniya simula noong limang taon siya, kasabay ng pag-aalaga rin sa akin sa kabilang kamay. Kaya naman lumaki kami ni Julian na nag-aagawan sa kaniyang mga panlalaking laruan hanggang sa parehas nagkamuwang at hindi na maliliit na bagay ang pinagtatalunan namin. We would then exchange opinions on the best college programs to take or if Julian would be a great CEO once his parents gave him the company, and I would tell him all the good qualities he has to make him feel better when everybody else thought he couldn’t do it because all he was doing in his early 20s was lie down on the bed full of money.
That was the exact moment I only felt jealous about whatever he has. Hindi naman ako materialistic at alam kong mali ang mainggit sa kaibigan, pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam sa tuwing nakikita ko siyang magwaldas ng pera at babae na parang ito ang dalawang bagay na hinding-hindi siya mauubusan, habang ako, pinagkakasya ang limang-daang piso sa isang linggo at hindi na makapaghanap pa ng taong mamahalin dahil mahal ang magmahal at nagtitipid ako.
Pero sa tagal ng pinagsamahan namin ni Julian, hindi iisa ang pagkakataong nagpapaalala sa akin na kahit malapit kami sa isa’t isa, kahit halos kabisado ko na ang lahat sa kaniya, sadyang malayo pa rin ang buhay ko sa buhay niya. A hard pill to swallow, pero nilunok ko na rin kahit paminsan-minsan bumabara pa rin sa lalamunan ko.
That’s why I already accepted the truth that the love I wanted for us isn’t going to happen, especially in this lifetime. Lasing man siya o hindi, hindi niya ako kayang mahalin. Buntis man ako hindi, hindi niya pa rin ako kayang mahalin.
Indeed, the friendship we had built through the years was the biggest thing we could offer to ourselves. Kaya naman binalak kong ayusin. Matapos ang tatlong linggong pagpapalamig, pabalik na sana ako ng Maynila nang malaman kong ang labis na pagod pala at pagsusuka ay hindi dahil malungkot o stress ako. The mistake he called that day rather became a baby in my womb.
Mas lalo pang naging mahirap ang buhay ko, physically, emotionally, financially. Kinailangan kong mag-dobleng kayod kasi marami na akong binubuhay: ang sarili ko, ang mga kapatid ko, at ang pamilyang pilit kong binubuo kahit alam kong hindi na kumpleto sa umpisa pa lang.
Wala nang mas nakalulungkot pa sa isiping hindi ko na nga maibibigay ang lahat-lahat ng magiging kagustuhan ng anak ko, hindi ko pa maibigay ang pamilyang may ama at ina sa kaniya. In the lowest of lows in my pregnancy, may mga pagkakataong tinanong ko ang sarili ko kung dapat pa ba. I knew it was gonna be difficult for me, but I was more concerned it wasn’t gonna be easy for my baby as well. Natatakot akong bitbitin ang konsensyang puro pahirap lang ang kaya kong isalubong sa batang hindi naman hiniling na mabuhay sa mundo.
But seven years later, I am glad I did everything scared. Talino, sipag, at takot ang naging puhunan ko para mas mapagbutihin ang sarili, hindi na para sa akin kundi sa mga mahal ko sa buhay. I am now using my license as a professional teacher in Oriental Mindoro National High School, at mas malaki na rin ang sahod kumpara sa pagiging non-teaching staff. Kaya unti-unti ko nang napapaayos ang dating tagpi-tagpi naming bahay, at hindi ko na kailangang ilista ang budget meals kada-linggo para mas makatipid. Higit sa lahat, alam kong hindi ako nagkulang sa pagpapalaki sa anim na taon kong anak na si Vier.
“Mommy!” Tumatakbo ang anak kong naliligo na naman sa pawis matapos mag-basketball. “Mommy! Mommy! Mommy!” tawag niya pang paulit-ulit hanggang sa makalapit sa akin.
Sinalubong ko si Vier ng panyo at pinunas sa kaniyang mukha pababa sa kanyang braso. Saka ko siya niyakap nang mahigpit at ilang beses na hinalikan sa pisngi, na ikinahagikhik naman niya. Katatapos lamang ng klase ko sa OMNHS at ngayo’y sinusundo si Vier sa kalapit na Adriatico Memorial School. Kung dati ay karga ko lagi siya sa aking braso kung saan ako magpunta at hindi magawang maiwanan, ngayon ay Grade 1 na siya at hindi natatapos ang kaniyang araw nang hindi nakakapagpapawis sa paglalaro ng bola. Mas lumiksi pa at mas marunong nang makisama sa mga kaedad niya. Kay bilis nga talaga ng panahon.
“Kamusta naman ang Vier ko?” malambing na tanong ko habang hawak ang magkabilang-pisngi niya.
“Nag-write po kami ng name sa notebook, and… and…” Tinaas niya ang kanang kamay. “I have a star again!”
Napangiti ako at muling humalik sa kaniyang pisngi. “Wow! Very good ka ulit ah! Ang galing-galing naman ng Vier ko!”
“Mana ako sayo, Mommy, eh!”
Sandali pa kaming nagtawanang mag-ina bago ko siya niyayang umuwi. Hawak-hawak ko ang maliit na kamay ni Vier habang patalon-talon siya sa paglalakad papunta sa aking second-hand Wigo. Inayos ko muna ang kaniyang child car seat, saka nagsimulang imaneho ang pulang sasakyang nabili ko two years ago.
Buong biyahe, nagkwento lamang si Vier ng iba pa niyang ginawa sa classroom simula kaninang umaga hanggang sa matapos ang klase sa hapon. Hindi sa pinapaboran ko ang anak ko, pero sa tuwing naririnig ko kung paano niya bigyang-kahulugan ang mga nangyayari sa bawat araw niya, alam kong he’s smarter than his age. Alam ko ring sa akin niya talaga namana iyon, bukod sa pagtutok ko sa kaniyang pag-aaral.
Ngunit kapag naman nalilipat ang kwento ni Vier sa hilig niya sa pagba-basketball, hindi ko maiwasang hindi maalala ang ama niya. Dating varsity player ng basketball si Julian noong nasa college pa siya. Magaling at madalas MVP ng team nila. Bilang sa daliri ng aking kamay ang mga laro ni Julian na hindi ko napanood, kaya halos saulado ko na ang mga galawan niya sa loob ng court. At sa tuwing pinapanood ko si Vier, kailanman ay hindi ko maitatangging namana niya iyon sa ama niyang si Julian.
I suddenly remember when Vier first asked for his father. He was three. It was a completely different feeling from the other first times of his life na nasubaybayan ko, such as when he first walked on his own or when he said his first word. Bagaman buntis pa lamang ako’y pinaghandaan ko na ang pagkakataong iyon, iba pa rin ang nasabi o nagawa ko nang sinubukan kong ipaliwanag sa kaniyang batang isip na hindi namin makakasama ang ama niya habang lumalaki siya.
Hindi ko mawari kung naintindihan niya na ako noon, pero hindi na muling nagtanong si Vier tungkol dito. I like to think he just doesn’t want me to worry. Ngunit may parte sa akin na mas nag-aalalang baka tinatago niya lamang ang pangungulila sa ama. And it wasn’t just the first time Vier asked for his father that crushed my conscience. It was also the first time he played basketball or the first time he attended the Boys Scout camp, which I figured he needed a father the most.
Kaya’t kahit na buo ang desisyon kong itago kay Julian ang pagbubuntis ko noon, huli na nang mapagtanto kong pansarili lamang iyon. I felt like a selfish mother for not considering what would be the best for my child or what he wanted in the first place. That is why I’ve been thinking lately about asking Vier if he is ever curious about the identity of his father. Wala pa lang akong naiipong lakas ng loob sa kung ano man ang posible niyang isagot. I am just hoping we will not meet Julian anytime soon.. not until we’re ready to confront the things that happened seven years ago that led us to today.
In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Daig ko pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend matapos ang sampung taong relasyon, matapos pagsamahan ang lahat ng saya at hirap na dumating sa aming buhay. Indeed, friendship breakups hurt more than romantic ones. Isa ay dahil mas mahirap magkaroon ng closure ‘pag magkaibigan lang, which left me to endlessly question what went wrong, at kailanma’y hindi ako nakakuha ng sagot tungkol doon.Sa mga sumunod pang buwan at taon, nang iluwal ko na si Vier at pinalaki nang mag-isa, tapos na akong isipin ang what ifs, at sa halip ay mas ibinuhos ang atensyon sa kung anong meron at dapat kong gawin sa kasalukuyan. Kaya’t ang araw-araw na pagod sa pag-aalaga ang nagsilbing paalala ko that my son was th
It has become Vier and my ritual to find the nearest convenience store to eat ice cream after our fights. ‘Gaya kapag napapagalitan ko siya sa tuwing nakakalimutan niyang i-flush ang toilet pagkatapos umihi o kaya’y kapag sobra na ang screen time sa gabi, o kapag naman nagtatampo siya sa akin dahil mahigit 30 minutes na akong late sa pagsundo sa kaniya sa AMS. Palaging ice cream ang sagot para magpalamig ng mga ulo namin, pagkatapos no’n, kaunting usap nang mas mahinahon at magkabati na ulit kami. I used to think Vier is growing up so fast because he’s becoming more understandable na kahit tig-sampung pisong ice cream ay napapatawad na namin ang isa’t isa, no matter how small or big the fight is. Dati’y kahit mamahaling laruan na nasa christmas wishlist niya’y hindi ko siya masuhulan, kahit na August pa lang ay handa na akong bilhin. However, today reminds me na bata pa rin pala ng isip niya. Hindi pa niya nauunawan na hindi lahat kayang madaan sa ice cream, katulad na lang ng nangya
Kabaliktaran ng good news ni Vier ang agad na bumalot sa aking puso nang marinig iyon. Tila ba isinabay ng hangin ang ngayo’y nararamdaman kong takot sa bilis ng pag-ihip nito sa direksyon ko, na nagpataas pa ng aking balahibo sa braso.“What good news?” kunwaring kaswal kong tanong kahit sa loob-loob ay pinangungunahan na ako ng matinding emosyon.Vier smiled more eagerly at me. “My Ninong will bigay me more basketball shoes po!”“What?” kunot-noo kong tanong kahit na klaro naman ang narinig. “What are you talking about?”Imbes na magpaliwanag, umalis si Vier sa aking mga braso at tumakbo papunta kay Julian na pasimpleng naglalakad papunta sa amin. Suot ang army green na polo shirt at khaki shorts
Napangiti sa akin si Julian nang marinig ang sagot ko at walang sabi-sabing kinuha sa mga braso ko si Vier para siya naman ang magbuhat.“It’s gonna be a long walk, Belinda. Medyo malayo rito ang parking lot,” paliwanag niya kahit hindi pa naman ako nakakapagsalita para pigilan siya.“But…”“No buts, please,” habol niya at wala na tuloy akong nagawa.Julian started leading the way to the parking lot, and I followed him behind. Walang naglakas-loob magsalita sa aming dalawa sa mga oras na ito, kaya naman mas nanaig ang mga boses sa utak ko. At habang pinagmamasdan siya at ang mukha ng anak kong natutulog sa balikat niya, may parte sa akin ang biglang nakararamdam na parang maling desisyon ito. Mali ang nakita ko si Julian ngayon, pero mas maling desisyon na kausapin siya, na payagang makipag-usap ang anak ko sa kaniya, at ngayon ay ang ihatid kaming mag-ina. And all of these decisions were on me. It was me who made everything else happened, at
“Mommy! Mommy! Mommy!” paulit-ulit na tawag ni Vier, nangungulit sa tabihan ko.Hindi ko nga lang siya magawang tingnan pa because I am making sure na walang defects sa napili niyang sapatos bago ito bayaran. Ayos na naman ang size at sakto sa kaniya, may kaunting allowance pa kung sakaling lumaki agad ang paa niya. Salamat kay Julian na tumulong sa kaniya kanina, na wari ko’y hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa akin, nakasandal sa isang sulok na para bang nakakita ng multo. It’s half true, though. I am a ghost of his past. Seeing me right now probably reminds him that I am only an unresolved issue that suddenly reappeared in his life and not as his best friend anymore.The thought of it forced me to glance at Julian. Sa sandaling nagtama ang mga mata namin, muling nagkumahog ang puso ko. Actually, it has been beating fast and crazy the very moment our eyes met a few minutes ago. Sobrang bilis, sobrang lakas. Daig ko pa ang estudyanteng kinakabahan mag-deliver ng kaniyang imprompt
It has been seven long years since the last time I visited Manila. Gusto kong isipin na wala lang akong pera o panahon para bumiyahe, pero sa likod ng isip ko, batid kong kaya hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa barko ay dahil sa pangamba sa napakaraming bagay. The thing is, when someone’s filled with anxiety, pakiramdam niya, kahit ang pinakaimposibleng mangyari sa buhay niya ay posible, kahit 1% lang ang tiyansa. And to deal with that feeling, they try their best to avoid the situation that triggers them until avoidance is no longer an option, at least for me. Kaya nang matanggap namin ang memorandum tungkol sa gaganaping field trip sa Maynila, hindi na ako maka-hindi nang isa ako sa mga gurong magbabantay sa mga estudyante. I wanted to explain my situation to the school administrators para kahit papaano’y makalusot, na kesyo mahirap iwanan ang six year old kong anak sa bahay at wala ring magbabantay sa kaniya. Sa kasamaang palad, pamalit lamang pala ako sa isang gu







