LOGIN
Tahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.
Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil. “Konti na lang,” bulong niya sa sarili. CEO’s office na lang ang kulang. Inaasahan niyang madilim na roon. Pero bukas ang ilaw. Napahinto siya. Marahang kumatok. “Sir?” Nandoon si Rafael Blackwell — CEO, anak ng may-ari, lalaking laging maayos ang postura at malamig ang tingin. Hawak ang baso ng alak. Gusot ang kurbata. Nakabukas ang dalawang butones ng polo. Mapula ang mga mata. “Bakit ka pa nandito?” paos nitong tanong. Nagulat si Luna pero hindi nagpahalata. “May urgent po na papeles. Kailangan ng pirma ninyo.” “Anong oras na?” “Lagpas alas-onse na po.” Napangiti siya nang mapait. “Pareho pala tayong hindi marunong umuwi.” Hindi sumagot si Luna. “Umupo ka.” “Sir, okay lang po—” sagot ni Luna, medyo nahihiya. “Rafael,” putol niya. Makikita sa mukha niya ang pagiging sigurado. “Wag mo akong tawaging sir.” “Okay… Rafael.” agad na sumunod si Luna sa kagustuhan nito. Saglit siyang natahimik. Umupo siya sa sofa, hawak ang folder. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang kamay ng lalaki habang ibinababa ang baso. May ilang patak ng alak na muntik nang tumapon sa mesa, kaya mabilis itong napasandal at ipinikit ang mga mata na parang pilit binubuo ang sarili. Hindi iyon ang Rafael na kilala ng buong kumpanya—hindi ang lalaking laging kontrolado, laging may sagot, laging isang hakbang sa unahan ng lahat. “May problema po ba?” maingat niyang tanong. “Lagi namang may problema,” “Gusto ng mga magulang ko na magpakasal na ako. Magkaanak. Magmana ng kumpanya. Parang checklist.” Agad nitong sagot. Tumahimik si Luna. “Parang wala akong choice,” “Parang hindi ako tao. Investment lang.” “Pagod kayo,” mahina niyang sabi. Dagdag niya. Napangiti ito nang walang saya. Makikita sa mukha niya ang bahid ng kalungkutan. “Ikaw? Hindi ka ba pagod?” “Dalawang trabaho po kasi.” “Dalawa?” “Opo.” “Bakit?” seryoso si Rafael na mag tanong. Gusto niyang malaman bakit sobrang nag susumikap ito sa kanyang opisina. Mas tumalim ang titig niya, hindi bilang boss—kundi bilang lalaking gustong maintindihan kung bakit gabi-gabi ay naroon pa rin si Luna sa opisina niya. Saglit na napayuko si Luna. Parang may kung anong bumigat sa balikat niya sa simpleng tanong na iyon. “May sakit po ang nanay ko.” Tumahimik ang silid. “Kaya ka laging ginagabi.” seryosong tanong nito. “Opo.” “Wala kang ibang choice.” “Wala po.” makikita sa mukha ni Luna ang lungkot na dinadala niya. “Uminom ka,” Nagkatinginan sila. Hindi bilang CEO at empleyado. Dalawang taong parehong napipilitang maging matatag. “Nasa opisina po tayo.” “Isang lagok lang. Para makalimot.” sabi ni Rafael. Tinulak ang baso sa kanya. Nag-alinlangan siya. Pero inabot niya ang baso. Isang lagok. Mainit sa lalamunan. Napapikit siya saglit. “Masama ’yan,” sabi niya. “Minsan kailangan,” sagot ni Rafael. Ngumiti siya nang bahagya—isang ngiting hindi sigurado kung panunukso ba o pag-amin ng pagkatalo sa sariling bisyo. “Hindi kayo mukhang masaya kahit marami kayong pera.” Napatawa siya nang mahina. “Ikaw ang unang nagsabi niyan.” Tahimik ulit. Mas mabagal ang oras. “Luna,” tawag niya. “Po?” agad na tanong nito na parang nag-tataka. “Pwede ka bang manatili sandali?” Hindi agad siya sumagot. Wala namang naghihintay sa kanya sa bahay. Katahimikan lang. “Opo.” tumayo si Rafael. Lumapit. Hindi agresibo. Hindi sigurado. “Kung aalis ka, maiintindihan ko.” sabi niya, seryoso. Tumingin si Luna sa kanya. Kita niya ang lungkot. Ang pagod. Hindi ang CEO. “Hihinto tayo kapag sinabi mong ayaw mo,” dagdag niya. Tumango si Luna. “Sasabihin ko.” Dahan-dahang umangat ang kamay ni Rafael. Dumampi sa pisngi niya. Mainit. “Ganito lang,” bulong niya. Lumapit si Luna. Halos magkadikit ang noo nila. “Rafael…” mahina niyang sabi. Pero hindi siya umatras. Huminga si Rafael nang mabigat laban sa labi niya. Ramdam ni Luna ang init ng katawan nito, ang bahagyang paghaplos ng kamay sa balikat, at ang tibok ng dibdib niya na tila humahabol sa kanya. “Sabihin mo lang,” bulong niya. Hindi nagsalita si Luna. Sa halip, hinayaan niyang lumalim ang halik. Walang pagmamadali. Walang pangako. Isang sandali ng pahinga. Kinabukasan. Nagising si Luna sa malamig na liwanag ng umaga. Umupo siya sa kama. Mabigat ang dibdib. Sa harap niya, nakatayo si Rafael — nakasuot na ng maayos. Nakaayos ang kurbata. Wala na ang lalaking nakita niya kagabi. “Good morning,” sabi nito, pormal. Parang wala lang. Tumango siya. “Good morning.” Inilapag ni Rafael ang isang sobre sa mesa. “Para sa katahimikan,” sabi niya. “At para hindi makaapekto sa trabaho mo.” Nanlambot si Luna. Ayaw niyang tanggapin. Pero naalala niya ang nanay niya. Ang ospital. Ang mga bayarin. Kinuha niya ang sobre. “Hindi mo kailangang tanggapin ’yan,” sabi ni Rafael, malamig ang tono. “Kailangan,” sagot niya. “Kailangan… o pinipili mo lang?” “May pinagkaiba ba? Kapag may umaasa sa’yo?” Tahimik siya. “Hindi ko alam na ganito ka,” sabi ni Rafael. “Mahina?” mapait ang ngiti niya. “Hindi, matatag.” agad nitong sagot. Napatingin siya sa kanya. “Kung matatag ako, ito ang dahilan bakit ako nandito.” Lumapit siya nang bahagya. Mahina ang boses ni Luna, pero malinaw. Parang pag-amin na matagal na niyang kinikimkim. Lumapit si Rafael nang bahagya. Hindi sapat para hawakan siya. Hindi sapat para maging mali. Pero sapat para maramdaman niya ang init ng presensya nito. “Isang gabi,” “Hindi na mauulit.” mariing sabi niya. “Hindi rin naman ako babalik,” sagot ni Luna. “Trabaho lang. Walang higit pa.” Nagkatinginan sila. Parehong nagsisinungaling. “Kung may makarinig—” simula ni Rafael. “Walang makakarinig,” putol niya. “Hindi ako gano’ng klaseng tao.” “Good,” sagot niya. “Mas mabuti ’yan para sa’yo… at sa akin.” Para sa atin. Gusto sana niyang sabihin. Pero hindi niya ginawa. Humakbang si Luna palayo. “Sir—Rafael,” sabi niya bago tuluyang lumabas. “Sana maging okay kayo.” Hindi siya sumagot. At habang isinasara niya ang pinto, pareho nilang alam— Tapos na ang usapan. Pero hindi ang epekto. Dahil may mga gabing kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik. At sa pagitan ng kapangyarihan at pangangailangan, may nabuo na hindi nila gustong pangalanan. At mas mapanganib iyon kaysa sa inaakala nilang simpleng pagkakamaliMaaga pa lamang ay nasa elevator na si Luna. Tahimik siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin habang hinihigpitan nang bahagya ang manggas ng blouse niya para matakpan ang ilang band aid sa braso. Naglagay rin siya ng manipis na skin-tone bandage sa gilid ng binti kung saan may natira pang pasa. Ayaw niyang maging sentro ng usapan. Ayaw niyang magpaliwanag. At higit sa lahat, ayaw niyang maalala ang nangyari kagabi. Nang bumukas ang elevator sa floor nila ay agad siyang bumuntong-hininga at inayos ang sarili. “Good morning,” mahina niyang bati sa ilang empleyadong nasalubong. May ilan namang ngumiti. May ilan ding agad napatingin sa mga band aid niya. At may ilan na halatang nagpipigil ng tanong. Hindi na niya iyon pinansin. Tahimik siyang nagtungo sa desk niya, inilapag ang laptop bag, inilabas ang laptop, at nagsimulang magbukas ng mga email na kailangan niyang asikasuhin. Akala niya ay magiging tahimik ang umaga. Nagkamali siya. “ay wow? paawa yarn?” Agad niyang
Tahimik ang buong hallway habang mabilis na naglalakad si Rafael dala si Luna sa kaniyang mga bisig. Hindi na nito pinansin ang mga empleyadong napapatingin sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang dalhin si Luna sa ligtas na lugar na malayo sa nangyari kanina.Mahigpit na nakakapit si Luna sa kuwelyo ng polo niya. Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya, para bang doon lang nito nararamdaman ang seguridad matapos ang takot na pinagdaanan.“Rafael…” mahina nitong tawag.Agad siyang tumingin dito. “I’m here.”Hindi na sumagot si Luna. Mas lalo lamang itong sumiksik sa kaniya.Pagdating nila sa opisina, marahan niyang isinara ang pinto gamit ang paa bago dinala si Luna sa sofa.Ngunit bago pa niya ito ibaba, napatingin siya sa mesa.Naroon pa rin ang mga bote ng alak.Mga basong kalahating laman.Mga bakas ng gabing hindi sana nangyari.Napapikit siya nang madiin.“Damn it…” bulong niya.Kung hindi siya nakainom. Kung hindi siya naging kampante.Kung hindi niya hinayaang mawala sa pa
Mahigpit ang hawak ni Victor sa bewang ni Luna habang nakasandal ito sa malamig na pader ng restroom. Ramdam ni Luna ang mabigat nitong paghinga sa leeg niya at ang amoy ng alak na halos makasakal sa kanya. Nanginginig na ang kamay niyang pilit itinutulak ang dibdib ni Victor palayo, pero mas lalo lang itong dumidiin. “Sir Victor… tama na po!” hirap na sabi ni Luna habang umiwas ang mukha niya nang pilitin nitong idikit ang labi sa leeg niya. “Please… bitawan niyo po ako!” Ngumisi lang si Victor, mapula ang mga mata dahil sa alak habang mabagal na hinagod ng kamay ang gilid ng bewang niya pababa. “Come on, baby… don’t act innocent,” paos nitong bulong habang lalo siyang kinukulong sa pagitan ng katawan at pader. “I know men stare at you. That body? Damn… even Rafael can’t hide it, ang sarap mo kasi” “Tumigil po kayo!” halos maiyak nang sigaw ni Luna habang pilit umiilag. At doon— BUMAGSAK ang pinto. Malakas at padabog. Parehong napalingon sina Luna at Victor. Nakatayo roon
Mabigat na ang gabi sa buong kumpanya.Sa pinakataas na floor, nananatiling bukas ang opisina ni Rafael habang nagkakalat sa loob ang amoy ng mamahaling whisky at usok ng sigarilyo.Nakasandal si Victor sa sofa habang hawak ang baso ng alak. Nakabukas ang ilang butones ng polo niya at bakas sa mukha ang tama ng alak. Samantalang si Rafael naman ay nakaupo sa swivel chair niya, seryosong nakatingin sa laptop kahit medyo namumula na rin ang tenga at leeg dahil sa iniinom.“Tsk,” natawa si Victor habang umiikot ang whisky sa baso niya. “You’re still working? Relax, man. Tonight is our last peaceful night bago tayo mabaliw sa project na ’to.”Hindi agad sumagot si Rafael. Uminom muna siya bago sumandal sa upuan. “I don’t waste time drinking like you.”“Yeah?” napangisi si Victor. “Pero ikaw itong halos maubos na ang bottle.”Napatingin si Rafael sa halos kalahating bote na ng whisky ang bawas at napamura siya nang mahina. “Shut up.”Tumawa si Victor nang malakas bago nagsindi ulit ng siga
Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael, ngunit ramdam ang tensyon sa hangin. Nakaupo si Victor sa tapat nito, nakaangat ang isang paa habang dahan-dahang iniikot ang baso ng whisky sa kamay niya. Samantala, si Rafael ay tahimik lang na nakasandal sa swivel chair niya, seryoso ang mukha habang nakatingin sa laptop screen na parang walang pakialam sa kayabangan ng kaharap. “Not bad,” komento ni Victor habang nililibot ng tingin ang malawak na office. “Mas lumaki pala company mo compared last year.” Hindi agad sumagot si Rafael. Humigop muna siya ng whisky bago malamig na tumingin dito. “I can say the same thing to you, lumaki din ang company mo.” Napangisi si Victor. “Of course. Alam mo naman ako, I don’t lose.” “Neither do I.” di pag papatalong sagot ni rafael. Nagtagpo ang mga tingin nila. Parehong mabigat. Parehong mayabang. Pero maya-maya ay nagtawanan din sila nang bahagya, parang dalawang leon na pansamantalang nagkasundo para sa iisang pakinabang. “Honestly,” sabi ni Victor
Tahimik ang buong floor matapos mapahiya si Roset sa harap ng lahat. Ngunit habang ang ibang empleyado ay nagkukunwaring abala sa trabaho, hindi maiwasang mapatingin ng karamihan kay Victor Silviador na tila may hinahanap sa paligid.At iyon ay si Luna.Nakatayo si Victor ilang metro mula sa desk nito habang tahimik na inoobserbahan ang babae. Hindi siya nakikisali sa usapan ng iba. Hindi rin nagpapa-impress gaya ng karamihan sa empleyado. Diretso lang ang likod nito habang nakatutok sa laptop, mabilis gumalaw ang mga daliri sa keyboard at paminsan-minsang sumusulyap sa mga documents sa tabi.Napangisi si Victor nang bahagya.“Interesting…” mahina niyang bulong sa sarili.Napansin iyon ni Rafael na nakatayo sa tabi niya. Agad sumama ang tingin nito kay Victor habang sinusundan ang direksyon ng mga mata niya.“Don’t mind her,” malamig niyang sabi habang nakahalukipkip. “She’s busy.”Hindi sumagot si Victor.Patuloy lang itong nakatingin kay Luna.“And she’s just an employee,” dagdag ni
Umaga pa lang, gising na si Luna.Tahimik ang buong bahay. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang nakatitig sa blangkong screen.Hindi siya makatulog nang maayos kagabi.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong.“Tama pa ba ’to?” mahina niyang bulong sa sarili.Napahawak siya s
Tahimik ang executive office. Tanging mahihinang ilaw mula sa city skyline ang sumasalamin sa malaking salamin sa likod ni Rafael.Nakatayo siya roon, isang kamay ang nakasuksok sa bulsa ng slacks niya habang ang isa ay hawak ang cellphone. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa hulin
Tahimik na ang buong kumpanya. Sa executive office, nakaupo pa rin si Rafael Blackwell sa likod ng mesa niya, ngunit halatang hindi na siya nagtatrabaho. Nakabukas ang laptop, ngunit hindi gumagalaw ang cursor sa screen. Sa isip niya, paulit-ulit ang nangyaring usapan nila ni Roset. You’re jus
Gabi na sa kumpanya. Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga empleyado. Unti-unting nawawala ang ingay ng keyboard, tawanan, at pag-uusap sa bawat cubicle.Sa executive floor, nakaupo si Rafael Blackwell sa likod ng malawak niyang mesa, tahimik na nakatitig sa mga dokumento.Pinindot niya ang intercom.“







