登入Makapal ang katahimikan sa loob ng modernong penthouse ni Victor, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay napalitan iyon ng malakas na pagtawa. Nakaupo siya sa mamahaling leather sofa habang umiikot ang whiskey sa kristal na baso na hawak niya. Sa kabilang sofa naman ay nakaupo si Rosset, nakahalukipkip ngunit bakas sa mukha ang kakaibang pananabik.Sa gitna ng mesa ay nakabukas ang laptop.Hindi pa nila binubuksan ang laman ng GDrive.Nandoon lamang iyon, parang isang alas na matagal nilang pinaghandaan.“Tingnan mo nga sila,” natatawang sabi ni Rosset habang ipinapakita ang cellphone kay Victor. “Halos araw-araw nang laman ng mga entertainment pages ang patamaan namin. Ang daming naniniwala, ang dami ring nalilito. Ang saya palang pag sila mismo ang nagbibigay ng atensyon.”Napangisi si Victor.“Hindi pa nga tayo nagsisimula.”“Tama.”Napahilig si Rosset sa sandalan ng sofa bago uminom ng alak.“Imagine mo na lang kapag lumabas na talaga ang nasa GDrive.”Tumawa silang pareho.Hind
Naroon pa rin sina Rafael at Luna sa loob ng pribadong opisina. Tahimik ang buong palapag. Sa labas ay halos wala nang empleyado, at ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang ilaw ng lungsod na kumikislap mula sa malawak na salamin ng opisina.Nakaupo si Rafael sa sofa habang nakasandal ang magkabilang siko sa mga tuhod. Magkahawak ang dalawang kamay niya at halatang malalim ang iniisip. Samantala, si Luna ay tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya, hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa na ilang minuto nang hindi nababawasan.Nauna siyang nagsalita.“Sir… kung sigurado na talaga kayong ilalabas nila iyon, ibig sabihin wala na tayong magagawa para pigilan sila.”Hindi agad sumagot si Rafael. Ilang segundo muna siyang nakatingin sa sahig bago marahang tumango.“Tama ka. Hindi natin sila mapipigilan.”Napakunot-noo si Luna.“Kung gano’n… bakit parang kalmado pa rin kayo?”Unti-unting umangat ang tingin ni Rafael.“Dahil hindi ko kontrolado ang gagawin nila.”
Kinagabihan ay unti-unti nang nagsiuwian ang mga empleyado. Isa-isang namatay ang mga ilaw sa bawat department hanggang sa maging tahimik ang buong floor. Tanging ang opisina na lamang ni Rafael ang nanatiling may ilaw.Tahimik na kumatok si Luna.“Sir… pinatawag niyo po ako?”Hindi agad sumagot si Rafael. Nakaupo siya sa swivel chair habang seryosong nakatingin sa ilang dokumentong nakalatag sa mesa. Nang marinig ang boses ni Luna ay saka lamang siya tumingin.“Come in.”Marahan niyang isinara ang pinto.Napansin niyang iba ang ekspresyon ng lalaki. Hindi ito ang pamilyar na Rafael na palaging may oras mang-asar o ngumiti kapag silang dalawa lang ang magkasama. Ngayon ay halatang mabigat ang iniisip nito.Lumapit siya sa mesa.“Sir… may nangyari po ba?”Huminga nang malalim si Rafael bago itinuro ang sofa.“Sit beside me. We need to talk.”Hindi na siya nagtanong pa. Tahimik siyang naupo sa sofa habang si Rafael naman ay naupo sa katabi niyang upuan. Sa unang pagkakataon matapos ang
Kinabukasan ay tila mas maingay ang buong kumpanya kaysa sa mga nakaraang araw. Hindi dahil may emergency meeting o bagong project, kundi dahil sa iisang dahilan—ang patuloy na tensyon nina Luna at Rosset na tila naging paboritong usapan ng lahat.Pagkabukas pa lamang ng elevator ay may mga empleyadong agad na nagbulungan.“Nakita mo ba yung bagong post kagabi?”“Trending na naman sila.”“Hindi ko nga kilala kung sino nagsimula, pero ang daming entertainment pages ang nag-uusap.”Tahimik lang na naglakad si Luna habang yakap ang tablet at maliit na planner niya. Nakasuot siya ng simpleng cream blouse at itim na skirt. Ang band-aid sa braso niya ay halos hindi na halata, ngunit kapansin-pansin ang maliit na singsing na suot niya. Hindi iyon ipinagyayabang. Tahimik lang itong nakasuot sa kaliwang kamay niya.Pagkaupo niya sa desk ay agad siyang nagbukas ng laptop.Ngunit ilang segundo pa lamang ang lumipas ay marahang tumunog ang cellphone ni Rosset.Ngumisi ito.“Aba… umabot na pala ta
Halos buong umaga ay wala nang ibang pinag-uusapan ang buong kumpanya kundi ang patuloy na patamaan nina Rosset at Luna. Kahit walang direktang pangalan sa mga post, sapat na ang mga detalye upang makabuo ng sari-sariling kwento ang mga tao. Maging ang mga empleyado mula sa ibang department ay dumadaan sa floor nila na tila may hinihintay na panibagong eksena.“Nag-post na naman daw.”“Tingnan mo, may bago na namang patama.”“Grabe… parang bawat oras may update.”Tahimik lang si Luna habang nagta-type sa laptop. Hindi na niya halos pinapansin ang mga bulungan. Sa halip ay mas lalo niyang ibinaon ang sarili sa trabaho. Alam niyang habang mas pinapatulan niya ang ingay sa paligid, mas lalo lamang itong lalaki.Ngunit hindi ganoon si Rosset.Pagkapasok pa lamang nito ay agad nitong inilapag ang mamahaling handbag sa mesa nang may kalakasang sapat para mapatingin ang halos buong floor.“Some people really know how to climb,” aniya habang kunwaring may binabasang notification sa cellphone.
Kinabukasan ay tila mas maingay ang buong opisina kaysa sa mga nakaraang araw. Hindi dahil may meeting o may bagong proyekto, kundi dahil halos lahat ng empleyado ay may hawak na cellphone habang palihim na nagbabasa ng mga bagong post na kumakalat sa social media.May mga anonymous office pages na nagsimulang mag-post ng mga screenshot ng mga patama nina Rosset at Luna. Wala namang direktang pangalan, pero sapat na ang mga detalye upang mahulaan ng mga tao kung sino ang tinutukoy.“Grabe… sila na naman.”“Trending na yata sa office community.”“Ang dami nang nakikicomment.”“Bakit parang bawat post nila may bagong episode?”Tahimik lamang na dumating si Luna. Bitbit niya ang bag at kape gaya ng nakasanayan. Hindi niya pinansin ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang niya.Pagkaupo niya sa desk ay agad siyang sinalubong ng notification.Mahigit limang libong reactions.Libo-libong comments.Hindi dahil influencer siya.Kundi dahil may ilang sikat na entertainment pages at office gos
Tahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil.“Konti na lang,” bulong niya sa sarili.CEO’s office na
Mabigat ang bawat hakbang ni Roset habang papalayo siya sa gitna ng opisina. Ramdam niya pa rin ang init ng mga titig na nakasunod sa kanya—mga matang puno ng usisa, bulong, at paghuhusga. Napahigpit ang hawak niya sa bag niya, halos manginig ang mga daliri sa pinipigilang galit.“Okay ka lang ba,
Nakatayo si Luna sa tapat ng malaking gate, hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang binabasa ang address na sinend ni Rafael. Kahit malinaw ang nakasulat, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang gate pa lang—mataas, bakal, at elegante ang disenyo—parang katumbas na ng buong boardi
Tahimik ang biyahe nila palabas ng subdivision ni Rafael, ngunit hindi iyon yung klase ng katahimikan na awkward—mas parang may mga bagay na hindi sinasabi, pero ramdam sa pagitan nila. Maaga pa, kaya halos wala pang sasakyan sa kalsada. Malamig pa ang hangin, at ang liwanag ng araw ay dahan-dahan







