共有

C 5

作者: KYLIEROSE
last update 最終更新日: 2025-12-16 19:30:17

KINABUKASAN, tulad nga ng sinabi ni Beckett ay pinadala nga nito ang mga damit pang opisina na susuotin ko. Pero sa dami ni'yon ay halos mapuno na ang kwarto ko at idagdag pa na branded ang mga iyon.

Dahil tulog pa si Alessandro ay naligo na ako at naghanda na sa pagpasok. Pagkatapos kong maligo ay agad kong isinuot ang isa sa mga napili kong ternong office attire.

It's a red blazers suits two piece with tops and skirt. Bumagay iyon sa balingkinita kong katawan. Pagkatapos kong magbihis ay itinali ko pataas ang buhok ko, in a messy bun style at naglagay lang ako ng manipis na make up para hindi naman ako maputla tingnan.

Pagkatapos kong mag-ayos ay tinitigan ko ang sarili ko mula sa salalim. Hindi sa pagyayabang ay may taglay naman akong kagandahan at may ibubuga rin.

Medyo kabado ako kasi halos limang taon na na mula noong huling nagtrabaho ako bilang sekretarya. Sana lang talaga hindi ako pumalpak sa unang araw ng trabaho ko.

Nang masiguro kong maayos na ako tska ako lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Alessandro para magpaalam. Eksakto naman gising na siya pagkapasok ko at kumakain na ito ng umagahan niya. Inasikaso na siya agad ng personal main niyang si Annie.

"Good morning, nak," bati ko sa kanya.

"You look beautiful, Mama. Saan po ang punta mo?"

"Hmmm... Papasok?"

"Pero hindi ka naman po ganyan manamit tuwing papasok ka po."

Napangiwi siya. "Bago na kasi ang trabaho ni mama."

"Iyung boss mo po ba, siya ang tumulong sa'yo panggastos sa hospital at ang nagpatira po sa atin dito?" usisa niya.

"Opo, ganu'n na nga."

Ngumuso ito at marahan na tumango. "Okay po. Please tell him thank you. Hindi pa po ako nakakapagpasalamat sa kanya. Siguro po mabait siya, Mama. I want to meet him personally to say thank you."

Mapait ko siyang nginitian. Nakakalungkot lang dahil kabaliktaran ang gustong mangyari ni Beckett.

"Don't worry I tell him." Lumapit na ako sa kanya at kinintalan siya ng halik sa noo, sa pisngi at sa tungki ng ilong niya. Ikinatawa niya ang ginawa ko.

"Mama naman eh!"

"Bakit? Ayaw mo na magpakiss kay mama?"

"Someone is here po kasi." Simple niyang nginusuan si Annie.

"Oh!" Marahan akong tumango.

"Sige na po, Mama. Alis ka na po baka ma-late ka pa po."

"Okay, I get going. See you later, honey! I love you!" paalam ko sa kanya bago tuluyang umalis.

Hindi ko na nagawang mag-umagahan dahil ayokong ma-late sa unang araw ng trabaho ko. Pagkalabas ko, nagulat pa ako nang mabungaran ko ang isang kulay itim na sasakyan at si Luca na naghihintay sa labas.

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ka, Miss Gomez."

"Sinusundo ako? Bakit? Kaya ko naman pumasok mag-isa."

"Ito ang utos sa akin ni Mr. Velasquez." Binuksan na nito ang pinto sa may passenger's seat.

Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Hindi ko magawang tumingin kay Luca. Ako kasi ang nakokonsensya sa ginawang desisyon ni Beckett na gawin akong secretary nito.

Gusto ko sanang tanungin si Luca kung ano na ang trabaho nito ngayong ako na ang bagong sekretarya ni Beckett. Pero minabuti ko na lang na manahimik. Ayoko na lang mag-usisa pa.

Pagkarating namin sa building ng King's Inc. ay agad na kaming pumasok ni Luca. Ang guwardyang tumulak sa akin noon paalis ngayon ay todo ngiti na sa akin at halos mabali ang likod nito kakayuko.

Halos sundan ako ng tingin ng lahat. Naapapaisip tuloy ako kung may mali ba sa itsura ko?

"Sino kaya siya?" narinig kong tanong ng babae na kasama naming sumakay sa elevator.

"Baka bagong babae ni Sir Beckett?" nahimigan ko namang sagot ng babaeng kasama nito.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko na sagutin ang mga ito hanggat maaari. Gusto ko silang itama pero nanahimik na lang ako.

Dahil nasa taas ang opisina ni Beckett ay kami ni Luca ang huling natira sa loob ng elevator. Hindi ko mapigilang kabahan habang palapit nang palapit ang huling palapag.

"Relax, hindi ka naman kakainin ni Mr. Velazquez," sabi ni Luca mula sa pananahimik.

Halata bang kinakabahan ako? Pero pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Iba kasi ang dating sa akin ng sinabi niya.

Marahan kong pinilig ang ulo ko para alisin ang kapilyahang pumapasok sa isip ko. Nandito ako para magtrabaho hindi sa kung ano man.

Pagkababa namin sa elevator, imbis na dumiretso kami sa opisina ni Beckett ay dinala ako ni Luca sa office table nito dati na nasa labas ng opisina ni Beckett.

"Listen carefully. Dito nakalagay ang mga schedule ni Mr. Velasquez." Itinaas ni Luca ang kulat itim na planner. "At ito naman ang mga schedule ni Mr. Velasquez sa mga babaeng dapat niyang kitain." Itinaas naman nito ang maliit na kulay pulang notebook.

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin ako sa pulang notebook na inabot nito sa akin. "You must know how to deal with his woman," sabi pa nito.

"W-what do you mean?"

"May mga babaeng hindi alam ang salitang 'tapos' na. Siguro naman naiintindihan mo 'yon because you been there."

Gusto ko siyang tuktukan at sabihing... "For your information, ako ang kusang umalis at hindi ako naghabol!" pero mas pinili ko na lang na manahimik.

"Maliban dito wala na ba akong ibang dapat gawin?" pag-iiba ko. Ayoko naman na maging bouncer lang ng mga babae ni Beckett.

"Sasama ka sa mga meeting ni Mr. Velasquez sa loob man o sa labas ng kumpanya. You will list every single details na napag-uusapan sa meeting. Sasama ka rin sa mga lakad niya out of the country kung ipapasama ka niya. and one of his rules that you should not break is his trust. If I were you, don't betray him. Hindi mo gugustohing magalit ang isang Beckett Velasquez."

May naramdaman ako ng kaba sa huling sinabi niya. Pero bakit naman ako matatakot? Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko 'yon magagawa kay Beckett.

"I-iyon lang ba ang trabaho ko?"

"Yes. If you do your job and don't cross the line, you'll be okay," aniya.

Sinundan ko ng tingin ang paghakbang niya papunta sa pintuan ng opisina ni Beckett. Tulad ng una nitong ginawa, kumatok muna ito ng tatlong beses bago tinulak pabukas ang pinto.

"She's here, Boss," sabi ni Luca na sinenyasan akong pumasok.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago humakbang papasok sa opisina ni Beckett at tsaka lumabas si Luca.

Ilang minuto na akong nakatayo sa harapan ng office table niya pero wala itong sinasabi at nanatili lang na nakatuon ang atensyon nito sa ginagawang trabaho.

"Boss—sir—Mr. Velasquez—umh...what should I call you?" putol niya sa katahimikan.

"Call me whatever you want."

Tumuon ang mga mata ko sa name plate na nasa office table nito.

"Beckett Giovanni Silvio Armani Velasquez," mahina kong basa. Hindi ko akalain na maririnig nito iyon.

Huminto ito sa ginagawa at walang emosyong tumingin sa akin. Mula sa aking mukha, gumapang ang tingin nito pababa sa aking paa at muling bumalik sa aking mukha. Nakaramdam ako ng panliliit sa ginawa niyang pagsuri sa akin.

"Say my name again," malamig nitong utos sa akin.

"Beckett Giovanni Silvio Armani Velasquez."

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito. "Alam mo bang ikaw pa lang ang naglakas ng loob na sabihin ang buo kong pangalan?"

Napalunok ako. "H-hindi ba pwedeng banggitin ang buo mong pangalan—"

"Say my name again, and I'm going to punish you right here, right now," pagbabanta nito.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "I'm sorry, sir."

"Anyway, that clothes suits you."

Biglang tumahip ng mabilis ang puso ko sa simpleng pagkakasabi na iyon ni Beckett.

"T-thank you, Sir."

"What's my schedule for today?"

Dali kong tiningnan ang schedule niya ng araw na iyon sa planner. "You have breakfast meeting with Mr. Santiago in Sangera Hotel at 8'oclock am. Meeting with Board members at 1:00 pm in the afternoon in conference room and Dinner meeting with Ashley Ferico... umh no particular place, Sir," pagbibigay inpormasyon ko sa kanya.

"Okay. Let's go." Agad itong tumayo at nagpatiuna ng lumabas. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang dito.

TUMAGAL ng apat na oras ang meeting ni Beckett at wala akong ibang ginawa kundi ang maupo at magmukmok sa sulok ng isang high restaurant.

Tinanong ko siya kung ano ba ang maitutulong ko pero ang inutos lang niya sa akin ay ang maupo sa gilid. Nakakabanas lang dahil pinasama ako para lang maupo sa sulok at si Luca ang nasa tabi nito para maglista ng mga importanteng pinaguusapan sa meeting.

Hindi ako nakapag-umagahan dahil sa kamamadali tapos ito lang pala ang mapapala ko? Gusto ko um-order kaso mamahalin ang mga pagkain dito. Wala akong sapat na halaga para bumili ng pagkain.

Umismid ako nang makita ko nang kinakamayan ni Beckett ang mga naka-meeting nito. Todo ngiti ang impakto, siguro na-close nito ang deal.

Mabilis akong umiwas ng tingin kay Beckett nang lingunin niya ako. "Ms. Gomez."

Nilingon ko siya na may pekeng ngiti. Ginagawa ko ang nakakaya ko na maitago ang inis na nararamdaman ko.

"Babalik na ta'yo sa office," anito at nagpatiuna nang lumabas ng restaurant.

"Seriously?" hindi ko mapigilang masabi, buti nalang ay naka labas na ito.

Buti pa sila nakakain ng umagahan! Nakakairita talaga! Hindi man lang ako tinanong kung kumain na ba ako o kung nagugutom na ba ako tutal tanghalian na rin naman. Isa pa gutom na gutom na talaga ako!

Nanlulumong sumunod ako sa kanya at walang imik na sumakay sa kanyang BMW. Itinuon ko lang ang tingin ko sa labas ng bintana dahil hanggat maaari ayokong tumingin sa kanyang mukha dahil naiirita talaga ako.

Sana nga, huwag nalang siyang magsalita. Sabi ko mula sa aking isipan.

"Did you say something?"

Kurap-kurap na tumingin ako sa kanya. Did I say it out loud?

"W-wala po, Sir," mabilis kong sagot.

Magsasalita pa sana si Beckett nang mag-ring ang cellphone nito na agad naman nitong sinagot na lubos kong pinagpapasalamat.

"It's good to hear. Call me again and tell me everything that happened there." Iyon lang at pinutol na nito ang linya.

Nagpapasalamat talaga ako na hindi na muli ito nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa opisina. Kakaupo ko palang sa pwesto ko nang may dumating na isang magandang babae at ubod ng sexy.

Bakit sexy din naman ako ha? Sabi ko sa aking sarili kahit na alam kong wala akong panlaban sa mala melon niyang dibdib.

"Hi! Beckett is there?" malambing ang boses na tanong niya sa akin.

"What is your name, ma'am?"

"Dianna."

"For awhile ma'am," sabi ko na agad na tinawagan si Beckett mula sa intercom at sinabi na may bisita ito.

"Let her in," utos nito na agad ibinaba ang intercom.

"Pwede na ho kayong pumasok." Pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya na ipinagbukas ko pa siya ng pinto.

Sino kaya ito? Girlfriend ni Beckett? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa isiping 'yon. Eh ano naman ngayon kung may girlfriend si Beckett?

Dali kong tiningnan ang pulang libro na inabot sa akin kanina ni Luca kung nandoon ba ang pangalan nito, pero wala. Eh ano naman ba ang pakialam ko kung sino man ito?

Imbis na isipin ko kung ano ang kaugnayan ng babaeng iyon ay nag-order na lang ako ng tanghalian ko dahil hindi naman ako mabubusog kakaisip kung ano ang ginagawa ng dalawa sa opisina ni Beckett.

Ilang minuto ay dumating na ang magde-deliver ng inorder kong pagkain. Kinakailangan ko pang bumaba para ako mismo ang mag receive sa baba.

Nasa 25th floor ako nang huminto ang elevator at may sumakay na lalaki. Matangkad ito, kayumanggi ang kulay at may kagwapuhan. Pero mas lamang ng mga limang paligo si Beckett.

Mabilis kong pinilig ang ulo ko dahil si Beckett na naman ang iniisip ko.

"Hi! Are you new here? Sorry kung natanong ko. Ngayon lang kasi kita nakita," sabi ng lalaki.

Nilingon ko siya at binigyan ng pekeng ngiti. "Oo, bago lang ako."

"Saang department ka?" muling usisa nito.

"Actually, bagong secretary ako ni Mr. Velasquez."

"Really?" may nakita akong kakaiba sa mga ngiti niya na hindi ko maintindihan. Pero binaliwala ko na kang iyon.

"By the way, my name is Martin." Inilahad nito ang kamay sa harapan niya.

"Jordan." Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya. Ayoko naman maging bastos sa unang araw ko sa trabaho.

"Nice to meet you, Jordan. Your name is beautiful like you," sabi pa nito.

Parang may nakapagsabi na sa'kin niyan. Saan ay kailan ko ba iyun narinig?

Doon naman bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa amin si Luca. Awtomatikong bumaba ang mata nito sa mga kamay namin ni Martin na magkahawak. Tikhim na mabilis kong binawi ang kamay ko mula kay Martin.

"Mr. Armani," bati ni Martin kay Luca.

Armani? Diba nasa pangalan iyon ni Beckett? Magkamag anak ba si Beckett at Luca? Kaya ba may pagkapareho ng ugali ang mga ito?

Hindi pinansin ni Luca si Martin at tumingin siya sa akin. "Miss Gomez, saan ka pupunta?"

"Ahh... kukunin ko lang 'yung inorder kong pagkain online."

"Ganu'n ba? Bumalik ka agad sa taas baka hanapin ka agad ni Mr. Velasquez."

Anito na sumakay sa elevator siya naman ay bumaba ganu'n din si Martin. Ang sungit din talaga.

Napasimangot ako nang sumara ang pinto. Ako hahanapin agad ni Beckett? Eh busy nga iyun sa babae niya kaya imposible!

Minabuting kunin ko na lang ang order kong pagkain kaysa intindihin ko pa sila.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A Night with HIM    C 18

    NAGISING ako at agad kong nabungaran sa tabi ko si Beckett na tulog na tulog sa tabi ko. Ala-singko pa lang ng umaga nang sipatin ko ang oras na nasa kwartong iyon. I kiss on his lips before carefully leaving his side.Dinampot ko ang malaking t-shirt ni Beckett na nasa sahig at agad iyong isinuot. Sa ilang gabi pa lang namin ni Alessandro rito sa penthouse niya, walang gabi na hindi niya ako inaangkin. At ngayon, we did it all night.Tiningnan ko muna siya bago ko inihakbang ang mga paa ko palabas sa balkonahe at agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hanging pagkalabas ko. Humugot ako ng hangin tsaka iyon marahan na ibinuga.I feel sore because Beckett fuck me last night over and over again. Isa sa napansin ko sa kanya ay naginging dominant siya it comes to sex. Pero imbis na matakot ako ay nakakaramdam pa ako ng excitements at mas lalo ni'yon napapainit ang pagnanasa ng katawan ko.Masaya ako sa pagbabagong nangyayari sa amin ngayon. Hinihiling ko na lang na sana hindi na mat

  • A Night with HIM    C 17

    MALAKAS akong napaungol nang damhin ni Beckett ang pagkababae ko. Even though I still have my undies I could still feel his warm hand touching mine.Sinasabayan ng paghalik niya sa akin ang paglalaro ng kanyang mga daliri sa pagkababae ko.Ang mga labi ni Beckett ay gumapang pababas sa aking baba, sa leeg, at gumapang pababa sa aking balikat. Napaliyad ako nang sakupin ng mga labi niya ang tayung-tayo ko ng utong. Sumisipsip at kumakagat-kagat."Ahhh...Beckett..."Ang mga labi ni Beckett ay muling bumalik sa mga labi ko para muli akong halikan. He kissed me hungrily, groaning as he bit my lips and pulled away. Mataimtim niya akong tinitigan. His eyes were dark, kung noon wala akong makita na kahit na anong emosyong, ngayon kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya.This man awakened something inside of me. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang maangkin ni Beckett."Oh, god!" anas ko nang ipaglandas ni Beckett ang daliri niya sa tuktok ng dibd

  • A Night with HIM    C 16

    "BECKHAM, anong sa tingin mo?"Napapiksi ako nang hawakan ako ni Francesca sa braso. Pinag-uusapan namin ang magiging tema ng kasal naman at kung saan gaganapin. Pero ang isip ko ay na kay Jordan."Did you say something?"Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa ako salita nang salita rito pero ang isip mo wala rito," inis niyang sabi."Meron lang akong iniisip.""Trabaho na naman? I'm here, Beckett. You should focus on me!"Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Meron lang talaga akong importanteng iniisip.""Importante? Meron pa bang higit na importante sa kasal natin? My josh, Beckham, malapit na ang kasal natin pero kung anu-anong mga walang kwentang bagay pa ang inuuna mo—umh!"Galit kong hinawakan ang mukha niya. "Alam mong wala akong pakialam sa kasal. Lalong alam mong hindi kita gustong pakasalan, Francesca. Kung gusto mong magplano, magplano ka mag-isa mo!" padaskol kong binitawan ang mukha niya."Get the hell out of my office!" sikmat ko sa kanya."Makakarating ito kay Daddy!" Galit

  • A Night with HIM    C 15

    KAHIT sinundo ako ni Luca ay hindi ako sumakay sa sasakyan niya dahil masama pa rin ang loob ko kahit tatlong araw na ang nakalipas at ayoko talagang magpahatid sa kanya.Hindi rin ako pumayag na magkaroon ng bodyguard nang sabihin sa akin ni Luca. Ayoko nang tumanggap ng kahit na ano na magmumula kat Beckett.Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting kasama mga board member 3 at tahimik lang akong nasa likod ni Beckett habang nililista ang mga importanteng ditalye na dinidiskusyon nila.Napatingin kayo kay Beckham nang abutan niya ako ng upuan na ikinatingin sa amin ng board members na nandoon. Marahil ngayon lang nila nakita na ginawa ni Beckham ang ganito."Maupo ka muna," aniya."Thank you, Sir, but I'm okay."Pero hindi siya tumigil at inalalayan pa niya akong maupo. Hindi rin ako makaangal dahil pagod na rin naman talaga ako dahil ilang oras na rin akong nakatayo."T-thank you, Sir.""Welcome," anito at muli na siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.Tumagal pa ulit ng ilang minut

  • A Night with HIM    C 14

    PAGKATAPOS ng nangyaring insidente isang Lingo na ang nakalilioas, hindi muna ako pinapasok ni Beckett sa trabaho. Pasalamat din ako kasi nagkaroon ulit ako ng time para asikasuhin si Alessandro dahil grabeng trauma ang naging ipekto sa kanya ng nangyari.Tuwing gabi nananaginip siya at sa umaga naman ay ayaw niyang mapag-isa.Buntong hiningang hinalikan ko sa noo si Alessandro nang mapatulog ko siya ngayong tanghali. Marahan akong umalis sa kama at walang ingay na lumabas ng kwarto niya.Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong tiningnan ang cellphone ko kung nag-reply ba si Beckett sa mga message ko sa kanya sa beep message mula pa noong isang araw, pero ni isa sa mga message ko ay hindi niya binasa man lang.Ngusong naupo ako sa gilid ng kama. Nadidismaya ako dahil hindi man lang binabasa ni Beckett ang mga message ko. Pero bakit kaya?Nagalit kaya si Beckett dahil sa nangyari, kaya hindi siya nagsi-seen sa mga message ko?Kung tawagan ko kaya siya?Kagat-labing tinawagan ko ang numer

  • A Night with HIM    C 13

    LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang hilahila si Alessandro na umiiyak na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya.Ang lalaki panay sunod din sa amin at hindi kami tinatantanan. "Jordan!" narinig kong tawag niya sa pangalan ko na kinahinto ko.I know that voice.Nilingon ko siya. Doon tinanggal ng lalaki ang sumbrero niya. It's Martin. Pero bakit sila nito sinusundan?"M-Martin?" tinago ko si Alessandro sa likuran ko. "Nandito ka rin pala.""Bakit parang nagmamadali kayo?""Ahh may pupuntahan pa kasi kaming importante," pagsisinungaling ko."Mama, balik po tayo 'dun. Gusto ko pa po manood ng show," pangungulit sa akin ni Alessandro."Siya ba ang anak mo, Jordan?" Sinilip niya si Alessandro na nasa likuran ko."O-oo."Nangunot ang noo ni Martin. "Why he looks like...""Sige, Martin, mauna na kami ha?"Akmang aalis na kami ay pinigilan niya ako sa braso at hinila palapit dito. Bahagya niyang binuksan ang suot niyang itim na jacket kaya lumantad sa mga mata ko ang baril na nakatago

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status