Share

CHAPTER 132

Author: Anne
last update publish date: 2026-03-15 22:01:54

CHAPTER 132

Pagkarating nila sa ospital ay agad na rin naman silang sinalubong doon ng mga nurse at agad na nilang inilipat si Maxene sa stretcher.

“Kaya mo yan, Maxene. Nandito lang kami,” sabi ni Bea habang nakasunod sila ni Bernard kay Maxene.

“Please, Maxene. Lumaban ka ha. I’m sorry,” sabi naman ni Bernard hbang hawak niya ang isang kamay ni Maxene.

“Dito na lamang po muna kayo para po masuri ng maayos ng doktor ang pasyente,” sabi ng nurse na humarang kila Bernard at Bea sa labas ng isang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
JH EN
more up dates pa Po sana
goodnovel comment avatar
JH EN
salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 185

    CHAPTER 185Dahan dahan naman na nag angat ng kanyang tingin si Bernard at saka siya muling napabuntong hininga “I-I’m sorry, Maxene. Sorry kung h-hindi ko kaagad sinabi sa’yo ang tungkol sa bagay na ito dahil sa totoo lang… n-natatakot kasi ako na baka iwasan mo na ako at tuluyan mo ng layuan,” sabi ni Bernard sa dalaga.“Ano ba kasi yan? Ano ba kasi ang sasabihin mo?” tanong pa muli ni Maxene.“M-Maxene ang t-totoo nyan ay… a-ako talaga ang tunay na ama ni baby Dyron at a-ako talaga ang lalaking nakasama mo ng gabi na iyon,” pag amin na ni Bernard at saka niya bahagyang pinisil ang kamay ni Maxene. “I’m sorry kung ngayon ko lang ito sinabi sa’yo. Balak ko naman na sana itong sabihin sa’yo noon pa pero natatakot kasi ako na baka magalit ka sa akin kaya pinili ko na lang muna na manahimik at hindi umamin sa’yo pero maniwala ka man o sa hindi ay humahanap talaga ako ng tamang tyempo para umamin sa’yo,” pagpapatuloy pa niya at talagang kinakabahan na siya ng mga oras na iyon.Bahagya n

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 184

    CHAPTER 184Makalipas naman ang ilang oras ay nagising na rin si Bernard at nagulat pa nga siya dahil pagtingin niya sa bintana ay madilim na pala sa labas. Napabalikwas pa nga siya ng bangon dahil parang wala pa yatang tanghali ng matulog siya pero ngayon nga ay madilim na ang kalangitan.“Gising ka na pala anak. Kumusta ang tulog mo? Mukhang bumawi ka talaga ng tulog ngayon ah,” nakangiti naman na sabi ni Diana kay Bernard.Napakurap kurap naman si Bernard at saka siya napatingin kay Maxene na buhat buhat na ang kanilang anak at nakaalalay dito ang ina nito.“P-Pasensya na po. Napahaba po yata ang tulog ko,* hinging paumanhin si Bernard.“Ayos lang yun hijo. Mas mabuti nga yan na nakatulog ka ng mahaba haba para makabawi ka naman sa puyat mo,” sagot naman ni Andrea.Nginitian naman ni Bernard ang ina ni Maxene at tila ba bigla siyang nakaramdam ng hiya rito.Napatingin naman si Bernard sa gawi ng mesa at naroon na pala ang kanyang ama kasama ang ama ni Maxene at mukhang may seryoson

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 183

    CHAPTER 183Hinayaan naman na muna nila na makapagpahinga si Maxene habang si Bernard naman ay nag asikaso na rin muna ng birth certificate ng kanilang anak kaya naman ang kanilang mga magulang na muna ang nagbantay kay Maxene at sa sanggol.“Mabuti naman at nagiging maayos na talaga ang lagay ni Maxene. Sana lang talaga ay tuluyan na siyang gumaling at maalala na rin nya kami,” sabi ni Diana kay Andrea. Naaalala kasi ni Diana ang pagiging sweet ni Maxene sa kanya noon kaya naman talagang nalulungkoylt siya ngayon na hindi siya nito maalala.“Sigurado ako na maaalala ka rin niya lalo na at madalas ka rin naman niyang nakakasama. Kailangan lang siguro talaga niya ng pahinga para tuluyan na nyang maalala ang lahat,” sagot naman ni Andrea.Isang malalim na bubtong hininga naman ang pinakawalan ni Diana dahil talagang umaasa siya na maaalala na siyang muli ni Maxene.“Pero mabuti na lang din talaga ay naaalala ni Maxene ang kanyang mag ama. Kung sakali siguro na hindi niya naalala si Be

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 182

    CHAPTER 182Dahil naman sa request na iyon ni Maxene ay agad na rin naman na kumilos si Bernard at agad na rin niyang pinuntahan ang doktor ng kanilang anak para itanong kung pwede na nilang ilipat sa kanilang private room ang kanilang anak. Laking tuwa rin naman ni Bernard dahil agad naman itong pumayag dahil na rin nga may malay na si Maxene.Makalipas naman ang mahigit isang oras ay may kumatok na sa silid ni Maxene at nang pagbuksan nila iyon ay may dalawang nurse na dumating na tulak tulak ang hinihigaan ng sanggol na anak nila Bernard at Maxene.Agad naman na inalalayan ni Bernard si Maxene na makaupo dahil hindi pa nito kayang umupo ng mag isa at hindi pa rin talaga ito pwedeng magkikilos masyado dahil sa sariwa pa ang sugat nito at bukod pa roon ay hindi pa rin talaga niya maaaring pilitin ang kanyang katawan na kumilos talaga dahil sa nangyari rito.“Dahan dahan lang ha. Hindi ka pa pwedeng magkikilos masyado,” paalala ni Bernard kay Maxene.Nginitian lang naman ni Maxene si

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 181

    CHAPTER 181Nang makatulog na sa bisig ni Bernard ang kanyang anak ay nagpasya na rin siya na umalis na roon at deretso na rin siyang bumalik sa silid kung nasaan si Maxene.Maka ilang ulit pa nga napabuga ng hangin sa kanyang bibig si Bernard bago siya nagpasya na buksan ang pinto ng silid ni Maxene. Dahan dahan pa nga siyang pumasok doon at ang una niyang nakita ay ang kanyang nga magulang na nakatingin sa kanya. Nagpatuloy naman sa paghakbang niya si Bernard at nang mapatingin siya sa higaan ni Maxene ay nakita niya ang mga magulang nito na nakaupo sa hinihigaan ng dalaga. At nang mapansin ng mga ito ang kanyang pagdating ay agad din naman na tumayo ang mga ito.Nang magawi na ang tingin niya sa dalaga ay napabuntong hininga na lamang talaga siya ng mapansin niya na titig na titig ito sa kanya at tila ba kinikilala pa siya nito.Umalis naman na muna sa tabi ni Maxene ang kanyang mga magulang at pumunta na muna ito sa tabi ng mga magulang ni Bernard.Samantala hindi naman malaman n

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 180

    CHAPTER 180Una namang pumasok sa loob ng naturang silid ay ang mga magulang nila. Nagpaiwan muna saglit si Bernard sa labas ng naturang silid dahil kinakabahan at natatakot siya dahil hindi nga siya kilala ni Maxene.Pagkapasok ni Andrea sa loob ng silid ay dahan dahan pa itong naglakad papalapit kay Maxene habang nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.Titig na titig naman si Maxene habang naglalakad papalapit sa kanya ang kanyang ina at tila ba kinikilala niya ito.“K-Kumusta ka anak? Kumusta ang pakiramdam mo? N-Nakikilala mo ba ako?” sunod sunod naman na tanong ni Andrea kay Maxene at napatingin pa nga siya saglit sa doktor ng kanyang anak bago siya muling tumingin kay Maxene.Saglit naman na nanatiling walang imik si Maxene at maya maya pa ay ngumiti na nga ito.“Oo naman po. Kilala ko po kayo dahil kayo po ang mommy ko,” nakangiti pa na sabi ni Maxene sa kanyang ina.Hindi naman napigilan ni Andrea ang kanyang sarili at agad niyang yinakap ang kanyang anak kasabay ng pagp

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 109

    CHAPTER 109Nang makarating sila Bernard at Maxene sa function hall ng naturang hotel ay sakto naman na magsisimula na ang naturang party. Isa isa naman na munang ipinakilala ng host ng naturang event ang mga bigating bisita na naroon ngayon. Ipinakilala rin syempre roon ang mga magulang ng binata

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 105

    CHAPTER 105Napatitig naman si Maxene sa binata at wala talaga siyang ideya sa kung anuman ang sasabihin pa nito.“Next month nga pala ay anniversary ng aking kumpanya at magkakaroon kami ng anniversary party. Gusto ko sana na isama ka roon bilang partner ko at syempre gusto kitang ipakilala sa lah

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 100

    CHAPTER 100Napatingin naman si Maxene kay Bernard dahil sa tanong na iyon ng kanyang ama at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.“M-Mag lilimang buwan na po akong buntis,” sagot ni Maxene dahil kailangan na rin naman niyang umamin sa mga ito.“Limang buwan? Pero hindi ba’t ke

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 95

    CHAPTER 95Hindi naman malaman ni Maxene kung ano ba ang sasabihin niya kaya naman bahagya na lamang niyang pinisil ang kamay ni Bernard na nakahawak sa kanyang kamay.Agad naman na napansin ni Bernard si Maxene at alam niya na hindi rin nito alam ang sasabihin nito. Ramdam din niya na kinakabahan

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status