Compartilhar

Chapter Two

Autor: J_Anne
last update Última atualização: 2026-02-27 13:22:52

Ilang araw ang lumipas matapos ang gabing iyon, ngunit para kay Luna Solace, parang mas humaba ang oras kaysa dati. Mas maaga siyang pumapasok, mas tahimik, mas maingat.

“Luna…” Mahinang binitawan ni Rafael ang pangalan, nakatitig sa hangin, pero halatang nakatuon sa kanya ang isip.

“Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa’yo,”

“Pareho tayong pagod… pero iba ang epekto mo sa akin.” dagdag niya, may bahid ng galit at pagod sa boses.

Kapag dadaan siya sa hallway, ibinababa ni Luna ang tingin. Kapag nasa meeting, diretso lang ang sagot—maikli, propesyonal, walang emosyon. Kapag kailangan siyang lapitan, may pagitan. Laging may distansya. Parang walang nangyari.

At iyon ang mas lalong nakakainis.

“Nasaan si Luna?” tanong ni Rafael sa assistant niya isang umaga, hindi inaalis ang tingin sa laptop.

“Nasa records department po, sir.”

Tumango siya, pero hindi itinuloy ang trabaho. Isinara ang laptop, tumayo, at naglakad palabas ng opisina—hindi sigurado kung galit ba siya o may hinahanap lang na sagot.

Nakita niya si Luna sa dulo ng pasilyo, may hawak na mga folder. Diretso ang lakad—parang may hinahabol o baka may iniiwasan.

“Luna,” tawag niya.

Tumigil ang babae, pero hindi agad humarap. Nang sa wakas ay tumingin siya, pormal ang mukha—walang bakas ng gabing iyon.

“Sir?” maayos ang tono, malamig.

“May problema ba?” Napakunot ang noo ni Rafael.

“Wala po,” sagot ni Luna agad.

“Sigurado ka?”

“Opo.”

Maikling sagot. Walang paliwanag. Walang emosyon. Tumango si Rafael, pero may kung anong kumirot sa dibdib niya—isang pakiramdam na hindi niya agad pinangalanan.

“Pwede ba kitang makausap?” tanong niya.Nag-alinlangan si Luna, bahagya lang.

“Kung tungkol po sa trabaho, pwede po ngayon.” Trabaho lang. Paulit-ulit.

“Mamaya sa opisina ko,” sabi ni Rafael.

“Opo,” sagot ni Luna, saka muling naglakad palayo—mas mabilis ngayon.

Nanatiling nakatayo si Rafael, nakatitig sa direksyon kung saan siya nawala. Ramdam niya ang inis, pagkadismaya, at isang uri ng galit na hindi niya maipaliwanag. Hindi siya sanay na iniiwasan—lalo na ng babaeng minsang naging malapit sa kanya, kahit sandali lang.

Sa meeting ng hapon, malinaw ang distansya ni Luna. Hindi siya nagsasalita hangga’t hindi tinatanong. Hindi tumitingin. At kapag napapatingin man, mabilis itong iniiwas. Parang may pader na itinayo sa pagitan nila.

“Para kang estranghero sa sariling opisina,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Luna. At mas lalong kumukulo ang loob ni Rafael.

“Ako ang dapat lumalayo,”

“Hindi ikaw.” sambit ni Rafael.

Pagkatapos ng meeting, tinawag niya agad si Luna sa opisina. Tahimik ang silid nang pumasok siya. Nakapulupot ang kamay sa harap ng katawan—isang kilos na dati hindi niya napapansin, ngunit ngayon ay pamilyar.

“Isara mo ang pinto,” utos niya. Tumango si Luna.

“Bakit ka umiiwas?” diretso niyang tanong.

“Hindi po ako umiiwas,” sagot ni Luna, mahinahon.

“Talaga?” tumaas ang kilay niya. “Dahil iba ang sinasabi ng kilos mo.”

“Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.”

“Hindi ’yan sagot.”

“Pero ’yan po ang totoo,” sagot niya, matatag.

Lumapit si Rafael, huminto sa tapat ng mesa.

“Kung may problema ka—”

“Wala po,”

“At kung meron man, personal na po ’yon.” habol ni Luna.

“Personal? Hindi ba’t pareho lang tayo noon?” tanong ni Rafael, tila may bahid ng galit sa boses.

“Parang kahapon lang po,” mahina niyang sagot, nakatingin sa mesa.

“Akala ko ba malinaw na sa’tin? Isang gabi lang,” malamig ang tono niya.

“Opo. Kaya nga po ganito ako ngayon,” sagot ni Luna, diretso sa punto.

“Ganito? Parang wala akong karapatan kahit magtanong?”

“Hindi po ’yan ang sinabi ko. Pero mas mabuti pong manatili sa hangganan.”

Hangganan. Biglang umigting sa dibdib ni Rafael—halo ng galit at pagkabigo.

“Hindi kita pagmamay-ari,” dugtong ni Luna, diretso na ngayon.

“At hindi rin po kita hinihila palapit. Ginagawa ko lang po ang tama.”

Tumahimik si Rafael. Doon niya naramdaman—hindi lang galit, kundi takot. Takot na tuluyan siyang mawala sa paningin ng babaeng hindi niya dapat iniisip, ngunit pilit na bumabalik sa isip niya.

“Hindi ko sinabing akin ka,” sabi niya sa wakas.

“Pero ayaw n’yo rin po akong palayuin,” sagot ni Luna, mahina ngunit matalas.

Nagkatinginan sila.

“Pwede mo bang sabihin… bakit ka lumalayo?” tanong ni Rafael, bahagyang kumikilos ang kamay sa mesa.

“Para po hindi magulo,” sagot ni Luna, tumitingin sa sahig. Bahagyang nanginginig ang boses.

“Ngunit bawat hakbang mo palayo, mas lalo akong nahihirapan,” sagot niya, halos halikan siya ng titig.

“Hindi ko gustong maging pabigat,” sagot ni Luna.

At doon niya napagtanto ang mas nakakatakot na bagay—tama siya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula, hindi niya alam bakit. Pero tuwing lumalayo si Luna, parang may humihila sa kanya pabalik—isang galit na hindi pisikal, kundi emosyonal. Ayaw niyang mawala ito sa kanya.

“Pwede ka nang umalis,” sabi niya, mas malamig kaysa sa gusto niya.

Tumango si Luna at naglakad palabas, tuwid ang likod, walang lingon.

At nang maisara ang pinto, saka lang napaupo si Rafael. Hinawakan ang sentido, pumikit, at unang beses sa mahabang panahon, inamin sa sarili ang isang bagay na hindi niya kayang kontrolin.

Hindi lang iyon isang gabi. Galit na nararamdaman niya—hindi iyon galit kay Luna.

Galit iyon sa sarili niya, dahil ayaw niyang palayuin ang babaeng hindi niya dapat gustong manatili.

Nanatiling nakaupo si Rafael, nakatitig sa pinto na kakasara lang. Ilang segundo ang lumipas bago sinandal ang ulo sa upuan.

“Hindi dapat ganito,” bulong niya sa sarili. Tumayo siya bigla at tinawag ang intercom.

“Cancel all my meetings for the next thirty minutes,” malamig niyang utos.

“Sir?” nag-alinlangan ang sekretarya.

“Now,” ulit niya.

Isang gabi lang iyon. Ngunit bumalik sa isip niya ang mga mata ni Luna—hindi galit, hindi umaasa. Tahimik. Matatag. Parang handang talikuran kahit ano.

“Bakit hindi ka humihingi?” tanong niya sa katahimikan.

“Bakit mas pinipili mong lumayo?” Walang sagot. Napangiti siya nang mapait.

“Kung akala mo madali lang para sa’kin na pabayaan ka…”

Huminto siya sa gitna ng silid, mariing kinuyom ang kamao.

“…nagkakamali ka.”

At doon tuluyang inamin—hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, pero alam niyang ayaw niyang mawala si Luna sa paningin niya. Hindi pa. Hindi ngayon.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • A Night Owned by the CEO   Chapter six

    Kinaumagahan, mas maaga si Rafael sa opisina.Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, narinig na niya ang pabulong na usapan mula sa cubicles sa ibaba.“Grabe, kahapon na naman nasa office ni sir si Luna.”“Alam mo na ’yon.”“Hindi naman siguro—”“Please. CEO ‘yon.”Huminto siya sandali sa gitna ng hallway. Hindi siya agad nagsalita. Nakikinig lang. Tahimik. Ngunit ang panga niya ay bahagyang kumikirot sa higpit.Isa pang bulong ang umabot sa kanya.“Madali talagang umangat kung marunong kang dumiskarte.”Doon siya huminga nang malalim.Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagmadali.Dahan-dahan siyang lumapit sa railings ng floor, sapat para makita siya ng lahat sa ibaba.“Go back to work.”Hindi malakas ang boses niya. Pero sapat para tumahimik ang buong departamento.“Nagbabayad ako para magtrabaho kayo,” dagdag niya, mas malamig ang tono. “Hindi para mag-imbento ng kwento.”Walang sumagot.“Kung may oras kayong mag-usap tungkol sa personal na buhay ng iba, ibig sabihin kula

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Five

    Hindi na bulong ang tsismis. Isa na itong mahinang ingay na sumusunod kay Luna saan man siya magpunta. Pagpasok pa lang niya sa opisina, ramdam na niya ang pagbabago. May mga matang sumusunod. May mga biglang tumatahimik kapag dumadaan siya.“Siya ‘yon, ‘di ba?” mahinang bulong ng isang empleyada malapit sa pantry.“Shh… baka marinig ka,” sagot ng isa, pero hindi rin itinago ang pagtingin kay Luna.Nagkunwari siyang walang narinig. Diretso lang ang lakad. Diretso sa mesa. Diretso sa screen. Pero hindi diretso ang pakiramdam niya.Sa conference room, habang inaayos niya ang files, may dalawang staff na pumasok.“Good morning,” bati ni Luna, pilit ang ngiti.“Morning,” sagot ng isa, sabay tingin sa kasama. May kahulugang hindi na kailangang sabihin.“Ay, Luna,” biglang sabi ng isa pa, kunwari inosente. “Ang swerte mo naman, lagi kang tinatawag sa executive floor.” Tahimik siya sandali. “Work assignment lang ‘yon.”“Talaga?” may bahagyang ngisi. “Grabe naman ang work assignment mo.”Hi

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Four

    Ilang araw matapos ang huling pag-uusap nila Rafael at Luna, hindi na niya naiwasan ang iniisip niya: kailangan na niya ng pera. Hindi na sapat ang overtime, hindi na sapat ang pagngiti at pagpapanggap na kaya pa niya. Tuwing tatawag ang ospital, parang may kumakalam sa dibdib niya.Sa hallway ng executive floor sila nagtagpo—malamig ang aircon, tahimik ang paligid, at tanging tunog ng takong ni Luna ang maririnig sa makintab na sahig. Nang makita niya si Rafael na nakatayo sa dulo, tila ba biglang bumagal ang oras. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon, tuwid ang tindig, ngunit mabigat ang titig.“Rafael…” mahina ang boses niya nang nagtagpo sila sa hallway. “Hindi ko po alam kung… kung puwede po ba.”Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, ngunit hindi siya lumapit agad. Tinitigan muna siya nito—parang sinusukat kung gaano kabigat ang dahilan sa likod ng mga salitang iyon“Pera?” agad na sagot ni Rafael. Makikita sa kanya ang pagiging sigurado.“Kailangan lang po tal

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Three

    Ilang araw matapos ang gabi ng halik, mas malinaw kay Rafael na wala ni isa mang babae sa kumpanya ang makapagpawi sa init na nararamdaman niya.“Roset… hindi ka sapat,” bulong niya sa sarili habang nakaupo sa executive lounge. Ang babaeng may mataas na posisyon sa kumpanya ay nakatingin sa kanya, umaasang may tugon sa kanyang damdamin. Pero hindi niya kaya. Hindi siya basta-basta makakalimot kay Luna.“Rafael… ikaw ba ay magpapatuloy sa ganitong laro?” tanong ni Roset, mababa ang boses.“Huwag mo akong gambalain,” sagot niya, malamig, at itinulak ang baso ng alak. “Hindi mo ako naiintindihan. Wala ni isa sa inyo—hindi niyo ako kayang gawing masaya… parang siya.”“Luna?” bumulong si Roset, halatang nagtaka at nasaktan.“Hindi iyon para sa’yo,” tugon niya, matalim ngunit tahimik.“Isa lang ang mahalaga sa isip ko… at hindi ka ‘yon.”Lumakad siya palabas ng lounge, iniwan ang babae na hindi nakakaunawa sa dahilan ng biglaang pagtanggi niya. Samantala, patuloy na umiwas si Luna sa kanya

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Two

    Ilang araw ang lumipas matapos ang gabing iyon, ngunit para kay Luna Solace, parang mas humaba ang oras kaysa dati. Mas maaga siyang pumapasok, mas tahimik, mas maingat. “Luna…” Mahinang binitawan ni Rafael ang pangalan, nakatitig sa hangin, pero halatang nakatuon sa kanya ang isip.“Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa’yo,” “Pareho tayong pagod… pero iba ang epekto mo sa akin.” dagdag niya, may bahid ng galit at pagod sa boses.Kapag dadaan siya sa hallway, ibinababa ni Luna ang tingin. Kapag nasa meeting, diretso lang ang sagot—maikli, propesyonal, walang emosyon. Kapag kailangan siyang lapitan, may pagitan. Laging may distansya. Parang walang nangyari.At iyon ang mas lalong nakakainis.“Nasaan si Luna?” tanong ni Rafael sa assistant niya isang umaga, hindi inaalis ang tingin sa laptop.“Nasa records department po, sir.”Tumango siya, pero hindi itinuloy ang trabaho. Isinara ang laptop, tumayo, at naglakad palabas ng opisina—hindi sigurado kung galit ba siya o

  • A Night Owned by the CEO   Chapter one

    Tahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil.“Konti na lang,” bulong niya sa sarili.CEO’s office na lang ang kulang. Inaasahan niyang madilim na roon. Pero bukas ang ilaw. Napahinto siya. Marahang kumatok.“Sir?”Nandoon si Rafael Blackwell — CEO, anak ng may-ari, lalaking laging maayos ang postura at malamig ang tingin. Hawak ang baso ng alak. Gusot ang kurbata. Nakabukas ang dalawang butones ng polo. Mapula ang mga mata.“Bakit ka pa nandito?” paos nitong tanong. Nagulat si Luna pero hindi nagpahalata.“May urgent po na papeles. Kailangan ng pirma ninyo.”“Anong oras na?”“Lagpas alas-onse na po.” Napangiti siya nang mapait.“Pareho pala tayong hindi marunong umuwi.” Hindi sumagot si Luna.“Umupo ka.”“Sir, okay lang po—” sagot ni Luna, medyo nahihiya.“Rafael,” putol niya. Makikita sa

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status