FAZER LOGINIlang araw matapos ang huling pag-uusap nila Rafael at Luna, hindi na niya naiwasan ang iniisip niya: kailangan na niya ng pera. Hindi na sapat ang overtime, hindi na sapat ang pagngiti at pagpapanggap na kaya pa niya. Tuwing tatawag ang ospital, parang may kumakalam sa dibdib niya.
Sa hallway ng executive floor sila nagtagpo—malamig ang aircon, tahimik ang paligid, at tanging tunog ng takong ni Luna ang maririnig sa makintab na sahig. Nang makita niya si Rafael na nakatayo sa dulo, tila ba biglang bumagal ang oras. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon, tuwid ang tindig, ngunit mabigat ang titig. “Rafael…” mahina ang boses niya nang nagtagpo sila sa hallway. “Hindi ko po alam kung… kung puwede po ba.” Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, ngunit hindi siya lumapit agad. Tinitigan muna siya nito—parang sinusukat kung gaano kabigat ang dahilan sa likod ng mga salitang iyon “Pera?” agad na sagot ni Rafael. Makikita sa kanya ang pagiging sigurado. “Kailangan lang po talaga,” huminto si Luna, halatang nahihiya. “Pero may kondisyon,” sagot niya, mas seryoso ngayon. “Sakaling tanggapin mo, mananatiling lihim. Walang makakaalam—ni kahit sino sa opisina.” Saglit na natahimik ang hallway. May mga empleyadong dumaan sa malayo, ngunit walang nagtagal—walang nagtangkang lumapit sa executive floor. Ang liwanag mula sa malalaking bintana ay tumama sa mukha ni Luna, pinapakita ang pagod sa ilalim ng kanyang mga mata. Hindi na iyon simpleng pag-aalinlangan. Desisyon na iyon na mabigat sa konsensya. Si Rafael naman ay nakatingin lamang sa kanya, matigas ang panga, tila pinipigilan ang sariling emosyon. Hindi niya alam kung mas nangingibabaw ang pagnanais o ang kakaibang kirot na nakikita niyang napipilitan ang babae sa harap niya. Ngunit hindi siya umatras. “Lihim…” muling inuulit ni Luna, halatang iniisip ang kahihinatnan. “Sige po… kung iyon po ang tanging paraan.” determinadong tinanggap ni Luna ang kondisyon. “Good,” sagot niya, may bahid ng pagod at paninibugho sa boses. “Hindi mo kailangang magsabi o magpanggap. Basta sundin mo lang ang kondisyon.” Tumangi si Rafael, hindi nagsalita. Alam niyang totoo iyon—ramdam niya ang desperasyon sa bawat galaw at sa bawat titig niya. “Para sa susunod na linggo, sapat na ba ito?” tanong ni Rafael habang iniabot ang sobre ng pera. “Malaking tulong na ito, sir,” sagot ni Luna, tinanggap ang pera at inabot ang parehong kamay na may bahagyang panginginig. “Walang makakaalam, tama?” mariing tanong ni Rafael.. “Opo… walang makakaalam,” sagot niya, tumingin sa sahig. “Good,” sagot niya. Sandaling nagtagal ang paghawak nila sa sobre. Hindi agad binitiwan ni Rafael ang dulo nito, at hindi rin agad hinila ni Luna ang kamay niya palayo. Sa simpleng pagdikit ng kanilang mga daliri, parang may kuryenteng dumaloy—hindi malakas, pero sapat para pareho silang mapahinto. “Kahit sandali lang, hindi mo puwedeng itanggi na may epekto ka sa akin, Luna.” “Sir… hindi po ito parte sa nararamdaman ko,” sagot ni Luna, halatang nahihiya. “Alam kong mangyayari lahat ang gusto ko, Luna. Sapat na malaman ko ngayon ‘yan,” sagot niya, dahan-dahang lumapit. “At kahit kaunti lang, sapat na. Hindi ka puwedeng mawala sa paningin ko.” Sa unang linggo, naging maingat ang kanilang mga pagkikita. “Pag gusto kong dito ka manatili sa tabi ko, gusto ko susundin mo ako.” bulong ni Rafael sa isang gabi, habang nakatitig sa kanya sa conference room, magkahawak ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. “Sir… hindi po ako sanay,” sagot ni Luna, nanginginig ang boses. “Hindi mo kailangan sanay. Sapat na na nandito ka,” sagot niya, bahagyang ngumiti. “Ang kondisyon ay mananatiling kondisyon, kapalit ang pera para sa nanay mo, Luna.” “Pero… hindi po ito dapat,” sagot ni Luna, makikita sa kanya ang pag-aalinlangan.. Hindi nagtagal, kumalat ang mga bulung-bulungan sa opisina. Ang mga kondisyon na napag-usapan ay kumakalat sa buong opisina. “Napansin mo ba si Luna?” tanong ni Roset sa assistant niya habang nakatitig sa pasilyo, bahagyang nakatago sa anino. “Opo, madalas po siyang nag-iisa,” sagot ng assistant. “Hmm…” mahinang ngiti ni Roset, puno ng inggit. “Sasabihin ko sa kanya ang tamang lugar niya sa kumpanya… hindi siya makakalusot.” Isang gabi, muli silang nagkita ni Luna sa lumang opisina. “Sir… paano kung may makaalam?” tanong ni Luna, halatang nag-aalala. “Ako na ang bahala,” sagot niya, halos bulong. “Sapat na ang tayo lang dalawa. At kahit sino… walang makakaalam.” Sa bawat pagkikita, mas lalong lumalalim ang tensyon—hindi lang sa pisikal, kundi sa emosyonal. “Rafael… hindi ito para sa akin,” sagot ni Luna, nanginginig habang hawak ang sobre. “Para sa nanay mo, Luna. Gagawin ko lahat, basta sundin mo lang ang gusto ko,” tugon niya, tumitig nang matagal sa kanya. “Ibabalik ko rin ‘to balang-araw, Rafael.,” bulong ni Luna, halatang nilalabanan ang sarili. “Hindi mo kailangan,” tugon niya, dahan-dahang lumapit. “Sapat na makita kita… sapat na maramdaman ko na nandito ka.” Si Roset ay patuloy na nagmamasid mula sa anino. “Hindi ko siya papayagang makalampas sa akin,” bulong ni Roset habang nakatitig sa pasilyo. “Hindi niya alam na ang sinumang lalapit kay Rafael, haharangan ko.” Sa isang gabi, habang nag-uusap sa opisina, nagsimula na ang kanilang silent transactions. Ngunit sa bawat hakbang, mas lumalalim ang obsesyon ni Rafael. “Luna… kahit sandali lang, hindi mo puwedeng itanggi na may epekto ka sa akin,” mariin niyang sabi, halos bulong. “Hindi ka puwedeng mawala sa akin.” “Rafael… hindi sa ganitong paraan,” sagot ni Luna, tumingin sa sahig. “Lahat lang ‘to ay dahil may kapalit, at kailangan ko.” dagdag niya.. Sa dulo ng linggo, kahit lihim at bayad, ramdam ni Rafael ang init ng bawat pagkikita. “Luna… kahit ganito lang, sapat na?” tanong niya habang hawak ang kamay niya sa mesa. “Hindi po… pero kailangan,” sagot ni Luna, halatang determinado. “Sapat na,” sagot niya, tumitig sa kanya nang matagal. “Sapat na para sa akin… at sapat na rin para sa iyo.” At habang nakatayo sa anino, si Roset ay patuloy na nagmamasid, nagbabalak, nag-iisip ng paraan upang sirain ang katahimikan na natagpuan nila.Kinaumagahan, mas maaga si Rafael sa opisina.Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, narinig na niya ang pabulong na usapan mula sa cubicles sa ibaba.“Grabe, kahapon na naman nasa office ni sir si Luna.”“Alam mo na ’yon.”“Hindi naman siguro—”“Please. CEO ‘yon.”Huminto siya sandali sa gitna ng hallway. Hindi siya agad nagsalita. Nakikinig lang. Tahimik. Ngunit ang panga niya ay bahagyang kumikirot sa higpit.Isa pang bulong ang umabot sa kanya.“Madali talagang umangat kung marunong kang dumiskarte.”Doon siya huminga nang malalim.Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagmadali.Dahan-dahan siyang lumapit sa railings ng floor, sapat para makita siya ng lahat sa ibaba.“Go back to work.”Hindi malakas ang boses niya. Pero sapat para tumahimik ang buong departamento.“Nagbabayad ako para magtrabaho kayo,” dagdag niya, mas malamig ang tono. “Hindi para mag-imbento ng kwento.”Walang sumagot.“Kung may oras kayong mag-usap tungkol sa personal na buhay ng iba, ibig sabihin kula
Hindi na bulong ang tsismis. Isa na itong mahinang ingay na sumusunod kay Luna saan man siya magpunta. Pagpasok pa lang niya sa opisina, ramdam na niya ang pagbabago. May mga matang sumusunod. May mga biglang tumatahimik kapag dumadaan siya.“Siya ‘yon, ‘di ba?” mahinang bulong ng isang empleyada malapit sa pantry.“Shh… baka marinig ka,” sagot ng isa, pero hindi rin itinago ang pagtingin kay Luna.Nagkunwari siyang walang narinig. Diretso lang ang lakad. Diretso sa mesa. Diretso sa screen. Pero hindi diretso ang pakiramdam niya.Sa conference room, habang inaayos niya ang files, may dalawang staff na pumasok.“Good morning,” bati ni Luna, pilit ang ngiti.“Morning,” sagot ng isa, sabay tingin sa kasama. May kahulugang hindi na kailangang sabihin.“Ay, Luna,” biglang sabi ng isa pa, kunwari inosente. “Ang swerte mo naman, lagi kang tinatawag sa executive floor.” Tahimik siya sandali. “Work assignment lang ‘yon.”“Talaga?” may bahagyang ngisi. “Grabe naman ang work assignment mo.”Hi
Ilang araw matapos ang huling pag-uusap nila Rafael at Luna, hindi na niya naiwasan ang iniisip niya: kailangan na niya ng pera. Hindi na sapat ang overtime, hindi na sapat ang pagngiti at pagpapanggap na kaya pa niya. Tuwing tatawag ang ospital, parang may kumakalam sa dibdib niya.Sa hallway ng executive floor sila nagtagpo—malamig ang aircon, tahimik ang paligid, at tanging tunog ng takong ni Luna ang maririnig sa makintab na sahig. Nang makita niya si Rafael na nakatayo sa dulo, tila ba biglang bumagal ang oras. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon, tuwid ang tindig, ngunit mabigat ang titig.“Rafael…” mahina ang boses niya nang nagtagpo sila sa hallway. “Hindi ko po alam kung… kung puwede po ba.”Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, ngunit hindi siya lumapit agad. Tinitigan muna siya nito—parang sinusukat kung gaano kabigat ang dahilan sa likod ng mga salitang iyon“Pera?” agad na sagot ni Rafael. Makikita sa kanya ang pagiging sigurado.“Kailangan lang po tal
Ilang araw matapos ang gabi ng halik, mas malinaw kay Rafael na wala ni isa mang babae sa kumpanya ang makapagpawi sa init na nararamdaman niya.“Roset… hindi ka sapat,” bulong niya sa sarili habang nakaupo sa executive lounge. Ang babaeng may mataas na posisyon sa kumpanya ay nakatingin sa kanya, umaasang may tugon sa kanyang damdamin. Pero hindi niya kaya. Hindi siya basta-basta makakalimot kay Luna.“Rafael… ikaw ba ay magpapatuloy sa ganitong laro?” tanong ni Roset, mababa ang boses.“Huwag mo akong gambalain,” sagot niya, malamig, at itinulak ang baso ng alak. “Hindi mo ako naiintindihan. Wala ni isa sa inyo—hindi niyo ako kayang gawing masaya… parang siya.”“Luna?” bumulong si Roset, halatang nagtaka at nasaktan.“Hindi iyon para sa’yo,” tugon niya, matalim ngunit tahimik.“Isa lang ang mahalaga sa isip ko… at hindi ka ‘yon.”Lumakad siya palabas ng lounge, iniwan ang babae na hindi nakakaunawa sa dahilan ng biglaang pagtanggi niya. Samantala, patuloy na umiwas si Luna sa kanya
Ilang araw ang lumipas matapos ang gabing iyon, ngunit para kay Luna Solace, parang mas humaba ang oras kaysa dati. Mas maaga siyang pumapasok, mas tahimik, mas maingat. “Luna…” Mahinang binitawan ni Rafael ang pangalan, nakatitig sa hangin, pero halatang nakatuon sa kanya ang isip.“Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa’yo,” “Pareho tayong pagod… pero iba ang epekto mo sa akin.” dagdag niya, may bahid ng galit at pagod sa boses.Kapag dadaan siya sa hallway, ibinababa ni Luna ang tingin. Kapag nasa meeting, diretso lang ang sagot—maikli, propesyonal, walang emosyon. Kapag kailangan siyang lapitan, may pagitan. Laging may distansya. Parang walang nangyari.At iyon ang mas lalong nakakainis.“Nasaan si Luna?” tanong ni Rafael sa assistant niya isang umaga, hindi inaalis ang tingin sa laptop.“Nasa records department po, sir.”Tumango siya, pero hindi itinuloy ang trabaho. Isinara ang laptop, tumayo, at naglakad palabas ng opisina—hindi sigurado kung galit ba siya o
Tahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil.“Konti na lang,” bulong niya sa sarili.CEO’s office na lang ang kulang. Inaasahan niyang madilim na roon. Pero bukas ang ilaw. Napahinto siya. Marahang kumatok.“Sir?”Nandoon si Rafael Blackwell — CEO, anak ng may-ari, lalaking laging maayos ang postura at malamig ang tingin. Hawak ang baso ng alak. Gusot ang kurbata. Nakabukas ang dalawang butones ng polo. Mapula ang mga mata.“Bakit ka pa nandito?” paos nitong tanong. Nagulat si Luna pero hindi nagpahalata.“May urgent po na papeles. Kailangan ng pirma ninyo.”“Anong oras na?”“Lagpas alas-onse na po.” Napangiti siya nang mapait.“Pareho pala tayong hindi marunong umuwi.” Hindi sumagot si Luna.“Umupo ka.”“Sir, okay lang po—” sagot ni Luna, medyo nahihiya.“Rafael,” putol niya. Makikita sa







