INICIAR SESIÓNIlang araw matapos ang gabi ng halik, mas malinaw kay Rafael na wala ni isa mang babae sa kumpanya ang makapagpawi sa init na nararamdaman niya.
“Roset… hindi ka sapat,” bulong niya sa sarili habang nakaupo sa executive lounge. Ang babaeng may mataas na posisyon sa kumpanya ay nakatingin sa kanya, umaasang may tugon sa kanyang damdamin. Pero hindi niya kaya. Hindi siya basta-basta makakalimot kay Luna. “Rafael… ikaw ba ay magpapatuloy sa ganitong laro?” tanong ni Roset, mababa ang boses. “Huwag mo akong gambalain,” sagot niya, malamig, at itinulak ang baso ng alak. “Hindi mo ako naiintindihan. Wala ni isa sa inyo—hindi niyo ako kayang gawing masaya… parang siya.” “Luna?” bumulong si Roset, halatang nagtaka at nasaktan. “Hindi iyon para sa’yo,” tugon niya, matalim ngunit tahimik. “Isa lang ang mahalaga sa isip ko… at hindi ka ‘yon.” Lumakad siya palabas ng lounge, iniwan ang babae na hindi nakakaunawa sa dahilan ng biglaang pagtanggi niya. Samantala, patuloy na umiwas si Luna sa kanya. “Sir… wala po akong ibang plano,” mahinang paliwanag ni Luna habang nag-aayos ng mga folder sa hallway. “Hindi mo kailangan ipaliwanag sa akin,” “Sapat na malaman ko na naroroon ka… at hindi ka mawawala sa paningin ko.” sagot ni Rafael, nakatayo sa dulo ng hallway. “Sir… parang sumusunod po kayo sa akin,” mahina ngunit diretso ang sagot ni Luna. “Obserbasyon lang. Obserbasyon lang,” mariing bulong niya, habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw niya. “Gusto kong makita ang lahat… bawat galaw mo, bawat titig mo… kahit hindi mo ako tinitingnan.” “Hindi ko po sinasadya,” sagot ni Luna, tumigil sa paglakad, nakatingin sa sahig. “Hindi mo sinasadya… o hindi mo puwedeng sabihin?” tugon niya, mas malapit na sa kanya. “Hindi mo puwedeng itanggi na may epekto ka rin sa akin.” Tumigil si Luna, nanginginig ang kamay. “Sir… kailangan po nating panatilihin ang propesyonalismo.” “Propesyonalismo?” tanong niya, pinagmamasdan ang mukha niya. “Hindi mo ba nararamdaman? Hindi mo ba alam kung gaano kahirap na umiwas sa bawat galaw mo?” “Hindi ko po iniwasan… pero…” “Pero ano?” “Hindi mo puwedeng sabihin na wala kang nararamdaman. Kahit kaunti lang… kahit kaunti, ramdam ko.” bulong niya, humihinga nang malalim. Si Luna ay tumigil, pinisil ang folder sa kanyang harap. “Sir… hindi ko puwedeng gawing ganito. Hindi ko puwedeng…” “Hindi mo kailangan gawing tama o mali,” sagot ni Rafael, huminto sa harap niya. “Sapat na makita ko. Sapat na malaman ko ang bawat galaw mo… bawat titig mo.” Sa isang gabi, matapos ang opisina, hindi nagpaalam si Rafael. “Luna… sandali lang,” tawag niya habang pinapako ang tingin sa kanya sa doorway. “Ano po ulit ang kailangan ninyo, sir?” malamig ang tono ni Luna. “Hindi ulit ‘sir’. Rafael,” itinutok niya ang tingin sa kanya. “Gusto kong malaman kung sino ka kapag wala akong pinapansin… kapag tahimik ka lang.” Saglit na natigil si Luna sa mismong pintuan. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa doorknob, ngunit hindi niya ito maitulak palabas. Ramdam niya ang bigat ng titig ni Rafael sa kanyang likuran—hindi iyon simpleng pagtawag ng boss sa empleyado. Mas personal. Mas direkta. Dahan-dahan siyang humarap. Sa loob ng opisina, mahina ang ilaw. Tanging desk lamp sa gilid ang nakabukas, nagbibigay ng malambot ngunit madilim na anino sa mukha ni Rafael. Nakaupo siya ngunit tuwid ang tindig, mga mata’y seryoso at tila may hinahanap na sagot sa kanya. “Hindi po ako… hindi po ako puwedeng…” “Hindi mo kailangan puwedeng o hindi puwedeng. Sapat na makita kita… sapat na malaman ko. At hindi mo puwedeng itanggi,” mariin niyang sabi, lumalapit. “Rafael… please,” sagot ni Luna, nanginginig, hawak ang mga folder. “Hindi ko alam kung paano haharapin ito.” “Hindi mo kailangan harapin. Hindi mo kailangan gumawa ng desisyon,” sabi niya, tumitig sa kanya nang matagal. “Sapat na na makita ko. Sapat na malaman ko. At kahit lumayo ka, kahit umiwas, hindi mo puwedeng palayain ang sarili mo sa akin.” Ngunit sa kabila ng kanyang obsession, alam ni Rafael na kailangan niyang maging maingat. “Luna… gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo,” “Gusto kong malaman bawat hakbang mo, bawat titig mo, bawat hininga mo.” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan siya sa malayo. Si Luna ay naglakad palayo, tila walang pakialam, ngunit ramdam niya ang tensyon sa bawat galaw. “Hindi ka puwedeng mawala sa akin,” “Hindi ngayon. Hindi kailanman.” mariin niyang sabi. Hindi nagtagal, nagkaroon ng sandali ng tukso. “Luna!” Tinawag niya ito mula sa malayo at pinabalik sa opisina. Agad na bumalik at lumapit si Luna kay Rafael. “Kaya kitang mahalin kahit na hindi mo ako pinapansin.” “Hindi po… hindi ko po puwedeng…” makikita kay Luna ang pag-aalinlangan. At sa gitna ng tensyon, naglabas si Rafael ng alok. “Luna,” mariin niya, tinuturo ang sobre sa mesa. “Kung kailangan mo… para sa mga gastusin, para sa pamilya mo… tanggapin mo ito.” “Hindi po… hindi ko po puwedeng tanggapin,” sagot ni Luna agad. “Ngunit alam kong mahirap,” dagdag niya, tumitig nang malalim. “Alam kong may pangangailangan ka… at handa akong tulungan ka. Hindi ko hinihingi… hindi mo kailangang sabihin ‘oo’. Gusto ko lang na malaman mo na nandito ako. At handa rin akong ipaglaban ang bawat galaw mo.” Hindi tinanggap agad ni Luna ang alok. “Hindi ko po alam… paano ko haharapin ito…” “Hindi mo kailangang harapin mag-isa,” sagot ni Rafael, dahan-dahan, halos bulong. “Hindi ka nag-iisa. At hindi mo kailangang iwasan ang sarili mo sa akin.” Nanatili si Luna, nakatingin sa sobre, at sa bawat sandali, naramdaman niya ang tensyon—hindi lang mula kay Rafael, kundi mula rin sa sarili niyang pangangailangan at prinsipyo. “Rafael… hindi ko po alam…” “Hindi mo kailangang sabihin,” tugon niya, lumapit nang kaunti. “Sapat na malaman mo na nandito ako. Sapat na malaman ko na hindi mo puwedeng mawala sa paningin ko. Kahit papaano… kahit kaunti…”(About sa pag tawag ni Victor ng meeting kay Rafael about sa business nila and sinama si Luna kasi part of the business rin. Ang context dito is about sa pagiging comfortable ni Luna sa paligid ni Victor pero acting professional pa rin dahil sa trabaho. Makikita tensyon ni Rafael at Victor).Maaga pa lamang ay nag-ring na ang telepono sa loob ng opisina ni Rafael. Nakaupo siya sa harap ng desk habang binabasa ang ilang dokumentong ipinasa ng legal team para sa proyekto nila ni Victor. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang napasandal sa upuan.Victor.Pinindot niya ang answer button at inilapit ang telepono sa tenga.“Good morning,” malamig niyang bati.Sa kabilang linya ay agad niyang narinig ang pamilyar na boses na parang laging may halong biro.“Wow. Ganyan ka ba lagi kaboring sa umaga?” natatawang sabi ni Victor.“Sabihin mo na kailangan mo.”Napatawa si Victor.“Straight to business. I like that. Anyway, may meeting tayo mamayang tanghali. Nandito na yung updated propos
Victor’s POVNakasandal si Victor sa likod ng itim niyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod mula sa bintana ng hotel suite na tinutuluyan niya. Hawak niya ang isang baso ng whisky, paikot-ikot itong iniikot sa pagitan ng mga daliri habang nakatanaw sa malayo.Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari noong gabing iyon. Hindi ang galit ni Rafael.Hindi ang suntok na muntik na niyang matanggap. Kundi ang reaksyon ni Luna. Napangisi siya nang bahagya bago uminom.“Interesting...” bulong niya sa sarili.Marami na siyang nakilalang babae sa buong buhay niya. Mga model, artista, anak ng mga negosyante, at mga taong kusang lumalapit dahil sa pangalan at pera niya.Pero iba si Luna.Hindi ito lumalapit.Hindi ito nagpapapansin.At lalong hindi ito sumusunod sa agos.Iyon ang dahilan kung bakit lalo siyang naging interesado.“Ang dami kong nakilala na gustong-gusto ang atensyon,” mahina niyang sabi habang inilalapag ang baso sa mesa.“Pero ikaw? Ikaw yung tipo na guston
Tahimik pa rin ang loob ng office matapos niyang ayusin ang huling band aid sa braso ni Luna. Si Rafael ay marahang tumayo at isinara ang first aid kit, habang ang kilos niya ay mabigat pa rin na parang hindi pa rin tapos ang galit niya sa nangyari kanina. Napatingin siya sa glass wall kung saan kita pa rin ang mga empleyadong abala, pero ramdam pa rin ang bulungan sa labas. “Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig nilang gawing target ang tahimik,” mahina niyang sabi habang nakapamulsa, hindi malinaw kung para sa sarili niya o para kay Luna. Tahimik si Luna sa sofa, inayos ang sleeves ng polo niya para matakpan ang mga pasa sa braso. “Sir, sanay na po ako… ganun po talaga sa office, hindi lang naman po ako yung unang pinagchismisan nila,” mahina niyang sagot habang pinipilit maging normal ang boses niya. Agad na napalingon si Rafael sa kanya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi. “Sanay ka?” mababa pero mariing tanong niya habang dahan-dahang lumapit muli. “Luna, hindi ka d
Maaga pa lamang ay nasa elevator na si Luna. Tahimik siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin habang hinihigpitan nang bahagya ang manggas ng blouse niya para matakpan ang ilang band aid sa braso. Naglagay rin siya ng manipis na skin-tone bandage sa gilid ng binti kung saan may natira pang pasa. Ayaw niyang maging sentro ng usapan. Ayaw niyang magpaliwanag. At higit sa lahat, ayaw niyang maalala ang nangyari kagabi. Nang bumukas ang elevator sa floor nila ay agad siyang bumuntong-hininga at inayos ang sarili. “Good morning,” mahina niyang bati sa ilang empleyadong nasalubong. May ilan namang ngumiti. May ilan ding agad napatingin sa mga band aid niya. At may ilan na halatang nagpipigil ng tanong. Hindi na niya iyon pinansin. Tahimik siyang nagtungo sa desk niya, inilapag ang laptop bag, inilabas ang laptop, at nagsimulang magbukas ng mga email na kailangan niyang asikasuhin. Akala niya ay magiging tahimik ang umaga. Nagkamali siya. “ay wow? paawa yarn?” Agad niyang
Tahimik ang buong hallway habang mabilis na naglalakad si Rafael dala si Luna sa kaniyang mga bisig. Hindi na nito pinansin ang mga empleyadong napapatingin sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang dalhin si Luna sa ligtas na lugar na malayo sa nangyari kanina.Mahigpit na nakakapit si Luna sa kuwelyo ng polo niya. Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya, para bang doon lang nito nararamdaman ang seguridad matapos ang takot na pinagdaanan.“Rafael…” mahina nitong tawag.Agad siyang tumingin dito. “I’m here.”Hindi na sumagot si Luna. Mas lalo lamang itong sumiksik sa kaniya.Pagdating nila sa opisina, marahan niyang isinara ang pinto gamit ang paa bago dinala si Luna sa sofa.Ngunit bago pa niya ito ibaba, napatingin siya sa mesa.Naroon pa rin ang mga bote ng alak.Mga basong kalahating laman.Mga bakas ng gabing hindi sana nangyari.Napapikit siya nang madiin.“Damn it…” bulong niya.Kung hindi siya nakainom. Kung hindi siya naging kampante.Kung hindi niya hinayaang mawala sa pa
Mahigpit ang hawak ni Victor sa bewang ni Luna habang nakasandal ito sa malamig na pader ng restroom. Ramdam ni Luna ang mabigat nitong paghinga sa leeg niya at ang amoy ng alak na halos makasakal sa kanya. Nanginginig na ang kamay niyang pilit itinutulak ang dibdib ni Victor palayo, pero mas lalo lang itong dumidiin. “Sir Victor… tama na po!” hirap na sabi ni Luna habang umiwas ang mukha niya nang pilitin nitong idikit ang labi sa leeg niya. “Please… bitawan niyo po ako!” Ngumisi lang si Victor, mapula ang mga mata dahil sa alak habang mabagal na hinagod ng kamay ang gilid ng bewang niya pababa. “Come on, baby… don’t act innocent,” paos nitong bulong habang lalo siyang kinukulong sa pagitan ng katawan at pader. “I know men stare at you. That body? Damn… even Rafael can’t hide it, ang sarap mo kasi” “Tumigil po kayo!” halos maiyak nang sigaw ni Luna habang pilit umiilag. At doon— BUMAGSAK ang pinto. Malakas at padabog. Parehong napalingon sina Luna at Victor. Nakatayo roon
Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael habang nakasandal si Luna sa sofa, hawak ang maliit na tinidor na halos isang subo pa lang ang nababawas sa pagkain niya. Sa kabilang banda ng mesa, seryosong kumakain si Rafael ngunit paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang
Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael, ngunit ramdam ang tensyon sa hangin. Nakaupo si Victor sa tapat nito, nakaangat ang isang paa habang dahan-dahang iniikot ang baso ng whisky sa kamay niya. Samantala, si Rafael ay tahimik lang na nakasandal sa swivel chair niya, seryoso ang mukha habang nakati
Nang matapos ang tawanan at pabulong na pang-iinsulto ni Roset, biglang umalingawngaw ang boses mula sa speaker ng buong floor dahilan para pansamantalang matahimik ang opisina. “Attention everyone. Mr. Victor Silviador will arrive in one hour. Please prepare all necessary documents and maintain p
Tahimik ang gabi sa maliit na apartment ni Luna matapos niyang bumisita sa ospital kung saan naka-confine ang mama niya. Pagod ang buong katawan niya nang makauwi siya, pero mas pagod ang isip niya. Pagkapasok pa lang sa kwarto, agad niyang ibinagsak ang bag sa gilid ng kama bago humiga nang direts







